Patricia's P.O.V. Nandito ako ngayon sa bahay kasama si Blake. Kinabahan talaga ako ng sobra noong isang araw kasi hindi ko siya nasundo. Buti nalang ay nakita siya ni Thea at isinabay na. Doon din pala nag aaral si Lisa. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit na eexcite ng pumasok sa school ang anak ko. May inspiration. Ni text ako noon ni Thea na nasa kanila nga si Blake. Hindi naman daw ito umiiyak ng nakita niya. Naging masaya pa nga raw.ng malaman na isasabay siya. Paano ba naman kasi ay makakatabi niya si Lisa sa loob ng kotse. Hindi ako pumunta sa coffee shop ngayon. Minsan lang walang pasok si Blake kaya susulitin ko na. "Mommy, let's play," sabi niya sa akin. "Anong lalaruin natin, Baby?" tanong ko naman sa kaniya. Babawi ako sa kaniya ngayon para roon sa paglimot kong sun

