Ivan's P.O.V.
Nasa loob ako ngayon ng aking opisina. Busy sa kakatingin sa mga dokyumento. Naging workaholic na rin ako. Wala ng oras pa para sa ibang mga bagay. Ang dalawang taon na paghihintay ko ay naging lima. Sigurado ay malaki ang anak namin.
Pinilit kong maging masaya kahit na wala siya. Kahit na wala sila ng anak ko. But I can't just do that. I still need her. She's still be the missing piece in my heart.
Tumunog ang intercom at nagsalita mula roon ang aking sekretarya. "Sir Ivan. Nandito po si Sir Brix. Papasukin ko po ba siya?" tanong niya.
"Let him in," I answered. Ano na naman kayang kailangan ng lalaking ito. Kung pipilitin niya ulit ako lumabas ay hindi ko alam kung papayag ako. Wala ako sa mood at wala akong gana.
"Yes, Sir."
Bumukas na ang pintuan at tuluyan na ngang pumasok si Brix. Nakangiti ito sa akin. "Kumusta? Busy pa rin ba?" pagtatanong niya at umupo sa upuan sa harapan ng aking la mesa.
"What do you need? Mamiilit ka na naman ba?" tanong ko.
Napatango naman siya. "You got it right bro. Sumama ka na kasi sa akin kahit ngayon lang. Huwag kang masiyadong magpakalulong sa business mo. hindi naman iyan malulugi," litanya pa niya.
Napahawak naman ako sa tungki ng aking ilong. Napakakulit talaga. "Ano bang oras?" nakakunot noong tanong ko.
Napapalakpak naman siya. "Wow pumayag. Fisrt time ah," masayang sambit niya.
"Gusto mo bang bawiin ko nalang?" banta ko sa kaniya.
Napangiting aso naman siya. "Ikaw naman hindi ka mabiro. Mamayang seven o'clock kita ulit tayo."
Tumango ako at tinaboy na siya. "Oo na. Umalis kana at busy pa ako," saad ko.
Lumapit siya sa akin at tinapik ang aking braso. "Palagi ka namang busy ano pa bang bago? Bastat kita nalang tayo mamaya ah. Alis na ako," paalam niya at tuluyan ng lumabas.
Ang daldal talaga.
Pumayag na ako sa gusto niya dahil minsan lang naman ito. Gusto ko munang magliwaliw. Para na rin pag ka uwi ko mamaya ay diretsong tulog na at hindi na malulunod sa pag-iisip sa mag ina ko.
----
Patricia's P.O.V.
"Mamaya na tayo mag-usap. Magpaparlor muna tayo," she said. Hinila niya kao papunta sa mga nakahilerang parlor shop dito.
Magkasama kami ngayon ni Thea. Kanina niya pa ako pinuntaan. Hinatid na rin namin si Blake sa kanila. Excited a nga ito dahil makakasama at makakalaro niya raw si Lisa. Sobrang papogi pa ang ginawa niya. Ang aga aga naman malaman ng anak ko ang ganoong bagay. Kaka iba talaga.
Pumasok na kami at sinalubong kami ng dalawang babae. Sinabi na ni Thea nag gusto niyang service para sa maing dalawa.
Pina upo na kami at imupisahan na ang gagawin. Nag pa spa kami at nagpaayos ng buhok.
"Saan nga pala tayo pupunta mamaya?" I asked while we're still here.
She look at her wrist watch. "Four palang pala ng hapon. Meron pa tayong time. Seven tayo pupunta sa bar," she answered.
Napatango naman ako habang pinapanood sa salim ang ginagawa ng babae sa aking buhok. "Saang bar tayo pupunta?"
"Crown bar," sagot lang niya at tumitingin din sa ginagawa sa kaniyang buhok.
"Hindi ba magagalit ang asawa mo na pupunta tayo sa bar?" pagtatanong ko.
Natawa siya ng kaunti. "Kung dati suguro, Oo. Pero nag mature na talaga si Cedric at hindi na masyadong seloso," she answered. Kita ko naman iyon kay yabang. Malaki na nga ang pinag iba nito.
"Oo nga pansin ko rin iyon," saad ko nalang.
"Ano nga palang number ng room mo?" nakakunot noong tanong niya.
"Room number 143 'diba. Hindi ba't pumupunta ka naman roon," nagtatakang tanong ko.
Natawa naman siya ng kaunti. "Alam mo naman na tumatanda na tayo. Naklimutan ko lang," palusot pa niya.
Napatango na lang ako roon. "Well, Hindi na ako magtataka. Makakalimutin ka naman talaga eh," sagot ko. Malapit na ring matapos ang ginagawa sa aking buhok.
"Ikaw talaga aasarin mo pa ako," saad niya at pilit akong inabot at hinampas ako ng mahina sa braso.
Natawa nalang kaming dalawa. Nakita ko rin ang pagtawa ng dalawang nag aayos aming mga buhok. Tila natutuwa sa akto namaing magkaibigan.
Crown bar...
Nakasuot ako ng fitter clor black dress. Hindi iyon revealing ngunit nakikita pa rin ang shape ng aking katawan. Buti nalang kahit na may anak na ako ay bumalik ang pigura ko at hindi nagbago. Mas lalo pa nga itong gumanda.
Pumasok na kami at nakahanap ng upuan sa may bandang sulok. May mga lalaki sa kabilang table pero hindi ko naman na sila pinansin at patalikod na umupo sa kanila.
"Punta muna ako sa counter. Oorder lang ng maiinom natin," paalam ni Thea at umalis na. Nakita ko pang sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.
Bakit naman ganoon ang kaniyang reaksyon? Bakit ba parang may binabalak?
Winalang bahala ko na lamang iyon at kinuha nalang ang aking cell phone. Wala naman ako ka-text bukod sa mga magulang ko at kay Thea. Binuksan ko nalang ang gallery ko at tinignan ang mga letrato ni Blake. Merong nakatawa, nakasimangot, galit at stolen. Pa iba iba iyon.
Napatigil ako sa pag-scroll ng marinig ko ang usapan ng mga lalaki sa likuran ko. Sa kabilang table. Hindi naman ako shismosa pero pakiramdam ko ay kailangan ko iyong pakinggan. Instinct. Ma lalo kong isinandal ang aking likod sa upuan para mas mapalpit ako sa kanila.
"Kumusta naman ang love life, Bro?" pagtatanong nito sa kaniyang kasama na hindi ko alam kung sino. As what I've said earlier ay hindi ko nakita nag kanilang mga itsura. Hindi naman kasi ako interesado roon.
"Without Patrcia my life is fvking hell," the one sroiusly answered. Bakas ang lungkot sa kaniyang titig at tila ba nagsisisi kung may nagawa man ito. Ramdam ko ang sakit niyon.
At kapangalan ko pa talaga nag babaeng sinasani niya? Tadhana nga naman.
Tumingin ako sa kanila. Pero hindi ko pa rin maaninag ang mukha ng mga nag-uusap.
"How about doon kay Kite? Kit? Kat?" hindi siguradong tanong ng isa. Natawa namna ako ng mahina dahil doon. Nakalimutan pa talaga ang pangalan.
Nakita ko ang paggalaw ng kamay ng isa at binatukan iyong nagsalita kanina. "Keith tanga. Keith Brillantes."
Doon ay natinag ang aking pandinig. Is it possible that the Keith they are saying is the one who ruined my relationship with my husband?
Mas lalo ko pang pinilit na titigan ang mga nagsalita. Nakpatay kasi ang ilaw sa bar at tanging disco light lamang ang liwanag.
Nanlaki ang mga mata ko ng tumama sa mukha ng isang lalaki iyong disco light. Si Ian iyon! Si Ivan na matagal ko ng iniwan.
At nakita ko rin si Brix na kabarkada niya. Ang iba naman ay pamilyar ngunit hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila.
Bumalik na si Thea. "Oh bakit tulala ka diyan? Para kang nakakakita ng multo," saad niya. Nakasunod sa kaniya ang isang lalaki at may dala itong mga bote.
Nilapag na nila iyon sa la mesa namin.
Malakas ang pagkakatanong niya kaya naman nakuha namin ang atensyo ng mga nasa kabila. Gusto ko tuloy na lamunin nalang ako ng lupa. Nakakainis naman talaga kasi minsan ang kaibigan ko.
"Thea?" patanong na tanong sa kaniya ni Ivan. Pagkatapos ay bumaling ang atensyon nito sa akin. Nanlaki ang mga mata niya at napatayo. "Patricia?" tila naiiyak na niyang sambit.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya naman itinaas ko nalang ang isa kong kamay. "Hi," tipid na bati ko. Mahina lamang iyon at hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi.
Mabilis siya naglakad at pumunta sa akin. "Patricia," he said ang hugged me tightly. Para bang wala ng bukas kung makayakap.
Hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko. Pinabayaan ko nalang na mag-react ang aking katawa. Naitulak ko siya ng malaks kaya napahiwalay siya sa akin. Kinuha ko iyong pagkakataon at tumakbo papalayo.
"I will find you!" determinado niyang sigaw. Hindi ko alam kung hinahabol niya ba ako o hindi.
Napatigil ako sa malapit na park doon. Umupo ako sa swing habang hinihingal pa rin. Nakita ko naman ang papalapit na pigura ng aking kaibigan
Bumuntong hininga ito at umupo sa aking tabi. "Dapat talaga ya sinabi ko na ito pagkakita na pagkakita ko palang sa iyo," aniya.
"Ang ano?" pagod kong tanong. Tulala pa rin ako sa naging tagpo kanina. Hindi ko iyon inaasahan. Sa ganito ako kinakabahan. Ang pagkikita namin.
"Hindi siya buntis, Patricia. Hindi buntis si Keith," mahina niyang saad.
Mas lalong napakunot ang noo ko. Hindi mag sink in sa aking utak ang kaniyang sinasabi. "Liwanagin mo," paki usap ko na sa kaniya. Napapaos na rin ang boses ko.
"Bago ka makaalis ay nasabi iyon sa akin ni Ivan. Nabuking niya si Keith na hindi naman talaga ito buntis. Pilit ka naming hinabol ni Cedric pero hindi naman nagawa. Nang makarating siya sa airport ay wala ka na. Nahuli na siya," malungkot niyang saad.
"Pero bakit sila naghalikan?" pumatak na ang mga luha ko. Hindi ko na makaya ang mga impormasyon na nalalaman ko.
"Pinlano iyon ng babaeng iyon. Nakita kaniya. Umamin si Ivan na tumugon siya pero balak niya iyong sabihin sa iyo para hindi na maging kumplikado pa. Pero iyon pala talaga ang naging dahilan mo para lumayo," patuloy niya.
Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko dahil doon. "Hindi ko na lam. Hindi ko na alam ang gagawin ko," I bursted out.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at umiyak lamang ako sa kaniya.
"Huli man na nasabi ko ito sa'yo pero sana ay maayos niyo ang realasyon niyong dalawa lalo na at may anak kayo," saad niya at hinaplos haplos ang aking likuran.
Hindi na ako nakasagot at patuloy lang na naiyak. Pinapasok pa rin sa aking utak ang mga nalaman.