JENNY'S POV:
NANGUNOTNOO ako na maramdamang mag-isa na ako sa kama. Napakusot-kusot ako ng mga mata bago nagdilat. Wala na nga ang ninong dito sa silid. It's already eight o'clock in the morning na rin. Ang sarap ng tulog ko at walang mga manok na maingay sa umaga.
Napangiti ako na bumangon na sa kama. I headed to the restroom to do my morning routine. Tiyak na nasa labas na ang ninong at naghahanda ng agahan. Nakakainis lang kasi-- babalik na kami mamaya sa hacienda.
Kung sabagay, hindi pa ako nakakalibot sa hacienda ng ninong. Ang sabi naman ng daddy, maganda sa hacienda. Kaya dito niya ako ipinadala para daw ma-enjoy ko ang short vacation ko dito habang inaayos nila ang scandal ko.
Siguro naman ay hindi na ako iiwanan ng ninong doon sa hacienda. At kung bababa siya dito sa bayan, isasama na niya ako.
After doing my morning routine, lumabas na ako ng silid. Napangiti ako na makita ang ninong na nasa kitchen. Tama nga ako. Naghahanda na siya ng agahan. Pakiramdam ko tuloy, may sugar daddy akong umaasikaso sa akin-- oh my!
Sugar Daddy, Jenny?!
Napailing-iling ako para iwaksi ang naiisip. He is my ninong. Sa kanya ako ipinagkatiwala ng daddy. Dahil alam ng daddy na mabuting tao si ninong at mapagkakatiwalaan.
"Oh, good morning, sweetheart. Sakto ang paggising mo, kakain na tayo." Aniya na malingunan ako.
Ngumiti ako na lumapit dito. Magaan siyang niyakap na napalunok at natigilan.
"Good morning too, ninong. Salamat sa agahan. I appreciate it po," malambing kong saad na tumingala at hinagkan siya sa pisngi na napalunok muli.
"Y-you're welcome, sweetheart. It's my job. Isa pa, gusto kong pagsilbihan ang little sweetheart ko." Sagot niya na pilit ngumiti at hinagkan din ako sa noo.
Naupo na ako ng silya. Naghain naman na ang ninong. May nakahanda na ring hot choco para sa akin na ikinangiti ko. Akala ko mahihirapan ako dito. Pero-- mas masarap pala mang-spoiled at mag-alaga ang ninong.
"Do you want tocino, sweetheart?" tanong niya na ikinatango ko.
Siya na rin ang naglagay ng fried rice, tocino, hotdog at itlog sa plato ko. Tinusok ko ang hotdog na isinubo iyong ikinasunod niya ng tingin. Napalunok pa siya.
"Uhm, masarap po ang hotdog mo, ninong." Wika ko.
"H-ha?" aniya na namula at napatikhim.
"Itong hotdog mo po, ninong. Masarap siya. Malaki pero luto naman hanggang loob," wika ko na nagsimulang kumain.
Napalapat siya ng labi. Namumula ang pisngi na napainom ng tubig. Isang basong tubig na animo'y uhaw na uhaw.
Nagsimula na rin itong magsubo na tila may naiisip na namang kalokohan. Pangiti-ngiti kasi ito na makahulugan ang tingin kapag magtatama ang paningin namin.
Matapos naming mag-agahan, naligo na kami at naghanda para sa pagbabalik namin sa hacienda. Ngayon pa lang ay tinatamad na ako. Knowing na walang internet at signal doon. Hindi ko na makukulit ang daddy ko.
"Ninong, tawagan ko na muna ang daddy ha?" pamamaalam ko kay ninong na tumango.
Kaagad ko namang tinawagan ang daddy. Ilang araw pa lang akong nalalayo sa kanila pero-- sobrang mis na mis ko na sila ng mommy.
"Hi, Dad! Good morning!" masiglang pagbati ko na makita siya sa screen!
Napangiti naman ito. "Hello, sweetie. Good morning too. Kumusta?" he answered.
Napanguso ako. "Maayos naman po, Daddy. Uhm, ngayon po kami babalik sa hacienda e. Kaya tumawag po ako. Gosh, I miss you." Wika kong ikinangiti nito lalo.
"I miss you more, anak ko. Hayaan mo, sa weekend naman ay dadalaw kami d'yan ng mommy mo e. Mis na mis ka na rin namin, sweetie." Sagot niya na ikinangilid ng luha kong nakatitig sa kanya.
"Mag-iingat po kayo d'yan, Daddy. I love you po. I wish weekend na bukas. Para mayakap ko na kayo." Naluluhang pamamaalam ko.
Maging siya ay nangilid ang luha na ngumiti pa rin sa akin.
"Salamat, anak ko. Hayaan mo, tatapusin ko ang trabaho ko para kahit mag-stay kami ng mommy mo d'yan ng ilang araw. Mag-iingat ka rin d'yan, okay?" aniya na ikinatango-tango ko. "Mahal na mahal kita, Jenny."
"Mahal na mahal ko rin po kayo, Daddy. Pakisabi kay mommy, I miss her so much. Mahal na mahal ko po kayo." Tugon ko.
Maluha-luha kaming nagpaalam ng daddy sa isa't-isa. Ramdam kong gano'n din ang daddy. Nagiging emosyonal lang ang daddy kapag kaming pamilya niya ang usapan.
Nakakainis. Hindi ako sanay na nalalayo sa magulang ko. Kaya pakiramdam ko, napakatagal na ang huling nakasama ko sila. Ang ninong naman kasi e. Kung bakit kasi hindi magpalagay ng internet. May pera naman siya pero– napakakuripot.
“Isuot mo ito, sweetheart.” Aniya na maingat ipinasuot sa akin ang helmet.
Rough road ang daan patungo sa hacienda. At dahil umulan ng ilang araw, maputik at lubak-lubak ang daan. We would have had a hard time if we took the car. That's why we just used ninong's bigbike motor.
“Ninong, are you sure you can? Ako na lang kaya magmaneho?” I suggested.
He chuckled. “Kaya ko ito, sweetheart. Saka, delekado ang daan at madulas. Kaya ako na, hmm?” aniya.
“Don't you trust me? Kaya ko itong paliparin. Dito ako magaling, ninong.” Wika ko pa dito na umiling.
“Hindi sa wala akong tiwala sa'yo, sweetheart. Ako ang lalake, nakakahiya naman kung ang inaanak kong babae ang mag-drive lalo na't mahirap ang daan,” aniya na naunang sumampa sa motor.
“Fine. Kapag tayo sumemplang sa daan, makakatikim ka sa akin,” pagsang-ayon ko na lamang na sumampa na rin ng motor sa likuran nito.
Natawa naman ito na in-start na ang motor. Yumakap ako sa baywang niya. Napalunok pa siya na natigilan na maramdaman ako.
“Tara na, ninong. What are you waiting for? Kinakabahan ka na ba?” I teased him.
Napailing siya na nangingiti. “Oo nga e, nakakakaba, sweetheart.”
Sabi na e. Ang arte din kasi ng matandang Simon na ‘to.
“Tiisin mo. Ginusto mo ‘yan e. Sinabi na kasing ako na lang,” ingos ko na mas niyakap pa itong napamura.
“This is torture but damn– I love it.” Mahinang usal niya na narinig ko pa rin naman.
Habang nasa daan, mabagal lang ang patakbo ng ninong. Ingat na ingat siya sa pagmamaneho. Nakakabagot.
“Ninong, bilisan mo kaya? Ganyan ba kapag may edad na? Nagiging mabagal?” tukso ko dito na natawa.
“Nag-iingat lang ako, sweetheart. Dahil kapag nagasgasan kita, mababatukan ako ng ama mo. Baka nga masuntok niya pa ako e,” natatawang sagot naman nito.
“Hmfpt, idinahilan pa ang daddy ko. Mahina na kasi ang mga tuhod mo, ninong. Why don't you just admit it?” sagot ko na ikinahalakhak niya.
“Malakas pa ang mga tuhod ko, sweetheart. Kaya ko nga ang magdamagang laban e. Ikaw, kaya mo kaya?” makahulugang saad nito na hindi ko nakuha ang punto.
Hindi ako nakaimik. Nagsumiksik ako ng mukha sa balikat niya at mas niyakap pa siya.
“Bilisan mo na lang. Nababagalan ako sa performance mo, ninong.” Utos ko na lamang ditong napailing na nangingiti.
“Ito na po. Ang bossy talaga ng sweetheart kong ‘yan.”
PAGLABAS namin ng bayan, rough road na ang daan. It's uphill, so ninong was extra careful while driving. Nanggigigil naman ako. Masaya sanang i-drive ang bigbike ni ninong at challenging ang daan. But the old man is afraid. Baka nga naman kapag sumemplang kami, mabalian siya ng buto.
Pinapakiramdaman ko ang ninong. Maingat siya at magaling din naman. Kahit madulas, maputik at lubak-lubak ang daan, hindi kami sumisemplang. Ni hindi gumigewang ang motor niya. Mataas ito pero dahil matangkad ang ninong, easy lang sa kanya imaneho.
“Paliparin mo kaya?”
“”Hwag, sweetheart. Ikaw talaga. Pasaway,” ingos niyang ikinahagikhik ko.
“Ang hina mo naman, ninong. Paano ako bibilib sa'yo kung mas mapusok ako, kaysa sa'yo?” saad ko dito na natawa at iling.
“Mapusok din ako, sweetheart. Sa ibang bagay nga lang. Hindi sa parte na nakataya ang buhay natin.” Aniya na tila may ibang punto.
“Asus, dahilan mo lang ‘yan. I'm not impressed with your driving skills, ninong. Ako na lang kasi,” ungot ko pa at baka mangalay na ang katawan niya.
“Kapag tayo sumemplang, walang magsusumbong ha? Sumbungera ka pa naman sa daddy mo,” sumusukong pagsang-ayon nito.
“Opo, ninong! I'll zip my mouth!” masiglang sagot ko na ikinailing nito.
Itinabi niya sa gilid ng daan ang motor kung saan mas patag at hindi malubak. Nauna akong bumaba. Sumunod naman ito.
“Kapag tayo sumemplang, may parusa ka, okay?” aniya pa na ikinatawa ko.
“Sure, ninong. Kahit ano pa iyan,” sagot ko na sumampa na sa motor.
Humawak ako sa manibela. Nilingon ang ninong na nakamata sa akin. Nag-aalangan pa yata ang matanda na magtiwala sa akin.
“C'mon, ninong. Ayaw mo bang sumakay sa akin?” tanong ko.
Umiling naman siya na iba ang kinang sa mga mata.
“I would love to ride you but– I prefer if you're the one who's riding me. Mas masarap kapag ikaw ang nakasakay sa akin, sweetheart,” aniya na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.
“Sus, subukan mo rin kasing sumakay sa akin, ninong. Baka kapag naranasan mo na e. . . uulit-ulitin mo pa.” Sagot ko dito na napatikhim at nangingiti.
“A’right. Impress me, little pumpkin.” Aniya na sumampa na sa motor niya at kumapit sa baywang ko.
“Are you ready to go to heaven with me, ninong?” I teased him.
“Fvck!”
Napamura ito na napapisil sa baywang ko. “Damn. I hate my dirty mind."