Chapter 5

1636 Words
JENNY'S POV: MAAGA akong gumising para makasabay ako kay ninong pababa ng bayan. I have no choice. Tiyak na hindi nila ako palabasin ng hacienda kapag nakaalis na si ninong. Kaya kahit natatakot ako sa kanya, kailangan kong tatagan ang loob ko. I quickly took a bath and got ready. There's no signal here in the hacienda, so I need to go to the town to call my dad. I can't stay here any longer. Baka mamaya ay hindi nga ako kakainin ni ninong, ibang aswang naman ang kakain sa akin! Si ninong na mismo ang nagsabi kagabi. There are lots of vampires here in his hacienda. I can't stay here any longer! Does daddy know about this? If he does. . . why did he send me here? Gusto niya ba akong ipakain sa mga aswang?! "Bahala na! Hindi naman ako makakaalis dito if I'm not going to call my dad." I murmured. Kinuha ko ang slingbag ko at isinilid doon ang cellphone ko. Ipapakuha ko na lang mamaya ang mga gamit ko. My ninong will definitely notice if I bring a backpack. Napabuga ako ng hangin na kinalma na muna ang sarili bago tuluyang lumabas ng silid. Kabado ako na bumaba ng hagdanan. As I'm going down the stairs, I can already hear voices coming from the kitchen. It's probably the maids. It's only 4 o'clock am, but they're already cooking our breakfast. "Pambihira ka talagang bata ka. E kung matakot 'yon? Mukhang inosente pa naman ang alaga natin. Wala pang kaalam-alam sa mga bagay-bagay. Naku, napakaganda niyang bata at kitang sariwa pa." Natutop ko ng palad ang bibig na marinig ang boses ni nanay. My eyes widen of what I've heard! Kumabog ang dibdib ko na napakubli sa may pintuan. "Okay na iyon, manang. Para aware siya na kakainin ko siya kapag magpasaway siya dito," sagot ng ninong na halos ikaluwa ng mga mata ko! "Oh no! He really wants to eat me?!" usal ko! Para akong maiiyak na hindi mapangalanan ang nadarama! How can I go with him to town, when he wants to eat me? What if he eats me on the way?! Wala kaming ibang kasama at walang ibang tutulong sa akin kung sakali! Naku naman! Makakalmot ko talaga ang daddy na 'yon e! Siya ang nagdala sa akin dito! Napabuga ako ng hangin na kinalma na muna ang sarili. I have to act normal in front of them. Baka lalong hindi ako makakalabas ng hacienda kapag mapansin ng ninong na may iba akong plano. "Oh-- magandang umaga, señorita!" pagbati ni nanay sa akin na malingunan ako. Nakaupo sila ni ninong sa silya. Ang ilang katulong ay nagluluto na. Nagkakape naman sila ni ninong. "Morning po, Nay." I replied. Naupo ako sa silya kaharap ang ninong. Ayoko namang tumabi sa kanya. Naiilang ako. Nakatitig kasi ito sa akin na nangingiti. I don't know what's going on his mind. Baka naman iniisip na niya kung kailan niya ako kakainin! "Ipaghanda kita ng gatas mo ha?" wika pa ni nanay. I just simply nooded. Hindi ko masalubong ang mga mata ni ninong. Para akong malulusaw sa titig niyang napakatiim. "Good morning, sweetheart. Nakagayak ka yata?" ninong greeted me. I forced my smile. Sinalubong ang kanyang mga matang nagningning. My eyebrows furrowed. Hindi pa kasi nagbabagong anyo ang ninong. Magliliwanag na a. Dapat matandang panot at malaki ang tyan na ang itsura niya. Pero hindi. Ang bata niya tignan, ang hot niya tignan na malinis siya sa mukha at higit sa lahat? He's so fvcking handsome! "Uhm, ninong. C-can I come with you?" ungot ko. Nagpa-puppy eyes ako para maawa ito sa akin at hindi makatanggi. Napasimsim pa siya sa kanyang kape. "Saan? Hindi ako lalabas ngayon, sweetheart. Ililibot nga sana kita dito sa hacienda e." Sagot nitong ikinakurap-kurap ko. "What?! Bakit hindi ka lalabas kung kailan gusto kong sumama sa'yo?!" pagalit ko na napatayo sa kinauupuan. Ito naman ang napakurap-kurap. Maging ang mga kasama namin ay nagulat na napalingon sa akin. Napataas kasi ang boses ko. Pero heto at kalmado lang ang ninong. He chuckled. "Sweetheart, inilaan ko kasi ang araw na ito para sana ipasyal ka dito sa hacienda." He answered. "Isa pa, lower your voice, hmm?" Naiinis akong pabalang na naupo. "Ayoko. Sa bayan mo ako dalhin. Ang boring dito sa hacienda mo." Ingos ko pa para ako ang masunod. I can't stay here any longer! Pakiramdaman ko ay mag-isa ako dito. Na aswang lahat ng mga kasama ko dito! Lumapit naman na si nanay na inilapag sa mesa ang gatas na tinimpla nito. "Señorita, inumin mo na muna ito para mainitan ang sikmura mo," aniya. Hindi ako sumagot. Nakabusangot ako na napatitig sa gatas. "Fine. May gagawin ka ba sa bayan, sweetheart? May gusto ka bang ipabili?" ninong asked me. Napabuntong hininga ako nang malalim. Naiinis pa rin. "Yeah. Marami." Tumango-tango itong sumimsim sa kape niya. "Katulad ng?" Inismiran ko ito. "Why do you have know? Akin na 'yon. Kung ayaw mo akong samahan doon, e 'di ako na lang ang bababa sa bayan." Inis kong sagot. Napailing naman ito na nangingiti pa rin. "Sige na nga. I'll come with you. Hindi kita pwedeng hayaang gumala doon mag-isa. Hwag ka nang magsungit, hmm?" aniya na napakalambing. Inirapan ko ito. Bait-baitan pero gusto naman niya akong kainin! Napahagikhik pa siya sa ginawa ko. "Manang, bababa na muna kami ni Jenny sa bayan ha? Bukas na lang kami dadalaw sa gulayan. Pakisabi kay Manong Cesar na sa may manggahan kami mamitas bukas. Para madala ko doon ang masungit nating alaga." Nangingiting saad niya kay nanay. Maging si nanay ay napahagikhik. "Sige, hijo. Ako na ang magsabi kay Cesar mamaya." Tugon ni nanay. "Kuya Sai, pwede na po ito. Kumain na muna kayo," malambing wika ng isang katulong. Napataas ang kilay ko na makilala ito. Ito iyong sinabihan ako noong nakaraan na maarte. Pero kung magpabebe siya ngayon kay ninong ay halatang halatado na may gusto siya kay ninong. I smirked while staring at her. "You're Bell, right?" I asked. Napalingon sila sa akin. Tumango ito na napalunok. "O-opo, señorita. May kailangan po ba kayo?" she answered. "You're too obvious, girl. You like my ninong, right?" diretsong saad ko dito na pinamulaan ng pisngi. "Tss. I knew it." Hindi siya nakasagot. Tumalikod na siya na bumaling sa ginagawa nila. Nagsisikuhan naman ang mga kasama niyang katulong. Nagbubulungan. "What?" mataray kong tanong kay ninong nang magsalubong ang mga mata namin. Nailing naman ito na nangingiti. "Ikaw talaga. Bakit ba ang sungit mo? Hindi naman nasira ang tulog mo pero ang init ng ulo mo," wika niya na naglagay ng fried rice sa plato. Napanguso ako. "Speaking of nakakasira ng tulog, bakit ba ang ingay ng mga manok mo sa umaga, ninong? They're annoying, alam mo ba iyon?" inis kong litanya na maalala ang mga panabong nitong tumitilaok na. Napahagikhik naman ito. Ibinigay sa akin ang plato na nilagyan niya ng fried rice at fried egg. He also put bacon and hotdog. "Hindi ka lang sanay kaya naiirita ka, sweetheart. Kapag nakasanayan mo na sila? Hindi na nila nasisira ang tulog mo. Sila ang alarm clock namin dito sa probinsya e. Isa pa, hwag mo namang pag-initan 'yong mga panabong ko, hmm?" aniya na nagsimulang kumain. "Tss. Sakalin ko pa sila isa-isa sa harapan mo e," ingos ko. Naubo ito na nasamid sa tinuran ko. Napalapat ako ng labi. Nagpipigil matawa. Kaagad naman siyang binigyan ng tubig ni nanay na nangingiti sa amin ng ninong. "Ahem!" napatikhim siya na huminga nang malalim. "Hwag naman, sweetheart. Inaalagaan ko nga sila e. Iniingatan ko ang mga iyon kaya hwag mong sasakalin," naiiling turan niya. "Tsk." Nagpatuloy na kaming kumain. Lihim akong napangiti kasi maging sila nanay at iba pang katulong, sumabay silang kumain sa amin. Mukhang hindi masungit na amo si ninong sa kanila. After we eat our breakfast, nagpaalam na si ninong. Lumabas kaming dalawa na sumakay sa black wrangler jeep nito. "Siya nga pala, sweetheart. Tumawag ang daddy mo kahapon sa akin. Kinukumusta ka niya dito," wika ni ninong habang nasa byahe kami. I didn't answer him. Nasa labas ang paningin ko na pinagmamasdan ang nadaraanan namin. Nasa mataas na parte kasi kami ng bundok. Pababa ang kalsada at mula dito sa daan, tanaw ang mga katabing malawak ding lupain. Ang gandang pagmasdan ng mountain formation. Ang berde nila at para kang nasa paraiso sa ganda ng lugar. "Hey, about last night. Pasensiya ka na sa nakita mo ha?" untag nito na ikinalingon ko dito. Napalunok ako na ipinaalala niya iyon. Nakakainis. Okay na sana e. Kalmado na ako. Bakit naman kailangan niyang ipaalala na may nakita akong kinakain niya! Teka-- ano nga ba ang kinakain niya sa babaeng iyon kagabi? Mukhang wala namang bawas 'yong babae sa katawan! "Ninong?" "Yes, sweetheart?" aniya na nilingon ako saglit na nakatulala sa kanya. "Bakit mo. . . kinakain 'yong babae kagabi? Tao po ba ang hapunan mo? Babae lang ba ang kinakain mo?" magkakasunod kong tanong na nakamata ditong napaubo at nasamid! Itinabi niya na muna ang sasakyan at pababa ang kalsada. Ngumisi ito na bumaling sa aking napapalunok sa kinauupuan! "Siya itong gustong magpakain sa akin, sweetheart. And yes-- babae lang ang kinakain ko. Pero syempre, namimili naman ako. Hindi pwedeng basta babae lang ay kakainin ko na. Why are you asking me, hmm? Gusto mo bang. . . kainin din kita?" paanas niya na matiim na nakatitig sa aking namilog ang mga mata! "A-ano?" utal kong tanong na natarantang nagtanggal ng seatbelt! "Hey, sweetheart, what are you doing?!" bulalas nito na nagtanggal din ng seatbelt! "Oh my God! You can't eat me! Hindi ako papayag!" bulalas ko na tarantang bumaba ng sasakyan at tumakbo! "Hey, Jenny! Stop! I'm just kidding!" dinig kong sigaw niya na hinahabol ako! "No! You stay away from me, ninong!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD