Patricia's P.O.V.
Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na naman inaasahan ang pagkikita naming dalawa. At sa tagpong ito ay damay na ang anak naming dalawa. Para bang nag reunite ulit ang magkaka pamilya.
Hindi ko pinansin ang kaniyang mapag akusang tingin at bumaling na sa anak ko.
"Kukunin ko na ang anak ko," saad ko at nilagpasan na siya. Akma ko ng kukunin si blake pero pinigilan niya ako.
Mabilis niya itong binuhat at dinala sa kaniyang kwarto.
"Ivan ano bang ginagawa mo?" inis ko ng tanong sa kaniya.
Sinara niya ang pituan ng warto at hinablot ako papunta sa kusina. Kaing dalawa nalang ngayon.
"Si Blake ba ang anak natin?" he furiously asked. Nakakatakot ang kaniyang mga mata.
Pero hindi ako nagpatinag sa kaniya. "Let's not talk today, Ivan. Iuuwi ko na ang anak ko," inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin pero hinila niya lang ako muli.
"Kung hindi ngayon kailan pa?" galit na niyang tanong. "Sabihin mo nalang sa akin ang totoo," sa inis ay naiyak siya. Pumatak ang kaniyang luha at naramdaman ko pa iyon sa aking kamay.
"Ano ba Ivan," mahina kong saad. Nadadala na sa kaniyang pag iyak.
"Uulitin ko Patricia. Si Blake ba ang anak natin?"
Hindi ko siya pinansin. Winasiwas ko ang nakahawak niyang kamay sa akin. Umalis na ako sa harapan niya at nagtungo sa kaniyang kwarto. Bubuksan ko na sana ang pintuan ang kaso ay naisandal na niya ako sa pader.
Ikinulong niya ako roon. Sobrang lapit na rin ng mga mukha naming dalawa. Kaunting galaw lang ay maglalapat na ang mga labi naming dalawa.
Nakatingin siya ng seryoso sa akin. "Gaano ba kahirap sagutin ang tanong ko? Gaano ba kahirap na sagutin ako?" nanghihina niyang tanong. Nababasag na rin ang kaniyang boses. "Mahirap ba iyon?"
"Kung isasagot ko ba na hindi natin anak si Blake ay maniniwala ka ba?" lakas loob kong tanong.
Piniling niya ang kaniyang ulo. "Hindi," mabilis niyang sagot.
"'Yun naman pala eh. Ngayon alam mo na ay pakawalan mo na ako. Kukunin ko na ang anak ko at uuwi na kami," pilit ko siyang tinutulak ngunit hindi pa rin siya natitinag. "Malay mo ba kung sa'yo talaga si Blake," pagsisinungaling ko. Hindi ko ba alam kung bakit ako ganito.
Kanina lang ay iniisipi ko pa kung paano ko siya haharapin. Ngayon naman ay sobra ang pagtataray ko sa kaniya. Kahit na siguro nalaman ko na ang totoo ay hindi ko pa rin maitatanggi na meron pa rin akong sakit ng loob sa kaniya.
"Kung hindi ako ama e'di sino? Sige nga at sabihin mo iyon sa akin ngayon," hamon niya.
Iniisip ko pa rin na kahit na hindi talaga buntis ang babaeng iyon ay bakit pa rin niya pinatulan ang halik nito. Naiinis ako sa idea na iyon.
"Wala ng pakialam kung sino man iyon," sigaw ko. "Isa pa ay wala ka na naman karapatan na itanong sa akin ang ganyang bagay. Ano ba kita? Hindi mo naman dapat nalalaman ang mga importanteng bagay sa akin," talak ko pa.
Natawa siya ng kaunti at hindi makapniwalang tumingin sa akin pagkatapos ay piniling niya ang kaniyang ulo. "Ano mo ako? Baka nakakalimutan mo na asawa mo pa rin ako," banta niya.
"Hindi na kita asawa. Matagal na tayong naghiwalay," pilit ko. "Usong mag move on Ivan at baka hindi mo iyon alam.
"Why will I move on if I don't want to. You are still my wife. Sa papel, sa mata ng mga magulang natin, sa mata ng mga tao, at lalo na sa mata ng Diyos," mariin niyang sambit.
Napapiling nalang ako. "Ang lakas din ng loob mo na sabihin iyan sa akin pagkatapos ng lahat ng ginawa mo," pinigilan kong tumulo ang mga luha ko ngunit nakatakas na ang mga iyon. "Sabaihin na natin na hindi pa tayo divorce. Pero huwag kang mag alala at ipa-file ko iyon bukas na bukas din."
Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kaniyang kamay. "Huwag na huwag mo iyong gagawin. Pupunutin ko pa sa mismong harapan mo ang papel na iyon," pagmamaka awa niya. "Kaya nga nandito ako. Babawi ako sa'yo. Itatama ko lahat ng mga pagkakamali ko."
Tinulak ko siya. "Pero hindi mo man lang na isip na buntis ako at nagpahalik ka pa rin sa babae na iyon. Alam mo naman na makakasama sa akin iyon," sumbat ko pa at pinalo palo siya sa kaniyang dibdib.
"Babawi ako. Babawi ako," mahina niyang bulong. "Huwag ka lang mag file ng annulment paper," paki usap niya pa.
Piniling ko ang aking ulo. "Wala ka ng magagawa kung gusto ko iyong gawin, Ivan. Paalisin mo na ako at kukunin ko na ang anak ko."
"Anak natin , Patricia!" he frustatedly said.
Pinabayaan ko nalang siya at dumiretso sa kaniyang kwarto. Kukunin ko na sana ang anak ko ng mapansin ko ang mga letrato sa bed side table niya. Meron kaming letrato roon habnag buntis ako. Ang isa naman ay magkahalik kami. Npansin ko rin ang nasabit sa dingding. It was our wedding picture.
"Sana ay maibalik natin ang masasayang alaala na iyan," saad ni Ivan na nasa likuran ko na pala.
Humarap ako sa aniya. "Huwag ka ng umasa pa, Ivan. Tapos na ang lahat sa atin," sagot ko at kinuha ko na ang anak ko at muling bumaling sa kaniya. "Sana rin ay ito na ang huli na mag-uusap tayong dalawa," at tuluyan na kaming umalis.
Ivan's P.O.V.
Sa pang ilang pagkakataon ay nabasag na naman ang aking puso. Ang sakit marinig ng ganoong salita mula sa bibig ng taong mahal na mahal ko.
Aminado naman ako na natukso talaga ako at nahalikan ko ang babaeng iyon pero agad ko rin naman siya naitulak ng ma isip ko ang buntis kong asawa. Pero iyon na pala ang magiging malaking mantsa sa relasyon namin ni Patricia.
Hangga ngayon ay talagang hinahabol pa rin kami ng nakaraan. Hangga ngayon ay si Keith pa rin ang problema namin.
Talagang pinagsisihan ko iyon. Ayaw ko ng ma isip pa dahil iyon talaga ang nag udyok sa kaniya para layuan ako.
Napapapikit ako ng mariin at napahawak sa aking ulo. Sana nga lang ay hindi niya totohanin ang kaniyang sinabi tungkol sa pag didivorce.
Hindi man niya direktahang sinabi ay alam na lam ko na sa akin si Blake. Kaya pala pamilyar ito, Ako ang kamuhka niya. Kuhang kuha niya ang mukha ko.
Nabalitaan ko rin na sa United States talaga siya namalagi at hindi sa Korea. Pumunta rin naman ako roon sa property nila roon. Pero hindi pala siya roon tumuloy at sa ibang lugar. Nagtrabaho rin para mabuhay ang anak namin.
I will do everything just to get them back. Kahit na lumuha pa ako ng dugo ay gagawin ko iyon para lamang bumalik sa akin ang asawa ko.
Ilang taon na akong naghihintay at ngayon pa ba ako susuko? No way. I will do everything just to get her back. Just to get them back.
Gagwin ko lahat para makabawi sa nasayang na limang taon.
Ngayon ay kailangan ko ng mag isip ng hakbang para magawa iyon. Hindi ako pwedeng mag pa chill chill lang. Mahilig pa naman sa pagtakas ang asawa ko. Hindi malayo na baka ma isip na naman niya iyong gawin. At baka sa pagkatataon na iyon ay hindi ko na talaga sila makita.
Tinitigan ko ang larawan naming mag asawa. "Magiging masaya rin tayo ulit, Patrcia. Bubuuin ko ulit ang pamilya natin."