JENNY'S POV:
NANGUNOTNOO ako na maramdaman ang mainit na tumatama sa dibdib ko. Nagulat pa ako na may nakasubsob na lalake sa dibdib ko at yakap-yakap ako habang nasa kama kaming dalawa!
“Gosh, si ninong lang pala!” usal ko na makilala ito.
Napangiti akong hinaplos ang sabog-sabog niyang buhok.
“Problema nito? Yakap na yakap niya talaga ako at ginawang unan ang s**o ko?” I murmured and giggled.
“Tulog na tulog ang matandang Simon. Masarap matulog d'yan sa s**o ko, ninong? Nilawayan mo na yata ang bundok ko a. Baka naman mapatag ‘yan na magdamag kang nakasubsob d'yan,” usal ko na hindi maiwasang mapahagikhik sa mga nasasabi ko habang tulog siya.
Napangiti ako na marahang sinuklay-suklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Ang lambot at dulas ng buhok ni ninong. Ang bango din nito.
“Ninong, I need to pee. Alis na d'yan,” pagkausap ko dito.
“Uhm– maaga pa. Let's stay like this. I'm still sleepy, sweetheart.” Reklamong ungol nito na mas isinubsob ang mukha sa s**o ko.
“Pero naiihi na ‘yong fukelat ko, ninong. Paano naman po ang pantog ko?” reklamo ko.
Ihing-ihi na kasi talaga ako. Baka naman makaihi na ako sa higaan!
“Pigilan mo, sweetheart. Let me hold that pussy.” Aniya na walang pasabing sumapo sa aking fukelat!
“Ay! Fukelat ko! My gosh, ninong! That's my fukelat! Nananaginip ka yata? I'm not one of your sidechicks a!” pagalit ko dahilan para magising ito!
Napakurap-kurap pa siya na naniningkit ang mga mata. Nakahawak pa rin ang malaking kamay sa aking fukelat–oh my God! Sa laki ng kamay niya, dakmang-dakma niya iyon!
“Sweetheart?”
Napataas kilay ako dito. “Yes, ninong. At ‘yong kamay mo oh? Trespassing na,” ingos ko.
Napasunod siya ng tingin sa kanyang hawak-hawak! Napalapat ako ng labi na nagpipigil matawa na namilog ang mga mata niyang makitang. . . sapo-sapo niya ang aking fukelat!
“Holyshit!”
Napamura ito na parang napapasong binawi ang kamay! Namimilog pa rin ang mga mata na namula ang mukha! Mahina akong natawa na ikinalingon nito sa akin na kitang kabado at nagulat!
“Ang natatandaan ko, ako ang nagsumiksik sa dibdib mo kagabi kasi natatakot ako, ninong. Bakit baliktad ang nangyari pagkagising ko, hmm? Ikaw na itong nakasiksik sa s**o ko. Kaya pala ang bigat ng dibdib ko e. Ginawa mong unan ang dibdib ko,” ingos ko ditong napalapat ng labi na lalong pinamulaan ng pisngi!
“I– I don't know, sweetheart. Natulog lang naman ako e. Hindi ko namalayan na nagsumiksik ako sa dibdib mo,” sagot niya na nahihiya. “I'm sorry. Kalimutan mo na lang na umunan ako sa dibdib mo at nahawakan ko ‘yang ano mo. Sanay ako na ‘yong nakakatabi ko sa kama, open akong hawakan siya kahit saan. Nawala sa isipan kong ikaw ang katabi ko. I'm sorry. Hwag ka sanang mailang kay ninong. I didn't take advantage of you, sweetheart. Hindi sinasadya ni ninong. I'm really sorry. Nahihiya akong baka iba ang isipin mo sa akin.” Paumanhin nito na namumungay ang mga matang nakatitig sa akin.
I smiled and nodded. “Ano ka ba, ninong? Hindi ko naman iniisip iyon e. Wala po iyon sa akin. Gagamit lang po ako ng banyo.” Sagot ko.
He nodded and forced his smile. Bumaba ako ng kama na nagtungo sa banyo. Ang sakit na ng puson ko. Ihing-ihi na kasi ako. Napasarap ang tulog namin ni ninong at malakas pa rin ang ulan sa labas. Idagdag pang walang mga manok sa paligid ang tumitilaok. Kaya napasarap ang tulog ko.
PAGLABAS ko ng banyo, wala na si ninong. Maayos na rin ang kama. Lumabas ako ng silid at naabutan siya na nasa kitchen. Abala sa pagluluto ng agahan.
Napangiti akong lumapit ditong napasulyap pa sa akin at ngumiti. Sinenyasan din akong maupo sa silya at may hot choco sa mesa na ginawa niya.
“Inumin mo na muna ‘yan, sweetheart. Para mainitan ang sikmura mo at malamig ang panahon.” Aniya.
“Ikaw po, nagkape ka na ba, ninong?” I asked and sip my hot choco.
“Yeah, heto oh?” sagot niya na dinampot ang kape sa tabi niya at sumimsim doon.
“Can I borrow your cellphone? Tatawagan ko po ang daddy. Don't worry, hindi kita isusumbong.” Saad ko pa.
Natigilan siya sa pagprito. Nilingon ako. Tila nagdadalang-isip ang matandang Simon na pagbigyan ako. Nagpangalumbaba ako na napanguso. Nagpa-puppy eyes dito na parang maamong tuta para maawa siya. Natawa pa siya sabay iling.
“A’right. Nasa mesa sa silid. Please, sweetheart. Hwag mo nang banggitin sa ama mo ang nangyari kagabi ha? Pati ang biro ko sa'yo na kakainin kita. Baka kasi iba ang isipin ng daddy mo at magalit pa siya sa akin,” pakiusap niya pa.
“Opo. Don't you trust me, ninong?” I answered him.
Ngumisi ito na pinaningkitan ako. “Chismosa ka kasing bata e. Lahat yata ng mga ganap sa'yo, sinasabi mo sa mga magulang mo,” aniya na ikinahagikhik ko.
“Bata ka d'yan. Dalaga na kaya ako,” ingos ko na tumayo na at bumalik ng silid para kunin ang cellphone niya.
MATAPOS naming kumain ng agahan, naligo at nagtrabaho na muna si ninong. Malakas pa rin kasi ang ulan sa labas at baha ang daan. Kaya hindi pa kami makakabalik sa hacienda.
"Ang gwapo talaga ng daddy kong 'yan. I miss you so much, Daddy." Paglalambing ko kay daddy.
Nagtatrabaho ito. Abala nga siya sa trabaho pero naka-videocall kaming dalawa. Bakit ba? Namimis ko siya e. Saka gusto rin naman ng daddy na kinukulit mo siya. I'm his baby girl pa rin kahit dalaga na ako.
"Ikaw talaga. Mis na mis na rin kita, sweetie. Kumusta ang panahon d'yan, hmm?" he asked.
Nangingiti ito na pasulyap-sulyap sa akin sa camera. Nakatutok kasi sa kanya ang camera ng cellphone niya. Habang ako, nakahilata sa sofa at pinapanood ang daddy ko na abala sa opisina.
"It's still raining outside, Daddy. Malakas nga po e. Baha na po ang kalsada. Kaya dito na muna kami ng ninong sa opisina niya. Abala nga po ang ninong sa trabaho e." I answered.
Inilipat ko sa back ang camera. Napasulyap naman siya sa screen at napangiti na makita ang kaibigan niyang nasa office table nito at abala din sa trabaho.
"Hwag kang magpasaway d'yan ha? Busy ang ninong mo kaya hwag mo siyang bigyan ng sakit sa ulo. Ipagtimpla mo siya ng kape niya, sweetie. Malamig d'yan at tiyak inaantok na ang ninong mo," wika nito.
Napabusangot ako. "Ayoko, Dad. May assistant naman siya sa labas e." Sagot ko.
Natawa ito sabay iling. "Nand'yan ka naman, sweetie. Ikaw na lang, hmm?" aniya pa.
"Ayoko. Mas gusto kong panoorin ang daddy kong 'yan. Ang gwapo e. Daddy ko 'yan." Malambing kong sagot ditong natawa.
"Mas gwapo ba ang daddy kaysa sa mga tito mo dito?" tanong niya na ikinatango-tango ko.
"Opo, Daddy. Mas gwapo ang Daddy Noah ko kaysa sa lahat ng tito ko kahit nga kay Lolo Dwight e. Mas gwapo ka po. Ikaw kaya ang pinakagwapong gawa ni lolo," sagot ko ditong napabungisngis.
"E paano ang Ninong Simon mo, hmm? Sino ang mas gwapo sa amin ng ninong mo, sweetie?" tanong niya pa.
Napasulyap ako kay ninong. Sakto namang nilingon niya ako kaya nagtama ang mga mata namin. He smiled and wave his hand to me. Napalunok ako na bumilis ang pagtibok ng puso na nakatitig sa kanya.
"Hwag mong sabihing mas gwapo ang ninong mo kaysa sa daddy mo?" tanong ng daddy na hindi ako nakasagot.
"Oy, hindi po ah. Mas gwapo ka, Daddy. Lamang ka ng 1 point kay ninong," sagot ko.
"Bakit 1 point lang ang lamang ko? Ibig sabihin, magkasinggwapo kami ni Pareng Simon, hmm?" aniya na ikinahagikhik ko.
"At least lamang ka pa rin, Daddy. Konti pero ang mahalaga ay lamang ka." Sagot ko na matamis ngumiti ditong naiiling.
"Sige na nga. Ang mahalaga ay ako ang pinakagwapo sa paningin ng sweetie ko." Sagot niya na muling bumaling sa mga pinipirmahang papeles.
Napahagikhik akong pinapanood siyang nagtatrabaho.
"Dadalaw ka naman this coming weekend, right? You don't miss me naman yata e." Aniko na napapanguso.
Ngumiti naman itong sinulyapan ako. "Opo, dadalaw kami ng mommy mo d'yan sa weekend. We miss you, sweetie. Alam mo namang hindi kami sanay na wala ka sa mansion e." Sagot niya na ikinangiti ko.
"You're not stressed naman po sa work noh?" I asked again.
"Kayo ang stress reliever ko, sweetie. Makita ko pa lang ang maganda kong prinsesa at marinig ang malambing mong boses, nadadagdagan na ang stress ko." Sagot niya na ikinamilog ng mga mata ko!
"Daddy naman e!"
Napahalakhak ito sa kabilang linya na ikinabusangot ko.
"I'm just kidding, sweetie. Binibiro lang kita. Syempre, kayo nila Jen at mommy mo ang stress reliever ko. Kaya kahit stressed ang daddy sa trabaho, napapawi ang pagod at stress ko na makita at marinig ko kayo," sagot niya na ngumiting nilingon ako sa camera.
"I love you, Daddy. Pasensiya na po kayo sa napasok kong gusot. I promise, mag-iingat na po ako. Huli na po iyon na sasalihan kong racing," saad ko dito na lumamlam ang mga mata at ngumiti.
"Thank you, sweetie. Mukhang malaki ang naitulong na nand'yan ka a. Nagiging matured woman na ang baby princess ko," nakangiti niyang saad na nagniningning ang mga mata.
Natawa naman ako. "I'm still your baby, Daddy."
"Yeah. You're always be my baby, sweetie. I love you, my Jenny." Aniya na ikinalapad ng ngiti kong nakatitig dito.
"I love you more, Daddy. Mahal na mahal ko ang Daddy Noah kong 'yan."