JENNY'S POV:
NANGINGITI akong pinaharurot ang motor na ikinayakap ni ninong sa akin at ramdam kong kabado!
I giggled.
“Hwag mong paliparin, sweetheart! Kapag tayo sumemplang, mababalian tayo!” bulalas ng ninong.
“Kalma, ninong. I know what I'm doing. Sanay ako sa gan'to,” sagot ko na natatawa sa reaction niya.
Napangisi ako na paakyat ang daan at lubak-lubak iyon! Napapisil siya sa baywang ko. Tila nagbabanta.
“Sweetheart ha? Don't you dare,” pagbabanta niya.
But I didn't listen. Pinaharurot ko paakyat kaya napasigaw ito na napayakap sa akin! Madulas ang daan pero kayang-kaya ko naman. Ang sarap pakabain ang ninong! Habang paakyat ang motor sa malubak na daan, napapapikit nang mahigpit ang ninong sa kaba nito!
“Oh God! Please, protect us!”
Napahagikhik ako sa naibulalas niya sa sobrang kaba! Hanggang malagpasan namin ang paakyat na iyon at pumatag muli ang daan. Lubak-lubak kaya putik-putik na rin kami ng ninong, luckily, hindi kami sumemplang.
“Damn it, Jenny! Ako na lang,” aniya na ikinahalakhak ko.
“Relax, ninong. Para namang ginasgasan kita. Putik-putik lang tayo pero ‘di naman tayo sumemplang a,” natatawa kong sagot na nagmamaneho.
“Dahan-dahan nga kasi at madulas ang daan. Isang maling galaw mo lang, lilipad tayo,” giit niya pa.
“Wala ka yatang tiwala sa akin a.”
“I trust you, oo na– magaling ka pero ako na lang ulit. Magkaka-heart attack naman ako sa'yo,” aniya na ikinahagikhik ko.
“Kumalma ka kasi, ninong. Close your eyes. Hindi naman kita paliliparin e,” sagot ko dito na napailing.
Napapisil siya sa baywang ko nang paakyat muli ang daan at challenging ang dadaanan namin!
"Ako na," aniya na ikinahagikhik ko.
Muli kong pinaharurot ang motor na ikinasigaw nitong parang lulukso ang kaluluwa pahiwalay sa kanyang katawan! Mabuti na lang at mataas ang bigbike niya. Maganda rin ang gulong at makapit sa madulas na lupa kaya kayang-kaya ko siyang maniobrahin. Sadyang nerbyoso lang ang ninong.
"Woah! That's amazing!" hiyaw ko na makaakyat kami na hindi natutumba!
"That's crazy-- not amazing, Jenny. Nakakatakot kang humawak ng manibela. Akala mo yata ay pusa ka na nasa siyam ang buhay." He scolded me.
"Ninong naman. Ni hindi nga tayo natumba e. I know what I'm doing. Relax ka lang kasi," natatawang sagot ko.
HANGGANG makarating kami papasok na sa hacienda ng ninong. May signboard sa gilid na nakasulat private property. Meron ding arko na nakatayo sa papasok na nakasulat ang ‘Welcome to Hacienda Hendersonville’. Sementado na ang daan dito at ipinaayos ng ninong ang daan papasok sa kanyang hacienda. Ilang kilometro din ito bago makarating sa mansion.
“Okay na, ninong. Hindi na ako makahinga sa higpit ng pagkakayakap mo sa akin e. Plano mo yata akong pisatin a,” natatawang saad ko dito.
Lumuwag naman ang pagkakapulupot ng braso niya sa baywang ko. I'm driving pretty fast, the road is paved even though there are parts that uphill. The view is really nice since we're already up in the mountain. Sariwa at malamig ang hanging sumasalubong sa amin. Idagdag pang napakaganda ng mga kabundukan sa kabila nitong bundok na dinadaanan namin.
Ang sarap ibangking ng bigbike motor ng ninong sa tuwing kurbada ang daan. Marunong naman ang ninong na sumasabay sa tuwing pagbangkingin ko ang patakbo sa motor niya. Kaya hindi ako nahihirapan kahit pa mas mabigat siya kumpara sa akin.
Hindi nagtagal, pumasok na kami sa mansion. Napangiti ako na hindi kami sumemplang. Siguro naman, napabilib ko ang ninong.
“Oh– watch out!”
“Oh s**t!”
Napamura ako na iniwasan ang manok ng ninong na lumipad sa daanan namin– dahilan para sumadsad kaming dalawa at natumba sa lupa!
“Are you okay? May naipit ba sa'yo?” magkasunod na tanong ng ninong na kaagad napasuri sa akin.
Napailing ako na inalalayan nitong makatayo. “Damn that chicken. Sasakalin ko na talaga ang mga manok mo dito, ninong!”
Napakurap-kurap siya at kalauna’y napahalakhak. Naiinis akong sinipa ito sa binti na napadaing at natatawa pa rin. Perfect na sana e!
“Manok lang pala ang katapat mo, sweetheart.” Tukso nito na inismiran ko.
“Che! Where's that chicken? Babaliin ko ang leeg niya!” nanggigigil kong bulalas na hinanap ang manok na dahilan kaya kami sumemplang!
Tatawa-tawa naman itong ibinangon ang motor niya. “Ginasgasan mo ang motor ko oh? Pamporma ko ito e.” Aniya pa.
“Sisihin mo ang manok mo, ninong. Kung bakit kasi nag-aalaga ka ng mga manok e,” inis kong sagot na nagtanggal ng helmet.
Natawa naman ito. “Masarap mag-alaga ng mga manok, sweetheart. Malaki rin ang pakinabang natin sa kanila.” Giit nitong inirapan kong napahagikhik.
“Ano'ng masarap do’n? Pakalat-kalat sila at naninira ng tulog sa umaga,” inis kong sagot na nagpatiuna na sa mansion.
Sumunod naman ito. Pagpasok namin, nagulat pa sila nanay na makita kaming dalawa ng boss nila.
“Magandang umaga, señorita, Boss Sai,” magalang pagbati ng nanay sa amin.
“Magandang umaga din po, Nay. Pakihuli nga po ‘yong manok na kulay brown sa labas. ‘Yong mataba po na may mga anak na kasama.” Sagot ko.
“Ha? ‘Yong inahin? Bakit po, señorita?” tanong niya.
“Ulamin natin, Nay.”
Namilog ang mga mata niya. Nilingon ang ninong na napahagikhik sa likuran ko.
“Ahem! Sige po, Nay. Ipahuli mo na lang at mukhang lilitisin ng prinsesa natin ang inahin natin.” Naiiling sagot ng ninong at pinaniningkitan ko ito.
Napakamot pa sa ulo ang nanay. "Sige po, boss. Ipapahuli ko na lang ang manok."
Pumasok na ako ng mansion. Tumuloy ako sa silid ko at naligo. Putik-putik kasi ang suot ko dahil sa malubak na daan. Mabilis akong naligo at nagbihis. Paglabas ko, nagulat pa ako na nandidito ang ninong. Hindi pa nakakapagbihis.
"May kailangan ka po, ninong?" I asked him.
Napanguso pa ito. "Yeah, I'll just remind you about our deal earlier, sweetheart." Aniya.
My eyebrows furrowed. Naguguluhan na nakamata dito. "Ano po iyon, ninong?"
Ngumisi siya. "Kapag sumemplang tayo-- may parusa ka, hindi ba?" pagpapaalala niya.
"Oh," napasinghap ako na maalala iyon. "Yeah, bakit? Parurusahan mo ako? E manok mo naman ang may kasalanan a," sagot ko dito na ngumisi.
"Still, sweetheart. Sumemplang tayo. Kaya dapat tanggapin mo ang parusa mo," aniya na may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi.
Pinaningkitan ko ito. Napahalukipkip ako ng braso na matapang sinalubong ang mga mata niya.
"Okay, ano naman ang parusa ko, ninong? Pumayag ako sa deal kaya baka sabihin mong wala akong isang salita kung 'di ko tatanggapin ang punishment mo." Sagot ko na matiim na nakatitig dito.
Humakbang siya palapit. Nanatili ako sa kinatatayuan. Pinapakita sa kanya na hindi ako natatakot. Pumisil siya sa baba ko na bahagyang yumuko.
"Hmm. . . ano nga kaya ang ipaparusa ko sa pasaway na katulad mo, sweetheart?" aniya na halo-halong emosyon ang mababakas sa mga matang nagniningning.
Napataas kilay ako. "Kaya mo talaga akong parusahan? Paano kung isumbong kita kay daddy, hmm?" panghahamon ko na ikinangisi nito.
"Ang usapan natin-- walang magsusumbong, sweetheart. It's your fault. Sumemplang pa rin tayo." Pabulong aniya na inilapit pa ang mukha.
Napalunok ako na napatitig sa mapula niyang mga labi. Parang nang-aakit na naman ang mga iyon! Tila may boses ang nag-uudyok sa akin at kusang napatingkayad ang paa ko-- dahilan para maglapat ang mga labi namin!
Nanigas ang ninong na namimilog ang mga mata! Napangisi ako.
"Parurusahan mo pa rin ba ang little pumpkin mo, ninong? Kawawa naman ang little pumpkin mo kung parurusahan mo," paglalambing ko na nakatingala sa kanya at nagpa-puppy eyes para magpa-cute sa kanya.
Napalunok pa ang ninong na hindi nakasagot. Tila nalulutang siya sa paghalik ko sa kanya. Yumakap ako sa baywang niya na nakatingala dito.
"Y-you kiss me," usal niya na natauhan.
Natawa ako. "Yes, so?"
"Naughty," ingos niya na napapisil sa baba ko. "This is your punishment for being stubborn, you silly brat little pumpkin." Aniya at walang ano-ano ay inangkin niya ang mga labi ko!
Oh my God! He kiss me on my lips?!