Lexor’s POV
I went to the kitchen but I was stunned to see a very beautiful and enchanting lady. Napasigaw ito nang makita ako ngunit nang makabawi ay ngumiti at nakipag-usap sa akin.
Noong una ay gusto kong mainis sa kaniya dahil para siyang nawawala sa sarili. Pero hindi, dahil literal na inosente siya at walang alam sa mga bagay sa paligid niya.
Noong haplusin niya ang dibdib ko ay pigil na pigil ko ang sariling kulungin siya sa mga bisig ko at durugin ang mga mapupula at kaakit-akit niyang mga labi. Pero nagpigil ako dahil ayaw kong matakot siya sa akin.
Sa ilang araw ko siyang nakasama sa rest house ay palihim ko siyang inoobserbahan. Unti-unti rin ay parang lagi akong hinihila papalapit sa kaniya pero pigil na pigil ko ang sarili.
May ilan na akong nakasama at nakatalik na mga babae, pero kakaiba iyong nararamdaman ko para sa kaniya. Para akong mababaliw. Minsan ay nasa hardin siya at nagpapahangin. Medyo mahaba ang slit ng bestidang suot niya kaya nang lumihis iyon ay lumitaw ang maputi at makinis niya mga hita.
Agad na nabuhay ang alaga ko pagkakita niyon. Tila ba ako nahihipnotismo. I stared at those beautiful legs which I felt were just waiting for me to lick them.
Noong araw na paalis na kami sa rest house ay doon ko napagpasiyahang sa akin lang siya. Papatayin ko ang sinumang lalaking lalapit sa kaniya kaya mahigpit ko siyang pinagbilinan.
Natutuwa naman ako dahil hindi siya kumontra sa lahat ng sinabi ko. At noong dadalawa na lang kami ay hindi na ako nakapagpigil pa at tinikman ang mga labing ilang araw ko nang pinagpapantasyahan.
But tonight, I was too bold. I did something horrible to her. I should feel bad about it, but I was happy. I gave her the first orgasm in her life. And it was amazing. I tasted her and from now on, I will keep tasting her. She’s mine! All mine, and no one could take her away from me.
Ibinalik ko ang damit niya at muli siyang hinalikan sa mga labi bago lumabas ng silid. She was sleeping beautifully. Sinong mag-aakalang makakatulugan niya ang intensity ng ginawa ko sa kaniya. I am so proud of myself, but I also felt guilty.
Ngunit isa lang ang hangad ko mula ngayon. Iyon ay ang mapasaya siya at maalagaan. I will protect her and give her anything she wants.
“Ano’ng ginawa mo kay Miraliza, kuya?” nagulat ako dahil paglabas ko ng silid ay ang galit na mukha ni Lexi ang sumalubong sa akin.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” kunwa’y pagwawalang bahala ko sa tanong niya. Pero sa totoo lang ay bigla akong kinabahan.
“Huwag mo na akong paikutin kuya. Narinig ko ang mga ungol at halinghing niya. Anong ginawa mo sa kaniya? Don’t tell me you’re fooling her to submit herself to you! How dare you take advantage of her innocence, kuya?!” ngayon ay namumula na siya sa galit. Napalunok naman ako dahil lalong lumaki ang guilt na nararamdaman ko.
“Doon tayo sa kuwarto mo mag-usap. Natutulog siya at ayaw kong maistorbo siya ng ingay mo,” masungit kong sagot. Lalong nanlisik ang mga mata niya pero wala na siyang nagawa pa nang talikuran ko na siya.
“Now, tell me, kuya. Did you…” natigilan siya sa tanong niya at mayroon na ring namuong luha sa mga mata niya.
“I did not get that far and–” nagulat ako nang bigla akong sampalin ng kapatid ko. Malakas iyon at halos mabingi ako. Alam ko ring nag-iwan na iyon ng mapulang marka sa aking pisngi.
“How dare you, kuya! Kailan ka pa naging demonyo pagdating sa babae? Nakalimutan mo na bang babae rin ako?” ngayon ay umiiyak na siya habang sinusumbatan ako.
Napatiim-bagang ako. Pakiramdam ko, kahit magpaliwanag ako ay mali pa rin ang ginawa ko. Pero hindi niya ako naiintindihan.
“Pananagutan ko siya, okay? Saka hindi ko naman siya pinilit. Gusto niya ang ginawa ko sa kaniya,” gusto kong batukan ang sarili ko sa sagot ko. I sounded like a perverted asshole.
“Ano’ng alam niya, kuya? Alam mo ba, awang-awa ako sa kaniya dahil mukhang malabo nang matagpuang buhay ang lola niya. Tapos tayong nakakuha sa kaniya ang magbibigay pa ng panibagong bangungot sa buhay niya? Paano mo nagawa iyon, kuya? Ang bait-bait ni Miraliza para lokohin mo siya,” humagulgol niyang sigaw sa akin.
“Hindi ko siya niloloko. I like her! I really, really like her. Kung gusto mo, pakakasalan ko na siya. Gusto rin niya ako, Lexi. Sinabi niya iyon mismo sa akin,” katuwiran ko pa. Napamaang siyang tumitig sa akin at lalo lang bumalong ang mga luha niya.
“At Si Chloe? Ano’ng balak mo sa girlfriend mo, kuya? My God! Hindi ako makapaniwala sa ginawa mo,” tila nandidiring saad niya. Masiyado akong nainsulto sa pananalita niya pero wala akong karapatang magalit dahil may punto naman siya.
“Matagal na kaming wala ng babaeng iyon. Siya lang ang namimilit na ayusin pa namin ang aming relasyon. But we already broke up a long, long time ago!” depensa ko naman agad sa sarili.
Actually, Chloe is my business partner. Pinilit niya akong subukan naming magkaroon ng relasyon. I tried to love her or even like her, but I just couldn’t feel like having her in my life.
Kaya nga kahit minsan ay hindi ako pumayag na may mangyari sa amin. I f****d random women I met but I never did it to her. I still respect her that’s why I didn’t touch her. Nagkausap na kami dahil hindi talaga nagwo-work ang relasyon namin. That was two months ago. Pero nagulat ako dahil gusto na naman niyang makipagbalikan sa akin. Pero ayaw ko na. Lalo na ngayon na nahanap ko na iyong babaeng gusto ko. At si Miraliza iyon. Siya lang at wala ng iba.
Kay Miraliza ko lang naramdaman ang ganito. I felt so possessive of her. I wanted to protect her, love her and take care of her for the rest of my life. Mali ba iyon? Porke’t kailan lang kami nagkakilala, hindi ba puwedeng gusto ko na siya agad? Iyon naman talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya.
“Kuya, huwag si Miraliza. Ayaw kong masaktan siya. Ibang babae na lang, huwag siya please,” umiiyak pa ring pakiusap ng kapatid ko pero agad akong umiling.
“Ayaw ko ng ibang babae. Siya lang ang gusto ko. Kung hindi ni’yo naiintindihan ang nararamdaman ko, wala akong pakialam. Basta bukas na bukas din ay iuuwi ko na siya sa bahay ko. I will make her mine completely!” deklara ko. Namilog ang mga mata ni Lexi at hindi makapaniwalang tumitig sa akin.
“No, Kuya! Ako ang nakakita kay Miraliza. Hindi ako papayag na maging isa lang siya sa mga babae mo at–”
“I will not do that to her!” dumagundong ang malakas kong boses sa apat na sulok ng silid. Napasinghap naman si Lexi dahil doon.
“Trust me, okay? Kilala mo ako, Lexi. Hindi ako masamang tao. At totoong gusto ko si Miraliza,” may pagmamakaawa na sa boses ko nang muling magsalita.
Hindi naman nakaimik si Lexi at nanatili lang na nakatitig sa mukha ko. Tila inaarok niya kung nagsasabi nga ba ako ng totoo o hindi.
“Kung gano’n, hindi mo pa siya puwedeng iuwi kuya. Suyuin mo siya at gawin mo ang makakaya mo para mapaibig siya. Kung dadalhin mo na siya sa bahay mo, baka hindi ka makapagpigil. Dito muna siya sa amin at dito na muna ako sa bahay,” pinal niyang saad. Ako naman ang nabigla sa deklarasyon niya.
Pero kilala ko ang kapatid kong ito. She may be gentle and cute, pero kapag nakapagdesiyon na siya, hindi na iyon mababali. That’s one thing she got from our late father.
Sa huli ay bumuntong-hininga ako at laylay ang mga balikat na tumango. Siguro nga masiyado akong naging mabilis kay Miraliza. Hindi ko napigilan ang init ng katawan ko. At kung isasama ko na siya sa akin ay baka lalo ngang hindi ako makapagtimpi.
Alas-otso pasado na nang muli akong bumalik sa silid ko na may dalang tray ng pagkain. Tulog pa rin si Miraliza, pero nang i-on ko ang ilaw ay gumalaw ang mukha niya.
Pinanood ko siyang unti-unting magdilat ng mga mata habang marahang kinukusot ang mga iyon.
Dahan-dahan itong bumangon. Sumilay ang masayang ngiti sa mga labi nito nang mapadako ang tingin sa akin.
Inilapag ko ang pagkain sa lamesang naroroon at lumapit sa kaniya. Kinintalan ko siya ng halik sa mga labi. God! Mabilis na gumapang ang kuryente sa katawan ko.
“Gutom na ako,” she cutely said kaya natawa ako. I kissed her again. Damn! I just love kissing her. She always feels great against mine.
“Halika na, hindi pa rin ako kumakain. Sabay na tayo,” sagot ko sa kaniya.
Inalalayan ko siyang bumaba sa kama. Sandali siyang nagbanyo at paglabas ay sabay na kaming kumain.
“Siya nga pala, hindi pa kita puwedeng isama sa bahay bukas,” maya-maya ay nasabi ko. Nagtataka naman niya akong nilingon.
“Bakit?” tanong niya pero tuloy lang sa pagkain. Magana siyang kumain at talagang nakatutuwang panoorin. Tinuruan na rin siya ni Lexi ng table manners at mabilis lang niya iyong natutuhan. She’s very smart. She could be a beauty queen.
“Well, medyo magiging busy kasi ako kaya baka hindi kita masiyadong maasikaso. Saka gusto ni Lexi makasama ka pa niya rito,” pagdadahilan ko. Hindi agad siya nakasagot at tila nag-iisip pa.
“Pero araw-araw ka pa rin bang pupunta rito?” tanong niya. There is that hopeful glim in her eyes that made my heart flutter.
“Gusto mo bang araw-araw akong makita?” nakangiting tanong ko. Agad siyang tumango nang sunod-sunod.
“Saka, gusto ko ulit gawin natin iyong ginawa natin kanina!” excited niyang saad kaya nasamid ako. Naubo ako at buti na lang nalunok ko na kanina pa iyong laman ng bibig ko. Kung hindi ay nailuwa ko iyon.
“Bakit? May sakit ka?” inosenteng tanong niya. I instantly became hard because of what she said. Paano na lang kaya kapag napasok ko na siya.
I honestly feel so thrilled to take her virginity. I would surely go crazy to enter her maiden hole and be gripped by her tight walls. Damn! Lalong nanikip ang pantalon na suot ko.
“Basta maging maingat ka palagi, Miraliza, okay? Baka bigla mo iyang masabi sa iba. Iyong mga ginagawa natin. Dapat tayo lang ang nakakaalam. Privacy, natatandaan mo iyong tinuro ko sa iyo tungkol sa privacy?” dahan-dahan kong bilin. Tumango naman siya agad.
“Huwag kang mag-alala, wala naman akong ibang pagsasabihan. Kaya, puwede na ba nating ulitin iyon? Puwede rin palang mahalikan doon, ano? Kayo bang mga lalaki may ari din na katulad sa aming mga babae?” napalunok ako ng sunod-sunod dahil sumasakit na ang puson ko.
She’s speaking about it like it was just a simple thing. Sana lang talaga lahat ng tao kasing-inosente niya. Hindi niya alam na napakasensitibong topic ang pinag-uusapan namin ngayon. Wala siyang kahit na kaunting malisya sa katawan kaya malaya niya iyong nasasabi sa harap ko nang hindi nahihiya.
Pero parang gustong magdiwang ng puso ko dahil nagustuhan niya ang ginawa namin. At gusto pa niyang muling maranasan iyon. Soon, I will give her a mind-blowing s*x. I will make her long for my c**k every single day and night.
“Ah… iba ang ari ng lalaki,” tumikhim ako. Ang awkward nito na kailangan pang ipaliwanag. Pero inosente si Miraliza kaya alam kong hindi siya makakaramdam ng pagkaasiwa.
“Anong iba?” tanong pa niya. Medyo napangiwi ako at hindi maiwasan ang mangiti.
“Basta, iba ang hitsura. Ang ari ng lalaki ay para sa mga babae. Darating ang panahon na malalaman mo rin ang lahat. Kaya lang masasaktan ka sa unang beses,” medyo alanganing sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.
“Bakit ako masasaktan?” nakagat ko ang labi ko dahil lalo yata akong tinitigasan sa pinag-uusapan namin. Kung alam lang niya kung gaanong hirap ang pinagdadaanan ko ngayon.
“Basta. Sa ngayon, kumain ka muna at lalamig na iyang pagkain,” pagtatapos ko sa usapan. Gusto kong i-divert sa iba ang topic at baka kung ano pang magawa ko sa kaniya.
“Okay. Pero puwede bang makita?” tuluyan ko nang nabitiwan ang kutsara at tinidor na hawak ko.
“Miraliza, please. Mababaliw na ako dito. Kumain na lang tayo,” pakiusap ko. I think I already need a shower now. Nalilito pa rin siyang nakatunghay sa akin pero sa huli ay tumango rin at itinuloy na lang ang pagkain.
***
Hello guys,
One shot story ito kaya mga 3-5 chapters lang tapos na. Sana ay magustuhan niyo po. Kapat gusto niyo naman ng mga COMPLETED stories add ni'yo lang po ang Billionaire Series:
1. A BILLIONAIRE'S DARK OBSESSION (Completed)
2. IN BETWEEN HELLS (Completed)
3. CHASING MR. CONGRESSMAN (Completed Book 1 & 2)
4. TAMING BOSS STAN (Completed)
OTHER STORIES:
1. DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIR (FREE AND COMPLETED)
2. HER RUTHLESS ALPHA (COMPLETED)
3. THE INNOCENT DESIRE (COMPLETED)
4. MY GRUMPY BOSS (COMPLETED)
5. THE DOMINANT WIFE (DAILY UPDATE ON APRIL)
6. SANA'Y MAGBALIK KA
7. LETHAL LOVE
Pa-Follow na rin po ako. MISS THINZ po ang pen name ko. Salamat po sa support!!!