Chapter 12

1710 Words
SIMON'S POV: MATAPOS kong malabhan at isampay ang mga damit ni Jenny katabi ang mga damit ko, lumabas na ako ng banyo. May mini washing machine naman ako dito. Pero mas gusto kong gusutin ng kamay ko ang mga damit niya. Lalo na't hindi naman marumi ang mga iyon. Naiiling na lamang ako na pati bra at panty ay ipinalaba niya sa akin. Ang bossy ng bata. Pagkalabas ko, nakahilata siya sa sofa. May nakalagay na unan sa puson at nakatagilid ng higa. "Are you okay, sweetheart?" tanong ko na naupo sa tabi nito. "Yeah, normal lang ito, ninong. Sumasakit talaga ang balakang at puson namin kapag may monthly period kami. Sige na po, bumili ka sa baba ng napkin ko. I badly need it now." Sagot niya na napapadaing. "Sigurado kang maiiwan ka dito, sweetheart?" paninigurong tanong ko na ikinatango nito. "Opo, bilisan mo na lang, ninong. Pad with wings po ha?" aniya pa. Tumango ako na hinagkan ito sa noo. "Babalik kaagad ako." "Sige po. Hwag na ka rin magpa-cute sa mga babae d'yan. Maawa ka naman sa aking naghihintay dito." Habilin niya pa na ikinatawa ko. "Opo, I won't. Ikaw talaga." Kakamot-kamot ako sa ulo na lumabas ng opisina. Tumuloy na muna ako sa restaurant para ihanap siya ng chicken wings. Mukhang iyon ang cravings niya ngayon. Sakto, maghahapunan na rin naman para hindi na ako magluto. PROBLEMADO akong naghahanap ng napkin dito sa department store na pinasukan ko. Nahihiya naman kasi akong magtanong sa mga saleslady at napkin ang bibilhin ko fvck! Problema ko tuloy kung paano iyon babayaran mamaya. Dahil kilala ako ng lahat dito na ako ang boss nila, pero heto at bumibili ako ng napkin! “Hi, Boss Sai, may kailangan po kayo?” tanong ng manager sa akin na sinalubong ako. Kinikilig at nagpapabebe sa harapan ko. Ngumiti ako na tumango. “Uhm, can you get me some pad for women?” I asked. Her lips parted. Nagulat siya sa sinaad ko. “Seryoso po, boss? You're looking for a napkin?” Nag-init ang pisngi ko. Napakamot ako sa batok at marahang tumango. “Yeah. Kailangan ng sweetheart ko e,” sagot ko ditong napairit na napapadyak pa ng mga paa. “Kalerki! Ang lakas naman niya’ng sweetheart mo, boss! Inutusan ka talagang bumili ng napkin?” bulalas niya na kinikilig pa! Natatawa akong napailing. “Wala e. Utos ng prinsesa.” Kinikilig ito na iginiya ako sa gawi ng napkin's section. Ang dami at iba’t-ibang brand pa. Napakamot ako sa ulo. Hindi alam kung ano ang kukunin. “Ito po, boss. Tiyak na ito ang kailangan ng sweetheart mo kung may period siya. Pero kumuha ka na rin nitong panty liner para sigurado tayo sa ipinapabili niya,” wika nito na siya na ang kumuha ng kailangan ko. “Thank you, Joan. Mabuti na lang at nandito ka.” Tugon ko na inabot ang napkin at panty liner na kinuha nitong tig dalawang pack! “You're welcome, boss. Ikaw pa ba?” kinikilig niyang sagot. Nagpaalam na ito sa akin at tinawag siya ng staff. I headed to the counter to pay. Napapasulyap pa sa akin ang mga tao at nangingiti na mapasulyap sa dala ko. Nahihiya ako pero umakto akong normal. “Boss, dito na po,” wika ng cashier na makita akong nakapila. “No, it's okay. Unahin mo ang mga nauna sa akin,” I answered. Nagulat pa sila na makilala ako. Maging ang mga costumer na nakapila sa counter ay napangiti at bakas ang kamanghaan sa mga mata. Hindi naman dahil ako ang boss nila, dapat priority nila ako. Lalo na't dalawang senior citizen at buntis ang tatlong nasa harapan kong nakapila. “Grabe, ang lakas ng dating ni Boss Sai, biro mo, boss pero pumila talaga.” “At mukhang may girlfriend na si boss. Nakakainggit naman ‘yong girl. Ibinili pa talaga ni boss ng napkin.” “Truth, naku, iilan na lang ang lalakeng ganyan ha? Na kaya kang ibili ng napkin sa department store.” “Ang swerte nga ni girl. Panalong-panalo siya kay Boss Sai. Bukod sa gwapo, macho, matangkad at mabait, mayaman pa si boss.” Naiiling ako sa isipan na naririnig ang bulungan ng mga saleslady sa tapat ko habang nakamata sa akin. As long as hindi fake news o kasiraan sa akin ang ipapakalat nila, hindi ko sila sinusuway. Sanay na ako na pinagbubulungan ng mga babae kapag dumadaan ako. Hindi ko na lamang binibigyang pansin. MATAPOS mabili ang mga kailangan ko, bumalik na rin ako sa opisina. Tiyak na nababagot na si Jenny at inabot ako ng thirty minutes dito sa baba. Baka mamaya ay kung ano-ano na naman ang iniisip no'n. Medyo judgemental pa naman siyang bata. "I'm back--" "Bakit ang tagal mo, ninong? Don't tell me, nakipag harutan ka pa sa baba?" Natawa ako na nagsusungit na naman ito. Lumapit ako dito na nasa sofa at nakaupo na. "Hindi po. Binili ko lang iyong mga kailangan mo." Sagot ko na inilapag sa mesa ang mga dala ko. "Ano 'to?" aniya na binuksan ang dala kong ulam. "Chicken wings? May ipinabili ba akong chicken wings sa'yo, ninong?" nagtataka niyang tanong na kumuha ng isa at nginasab. Napakurap-kurap akong nakamata dito. "Oo. Hindi ba ang sabi mo, pad with wings?" balik tanong ko na inilabas ang pad nito. "Ito na oh? Your pad-- and wings." Wika ko na itinuro ang chicken wings. Napahalakhak ito na tila may nakakatawa. Naguguluhan naman ako. Kinuha niya ang napkin sa akin na binasa iyon. "Ninong naman. Ito lang po ang ipinabili ko sa'yo. Heto oh," aniya na ipinakita ang pangalan ng napkin. "Sister's with wings. Ito po ang tinutukoy ko na with wings. Kasi may ibang pad na walang wings. Hindi ko naman sinabing bumili ka ng pad at chicken wings. Ikaw talaga," natatawang wika niya na kinakant'yawan ako. Napapilig ako ng ulo na naupo sa tabi niya. Kinuha ang pad na binabasa ko paulit-ulit. "So, hindi mo kailangan ng chicken wings? Lumabas pa ako ng building para mahanap iyan," wika ko ditong napahagikhik. "Hindi po. Kaya nga nagtaka ako na ang tagal mo, e napkin with wings lang naman ang ipinabili ko sa'yo," sagot niya na nagpatuloy sa pagkain ng chicken. "Pambihira." "Talagang pambihira ka, ninong." Pinaningkitan ko ito. "Hindi mo kasi nililinaw, sweetheart. Wala akong alam sa mga ganyan." Ingos ko na napisil ang matangos niyang ilong. "Bakit hindi mo po alam? Hindi mo pa naibibili ang dating asawa mo nito?" tanong niya na sarap na sarap sa kinakain. "Hindi. Siya naman ang bumibili ng mga gamit namin noon e. 'Yong mga gamit sa mansion? Siya lahat ang bumili sa mga iyon. Kaya iniingatan ng mga katulong dahil alam nila na may sentimental value sa akin ang mga gamit doon," sagot ko dito na napanguso. "Even the plates and glass?" tanong niya na ikinatango-tango ko. "Aha. Lahat. Hindi na ako bumili ng mga bago e. Dahil marami naman na kaming gamit doon at mahalaga sa akin ang mga iyon dahil si Maine ang bumili sa mga iyon," sagot ko dito na napanguso. "Mahal na mahal mo pa rin siya noh?" tanong nito na ikinatigil kong napalingon dito. Abala naman ito sa pagkain ng chicken wings. Sarap na sarap na kahit mga daliri ay sinisipsip. "Oo naman, sweetheart. Kaya nga hindi na ako nag-asawa pa e. Dahil para sa akin, habang buhay na siyang nakaukit sa puso ko." Sagot ko dito na napatitig sa akin habang sinisipsip ang daliri. Napalunok ako na mapatitig sa mga inosente niyang mata. Parang nakikinita ko pa sa kanya ang dating asawa ko. Gan'tong gan'to din kasi ang asawa ko noon. Isang inosente at bata na may mabuting puso. Maamo ang magandang mukha, mahinhin magsalita at masipag sa gawaing bahay. Iyon lang ang ipinagkaiba nila ni Jenny. Dahil si Jenny, mabait siya inside pero mas pinapairal niya ang pagiging maldita niya. Sinasabi nito ang mga nasa isipan at mas makulit kumpara sa asawa ko. At higit sa lahat? Hindi marunong sa gawaing bahay si Jenny. Dahil lumaki ito sa mayamang pamilya. Hindi katulad ni Maine na nagmula sa bahay ampunan dahil walang magulang na nag-alaga sa kanya. "Bakit po?" tanong niya na ikinabalik ng ulirat kong nakatulala sa kanya. "Ahem! Masarap ba?" pag-iiba ko. "Opo, masarap po siya ninong. Mukhang nagdahilan ka lang para bumili ka na ng ulam at hindi ka magluto ngayong gabi, hmm?" aniya na ikinatawa kong nag-abot ng wings at tinikman. Masarap nga. Kaya naman pala pati mga daliri niya ay sinisipsip niya dahil nanunuot ang juicy ng manok sa balat hanggang buto nito. "Hindi a. Akala ko kasi nagpapabili ka nito," sagot ko na kumindat ditong naniningkit ang mga mata sa akin. "Yong asawa mo po ba, marunong magluto?" tanong niya na nag-abot muli ng wings. "Yeah. Ang totoo niya'n, siya talaga ang nagturo sa aking magluto, sweetheart. Noong bagong kasal kami at dinala ko siya sa hacienda, siya talaga ang nagma-manage ng kusina. Tinuruan niya ako kung paano magluto at gano'n din sa gawaing bahay. Kaya mahal na mahal ko iyon at wala akong makitang babae na makakapalit sa kanya sa puso ko," sagot ko dito na napalunok at natigilan. Tumamlay ang itsura niya na lumamlam ang mga mata. Kita ang pagdaan ng inggit sa mga mata nito na kay inosente at mabilis mabasaan ng emosyon. "Hey, what's wrong, sweetheart?" tanong ko dito na umiling at ibinigay sa akin ang kinagatan niyang wings. "Wala na akong gana, ninong. Maghuhugas lang po ako." Aniya na inabot ang pad at nagtungo na sa silid. Napasunod ako ng tingin ditong pumasok sa silid. Naipilig ko ang ulo. "Did I offend her? May nasabi ba akong ikina-offend niya?" tanong ko sa sarili. Napaisip ako. Wala naman akong masamang nasabi a. Pero nagbago ang mood niya at parang nainis siya sa akin. Gano'n ba talaga siya? O dahil may period siya kaya mabilis uminit ang ulo niya? Hindi naman nagtagal, lumabas na ito ng silid. Nakabusangot na bumalik sa pwesto nito sa tabi ko. "Are you okay, sweetheart?" tanong ko at humiga ito na nagbalot ng kumot sa katawan. "I am, ninong. Gusto kong matulog. Umalis ka muna dito," aniya na tumagilid ng higa patalikod sa aking ikinalunok ko. "G-galit ka ba kay ninong, sweetheart?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD