Chapter 14

1536 Words
JENNY'S POV: “H-HEY, little pumpkin, what are you thinking, hmm?” tanong nito na mahinang pinitik ang noo ko. “Aw naman, it hurts, isusumbong kita kay daddy, sinasaktan mo ako,” reklamo ko na napahimas ng noo. Napahalakhak naman ito. “Isusumbong kaagad? Napaka sumbungera mo naman, sweetheart,” natatawang wika nitong inirapan ko. Gosh! Bakit kasi nakakatulalang titigan ang mga labi niya e! “I'm just looking at your lips, ninong. I was just wondering kung bakit gustong-gusto ng mga babaeng mahalikan iyan. Ang pangit kaya ng labi mo. Maputla siya. It looks dry and it's not kissable.” Ingos ko dito na napakurap-kurap at napahaplos pa ng labi niya! Napalapat ako ng labi. Nagpipigil mapahagikhik at tila hindi siya makapaniwala sa komento ko sa mga labi niya. Kahit na ang totoo, makintab, mapula, manipis at kissable tignan ang mga iyon! “Sweetheart naman. Alam kong sanay ka na napapalibutan ka ng mga gwapo sa angkan niyo pero– hwag mo naman murder-in ‘tong labi ko. Aba e– kissable naman ito sa tingin ko.” Pagtatanggol niya sa kanyang labi na akala mo naman ay inapi ko, teka– hindi nga ba? Napahagikhik ako sa naisip. Naiiling naman ang ninong na hinahaplos pa rin ang ibabang labi. Parang nakakaengganyo tuloy titigan na naman ang mga iyon. Para kasing ang sarap humalik ng mga labi ni ninong! “Oh my God! No! No! No! No!” bulalas ko na tinapik-tapik ang magkabilaang pisngi ko para magising ang diwa ko! “Hey, what's wrong, sweetheart? May masakit ba?” nag-aalala niyang tanong na hinawakan ako sa kamay. Napatitig ako dito. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Hindi ko maiwasang mapababa ng tingin sa mga labi niyang nakaawang! Oh my! Heto na naman siya! “Lumayo ka nga, ninong. Ang baho mo!” sikmat ko na naitulak siya. Natulala naman siya. Napaamoy pa sa sarili. He raised his two hands and smell his under arms. Napalapat ako ng labi. Nag-iinit ang mukha na nag-iwas ng tingin sa kanya nang panlakihan niya ako ng mga mata! “Sweetheart ha? Naligo ako kanina at wala naman akong putok sa kili-kili para sabihan mo akong mabaho.” Aniya na inamoy pa ang hininga. “Mabango din ang hininga ko. Ikaw– namumuro ka a. Gusto mo bang paluin kita sa pwet ha?” Napahagikhik ako. “Ngee. I'm too old enough para mapalo sa pwet, ninong. Hmfpt, isumbong kita sa daddy ko e. Hindi nga ako pinapalo ng daddy ko e, papaluin mo ako?” ingos ko na dinampot ang box ng donut at nagsimulang kumain. Nangingiti na naman siya habang nakatitig sa akin. Parang may kalokohan na namang naiisip ang matandang Simon. I can feel it. Pinaglalaruan na naman niya ako sa isipan niya. “Mas masarap nga paluin sa pwet ang mga katulad mo e. Wanna try, sweetheart? Masarap pumalo ang ninong mo,” napakalandi niyang turan sabay taas baba ng mga kilay. Pinaningkitan ko ito habang kumakain ako ng donut. Napalunok pa siya na napababa ng tingin sa kinakain ko. Naiinggit ba siya? I smirked on my mind. I intentionally licked my lips. Iniinggit ko siya na napakasarap ng donut na kinakain ko. Sinadya ko ring hawakan ang box nito para hindi siya bigyan. Iinggitin ko lang. Napalunok siyang muli. Hindi maalis-alis ang paningin sa mga labi ko. Nahihiya na nga ako kasi parang iba na ang naglalaro sa isipan niya. Natatakam siya. Pero mababakas ang kasabikan sa kanyang mga mata! “Gusto mo po?” I asked. Nahiya naman ako at ilang beses na siyang napalunok na hindi maalis-alis ang paningin sa aking mga labi. “P-pwede ba, sweetheart?” he huskily asked na halos pabulong na. “Opo pero– isa lang ha?” sagot ko na yumuko at kumuha ng isa pang donut. Namilog ang mga mata ko nang humawak siya sa batok ko at inabot ang aking mukha! Nanigas ako sa kinauupuan na hindi kaagad nakakilos. Ramdam ko ang mainit at malambot niyang mga labi na nasa gilid ng labi ko! Did he– kiss me!? PALAKAD-LAKAD ako ng silid na pinapakiramdaman ang ninong sa labas. After what happened to us earlier, bigla kaming nagkailangan ng ninong. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya. Umiiwas kasi siya e siya naman itong biglang sumunggab! Akmang lalabas na ako ng silid nang kumatok ang ninong na ikinatigil ko. Napalunok ako na bumilis ang pagtibok ng puso ko na marinig ang boses nito mula sa labas. "Sweetheart, the table is ready. Lumabas ka na at maghapunan tayo," wika nito. I closed my eyes and took a deep breath. I tried to calm myself first. Nakakainis. Bakit napapadalas naman na yata na bumibilis ang pagtibok ng puso ko kapag nasa tabi lang ang ninong? Should I distance myself from him? Napailing ako na binuksan ang pintuan. Nasa harapan pa rin naman ito. Hindi matagalang makipagtitigan sa akin. Parang iniiwasan niyang magsalubong ang mga mata namin. "Uhm, nakapaghain na ako. Lalamig kasi iyong pagkain kaya. . . kumain na tayo, sweetheart." Aniya na nauutal-utal sa pagsasalita at hindi makatitig sa akin ng diretso. "Sige po." I replied. Nagpatiuna akong nagtungo sa kusina. Sumunod naman ito. Ramdam ko ang kanyang matiim na pagkakatitig sa likuran ko na hindi ko na pinansin pa. Napangiti ako na makitang nakahain na nga ang hapunan namin sa mesa. Pork adobo, fried chicken and beef ampalaya. He also made salad. Mabuti na lang at marunong magluto ang ninong. Kaya kahit dalawa lang kami dito sa opisina niya, hindi niya ako ginugutom. "How is it? Nagustuhan mo ba? May chicken soup din akong ginawa, sweetheart." Aniya na tumayo muli at kumuha ng sabaw. Masarap naman talaga magluto ang ninong. Nakakatuwa. Para siyang si daddy. Bukod sa gwapo, masarap pa magluto at mag-alaga. "Mainit ha? Hipan mo," paalala niya na maingat inilapag ang soup sa gilid ng plato ko. Napasamyo ako sa usok no'n. Ang bango at nakakagutom! Naupo ulit siya sa kanyang silya na nagsimulang kumain. "Ninong, are we. . . okay?" I asked him while we're eating. Natigilan siya sa pagsubo. Napatitig sa akin. Napalunok ako na bumilis ang kabog ng dibdib. Pero matapang kong sinalubong ang mga mata niya. "Yeah-- I guess. Unless. . . galit ka kay ninong, sweetheart. Are you?" balik tanong niya. Umiling ako na tipid na ngumiti sa kanya. "Hindi po a. Tinanong ko lang po. Kasi parang ayaw mo akong kausapin kanina." Sagot ko na nagpatuloy sa pagkain. "No, it's not like that, sweetheart. Pasensiya ka na kay ninong. I thought I offended you. Kaya ka nagkukulong sa silid," mababang saad niya na nagsubo. "Hindi naman po, ninong. Saan naman ako mao-offend? Ako nga po 'yong sumusobra dito e. Mabuti na lang, my ninong is a nice and kind man." Sagot ko na ngumiti dito. Napangiti na rin ito. Umaliwalas na ang mukha at mababakasan ng kinang ang mga mata. "Masaya nga ako na nandidito ka e. Pakiramdam ko, kumpleto ako. May nakakakulitan akong anak. Gan'to pala kasaya kapag may anak ka na malaki na. Dahil sa'yo, pakiramdam ko, ama ulit ako. Napakasaya ng puso ko na nandidito ka, Jenny. Alam ko naman na hindi ka magtatagal dito sa poder ko e. Kaya sinusulit ko na lamang ang mga sandali. Na kasa-kasama kita. Dahil kapag naayos na ng daddy mo ang scandal mo, babalik ka na ulit sa Manila. Who knows, makalimutan mo na si ninong. Baka nga. . . hindi ka na babalik dito e. Bukod sa mag-aaral ka na naman, marami kang kaibigan sa syudad. Makakalimutan mo na ang mga pinagsamahan natin dito. Hindi ka rin maiistorbo ang pagtulog mo sa umaga kasi-- wala na ang mga panabong ko na tumitilaok sa umaga." Wika niya na may bahid ng kakaibang lungkot ang mga mata at namuo din ang luha. Hindi ko alam pero-- nalungkot din ako sa sinabi niya. Makakalimutan ko nga ba siya pagbalik ko ng syudad? Hindi na nga ba ulit ako dadalaw dito sa kanya? Ibig bang sabihin. . . hindi ko na ulit siya makakasama nang gan'to. Paano na si ninong kapag bumalik na ako sa Manila? Magiging mag-isa na naman siya. Kaya ba inaalagaan niya ako kahit madalas ay masungitan ko siya? Kasi masaya siya at napupunan ko ang malaking puwang at pangungulila sa puso niya. Tumayo ako na lumapit dito. Nangilid ang luha na niyakap itong natigilan. "Ninong, ayokong mag-isa ka ulit. I want you to be happy," wika ko at napahikbi sa balikat niya. Bakit ba ako nasasaktan sa kaisipang maiiwan na naman siyang mag-isa? Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero-- nadudurog ako para kay ninong. Tumayo siya na niyakap ako. Ikinulong ako sa kanyang bisig. Paulit-ulit na hinahagkan ako sa ulo at hinahagod-hagod ang likuran ko. "Kung mag-isa ka na naman at malulungkot, ayokong umalis dito. Kaya kong tiisin ang ingay ng mga manok mo, ninong. Pero-- bakit nasasaktan ako sa kaisipang. . . maiiwan ka na namang mag-isa? I. . . I don't want you to be alone again. I want you to be happy, ninong. Kung napapasaya kita-- gusto kong manatili na lamang sa tabi mo." Saad ko dito na yumugyog ang balikat na mahigpit akong niyakap. "J-jenny."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD