Chapter 4

2349 Words
JENNY'S POV: "URGHH!" Naiinis akong tinakpan ng unan ang tainga ko na magising ako sa ingay ng mga manok ni ninong! Just like yesterday, they're so noisy! It's only 5 o'clock in the morning at ang sarap pa sanang matulog lalo na't ang lamig dito! "Naman! I'm going to kill those roosters! Nakakainis na!" reklamong ungol ko na nagpagulong-gulong sa malaking kama. It's really annoying! I want to break their neck! Gusto kong hilain ang dila nila para hindi na sila makatilaok sa umaga! Ang sakit sa tainga na sunod-sunod silang tumitilaok lalo na't nasa tapat lang sila ng silid ko! "Señorita?" nanay called me and knocked the door. I didn't bother to answer her. Nanatili akong nakapikit habang natatakpan ng unan ang tainga ko. I heard the door opened. I even heard her footsteps on the floor. Lumapit siya sa akin. "Magandang umaga, señorita. Gusto mo bang makasabay ang ninong mo sa agahan?" she asked politely. Inalis ko ang unan sa ulo ko. "I'm still sleepy, nanay. Siya na lang po. 'Yong mga manok niya ang patahimikin niyo at gusto ko pang matulog. They ruined my morning again. Nakakapikon na 'yang mga manok ng ninong," inis kong sagot. Napalapat siya ng labi. Nagpipigil mapangiti. "Sige po, señorita. Pasensiya ka na sa mga manok panabong ng ninong mo ha? Nagkataon kasi na dito sa silid mo nakatapat ang kinaroroonan nila d'yan sa bakuran sa ibaba." Sagot nito na inabot ang kumot at inayos na kinumutan ako. Hinaplos niya pa ako sa ulo. Nanatili akong nakadapa sa kama. Nakapikit at inaantok pa ako. "Sige po, señorita. Maiwan na kita." Pamamaalam niya. "Sige po, Nay." I answered. Naitakip kong muli ang unan sa tainga. Dahil patuloy pa rin sa pagtilaok ang mga panabong ni ninong. Nanggigigil na ako sa mga manok niya! They're so noisy! Inaantok ang diwa ko nang maalala ang sinabi ni nanay. Na inaaya ako ng ninong na mag-agahan kasama siya! "Holy s**t! Si ninong!" bulalas ko na napabalikwas sa kama! It's my second day here at hindi ko pa nakakaharap ang ninong. Akmang lalabas ako ng silid nang marinig ko ang pag-andar ng sasakyan sa ibaba. Dali-dali akong nagtungo sa bintana. Magliliwanag na rin. Naniningkit ang mga mata ko na napalingon sa garahe. Maya pa'y pumasok na sa driver side ang isang matanda, malaki ang tyan at napapanot ang ulo na nakasuot ng formal suit. Napangiwi ako. "So, isang matandang panot at malaki ang tyan ang itsura ni Ninong Simon? What the heck? I thought he's handsome and hot, just like my other ninongs." I murmured. Dismayado ako. Napabusangot na bagsak ang balikat na bumalik sa kama. "Daddy said that my Ninong Simon is handsome and hot. Na maraming babaeng naghahabol sa kanya dito. Iyon na iyon? Gwapo na ba iyon para habulin ng mga babae dito? Or maybe it's his money they want, not him." Usal ko pa na naiiling. Kung sabagay, kahit matanda na ang ninong, wala itong ibang anak. Which only mean one thing. Kung sino man ang makakapag paibig sa kanya, o kaya ay maanakan niya? Sila ang magmamana sa kayamanan ng ninong. Not bad. Marami namang babaeng gano'n. There's a lots of women out there who are willing to open their legs for the sake of money. Napahilot ako sa noo. Bakit ko ba naiisip ang bagay na iyon? Wala na akong pakialam kung sino ang mga gustong pikutin ang ninong. Hindi rin naman ako magtatagal dito. Kaya tiyak na hindi ako mapapalapit kay ninong. Lalo na't abala ito sa trabaho niya. Bumangon ako ng kama at nagtungo sa banyo. I washed my face and brushed my teeth. I also comb my long hair. Hinayaan ko lang itong nakalugay. After doing my morning routine, I went out of my room and headed to the balcony. I sat on the sofa, facing the sunrise, and savored the gentle warmth of the sun's rays. Napapikit ako na may ngiti sa mga labi. Ang sarap damhin ang katamtamang sikat ng araw at ang malamig na simoy ng hangin. Nare-relax ang isip at puso ko lalo na't tumahimik na rin sa wakas ang mga panabong manok ni ninong. "Señorita, nandito ka lang pala. Nagdala ako ng mainit na gatas para sa'yo at ayaw mo naman ng kape," magalang wika ni nanay. Nanatili akong nakapikit na nakaharap sa araw. Lumapit ito na may inilapag sa mesa sa tabi ko. "Thank you, Nay." I replied. Nagdilat ako ng mga mata. Nakatitig naman ito sa akin. Nakangiti at kita ang kamanghaan sa kanyang mga mata. "Bakit po?" I asked. Umiling naman ito na nanatiling nakangiti sa akin. "Napakaganda niyo po kasing bata, señorita. Namamangha lang po ako at para kayong buhay na manika sa sobrang ganda niyo. Ang liit ng mukha niyo at sakto lang ang pangangatawan niyo." Papuri nito na walang bahid ng pambobola. Lihim akong napangiti sa kanyang papuri sa akin. Inabot ko ang gatas na dala nito at sumimsim doon. Nakatayo pa rin naman ito sa harapan ko. Pinapanood ako. "Gusto mo bang dalhin namin dito ang agahan mo, señorita?" she offered. "Sige po, Nay." I answered. Yumuko siya sa akin bago umalis. Naigala ko ang paningin sa paligid. Gusto ko sanang maglibot-libot dito sa farm. Pero wala naman akong ibang kakilala dito. Busy din ang ninong at wala manlang siyang anak na pwede kong kaibiganin habang nandidito ako. "Señorita, narito na po ang agahan niyo." Wika ni nanay na ikinabalik ng ulirat ko. May dalawa siyang kasamang katulong na kaedaran ko. Maingat nilang inilapag ang mga dalang pagkain at inumin sa mesa. "Kumain ka na muna, señorita. May gusto ka bang ipadagdag?" magiliw na saad ni nanay. "Wala na po, Nanay. You can go back to work na po. Don't mind me here. Thank you for the breakfast," I answered. She nodded and smiled at me. Sinenyasan niya ang dalawang kasama na iwanan na muna nila ako. Inabot ko ang kutsara. Sinuri na muna ito kung malinis. Kahit malinis itong tignan, pinusanan ko pa rin ng tissue bago nagsimulang kumain. "Kainis. Ano na kayang nangyayari sa Manila? Baka bina-bash na ako ng mga tao sa social media," usal ko na maalala ang tinakasan kong problema. Wala naman talaga akong kasalanan doon. Hindi ako ang nakabangga sa street vendor. Isa pa, medyo malayo na ako sa kalaban ko sa karera nang gabing iyon kaya hindi kami nag-aagawan sa daan. Pero dahil dawit ako sa kaso, pinagpalamig na muna ako ng daddy at dito talaga sa probinsya ipinadala. He's annoying. He knew that I'm not used to stay in the province, especially without internet. But here, he sent me to my ninong's place. My dad is still fixing things regarding the case and to clean my reputations too. Ang alam ko, sila ang nagbayad sa pamilya ng nabundol at nililinisan na muna ang issue. Kaya ayaw niyang gumamit ako ng internet. Para hindi ako maapektuhan sa bashing. While eating my breakfast alone, I can't help but think about what's going on in Manila. Especially with the internet. Ang bilis pa naman kumalat ng balita at kapag pinagpasa-pasahan na ito, asahan mong marami na ang kulang at idinagdag sa kwento. In short, puro kasinungalingan na ang kumakalat at ang nakakatawa? Ang bilis maniwala ng mga tao. Hanggang sa natapos na akong kumain. Pumasok na ako sa silid at naligo na muna. Kaysa magkulong ulit ako maghapon sa silid, maglibot-libot na lang muna ako dito sa mansion. Kaysa nababagot lang ako na nakakulong sa silid. LUMIPAS pa ang mga araw at unti-unti na akong nasasanay sa buhay dito sa probinsya. Nagigising sa umaga dahil sa mga maingay na panabong ni ninong. Hindi pa kami nagkikita ni ninong. Sa umaga kasi, maaga itong umaalis. Sa gabi naman, late na itong umuuwi. Hanggang isang gabi. Hindi ako makatulog kahit ano'ng gawin ko. Gusot-gusot na ang kama ko sa kakagulong ko para makatulog pero hindi ako dalawin ng antok. Bumangon ako ng kama. Maging buhok ko ay sabog-sabog na. Lumabas ako ng silid at nauuhaw na ako. Plano ko sanang uminom ng gatas. Baka sakaling makatulog na ako. It's already twelve midnight! Ang sakit na ng ulo ko sa puyat pero hindi ako makatulog! Malamlam na ang ilaw dito sa sala. Tanging sa koridor na lamang patungo sa maid's quarter ang nakabukas. Nagtungo ako sa kusina. "Urgh!" Natigilan ako sa akmang pagbukas sa fridge na makarinig ng ingay sa sulok. Kinilabutan ako. Naigala ang paningin. Wala namang ibang tao pero muli kong narinig ang pagdaing sa 'di kalayuan sa akin! "Uhm! Uhm! Ohh!" My eyebrows furrowed. Maingat kong isinarado ang pintuan ng fridge at hinanap kung saan nagmumula ang pagdaing na naririnig ko! "Oh my God. What's that noise? Ang creepy. Baka naman may mga mumu dito?" I murmured. Kabado ako habang marahang lumapit sa pintuan ng banyo dito sa kusina. Sa loob kasi nanggagaling ang ingay. Pabilis nang pabilis ang pagtibok ng puso ko! "Urgh! Urgh!" My eyes widen! Napatutop ako ng palad sa bibig! Gusto kong tumakbo pero natuod na ako sa kinatatayuan sa aking nakita! Dalawang pares na nandidito sa loob ng banyo! Ang babae ay nakaupo sa countertop. Her legs parted at may lalake sa harapan niya. I don't know exactly what he's doing! Pero nakasubsob siya sa hita ng babae at mukhang. . . kinakain niya ito! "Bitawan mo siya! Umalis ka dito! Aswang ka ba?!" sigaw ko na pinaghahampas ito ng walis para masaklolohan ang biktima niya! Nagulat ang mga ito sa pagsulpot ko. Nasulyapan ko pa ang babae na napaikot ng mga mata. Problema nito? Hindi ba dapat ay nagpapasalamat siya sa akin na dumating ako para iligtas siya? "What the heck, Ms? Bakit ka ba nanggugulo? Sino ka-- holy s**t-- Jenny?!" bulalas ng binata na napahagod ng tingin sa akin. Kinilabutan ako. Napayakap ako sa sarili na namimilog ang kanyang mga mata sa akin! "Oo, I'm Jenny, so?" mataray na sagot ko kahit para na akong maiihi sa takot! He chuckled. Naiiling itong inabot ang bathrobe sa gilid at isinuot iyon. Napalapat ako ng labi. Nag-init ang pisngi ko at hubad din kasi ito. Boxer briefs na lang ang suot. "Hey, Simon, we're not yet done, ano ka ba?" reklamo ng babaeng kinakain nito kanina na nagbihis na ito. I blinked in surprise at what the girl said. She was still sitting on the countertop, unbared and unconcerned that she was exposing herself. "Seryoso ka ba, ate? Kinakain ka ng kumag na ito pero gustong-gusto mo naman?" pambabara ko dito. Kung kanina, gusto ko pa siyang tulungan? Ngayon, parang gusto ko na lamang siyang ipalapa sa iba pang aswang. Looks like she's enjoying it naman. Inakbayan ako ng binata na tinakpan ng palad ang mga mata ko. Magrereklamo pa sana ako pero sumagot ito sa dalagang kinakain niya kanina. "Go home, Suzie. May bata dito. Hindi dapat nakikita ng bata ang ginagawa ng matatanda." Malamig nitong sagot na hinila na ako palabas ng banyo. My eyes widen! Nagulat ako sa itinawag sa kanya ng babae! Saka lang kasi mag-sink-in sa isipan ko ang pangalan nitong sinambit ng babae kanina! "Teka-- Simon ang pangalan mo? Ibig sabihin. . . isang aswang ang ninong ko?!" bulalas ko na ma-realized ang mga nalaman ko! Napabitaw ako dito. Naitulak ko pa siya at napayakap ako sa sarili. Kinilabutan ako na mapatitig ditong may ngising naglalaro sa kanyang mga labi! "Pinapauwi mo na siya. Ibig bang sabihin. . . ako naman ang kakainin mo?! Oh no! Hindi ko kaya! Isusumbong kita kay daddy!" tili ko na binalot ng takot sa dibdib at napatakbo! "Fvck!" dinig kong napamura ito at sinundan ako kaya lalo akong natataranta! "OMG! Help me! Aswang ang ninong ko and he wants to eat me!" I shouted for help! Mabilis siyang tumakbo. Akmang isasara ko ang pintuan pero nahabol niya ako at naharang iyon! Namimilog ang mga mata ko at hinihingal itong naituro ako! "Ikaw," aniya na naghahabol hininga! Napaatras ako sa takot. Mukhang nagalit ko siya at baka ako na ang isusunod niyang kakainin! Oh my gosh! Totoo palang may mga aswang at heto at kaharap ko na ang isa sa kanila! Pero bakit sobrang gwapo naman niyang aswang?! "Ginambala mo na nga ako, ipapahiya mo pa ako sa mga tao dito?" pagalit nito sa akin. "Subukan mong magsumbong sa daddy mo, at ikaw ang susunod na kakainin ko, naiintindihan mo?" madiing pagbabanta niya na ikinapitlag ko at namumutla sa kinatatayuan! Tumango-tango ako sa sobrang takot! "Opo, ninong. Hindi na po ako magsusumbong. Saka. . . hindi po ako masarap." Nauutal kong sagot para hindi na niya ako kakainin pa! He chuckled. Napailing siya na napahagod ng paningin sa kabuoan ko. I'm wearing nighties dress at manipis lang ito kaya tiyak kong naaaninag niya ang katawan ko. He even licked his lips. Na tila gusto niyang kainin ang nasa harapan niya! "Nagkakamali ka, inaanak ko. Masarap ka. Kaya itikom mo 'yang bibig mo kung ayaw mong gabi-gabi kitang gawing hapunan ko. Naiintindihan mo?" nakangising paanas nito. Kaagad akong tumango-tango sa sobrang takot. I still can't believe that my ninong is a vampire! Kaya ba nagbago na ang itsura niya? Gan'to ba ang mga aswang? Pangit sa umaga pero gumugwapo sila sa gabi? "Opo, ninong. Hindi po ako magsasalita." Sagot ko na maiiyak na sa sobrang takot! Humakbang siya na ikinalunok ko. Para akong tatakasan ng kaluluwa ko nang lumapit siya at hinaplos ako sa ulo! "Good girl. Sige, matulog ka na. Maraming aswang d'yan sa labas kaya hwag ka nang lumabas, okay? Sige ka, kakainin ka nila," saad nito na maamo na ang boses at itsura. Para akong mawawalan ng ulirat nang yumuko pa siya at hinagkan ako sa noo! "O-opo, ninong. Matutulog na po." Sagot ko na ikinatango nito. I bit my lower lip as I turned back. He was still standing by the door, watching me headed the bed and wrap myself in a blanket. He even smiled at me and waved before closing the door, which makes me feel relieved! "Oh my God! Aswang si ninong?! Huhu! Uuwi na ako! Daddy, help me!" impit kong tili na napatalukbong ng kumot sa takot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD