Patricia's P.O.V. Matulin na lumipas ang mga araw. Naging buwan na rin ito. Maraming nagbago. Maraming naayos. Lalo na sa pamilya namin. Ako, si Ivan, at Blake. Naging isang tunay na ngang pamilya siguro kami. Iyong masaya ba. Niyakap niya ako mula sa aking likuran. "Patch," pagtawag niya sa akin. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa.aking balikat at tila inamoy pa iyon. Hinarap ko ang ulo ko sa kaniya. "Hmm?" malambing kong tanong. Sa mga buwan na lumipas ay isa na sa mga naayos ang relasyon namin ni Ivan. Ang relasyon naming mag asawa. Marami siyang pinatunayan at ginawa upang mas lalo pa akong maniwala na deserve niya talaga ng chance. Napahagikgik naman ang bulilit. "Ehem," pagkuha niya sa aming atensyon. " Ang sweet naman ng parents ko," kinikilig niyang sambit at nakisama na r

