JENNY'S POV:
NAGTUNGO ako sa kitchen matapos magpaalam ng daddy. May urgent meeting kasi sila sa kumpanya, kaya ibinaba na namin ang video call.
Nagtimpla ako ng dalawang kape. Marunong naman talaga akong gumawa. Gusto ko lang pahirapan ang mga tao sa paligid ko. Bakit ba? E sa gusto kong pinagsisilbihan ako ng mga tao sa paligid ko. Because that's their job.
“Ninong, I made coffee for you,” I said as I put his coffee on his table.
Napasulyap siya doon at napatingala sa akin. I was standing beside him. Napalunok pa siya kasi ang dibdib ko ang tumambad sa mukha niya at nakayuko ako.
“Ahem! Wala ka namang. . . inilagay dito ano?” pag-uusisa niya.
Napakurap-kurap ako. “Hoy, kung ayaw mo, e 'di ‘wag mo!” singhal ko ditong napahagikhik.
“I'm just kidding, sweetheart. Ang hirap mo namang biruhin,” aniya and take a sip.
Inirapan ko itong napahagikhik na mahuli niya akong inirapan ko siya. Napabusangot akong naupo sa tabi niya. Inakbayan pa ako nito habang hawak sa isang kamay ang kape.
“I'm bored here.” Reklamo ko.
Natawa naman ito. “E saan ba kita dadalhin para hindi ka ma-bored, hmm? Sa hacienda, sa mansion, nabo-bored ka naman doon. Hanggang dito ba naman sa opisina ko?” natatawang tanong niya na sumimsim sa kape.
“Kasi naman e! Why it's still raining outside? Hindi tuloy tayo makalabas.” Reklamo ko pa.
“Sweetheart, nagkataon kasi na may bagyo pala. Nakaalis na raw ang bagyo pero may low pressure pa kasi dinaanan tayo ng bagyo.” Sagot naman nito.
“Hindi ka ba nabo-bored dito, ninong?” I asked him.
Nagkibit balikat naman siya na sumimsim muli sa kape. Lihim akong napangiti. Mukhang nagustuhan naman niya ang gawa kong kape. Ang matandang ‘to. Hindi manlang nag-thank you o pinuri ang kape ko e gustong-gusto naman.
“Hindi naman, sweetheart. Sanay na kasi ako na gan'to ang routine ko. Kung wala ako sa hacienda, nandidito naman ako sa opisina.” Sagot niya.
Inismiran ko ito. “Siguro palagi kang nagdadala ng mga babae dito ano? Don't tell me, lahat ng mga babae d'yan sa baba, nilandi mo na?”
Naubo siya at sunod-sunod na nasamid. Mukhang totoo nga ang hinala ko. Sa inis ko, malakas kong hinampas-hampas ang likuran niya. Kunwari ay hinahagod ko dahil nasamid siya.
“Fvck!” he groaned. Napaliyad pa siya ng likuran na dumaing. “Iba na yata iyan, sweetheart? Parang hampas na ‘yang ginagawa mo a? May sama ng loob ka yata sa akin?” aniya na ikinahagikhik ko.
“Wala a. I'm just helping you kaya. Ang arte nito,” pagtatanggol ko sa sarili na binusangutan itong pinaningkitan ako.
“Ikaw– pasalamat ka talaga at anak ka ni Noah. Ang sarap mong isakong bata ka,” ingos niya na naiiling.
“Hindi na ako bata, ninong.”
Nilingon niya ako at sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi.
“Kung hindi ka na bata, ibig sabihin– dalaga ka na?” he teased me.
Inirapan ko itong napahagikhik. “Of course, ninong. I'm already eighteen na kaya. Ibig sabihin, I'm not a minor anymore. Nasa legal age na ako kaya hindi na ako matatawag na bata. Why? Do I look like a kid to you?” I asked and crossed my arms on my chest.
Natatawa naman itong tumango-tango. “Kung sabagay, you're right. Hays. Ang hirap makipagtalo sa mga babae. Palaging kayo ang tama e.” Iiling-iling sagot niya.
I smirked at him. “Kasi nga po, women's always right, ninong. Hwag ka na kasing umapila. Ako naman ito e. Ang pinakamaganda mong inaanak,” sagot ko na kinindatan itong natawang pinisil ang ilong ko.
“Oo na. Kainin kita d'yan e,” mahinang wika niya na binatukan kong namilog ang mga mata sa nagawa ko!
“B-binatukan mo ako?” hindi makapaniwalang tanong niyang ikinangiti ko na tumango.
“Yes, ninong. Binatukan kita. Hayan ka na naman kasi sa kain-kain na ‘yan.” Pagmamaldita ko ditong malutong na napahalakhak!
Gosh! Nakakatulala! Ang gwapo naman ng ninong na tumawa!
"In fairness, ninong. Ang gwapo mo po kapag tumatawa ka," papuri ko dito na tumigil sa pagtawa pero nakangiti pa rin.
"Kapag nakatawa lang ba?" tanong niya.
"Oo, ninong. Kaya palagi kang tumawa ha?" sagot ko ditong napabungisngis.
"Hwag naman, sweetheart. Baka mapagkamalhan akong nasisiraan o gumagamit ng drugs kapag tumatawa ako na walang nakakatawa," aniya pa na ikinahagikhik kong nakurot ito sa braso.
Tatawa-tawa naman itong napadaing.
MAGHAPONG malakas ang ulan kaya hindi unit kami nakaalis ng ninong. Napilitan akong bumili ulit ng maisusuot na damit at wala na akong pamalit.
“Ninong, labhan mo po ito,” wika ko na iniabot sa kanya ang damit na ginamit ko.
Napakurap-kurap naman siya. “Bakit ako?”
“Alangan namang ako? I don't know how to wash my clothes, ninong. I saw you, nilabhan mo ang damit mo kanina, using your hands. Kaya ikaw na lang po,” sagot ko ditong natawa na nailing.
“Alam mo bang— ang asawa ko lang ang nakakautos sa akin dati? Siya lang ang babaeng inasikaso ko sa tanang buhay ko, and then you came, Jenny.” Aniya na naiiling inabot ang damit ko.
I followed him as he headed to the restroom. Doon kasi siya naglaba kanina. I crossed my arms on my chest and leaned my back on the door. Pinapanood itong nilabhan ang damit ko sa sink ng lababo dito sa banyo.
“Speaking of your late wife, ninong. Bakit po siya nawala?” I asked him.
Napabuntong hininga naman siya. “Matagal na iyon, sweetheart. Car accident. Actually, naroon kaming tatlo noon sa kotse. Pero ako lang ang nakaligtas. Sobrang sakit sa akin noong malaman kong nakaligtas ako pero– wala na pala ang mag-ina ko.” Mababang saad niya na bakas ang lungkot sa boses.
Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. “And then?”
“Gusto ko na ngang magpakamatay noon e. Dahil hindi ko kayang tanggapin na wala na ang mag-ina ko. Alam mo, sweetheart? Kung hindi lang sila nawala, kaedaran mo na sana iyong anak namin. May binata na sana ako ngayon kung hindi lang sila nawala.” Wika niya pa na napakababa ng tono.
Nalungkot ako sa narinig. Bigla akong nakadama ng awa kay ninong. Napalunok ako na parang pinipiga ang puso ko habang nakatitig sa kanya.
“But that was long time ago, ninong. Nakaya mong bumangon. Mahirap iyon pero nakaya mo. Nakakabilib ka po,” wika ko na lumapit na ditong kaagad nagpahid ng luha.
“Yeah, matagal na nga. Pero may kirot pa rin, sweetheart. Naroon pa rin ‘yong moment na naiinggit ako kapag nakikita ko ang mga kumpare kong masaya kasama ang pamilya nila. Malalaki na ang mga anak at kasa-kasama pa rin ang mahal nila hanggang ngayon. Naiinggit ako kapag dumadalo sila sa graduation ng mga anak nila. O nagce-celebrate ng success ng mga anak nila. Dumadating ang anniversary nila ng kanilang mga asawa at ikinakasal ang kanilang mga anak. Nagkakaroon ng apo. Hindi ko naranasan ang mga iyon, sweetheart. At hindi na mararanasan.” Wika niya na naluluhang nakamata sa nilalabhan sa lababo.
Hinawakan ko siya sa braso. Natigilan siya na napalunok. “Hindi pa po huli ang lahat, ninong. You're still young pa rin naman e. Bakit hindi ka po mag-asawang muli? Para magkaroon ka ulit ng pamilya at mga anak. Hindi ka na maiinggit sa mga kaibigan mo na may masaya silang pamilya,” saad ko dito na dahan-dahang nilingon ako.
I swallowed as our eyes met. Namumula pa ang mga mata niya dala ng pag-iyak. Bakas ang kakaibang lungkot sa mga mata niyang nakatitig sa akin.
“Hindi naman iyon gano'n kadali, sweetheart. Oo, marami d'yang babae. Pero lahat naman sila, pera ang habol sa akin. Gusto nila akong mapikot, pakasalan, hindi dahil mahal nila ako. Kundi dahil sa mga meron ako. Mahirap makahanap ng babaeng puro ang pagmamahal. Na walang ibang intention. Na hindi nasisilaw sa pera,” wika niya pa na matiim na nakatitig sa aking mga mata.
I feel sad of what he said. Tama naman kasi ang ninong. Mahirap makahanap ng matinong babaeng mamahalin siya, nakahandang alagaan siya hanggang pagtanda niya at bigyan ng mga anak.
“Pero malay mo po, may nakalaan talaga para sa'yo, ninong.” Wika ko.
Ngumiti siya na humarap sa akin. Napalunok ako na napatitig ditong unti-unting umaliwalas na ang gwapong mukha. Bumalik na rin ang kinang sa mga mata niya.
“Do you think?”
“Oo naman po, ninong. Sabi nga, if God's will, it will.” Masiglang sagot ko na ikinatango-tango nito.
“Paano kung ‘yong mahanap ko, bata, walang alam sa gawaing bahay, maldita, spoiled at ina-under ako. Okay lang ba iyon?” nangingiting tanong niya.
“Aba, kung maganda naman siya, sexy at hindi pera ang habol sa'yo, hindi ka na lugi, ninong. Basta ba– kasing ganda ko siya,” I answered and tap him on his shoulder.
Natawa naman ito. “Labhan mong maigi ang panty ko, ninong. Dapat matuyo ‘yan para may maisuot ako bukas.” Wika ko na iniwan na itong napamura.
“Fvck! Hindi pa nga asawa, naa-under na,” iiling-iling bulong niya na narinig ko pa rin naman.
Nilingon ko ito at napangisi na nilabhan na nga niya ang panty ko.
"Ninong, bilisan mo d'yan. Bibili ka pa mamaya ng pad ko with wings ha?" wika ko ditong napalingon sa akin.
Naguguluhan itong nangunotnoo pa. "Ano iyong pad with wings, sweetheart?" he asked that makes me giggle.
"Napkin po. Ibili mo ako ng napkin sa baba. Bilisan mo d'yan. Masakit na ang puson at balakang ko." Sagot ko ditong namilog ang mga mata at namutla!
"Fvck!"