JENNY'S POV:
SUMUOT ako sa kagubatan at kay bilis tumakbo ng ninong! Oh my God! Baka naman ikulong na niya ako pagkatapos nito!
No! Hindi ako makakapayag! Kailangan ko lang makababa ng bayan para matawagan ko ang daddy. Hindi ko na kayang magtagal dito sa probinsya. Baka mamaya ay kainin na nga ako ni ninong!
"Jenny, ano ba?! It's too dangerous here! Bakit ka ba natatakot?!" sigaw ng ninong.
Napalinga ako sa paligid. Matataas ang mga punong-kahoy dito at hindi ko na alam kung saan pupunta para makalayo kay ninong!
"Lubayan mo na lang ako, ninong! Hayaan mo na akong makauwi!" sigaw ko na napahawi sa buhok.
Sumulpot ito sa harapan ko na ikinatili ko sa sobrang takot! Hinihingal ito at pinagpapawisan na. Napaatras ako. Walang kakurap-kurap na nakamata dito. Nakakapagtaka lang. Bakit hindi pa rin nagbabago ang itsura niya? Nasisikatan na kami ng araw pero heto at hindi pa nagbabago ang itsura niya.
"Bakit ka ba tumatakbo, hmm? Saan ka natatakot? Hindi naman kita sasaktan a." Aniya na hinahabol ang paghinga.
Napalabi ako. Mahigpit na nakahawak sa slingbag ko. Nangungusap ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Bawat pag-atras ko, humahakbang din ito palapit.
"You're aswang, right? Gusto mo rin akong kainin. Kaya paanong hindi ako matatakot sa'yo? Are you going to kill me?" naluluha kong sagot dito na natigilan at napalunok.
Lumamlam ang kanyang mga mata. Lumarawan ang guilt at pag-aalala sa mga iyon. Tumuwid siya ng tayo sa harapan ko. Kaya hindi na ako umatras. Nakamata lang ako dito.
"Jenny, you're too young to understand what you've saw last night. But I can assure you that I won't hurt you. Hinding-hindi kita sasaktan. Kaya hwag ka nang matakot sa akin, hmm? Kung may taong nakahandang protektahan ka dito? Ako iyon. Look, ipinagkatiwala ka sa akin ng daddy mo dito. Ibig sabihin, kapag napahamak ka? Ako ang madadali sa ama mo dahil kargo kita. Naiintindihan mo ba?" he calmly explained.
"You're not going to eat me?" I asked.
He swallowed. Napatikhim na may pilyong ngiting sumilay sa kanyang labi. Napakamot pa siya sa ulo.
"Eh. . . hindi tayo sigurado d'yan, sweetheart," sagot niya.
Napapadyak ako ng mga paa ko sa inis. "Ninong naman kasi e! That's why I'm afraid of you, because you want to eat me!" sigaw ko na naituro ito.
Napahalakhak ito. Para akong maiiyak sa kinatatayuan pero heto at patawa-tawa lang siya matapos naming maghabulan!
"Oo na. Hindi kita kakainin. Hindi. . . pa." Aniya na ikinapadyak ko ng mga paa.
"Ninong naman kasi e!"
Natawa ito na naiiling. He came over and gave me a hug. Napalabi akong sumubsob sa malapad niyang dibdib. He stroked my back and kept kissing me on my head to calm me down.
"I'm sorry if I scared you, sweetheart. Hindi naman ako aswang, okay? Tao ako. At hindi ako kumakain ng tao. Kaya wala kang dapat ikatakot sa akin, hmm?" maalumanay niyang saad.
Napalabi akong tumingala dito na ngumiting hinaplos ako sa ulo.
"But I saw you last night--"
"Iba naman 'yong ginagawa namin last night, sweetheart. It's an adult matter. You're too young to understand it, hmm? It was sensitive and private, okay?" he said calmly.
"You're not aswang? You're human like me?" naninigurong tanong ko dito na mahinang natawa. "Sagutin mo kasi ako! I'm serious!" inis kong sikmat dito.
"Yes, I am, sweetheart. Tao ako. Hindi naman ako aswang e. Bakit mo ba iniisip na aswang ako?" natatawang sagot nito.
Napatitig ako sa kanya. "Talaga?" nagdududa kong tanong.
Nagseryoso na ito. Ngumiti siya na sumapo sa pisngi ko at dahan-dahang yumuko. Napalunok ako nang magpantay ang aming mukha. Ang ganda ng mga mata ni ninong. Nakakaakit makipagtitigan sa mga iyon.
"Hindi kita sasaktan, sweetheart. Magtiwala ka sa akin, hmm?" malambing saad niya na magaan akong kinintilan ng halik sa noo.
My heart beats fast! Napahawak ako sa kanyang damit. Para akong matutumba sa biglang pangangatog ng mga tuhod ko. Bumilis ang t***k ng puso ko na hindi makakilos sa kinatatayuan!
He smiled and caress my cheeks. Nagniningning ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin. I don't know what he did pero-- unti-unti na ring kumalma ang puso ko. Naglahong parang bula ang takot ko sa kanya. Na para akong nahihipnotismo na sumunod sa kanya!
"Let's go, sweetheart." Aniya na ikinatango ko.
Inakbayan niya ako na iginiya palabas ng gubat. I couldn't even remember the path we took earlier. But ninong seemed to know the way around here. Mabilis kaming nakalabas ng gubat na hindi naliligaw.
TAHIMIK akong nagmamasid sa paligid habang pababa kami ng bayan. Nangingiti naman ang ninong at pasipol-sipol habang nagmamaneho ang isang kamay niya. He looks so cool while driving with one hand only. Lalo na't nakasuot siya ng sunglasses na bumagay sa kanya. Para nga siyang hollywood star sa itsura at pormahan niya.
Hanggang makababa kami at nagsimula na ring may mga kabahayan kaming nadadaanan. Napatuwid ako sa pagkakaupo. Nanatiling sa labas ng bintana nakamata at kinakabisa ko ang mga nadaraanan namin.
"Sweetheart, if you need anything, magsabi ka lang ha?" wika ni ninong.
I didn't answer him. Inabot niya ako na hinaplos sa ulo kaya napalingon ako dito. Ngumiti siya na nagtaas baba pa ng kilay kaya pinaningkitan ko ito. He chuckled, shaking his head.
Napanguso ako na bumaling muli sa labas ng bintana. Mas marami-rami na ang mga tao dito. Marami na ring commercial building na nadaraanan namin at mga nagtitinda sa gilid ng kalsada.
"Ano ba'ng gagawin mo dito, sweetheart?" he asked.
Ipinasok niya sa isang commercial building parking lot ang sasakyan. Ano nga ba ang gagawin ko dito? He already made it clear to me that he's not a vampire. That he won't eat or hurt me. Kaya ano pa ang isusumbong ko kay daddy?
He took off his seatbelt after he parked. So I did the same.
"Nasaan po ba tayo?" I asked.
"Bayan?" balik tanong niyang sagot na ikinakunot ng noo ko.
"Alam ko pong nasa bayan tayo, ninong. What I mean is where are we? Ano'ng building itong pinagparadahan mo?" pagkaklaro ko.
"Oh," napasinghap siya na tumango-tango. "Sa akin ang commercial building na ito, sweetheart. Kung may mga bibilhin ka, pwede tayong mamili sa itaas. Damit, pagkain, whatever you want." Aniya.
Bumaba na ako ng sasakyan. Sumunod naman ito. He also locked the car. Inakbayan niya ako na iginiya patungo sa elevator dito sa ground floor.
"I want to see your office here. Can we go there?" I asked.
Mas mainam na doon na lang kami tumambay. Para maging abala siya at balikan ang trabaho niya. Hindi na niya ako mababantayan.
"Sure, sweetheart." Sagot nito na hinagkan ako sa ulo habang nakasakay kami ng elevator paakyat.
Tumuloy kami sa opisina niya. Sa pinakamataas na floor ng commercial building niya. Pasipol-sipol pa siya na tila kay ganda ng araw tsk.
Pagpasok namin sa opisina, walang ibang tao dito. Ang plain ng lugar. Nasa sulok ang office table niya at sa likuran no'n ay glass wall. Tanaw ang bayan. May pantry, banyo at mini sala naman siya dito.
Tumuloy ako sa sala. Naupo sa sofa. "Juice, ninong. I'm thirsty," utos ko na nagtanggal ng sneakers ko.
Natawa naman ito. Naiiling pero sumunod pa rin naman. Lihim akong napangisi. He went to the pantry and made two glasses of iced tea. While waiting, I looked around his office. Ang boring tignan ng opisina niya. Wala manlang naka-display na painting sa wall. Plain white ang kulay mula sa dingding, tiles at kisame.
Lumapit na ito dala ang dalawang baso ng iced tea na tinimpla niya. Inilapag niya ang baso sa mesa at naupo sa sofa na kaharap ko. I pouted as I reached the iced tea he made. I sniffed it and check it, making him chuckle softly.
"Malinis 'yan, sweetheart. Hindi ko naman dinuraan para suriin mo pa," naiiling saad niya.
Napaingos ako dito. Sumimsim sa gawa niyang iced tea. In fairness. Masarap siya tumimpla ng iced tea. Balanse ang lasa, tamis at lamig nito.
"Wala ka po bang trabaho? Dito na muna ako sa opisina mo. Mas maganda dito kaysa sa mansion." Pasimpleng saad ko.
Napanguso naman ito. Nakatitig sa akin na tila binabasa niya ang mga tumatakbo sa isipan ko. I act normal. Mahirap na. Baka makahalata siya na pinapaalis ko siya para hindi niya ako mabantayan.
"Sige, dito ka lang ha? May tatapusin lang ako, sweetheart." Aniya.
I nooded and fake my smile. "Take your time, ninong."
Ngumiti ito na hinaplos pa ako sa ulo bago nagtungo sa office table niya. Napangisi naman ako. I lay down on the sofa and secretly pulled out my cellphone from my slingbag. Kabado ako at excited na binuksan ang cellphone ko.
I bit my lower lip as I open my social media account. Bumilis ang pagtibok ng puso ko na unang bumungad ang sabog-sabog kong notification! Nangangatal ang kamay ko na binuksan ang ilang naka-tag sa akin at nanigas na mabasa ang mga nakalahad doon!
"What's this? Bakit ako. . . ang suspect sa pagkamatay ng vendor? Malinaw naman sa aking hindi ako ang nakabundol sa tao!" bulalas ko na nabitawan ang cellphone at natulala!
"Sweetheart, hwag ka na munang magbubukas ng social media-- holy fvck!" bulalas ng ninong na tumakbong nagtungo sa gawi ko!
Sunod-sunod tumulo ang luha ko. Gulong-gulo ang isipan ko na iniisip ang gabi ng car racing namin. Malinaw sa akin na hindi ako ang nakabundol sa biktima. It's not me. Pero bakit ako ang idinidiin nila ngayon na nakabundol at tinakasan ito?!
"Hey, sweetheart." Untag ng ninong sa akin na sumapo sa magkabilaang pisngi ko.
Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito. Marahan niyang pinahid ang luha ko.
"N-ninong, I'm not a k-killer. H-hindi naman po ako ang nakabunggo sa vendor. But why they are blaming me?" tanong ko dito na lumamlam ang mga matang niyakap ako.
"Shh, it's okay. I believe you, sweetheart. Don't mind them. Inaayos na ng daddy mo ang kaso mo." Aniya na hinahagod ako sa likuran.
Napahikbi ako na nagsumiksik dito. Hindi ko kayang basahin ang mga trolls at hateful words na ibinabato ngayon sa akin ng publiko sa social media. Kaya naman pala dito ako ipinadala ng daddy. Para hindi ko mabasa ang mga bashing sa akin sa social media. Pero bakit? Why they are bashing me without knowing the whole story?