“Do you have any idea how worried our parents were? Muntik na naming isugod sa ospital si mommy dahil sa matinding pag-aalala sa iyo!”
Maging ako ay nagulat at napasinghap nang makarinig ng malalim at malakas na boses. Tila kulog iyon at talagang umalingawngaw sa bawat panig nitong rest house. Kahit naririto ako sa silid ay dinig na dinig ko ang lakas ng sigaw niya.
“I’m very sorry, kuya. Hindi rin naman namin alam na biglang magkakaroon ng bagyo,” narinig kong sagot ni Lexi. Kakaiba ang boses ng kausap niya at parang nakakatakot.
“Nay Sol said you brought someone. Ano bang iniisip mo? Paano kung serial killer iyang dinala mo rito? Bakit bigla ka na lang nag-uuwi ng tao rito? Ipababalik ko siya ngayon din,” sagot naman ng kausap ni Lexi. Ako ba ang tinutukoy niya? Saka bakit gano’n? Hindi ko maunawaan ang mga sinasambit nila. Parang mayroon silang ibang salita na hindi naituro sa akin ni lola.
Dahil hindi ko naman naiintindihan ang mga pinag-uusapan nila ay nagtungo na lamang ako sa magandang papag. Nakamamangha talaga ang lugar na ito at ang mga gamit nila rito. Itong papag nila ay lubhang malambot na kay sarap higaan. Ang mga unan ay singputi ng mga ulap na tila ba ikaw ay nasa langit.
Nagulat pa ako nang ipaliwanag ni Nay Sol ang tungkol sa unan. Ginagamit daw pala iyon na patungan ng ulo kapag matutulog. Si lola kasi ay nag-ipon ng mga balahibo mula sa mga bibe, gansa at pabo na ibinabalot niya sa tela o balat niyon. Tapos iyon ang nagiging patungan ng ulo namin kapag natutulog.
Maya-maya lang ay muling pumasok si Nay Sol sa silid na kinaroroonan ko. Nakangiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako.
“Halika na sa labas at kakain na tayo,” yaya niya sa akin.
“Nay Sol, may balita na po ba sa lola ko? Nahanap na po ba siya nina Lexi? Labis-labis na po akong nag-aalala sa kaniya, eh,” nag-aalalang tanong ko. Kanina ko pa iniisip kung ano na ang nagaganap kay lola at Migu.
“Kaya nga umalis si Senyorito Lexor. Sumama siya sa paghahanap sa lola mo. Kaya habang naghihintay, kumain ka muna,” paliwanag niya. Nalungkot ako ngunit ayaw ko namang maging pabigat sa kanila kaya tumango na lamang ako.
Nagtungo kami sa isang lugar kung saan ay muling nanlaki ang mga mata ko at umawang ang mga labi ko. Mayroon silang mahabang lamesa at napakagagandang mga upuan. May umbok ang mga upuan na tila malambot. Pagkatapos ay may magagandang plato at baso sa lamesa. Hindi ko nga lang alam kung ano pa iyong mga ibang naroroon.
“Iza, maupo ka na. Natulala ka na naman diyan. Grabe, nakakainggit ka naman. Sobrang ganda mo pala,” naaaliw na tawag-pansin sa akin ni Lexi. Napatingin ako sa kaniya at tumango. Pero muling bumalik ang atensiyon ko sa mga nasa ibabaw ng lamesa.
“Bakit may mga bulaklak sa lamesa? Kakainin din ba natin ang mga iyan?” tumawa naman si Lexi sa tanong ko. Maging si Nanay Sol ay tila naaliw akong tiningnan.
May nilagay si Lexi na pagkain sa plato ko. Ang laki ng pinggan ko. Kulay puti ito at mabigat.
“Beef steak with broccoli ang tawag diyan, Iza. Tikman mo, masarap iyan,” udyok pa niya sa akin. Tumango ako at pinulot ang maliit na karneng may madilim at kakaunting sabaw saka agad isinubo. Napaungol ako nang malasahan kung gaano iyon kasarap. May kaunting alat at kaunting asim na nasasabayan ng kakaibang linamnam.
“Ang sarap nga! Wow!” muli akong pumulot ng isa pa at sinundan din ng gulay na parang puno. Sobrang sarap at agad kong naubos lahat ang inilagay ni Lexi sa plato ko.
“Dahan-dahan lang, Iza baka mabulunan ka!” natatawang paalala sa akin ni Lexi.
“Hay… kailangan natin siyang turuang gumamit ng kutsara at tinidor. Magagalit ang kuya mo kung ganiyan siya kagulo at kakalat kumain,” narinig kong sabi ni Nay Sol pero hindi ko na sila pinansin dahil lahat ng mga pagkaing nakahain ay masasarap talaga. Panay ang tingin nila sa akin na tila natutuwa dahil masiyado akong maganang kumain.
“Ano iyan?” turo ko sa kulay maitim na pabilog na bagay ngunit may magandang palamuti sa ibabaw.
“Ah, chocolate cake iyan. Dessert. Kapag tapos na tayong kumain, iyan naman ang kakainin natin,” banayad at mabagal na paliwanag ni Lexi.
“Pagkatapos kumain? Kung kakain pa tayo niyan, ibig sabihin hindi pa tayo tapos kumain, hindi ba?” naguguluhang tanong ko. Nagulat pa ako nang sabay silang tumawa ni Nay Sol pagkatapos magkatinginan.
“Tama nga naman. Ah, basta gano’n iyon. Gusto mo bang matikman ito?” tanong sa akin ni Lexi. Bumaba ang tingin ko sa sinasabi niyang keyk.
“Mukha siyang marumi,” komento ko. Mahinang tawa ang muling kumawala kay Lexi. Umiling naman si Nay Sol.
Kinuha ni Lexi ang keyk at hiniwa iyon nang patulis ang dulo saka inilagay sa mas maliit na pinggan. Namangha ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganoon kaliit na pinggan.
“Here. Tikman mo,” iniabot niya sa akin ang hiniwa niya. May pag-aatubili man ay tinanggap ko iyon.
“Wait–”
Ngunit huli na si Lexi dahil nahawakan ko na ang keyk at kinagat ang dulo niyon. Nanlaki ang mga mata ko nang matikman iyon. Malambot at matamis. Labis din ang sarap at talagang naiiwan sa dila ang lasa niya.
“Ang sarap! Gusto ko pa po nito. Tinatlong kagat ko lang ang ibinigay ni Lexi at muling iniabot ang maliit na pinggan para muli niyang lagyan ng masarap na keyk. Umiiling habang maluluwang ang mga ngiti ng dalawa nang tumingin sila sa akin.
Pagkatapos kumain ng tanghalian ay hinila ako ng antok dahil sa lamig ng silid. Nang muli akong magising ay madilim na madilim ang buong paligid. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil hindi ko alam kung paano magkakaroon ng gasera rito. Ngunit mukhang ibang bagay yata ang ginagamit nila upang magpailaw.
Inayos ko ang mahaba kong buhok at namangha ako nang maamoy na mabangong-mabango iyon. Maganda pala iyong ipinanglinis sa buhok ko kanina. Hanggang ngayon ay naaamoy pa rin iyon sa buhok ko.
Dahan-dahan akong lumakad patungo sa pintuan at dahan-dahan ding pinihit ang seradura. Nasilaw pa ako sa liwanag na sumalubong sa akin sa labas. Tulala kong tinitigan ang pinagmumulan ng liwanag. Kakaiba ang hugis niyon ngunit nagdadala ng liwanag sa buong lugar. Ano kaya iyon? Isang bituin?
Nauuhaw ako kaya pumunta ako sa kusina. Inilibot ako kanina nina Lexi kaya alam ko na ang bawat bahagi ng bahay na ito. Tahimik ang buong bahay at sigurado akong gabi na dahil maging sa labas ay madilim na rin. Isang lugar lang daw ang hindi ko puwedeng puntahan at iyon ay ang silid ng kuya ni Lexi.
Kumuha ako ng babasaging baso at lumapit sa dispenser. Water dispenser daw ang tawag rito at pipindutin lang, may lalabas nang tubig. Napakagaganda talaga ng mga kagamitan nila rito. Napangiti pa ako ng ganap nang maibsan ang uhaw ko. Ang ikinamamangha ko pa rito ay kusang umiinit at lumalamig ang tubig. Mayroon din silang umaandar na maliit na bagay at ito naman ang naglilinis ng sahig. Mukha iyong malaking kulisap.
“Sino ka?” napatili ako at nabitiwan ang hawak kong baso. Lumikha iyon ng ingay sa pagbagsak sa sahig at pagkabasag. Nilingon ko ang pinanggalingan ng malalim at malakas na boses.
Isang malaking tao ang nakita ko. Lubha siyang mas mataas sa akin at malaki ang pangangatawan. Wala siyang suot na pang-itaas kaya malaya kong natitigan ang katawan niya. Napakunot ang noo ko. Bakit kakaiba ang katawan niya? May parang bukol-bukol sa mga balikat at braso niya. Malaki rin iyong dibdib niya pero hindi kagaya ng sa akin na may laman talaga. Kulay pink iyong nasa mga dulo ng dibdib ko na sabi ni Nay Sol kanina ay u***g daw ang tawag. Kaya daw kailangan kong magsuot nitong bra ay para hindi raw bumakat ang mga iyon sa suot kong damit.
Pero bakit ang lalaking ito? Malaki rin naman ang mga dibdib pero maliliit iyong mga u***g niya? Tapos hindi pa siya nagsusuot ng bra? Tapos iyong tiyan niya bakit gano’n? Parang bukol-bukol din. Napahaplos tuloy ako sa tiyan ko dahil patag lang naman iyon at walang katulad ng sa kaniya.
“f**k! What the hell are you doing? Why are you rudely staring at me like that?” nagulat at napasinghap ako nang bigla niya akong sigawan. Nilapitan ko kasi siya at hinaplos ang dibdib niya.
“Bakit ganiyan ang dibdib mo? Saka bakit iyang balikat at tiyan mo parang may mga bukol? May sakit ka ba?” inosenteng tanong ko. Napanganga siya at hindi nakapagsalita sa tanong ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niyang nakatitig din sa akin. Iyong tingin niya sa akin ay para siyang nakakita ng isang multo o kakaibang nilalang.
“Ikaw ba iyong dinala ni Lexi rito?” agad akong tumango. Bumuntong-hininga siya. Akmang hahaplusin ko ang tiyan niya pero mabilis siyang umatras at matalim akong tiningnan.
“Do you have any idea how dangerous is it that you’re doing right now?” napakurap ako nang ilang beses dahil sa sinabi niya. Mukha siyang nagtatanong pero wala akong naunawaan ni isa man sa sinabi niya.
“Hindi ko nauunawaan ang sinambit mo. Bakit mayroon kayong kakaibang salita rito?” natanong ko. Hindi ko alam pero mukha siyang naguguluhan na naaaburido sa akin.
“Alam mo dapat nagsusuot ka rin ng bra. Kasi sabi ni Nay Sol dapat daw hindi ipinakikita sa iba ang dibdib natin gaya ng maselan nating parte,” hinawakan ko pa ang mga dibdib ko habang sinasabi iyon. Napahilamos siya ng mukha at kakaibang tumitig sa akin.
“I’m going nuts with you! Why the hell would I wear a bra when I am a man?” muli ay nagsalita na naman siya ng kakaiba. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy ang gusto kong sabihin.
“Gusto mo bang makita ang dibdib ko? Para maniwala ka na dapat tinatakpan ang dibdib kasi nga maselan din itong parte ng katawan. Tingnan mo–”
“Hell no! Don’t you dare!” Lexi! Nay Sol!” bigla ay sigaw niya.
“Bakit ba ibang salita ang ginagamit mo sa akin? Sinabi ko na ngang hindi ko nauunawaan ang mga sinasambit mo, eh!” pagalit kong sita sa kaniya. Ang kulit-kulit niya. Ang laking tao pero parang mahina yata ang utak.
“Senyorito, bakit po? Si Senyorita Lexi ay nasa may garden at may kausap sa cellphone niya,” humahangos si Nay Sol nang marating ang kusina. “Naku, bakit may mga bubog rito?” bumaba ang tingin niya sa nabasag na baso kanina.
“Saan ni’yo ba nakuha ang ignoranteng babaeng iyan? Kung ano-ano ang pinagsasabi. At alam mo bang balak pa niyang maghubad sa harapan ko?” galit na singhal niya kay Nay Sol kaya kumunot ang noo ko.
“Ano pong ibig sabihin ng ignorante? Saka bakit ka ba nagagalit? Nagmamalasakit lang naman ako dahil sabi ni Nay Sol, dapat magsuot ng bra para matakpan ang dibdib! Tapos ikaw wala ka na ngang damit wala ka pang takip sa dibdib!” galit kong sabi sa kaniya. Napanganga ito at halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Si Nay Sol naman ay yumuko dahil nagpipigil ito ng tawa.
“Damn it!” malakas na sabi noong kausap ko at tinalikuran na kami. Pagkatapos ay umalis na lang basta.
“Ay! Bastos po pala iyon. Nag-uusap pa lang tayo, rito umalis na,” nasambit ko. Pero sa pagkakataong iyon ay tumawa na nang malakas si Nay Sol. Kaya nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka.
“Bakit po kayo tumatawa? Saka bakit po nagagalit ang taong iyon, eh, tama naman po ang sinabi ko, hindi ba?” tanong ko pa. Tumawa pa nang tumawa si Nay Sol bago ako nasagot. Halos maluha na siya sa katatawa kaya lalo akong nagtataka sa kaniya. Nasisiraan na kaya siya ng bait? Naku, sabi ni lola kapag nasiraan ng bait ay para raw isang asong nauulol o kaya isang hayop na nawawala sa sarili. Nakakakaba naman.
“Diyos kong bata ka. Mamatay ako sa katatawa sa iyo. Ginalit mo si Senyorito Lexor,” lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya. “Sorry kung hindi ko nasabi na tayong mga babae lamang ang nagsusuot ng bra. Ang mga lalaki ay hindi. At si Senyorito Lexor ay isang lalaki kaya wala siyang suot na bra,” naaaliw niyang paliwanag sa akin.
“Ah, kaya pala. Pero ano po iyong sorry? Saka bakit kakaiba po ang pananalita niya? Kaninang nagsasalita siya ay wala po akong maunawaan kahit isa,” pagtatapat ko.
“Iyon ba? English iyon. Kakaibang salita nga pero iyon ang nakalakihan nilang lenggwahe, este, salita ng kapatid niyang si Lexi. Mabuti nga at marunong na silang magtagalog ngayon kahit papaano,” sabi pa ni Nay Sol. Tumango-tango na lamang ako dahil wala naman na akong sasabihin.
Lumipas pa ang tatlong araw at wala pa rin silang balita kay Lola at Migu. Kaya wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak. Sa tuwing iiyak ako ay dinadalhan ako nina Lexi at Nay Sol ng ice cream. Dahil napakasarap niyon ay napapahinto ako sa pag-iyak.
“Iza, humanda ka na, ha? Kasi babalik na talaga tayo ng Maynila bukas. May trabaho kasi kami ni kuya na kailangang asikasuhin kaya hindi na kami puwedeng magtagal dito. Ayaw ko namang basta iwan ka rito. kaya isasama ka muna namin sa bahay namin sa Maynila,” banayad na pahayag ni Lexi. Kahit nalulungkot ako dahil wala pa rin sina Lola ay tumango ako.
“Salamat sa pagtulong ninyo sa akin, ha? Salamat kasi hindi ni’yo ako pinabayaan. Puwede ni’yo akong bigyan ng mga gawaing bahay para naman makabayad ako sa mga ipinapakain at ibinibigay ninyo sa akin,” tugon ko naman. Mahina siyang tumawa at tumango.
“Iza, gusto mo bang mag-aral?” tanong niya. Pero nagsalubong ang kilay ko.
“Ano namang pag-aaralan?” balik-tanong ko.
“Hindi. Ganito kasi iyon. Papasok ka sa isang paaralan tapos tuturuan ka nilang magbasa at magsulat. Ituturo din sa iyo ang lahat-lahat ng bagay na nasa paligid mo pati ang mga nangyayari sa kalikasan at iba pa,” sabi niya. Nangislap ang mga mata ko dahil parang masaya iyong ibig niyang mangyari.
“Sige, sige! Gusto ko iyan. Para naman malaman ko ang pangalan ng maraming bagay na mayroon kayo. At para rin hindi na ako nalilito,” masayang sang-ayon ko. Lalong lumuwang ang ngiti ni Lexi.
“O, siya, sige. Matulog ka na at maaga pa tayong bibiyahe bukas,” dagdag pa niya kaya muli akong tumango.
“Good night, Miraliza!” sabi niya nang makahiga na ako.
“Good night!” tugon ko naman. Itinuro niya sa akin iyan kaninang umaga. Paggising daw o kaya sa umaga, good morning, sa tanghali at hapon good afternoon at sa gabi good evening. Pero kapag matutulog na raw ay good night.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naligo agad ako at nagbihis. Sa halos isang linggong pananatili ko rito ay nagamay ko na ang pasikot-sikot sa banyo. Alam ko na ring mag-toothbrush ngayon kaya karaniwang malamig at mabango ang bibig ko pagkatapos kumain.
“Ready ka na?” tanong ni Lexi pero nalito ako sa tanong niya.
“Ready?” naguguluhang tanong ko.
“Ah, kung handa ka na ba?” tumango naman ako at maluwang na ngumiti.
“Sige, dito ka na muna at kukunin ko lang iyong bag ko,” paalam niya. Nginitian ko lang siya.
Maya-maya ay dumating na rin si Lexor at binuksan ang likod ng higanteng sasakyan na ito at ikinarga roon ang mga bag. Kami-kami na lang dahil nauna nang umuwi ang mga kaibigan ni Lexi noong ikalawang araw na mapunta kami rito.
“Bakit hindi ka pa sumakay?” singhal ni Lexor sa akin kaya halos mapatalon ako sa kinatatayuan dahil sa pagkagulat.
“Bakit ka ba naninigaw? Hindi ka na nga nag-good morning sa akin tapos maninigaw ka pa?” sumbat ko sa kaniya. Umawang ang mga labi niya at gulat na tumitig sa mukha ko.
“You’re impossible!” tila bulong niya pero hindi ko naman naintindihan. “Ilang taon ka na pala Miraliza?” bigla ay tanong niya.
“Labing siyam na ako. Sa susunod daw na kabilugan ng buwan ay magiging dalawampung taon na ako sabi dati ng Lola ko,” masiglang sagot ko sa kaniya kasi bumait na iyong pananalita niya. Siguro tinamaan nang pagalitan ko siya. Dapat pala sinasagot ko siya para hindi masiyadong nagsusungit.
“So young, yet so tempting for me,” sabi niya kaya kumunot ang noo ko.
“Ano na naman ba iyang sinabi mo? Sinasadya mo bang gamitin ang mga salitang iyan dahil alam mong hindi ko maintindihan?” paninita ko sa kaniya. Pero natawa siya sa akin kaya nagulat ako.
Ngayon ko lang siya nakitang tumawa kaya para akong nahalina. Napakaganda ng mga mata niya at makapal din ang mga kilay niya. Gaya ko ay mapilantik din ang mga pilik-mata niya at maganda ang hubog ng ilong.
“Ang sarap mong pagmasdan kapag tumatawa,” wala sa sariling nasambit ko. Pero nabura ang tawa niya at biglang sumeryoso ang mukha.
“Sinasabi mo bang guwapo ako?” nakangising tanong niya. Kahit ang mga ngipin niya ay mapuputi at pantay-pantay.
“Ano iyong guwapo?” nagtatakang tanong ko.
“Magandang lalaki,” sagot naman niya.
“Ah, puwede rin palang maging maganda ang lalaki,” nausal ko sa sarili. Tumango ako sa kaniya. “Oo, kung iyon ang ibig sabihin noon. Guwapo ka nga,” papuri ko. Medyo kumunot ang noo niya pero ngumiti rin pagkatapos.
“May mga ibibilin ako sa iyo bago tayo bumiyahe pabalik ng Maynila. Makinig kang mabuti. At dapat, ito ang mga susundin mo. Maliwanag?” sunod-sunod akong tumango. Nakatingala ako sa kaniya habang nakikinig.
“Ano’ng dapat kong gawin?” tanong ko.
“Well, una, bawal kang makipag-usap, ngumiti at lalong magpahawak sa kahit na sinong lalaki. Sa akin ka lang dapat ngingiti at lalapit ng ganito,” lumakad siya palapit sa akin. Tumango naman ako kahit hindi ko alam kung bakit niya ibinilin iyon.
“Pangalawa, huwag na huwag kang makikipag-usap, lalong-lalo, na huwag kang sasama sa hindi mo kilala. Naiintindihan mo?” tumango akong muli.
“Pangatlo, huwag kang aalis ng bahay na walang kasama o hindi nagpapaalam sa akin o kay Lexi. Makikilala mo ang mga magulang namin at puwede ka ring magpakilala sa kanila kung sakali,” muli ay tumango-tango lang ako bilang pagsang-ayon.
“At, panghuli, may sarili na akong bahay. Maganda rin at malaki. Kung gusto mong doon tumira ay sabihin mo lang sa akin para maihanda ko iyong kuwarto na para sa iyo,” pagpapatuloy niya.
“Bakit may sarili kang bahay? Eh, di iiwan mo ang mga magulang mo at si Lexi?” natanong ko.
“Hindi gano’n. Kahit si Lexi ay may sarili na ring condominium. I mean bahay. Nasa tamang edad na kasi kami kaya puwede na kaming mamuhay kahit wala sa poder ng mga magulang namin. Pero gano’n pa man, iisang pamilya pa rin kami,” paliwanag niya. Pero nahilo ako kasi hindi ko masiyadong naunawaan ang mga sinabi niya. Pero hindi na ako nangulit pa kasi baka singhalan na naman niya ako. Mas maigi na nga ito na mabait siya sa akin.
Ilang beses akong dinala sa banyo sa paglalakbay namin dahil panay ang pagbaliktad ng sikmura ko. Maya’t maya ay nagsusuka ako. Natigil lang ang lahat nang may ipainom na gamot sa akin si Nay Sol.
“Kanina ni’yo pa sana naisip iyan, Nay Sol. Tingnan ni’yo, parang lantang gulay na iyan,” narinig kong Pagalit na komento ni Lexor.
“Nawala sa isip namin, kuya. Nakalimutan kong first time niya palang bumiyahe at sumakay ng eroplano,” mahinang sagot naman ni Lexi.
Hindi ko na narinig pa ang ibang sasabihin nila dahil bigla na lang nagdilim ang lahat sa akin.
Pagdating namin sa sinasabi nilang bahay nila ay wala akong lakas. Mabuti na lang at nakayapos ang isang braso ni Lexor sa baywang ko at inalalayan akong makalakad.
“Kuya, buhatin mo na lang kaya siya? Kawawa naman, hinang-hina pa rin siya,” narinig ko ang sabi ni Lexi na bakas ang pagkaawa sa akin.
Hindi sumagot si Lexor pero sinunod niya ang kapatid. Mabilis akong napakapit sa leeg niya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
“Ang bango mo naman,” nasabi ko kahit nakapikit. Naramdaman kong napahinto siya sa paglalakad kaya napadilat ako ng mga mata. Sina Nay Sol at Lexi ay dumiretso lang sa pagpunta doon sa pintuan nitong higanteng bahay.
Kahit hilong-hilo ako ay hindi nakaligtas sa akin itong napakaganda at napakalaking bahay na may iba’t ibang kulay. Pati mga halaman at puno ay nakaayos at para sinadyang ipuwesto sa mga lugar nila.
“Sa akin mo lang sasabihin ang ganiyan, okay? Huwag na huwag sa ibang lalaki, naiintindihan mo?” medyo seryoso niyang utos. Nanghihina naman akong tumango.
Paulit-ulit siya. Ayaw niya akong lumapit o makipag-usap sa ibang lalaki. Dapat sa kaniya lang daw. Lalong huwag daw ngingiti sa kanila.
“O? Sino iyang buhat mo, anak?” narinig ko ang isang malamyos na boses.
“Mommy, daddy, siya po si Miraliza. Siya iyong nailigtas namin sa landslide sa Palawan,” sagot ni Lexi.
Dahan-dahan akong ibinaba ni Lexor ngunit nakapaikot pa rin ang braso niya sa baywang ko.
“Magandang tanghali po. Ako po si Miraliza,” kahit nanghihina ay magalang akong nagpakilala sa kanila.
“Aba, ke ganda-gandang bata naman pala nito. Nasaan ang pamilya niya? Saka pumayag ba ang pamilya niya na isama ni’yo siya rito?” tanong ng babaeng tinawag nina Lexi at Lexor na mommy. Ano kaya iyong mommy?
“Our search and rescue team is still working to find her grandmother and her pet, I guess,” si Lexor naman ang sumagot. Pero napatanga ako dahil hindi ko na naman naintindihan ang sinabi niya.
“Oh. Why is she looking so weak then?” tanong pa noong babaeng kausap nila. Iyong medyo matandang lalaking katabi nito ay nakatitig lang sa akin at paminsan-minsan ay tumitingin kina Lexor.
“It’s her first time to travel, mom. Besides, she knows nothing about everything. She is a feral child,” sabi naman ni Lexi. Lalo yata akong nahilo. Ganito ba sila mag-usap-usap dito? Siguradong hindi ako makakasagot dahil wala naman akong alam sa salita nila. Kaya hindi ko rin alam kung ano’ng pinag-uusapan nila.
“I see. Show her to one of the guest rooms then,” sabi pa noong babae.
“Sandali lang po. Kanina pa po ako nahihilo sa inyo. Ano po bang pinag-uusapan ninyo?” hindi ko na napigilang makisabad. Napanganga iyong mommy at daddy na tinatawag nila at napangiti naman sina Lexi at Nay Sol. Maging si Lexor ay nakangiti rin.
“Ay, sorry, hija. Ako nga pala si Mary Rose. Ako ang mommy nina Lexi at Lexor. Ito namang si Leonard, ang stepfather nila. Kumunot iyong noo ko. Dalawang salita ang hindi ko naunawaan sa sinabi niya.
“Ano po iyong mommy saka stepfather?” tanong ko. Nagkatinginan sila.
“Mommy ibig sabihin noon nanay o ina. Siya ang ina namin. Tapos si Daddy Leonardo ang tatay namin,” dahan-dahang paliwanag ni Lexi.
“Ah, iyon pala ang tawag ni’yo sa gano’n. Ano ba iyong nanay saka tatay?” tanong ko pa ulit. Lahat naman sila ay natahimik at hindi agad nakaimik. Ako naman ay nakaabang lang sa sagot nila.
“Hindi mo alam ang ibig sabihin ng nanay at tatay?” gulat na tanong ng mommy nina Lexi. Umiling ako. Napatakip ito ng bibig at muling tumingin sa katabi niyang lalaki.
“Kami ang mga magulang nina Lexi at Lexor. Well, technically, ako lang kasi patay na ang biological father nila. At itong si Leonard ay pangalawang asawa ko na,” paliwanag naman ng mommy nila. Parang lalong sumakit ang ulo ko dahil hindi ko naintindihan.
“Mom, I think she needs rest. Si Nay Sol na lang ang bahalang magpaliwanag sa kaniya kapag mas bumuti na ang pakiramdam niya,” biglang sagot naman ni Lexor. Napatango naman ang mommy niya at gano’n din iyong daddy na tinatawag nila.
Magalang siyang nagpaalam sa kanila at inalalayan akong umakyat doon sa mataas na hagdan. Tila iyong may nakalatag na kumot na medyo madilim na pula ang kulay.
“Dito ka muna tutuloy. Iyang katapat na pintuan, iyan ang kuwarto ni Lexi. Ang kuwarto ko ay naroroon sa dulo. Pero bihira na ako umuuwi rito kasi nga may bahay na ako at doon ako mas madalas naglalagi. Umuuwi lang ako rito kapag may mga espesiyal na okasyon,” mahabang saad niya.
Pagkatapos ay pumasok na kami sa kuwartong sinasabi niya. Naupo ako sa gilid ng kama na naroroon.
“Ang ganda-ganda rin dito. Mas maganda pa ito at mas malaki kaysa doon sa isang bahay ni’yo,” komento ko. Napangiti naman siya at umupo sa tabi ko. Medyo lumubog pa nga iyong malambot na kama pag-upo niya.
“Alam mo, Iza, ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko,” bulong niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang kakaiba ang tingin sa mga mata niya. Nakatitig siya sa mukha ko habang nakangiti.
“Salamat. Maliban kay lola, may ibang tao na ngayon na nagsasabing maganda ako,” sabi ko naman.
Bahagya akong napasinghap nang haplusin niya ang pisngi ko. Mainit ang palad niya at hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Masiyadong malakas ang epekto ng mga titig niya sa akin.
Namamangha ako dahil hindi ko rin maialis ang titig ko sa kaniya.
“Damn! I wanted so badly to kiss you. I know you’re innocent, but I just couldn’t resist you. You are so damn tempting!” tila nahihirapang saad niya. Muling nagsalubong ang mga kilay niya.
“Ano na naman ba iyong sinabi mo? Alam mo namang hindi ko maiintindihan iyan, eh,” nagtatampong tugon ko sa kaniya. Natawa naman siya kaya lalo akong sumimangot.
“Ang sabi ko, parang gusto kitang i-kiss,” nakangiting sabi niya at dumaan pa iyong hinlalaki niya sa mga labi ko.
“Ano iyong kiss?” nalilitong tanong ko. Lalong lumuwang ang ngiti niya sa tanong ko.
“Gusto mo bang i-demo ko sa iyo?” tanong niya.
“Demo?” mahina siyang natawa at kinagat ang pang-ibabang labi.
“Demo. Ipakita. Gusto mo bang ipakita ko sa iyo kung ano ang kiss,” pabulong iyong tanong niya pero bakit kaya parang namamaos iyong boses niya?
“Sige,” nakangiting sagot ko.
“Sigurado kang gusto mo? Baka magalit ka sa akin kapag ginawa ko? Saka mangako kang sikreto lang natin iyon? Huwag na huwag mong sasabihin kay Lexi o kay Nay Sol. Kahit sino, dapat walang makaalam,” mahigpit niyang bilin. Nalilito man ay sunod-sunod akong tumango.
“Sige. Pero ano iyong sikreto?” natampal niya ang noo at bahagyang napapikit.
“Ibig sabihin ng sikreto, iyong tayong dalawa lang ang nakakaalam. Wala kang pagsasabihang kahit sino, naiintindihan mo?” seryosong sambit niya. Ilang beses akong kumurap bago naintindihan.
“Okay!” sagot ko naman. Itinuro rin sa akin ni Lexi iyon. Kapag sumasang-ayon daw ako, ang isasagot ko ay ‘okay’.
“Ngayon, ipikit mo iyong mga mata mo,” utos naman niya.
“Bakit? Paano ko makikita ang kiss kung pipikit ako?” inosenteng tanong ko. Muli ay mahina siyang natawa.
“Basta. Pumikit ka na bilis,” udyok pa niya sa akin. Napakamot ako sa ulo ko pero sinunod ko ang sinabi niya at pumikit ako.
Naramdaman ko ang dalawang kamay niya humawak sa magkabiliang gilid ng ulo ko. Pagkatapos ay naramdaman ko ang mga labi niyang dumampi sa mga labi ko. Napadilat ako dahil hindi ko alam ang mararamdaman sa pagkakataong iyon. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa bilis ng t***k nito.
Nakapikit si Lexor at nakadampi lang iyong mga labi niya sa mga labi ko. Para akong inaantok na ewan kaya muli akong pumikit.
Ilang segundo pang magkadikit ang mga labi namin bago pinaghiwalay ni Lexor.
“Iyon ang kiss?” manghang tanong ko. Tumango siya.
“Oo. Nagustuhan mo ba?” nakangiting sagot niya. Kakaiba ang ngiti niya pero halatang masaya iyong mga mata niya. Tumango naman ako.
“Parang ang sarap sa pakiramdam ng kiss. Isa pa nga,” napaawang ang mga labi niya sa sinabi ko. Nakatunghay lang ako sa kaniya at hinihintay na ulitin niya iyong ginawa kanina. Masarap pala ang kiss. Kakaiba iyong pakiramdam ko.
***
Hello guys,
One shot story ito kaya mga 3-5 chapters lang tapos na. Sana ay magustuhan niyo po. Kapat gusto niyo naman ng mga COMPLETED stories add ni'yo lang po ang Billionaire Series:
1. A BILLIONAIRE'S DARK OBSESSION (Completed)
2. IN BETWEEN HELLS (Completed)
3. CHASING MR. CONGRESSMAN (Completed Book 1 & 2)
4. TAMING BOSS STAN (Completed)
OTHER STORIES:
1. DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIR (FREE AND COMPLETED)
2. HER RUTHLESS ALPHA (COMPLETED)
3. THE INNOCENT DESIRE (COMPLETED)
4. MY GRUMPY BOSS (COMPLETED)
5. THE DOMINANT WIFE (DAILY UPDATE ON APRIL)
6. SANA'Y MAGBALIK KA
7. LETHAL LOVE
Pa-Follow na rin po ako. MISS THINZ po ang pen name ko. Salamat po sa support!!!