Chapter 4 Abuse

4457 Words
Miraliza’s POV “Bakit hindi ako puwedeng sumama sa inyo? Hindi ba sabi mo ipapasyal ni’yo ako?” nakasimangot kong tanong kay Lexor. Katatapos lang naming mag-agahan at naririto kami ngayon sa kaniyang silid habang siya ay nagbibihis. “Kailangan kong pumasok sa opisina at may mahalaga akong meeting kaya hindi rin kita maasikaso roon. Baka bukas puwede na kitang isama tapos pupunta tayo sa amusement park,” kalahati lang ng sinabi niya ang naintindihan ko. Pero nagmamaktol pa rin ako kasi gusto ko talagang sumama. Gusto ko nga palagi ko siyang kasama. “Bakit kailangan mong pumunta sa opisina? Saka ano bang trabaho ang sinasabi mo?” tanong ko pa. Lumapit siya sa akin at niyakap ako saka hinalik-halikan sa mga labi. “Kailangan kong magtrabaho para kumita ng pera,” nakangiting sagot niya. “Ano iyong pera? Saka bakit mo kailangan no’n? Para saan ba iyon?” usisa ko pa. Naaaliw siyang nakatunghay sa akin. “Ang pera ang ginagamit para mabili ang lahat ng gusto natin. Pagkain, bahay damit, sasakyan at iba pang mga bagay na kailangan natin. Makukuha natin lahat iyon kapag mayroon tayong pera. At magkakapera lang tayo kung magtatrabaho,” dahan-dahan niyang paliwanag. Hindi agad ako nakapagsalita dahil namangha ako. Kung gayun ay mahalaga pala ang pera. “Gusto ko rin no’n para makabili ako ng maraming ice cream at keyk. Turuan mo rin akong magtrabaho tapos kapag nagkapera ako, ibibigay ko sa iyo lahat. Tapos ibibili mo ako ng masasarap na pagkain,” natutuwang saad ko. Mahina naman siyang tumawa at napapailing pa nga. “Hindi mo kailangang magtrabaho at kumita ng pera. Ako na lang ang magtatrabaho para sa ating dalawa. Basta ang gagawin mo lang ay manatili sa tabi ko habang buhay,” sabi niya. “O? Gusto mo pala akong manatili sa tabi mo, bakit mo ako iiwan ngayon?” muli ay naaaliw na naman siyang tumawa sa sagot ko. “Male-late na ako. Mamaya na lang tayo ulit mag-usap, okay? Bibili ako ng maraming cake at ice cream. Magkakaibang flavor pa,” sabi niya. Mabilis na nangislap ang mga mata ko. “Talaga? Bilisan mo, ah? Hihintayin ko ang pagdating mo,” nasisiyahang bilin ko. Ngayon pa lang ay nagagalak na ako. Bandang hapon ay bumaba ako dahil nauuhaw ako. Pagkatapos uminom ay babalik na sana ako sa silid ko dahil nagtitiklop nga ako ng mga damit. Maraming ibinigay na damit sa akin si Lexi at tinuruan ako ni Nay Sol kung paano iyon liligpitin. “Iza,” napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Tito Leonard. Tito daw ang itawag ko sa kaniya at tita naman sa mommy nina Lexi. “Magandang hapon po. Bakit po?” magalang kong tanong. Malapad ang ngiting lumapit siya sa akin. Medyo naasiwa pa ako nang hagurin niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko maintindihan pero kakaibang kaba ang naramdaman ko sa uri ng tingin niya. Ngayon lang kasi ako natingnan ng gano’n ng isang tao. “Miraliza, puwede mo ba akong tulungan?” tila nahihirapan niyang tanong. Nag-alala naman ako kasi parang may nararamdaman siyang masakit. “Nananakit kasi itong likod ko. Puwede mo ba akong tulungan na mawala ang sakit?” pakiusap niya. Lumapit ako sa kaniya dahil bigla akong naawa nang lalong malukot ang mukha niya. “Bakit po masakit ang likod ni’yo? Saka paano ko po kayo matutulungan?” tanong ko agad. Bahagya naman siyang ngumiti. “Halika, sumama ka sa kuwarto namin at tuturuan kita,” yaya niya sa akin. Tumango naman ako at sumunod sa kaniya. Nakakaawa kasi ang hitsura niya. Pagpasok namin sa silid nila ay medyo napakislot pa ako nang bigla niyang i-lock ang pinto. Hindi ko alam kung bakit muli akong kinabahan. Pero binalewala ko na lang iyon. “Iza, halika rito sa kama at imasahe mo ang likod ko. Sumasakit na kasi talaga,” pagsusumamo pa niya at lalong nalukot ang mukha. Lalapit na sana ako kaya lang naalala ko ang bilin ni Lexor. Huwag daw lalapit sa kahit na sinong lalaki. “Ah, pasensiya na po, Tito Leonard, bilin po kasi ni Lexor, huwag akong lalapit sa ibang lalaki maliban sa kaniya,” nahihiyang saad ko. “Tama iyon pero sa ibang tao lang. Hindi naman ako ibang tao. Pamilya niya ako kaya hindi ako kasali sa sinasabi niya. Ikaw lang kasi ang makakatulong sa akin. Wala naman Si Mary Rose at sina Lexi at Lexor. Si Soledad naman ay namalengke, kaya ikaw lang ang makakatulong sa akin. Bibiguin mo pa ba ako?” malungkot niyang pahayag. Nakaramdam naman ako ng tila usig ng konsensiya dahil sa sinabi niya. Kaya sa huli ay lumapit na lang ako sa kaniya. Medyo nagulat pa ako nang bigla niyang hubarin ang lahat ng kasuotan niya kaya nag-iwas ako ng tingin dahil ayaw kong makita ang katawan niya. “Iza,” tawag niya sa akin, “halika na rito!” Paglingon ko ay nakitang kong nakadapa na siya sa kama. “A-ano po ang gagawin ko?” kinakabahang tanong ko. “Lumapit ka para maituro ko sa iyon,” utos niya. Sumunod naman agad ako. Pinaupo niya ako sa gilid ng kama at napapiksi ako ng biglang niyang haplusin ang likod ko. “Ang lambot-lambot at ang bango-bango mo Miraliza,” namamaos ang boses na usal niya. Lalong lumakas ang kabang nararamdaman ko. “Ganito ang gagawin mo,” sabi pa niya at medyo madiing hinahagod ang likod ko. Napapalunok ako kasi para akong napapaso sa ginagawa niya sa akin. “O-okay na po. Kaya ko na,” sabi ko. Gusto ko na kasi siyang tumigil sa paghagod sa likod ko. “Dadapa ako, tapos sumakay ka sa likod ko. Tapos gawin mo iyong itinuro ko, okay?” utos niya. Alanganin akong tumango. “Uupo na lang po ako sa tabi ni’yo. Ayaw ko po kayong sakyan sa likod ni’yo,” sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya pero tumango pa rin. Nang dumapa na siya ay sumampa na ako sa kama at naupo sa tabi niya. Nasa taas ng ulunan iyong dalawang kamay niya. May nginig ang mga kamay na unti-unting lumalapat ang mga kamay ko sa likod niya. Nanlalamig ang mga palad ko at maging ang mga paa ko. Hindi ko talaga alam kung bakit may takot akong nararamdaman. “Hmm… iyan ganiyan nga… idiin mo pa Iza, ahh…” para siyang nasasarapan sa ginagawa ko. Pinagbuti ko na lang para matapos na. Medyo mabango itong pamahid na ginagamit at kahit papaano ay kumakalma ang dibdib ko. “Iyan! Tapos na po,” sabi ko at akmang bababa na nang bigla niyang hulihin ang kamay ko. “B-bakit po?” nahihintakutang tanong ko. Kakaiba kasi ang ngisi niya ngayon at lalo akong nakakaramdam ng takot. “May nangyari na ba sa inyo ni Lexor?” tanong niya at hinihimas-himas pa ang maliliit na buhok sa taas ng labi niya. “Ano pong nangyari?” naguguluhang tanong ko. “Huwag ka nang magkaila. Kilala ko ang stepson ko. Hindi niya palalampasin ang napakaganda at napakaseksing babaeng tulad mo. Sabihin mo sa kin, ano na ang mga ginawa ninyo ni Lexor?” lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. “Bitawan ni’yo na po ako. Babalik na po ako sa silid ko,” naiiyak ko nang sambit. Pero humigpit pa lalo iyong pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. “Not yet, sweetheart. Not unless I will have a share taste of you,” sagot niya. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko naunawaan ang sinabi niya. “Ano pong sabi ni’yo?” natanong ko. Pero hindi siya sumagot at sa halip ay bigla akong hinila kaya padapa akong bumagsak sa kama. Nahindik ako nang bigla siyang umibabaw sa likuran ko. Hubad pa rin siya at tanging iyong tumatakip sa maselan niyang parte lang ang suot niya. “Siguradong, ang sarap-sarap mo,” sabi niya at hinawi ang buhok ko at bigla akong hinalikan sa batok. “Huwag! Bitiwan ni’yo po ako. Huwag ni’yo akong hahalikan!” pagpupumiglas ko. Maging ang mga paa ko ay sumisipa ngunit malakas siya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at patuloy na hinahalikan ang batok at likod ko. Para akong nasusuka sa ginagawa niya kaya ubod-lakas akong kumakawala sa kaniya. Basang-basa na rin ng luha ang mukha ko. “f**k! And arte mo, ah!” sigaw niya at hinila ang buhok ko. Napahiyaw ako sa sakit na idinulot niyon sa anit ko. “Tama na! Bitiwan ni’yo po ako!” patuloy kong pagsusumamo. Pero lalo akong nasindak nang punitin niya ang suot kong damit. Kasabay naman niyon ay ang malalakas na katok mula sa pintuan. “Honey, nandiyan ka ba? Bakit naka-lock ito?” narinig kong tawag ni Tita Mary Rose. Sisigaw sana ako kaya lang mabilis natakpan ni Tito Leonardo ang bibig ko. Kinagat ko ang kamay niya kaya muli niyang hinila ang buhok ko. “Subukan mong mag-ingay at papatayin ko si Lexor! Gusto mo bang patayin ko siya dahil sa iyo, ha?” mahina ngunit mariin niyang banta sa akin. Nanlamig ang buong katawan ko at parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya. Sunod-sunod akong umiling. “Huwag! Huwag ni’yo po siyang sasaktan,” umiiyak kong pakiusap. “Kaya manahimik ka kung ayaw mong patayin ko siya! Siguraduhin mong walang makakaalam ng nangyari ngayon, naiintindihan mo? Kapag nalaman ito ng iba papatayin ko si Lexor!” patuloy ang pagbabanta niya. Nanginginig na ngayon sa takot ang buong katawan ko. Hindi ko matatanggap kahit sa isip ko lang na may masamang mangyayari kay Lexor dahil sa kin. “Wala akong pagsasabihan,” humihikbi kong pangako. Ngumisi siya at hinalikan pa ang pisngi ko. “Magtago ka muna roon at haharapin ko lang ang Tita Mary Rose mo,” utos niya sa akin. Mabilis akong tumango at hawak-hawak ang napunit kong damit para hindi lumantad ang katawan ko. Nagtago ako sa malaki nilang lalagyan ng mga damit. Ilang minuto lang ay tapos na silang mag-usap. Narinig kong bumaba sila kaya dali-dali akong lumabas ng silid at patakbong pumunta sa kuwarto ko. Doon ay nag-iiyak ako sa matinding takot. Hindi rin huminto ang panginginig ng katawan ko. Takot na takot ako at para akong mawawalan ng malay sa sakit ng dibdib ko. Bakit noong si Lexor ang humahalik at yumayakap sa akin ay masaya ako. Perobakit noong ang matandang iyon na ay nandidiri ako at talagang nahihindik? Hanggang magdilim na ay hindi ako lumabas ng silid. Takot na takot pa rin ako at hindi humihinto sa pag-iyak. Napasinghap pa ako nang biglang bumukas ang pintuan ng silid ko. Mula roon ay pumasok si Lexor. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa akin at bigla na lang akong umiyak ng malakas nang magsalubong ang mga mata namin. “Bakit ka umiiyak?” gulat na gulat niyang tanong. Nagmamadali siyang lumapit sa akin at yumakap naman agad ako sa kaniya. Lalo akong naiyak ng husto at talagang humahagulgol na ako. “f**k! Who made you cry? Ano’ng problema? May masakit ba sa iyo? Please, sabihin mo sa akin,” nag-aalalang tanong niya. Pero hindi ako makapagsalita dahil sa labis na bigat ng dibdib ko at tanging pag-iyak lang ang nagawa ko. Matagal kaming nasa ganoong posisyon at hindi rin huminto sa katatanong si Lexor. Pero umiyak lang ako nang umiyak kanina bago tuluyang kumalma. “Sasabihin mo na ba sa akin kung bakit ka umiiyak?” banayad niyang tanong. “Lexor… huwag mo na ulit akong iiwan. Natatakot ako,” nasambit ko at muli ay may mga dumaloy na luha mula sa mga mata ko. “Ha? Umiiyak ka ng ganiyan dahil naiwan kang mag-isa? Hindi ba nag-usap na tayo kanina? Saka bakit kanina ka pa nanginginig? May nangyari ba?” agad akong umiling. “Huwag mo na ulit akong iiwan. Huwag mo akong iiwan,” naiyak na naman ako kaya napayakap akong ulit sa kaniya. Ramdam kong natigilan na naman siya sa ikinilos ko. Hindi ko alam kung gaano pa kami katagal na pinapatahan niya lang ako at inaalo. “Kain na tayo? Siguradong gutom ka na. Naroroon na sa ref iyong mga binili kong pagkain para sa iyo,” nakangiting sambit niya. Umiling ulit ako. “Dito na lang ako kakain. Ayaw kong lumabas,” saad ko. Lalo namang lumalim ang kunot ng noo niya. Nakikita ko ring parang tumitigas ang mukha niya at gumagalaw ang panga niya. “Miraliza, magtapat ka sa akin. May nangyari ba habang wala ako? May nanakit ba sa iyo?” umiling ulit ako. “Wala… wala…” maagap kong sagot. Pero lalo lang nagdilim ang mukha niya. “Miraliza, hindi ka marunong magsinungaling. At hindi ka iiyak ng gano’n kung walang nangyari. Umamin ka sa akin, huwag kang matakot,” pamimilit pa niya pero patuloy pa rin akong umiiling. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko iyong banta ni Tito Leonard na papatayin si Lexor kapag nagsabi ako. Ayaw kong mangyari iyon. Ayaw kong masaktan si Lexor o mapatay ng dahil sa akin. “Huwag mo na akong tanungin pa, pakiusap,” pagmamakaawa ko. Malakas siyang nagbuga ng hangin at halatang galit na talaga. Pero alam kong hindi para sa akin ang galit niya. Hindi rin niya ako napaamin pero alam kong hindi siya kuntento sa mga sagot ko. Dito kami sa silid ko naghapunan gaya ng hiling ko sa kaniya. Bahagya pa ring nanginginig ang mga kalamnan ko pero mas kalmado na ako kaysa kanina. “Gusto mong dito ako matulog? Maliit itong kama. Kung gusto mong tabi tayo matulog, doon tayo sa kuwarto ko,” tugon niya noong sabihin kong ayaw kong maiwang mag-isa. Kaya hiniling ko na dito na lang siya matulog dahil natatakot ako na baka pumunta si Tito Leonard dito. Ayaw ko na siyang makita ulit dahil natatakot ako sa kaniya. Masama siyang nilalang at kahit wala akong kamuwang-muwang sa mundo ay alam kong masama ang ginawa niya sa akin kanina. “Okay,” sabi ko na lang. Paglabas namin ng kuwarto ay napasinghap ako at agad na nanginig ang mga tuhod ko nang makita sina Tita Mary Rose at Tito Leonard. Sa takot ay agad akong nagtago sa likod ni Lexor. “O, anak, saan kayo pupunta? Hindi pa ba kayo matutulog?” tanong ni Tita Mary Rose. Gusto ko nang maiyak sa takot. Para ngang naiihi na yata ako. “Miraliza will sleep in my room. Natatakot siyang matulog mag-isa. Ano bang nangyari, mommy? Bakit ko naabutan si Miraliza na umiiyak at nanginginig sa takot?” bigla ay tanong ni Lexor sa mommy niya. Napasulyap ako rito at nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito. “Umiiyak?” sabay-sabay kaming napalingon nang marinig si Lexi. Mabilis itong lumapit sa akin at sinipat ako. “Bakit ka umiyak?” tanong niya agad na puno ng pag-aalala. Yumuko ako at umiling. Alam kong nakatitig din sa akin si Tito Leonard. Kaya nakadama na naman ako ng panlalamig. “Hija, bakit ka nga ba umiyak? At ano ang ikinatatakot mo?” banayad na tanong ni Tita Mary Rose. Pero hindi ko na kaya ang pagbigat ng dibdib ko kaya imbes na sumagot ay tumakbo ako papunta sa silid ni Lexor. Dumiretso ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Bumalik na naman ang malakas na panginginig ng katawan ko at parang daloy ng tubig sa ilog ang pagbalong ng mga luha ko. “Miraliza?” narinig kong tawag sa akin ni Lexor pero hindi ako tuminag at patuloy lang na nagtago sa ilalim ng kumot. “Hey… ano’ng problema? Nag-aalala na ako, oh,” pagsusumamo niya. Mahigpit ang kapit ko sa kumot habang pinaglalabanan ang takot na nararamdaman ko. Gusto ko na lang umalis dito at huwag nang makita pang muli si Tito Leonard. Dahil hindi niya ako mapalabas sa kumot ay siya na ang pumasok sa loob niyon. Ngayon ay patagilid na kaming magkaharap habang lumuluha pa rin ako. “Sinong nanakit sa iyo? Miraliza, sabihin mo sa akin. Please, sabihin mo sa akin,” halos maiyak na siya sa pagmamakaawa. “Sabi niya… sabi niya papatayin ka niya kapag nagsabi ako. Ayaw kong mamatay ka dahil sa akin. Huwag mo na akong tanungin. Umalis na tayo dito. Doon na lang tayo sa bahay mo,” humahagulgol kong tugon sa kaniya. Lalo namang napatda ang hitsura niya. “So, may nanakit nga sa iyo at tinakot ka pa? Sino siya?” naging malalim at matalim ang boses ni Lexor. Pero umiiling pa rin ako. “Kapag hindi ka umamin sa akin lalayo na ako sa iyo. Iiwan na kitang mag-isa! Magtiwala ka sa akin, kung sino mang nagsabi sa iyo na papatayin niya ako, nagsisinungaling siya. Hindi niya ako mapapatay dahil kaya kong lumaban. Kaya kong ipagtanggol ka at ang sarili ko, Miraliza. Kaya sabihin mo na sa akin ang lahat,” buong diin niyang pahayag. Para naman akong nahimasmasan sa sinabi niya. Tumitig ako sa mukha niya. Mukha naman talaga siyang malakas at matapang. Mas malaki rin siya kay Tito Leonard kaya siguradong malalabanan niya ito. Bumangon ako at lumabas sa kumot. Pero natatakpan pa rin nito ang kalahati ng katawan ko. “Si Tito Leonard. Hinalikan niya ang likod ko at pilit niya akong niyayakap doon sa kuwarto nila. Sinira pa niya ang damit ko,” halos pumalahaw nang saad ko. Kitang-kita ko ang matinding pagkagimbal sa mukha ni Lexor at umawang ang mga labi nito tapos ay nanlaki pa ang mga mata. “W-what? A-ano’ng sabi mo?” tila wala sa sariling tanong niya. “Pinadapa niya ako doon sa kama nila tapos hinalik-halikan ang batok at likod ko. Pinunit pa niya iyong suot kong damit. Sabi niya papatayin ka niya kapag nagsumbong ako,” dagdag ko pa habang patuloy na umiiyak. Ngunit nagulat ako nang walang sabi-sabi siyang lumabas ng kuwarto at padarag pang ibinagsak ang pinto. Ilang saglit akong natulala hanggang sa marinig ko ang sigawan sa labas. Napatakbo ako para tingnan iyon. Sa baba ng hagdan ay nakita ko sa sahig si Tito Leonard habang sinasaktan ni Lexor. Puno na ng dugo ang mukha nito pero patuloy pa rin sa pagsipa at paggamit ng kamao si Lexor para ipatama sa katawan nito. “Anak, tama na! Bakit mas pinaniniwalaan mo agad nag babaeng iyon kaysa sa Daddy Leonard mo? Limang taon na kaming kasal ni Leonard at kilala ko siya. Hindi niya magagawa ang ibinibintang ng babaeng iyon!” sigaw ni Tita Mary Rose kay Lexor. Ngunit ang ikinagulat ko ay ang biglang pagdating ni Lexi na may dalang matabang pamalo at pinaghahampas si Tito Leonard. Sunod-sunod ang pag-igik at pagdaing nito sa sakit. “How dare you, molest my friend!” narinig kong sigaw ni Lexi habang hinahampas sa katawan si Tito Leonard. “Tumigil na kayo, ano ba!” saway pa ng mommy nila. Ngunit huminto lang sila noong hindi na makagalaw ang binubugbog nila. “You!” malakas akong suminghap nang lumingon si Tita Mary Rose at galit akong ituro. “Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!” sigaw niya sa akin. Akmang susugurin niya ako pero agad siyang hinarangan ni Lexi. Si Lexor naman ay lumapit sa akin at niyakap ako. Doon ko lang namalayang lumuluha na naman pala ako. Nakatitig pa rin ako sa duguang daddy nila na halos hindi na makagalaw. “Let’s go! Aalis na tayo rito!” yaya niya sa akin tumango lang ako. “Lexi, you just bring her things at my house. The police are already coming to get this bastard!” sabi niya naman sa kapatid. Pagalit ang pagsasalita niya pero hindi ko naintindihan kung ano iyong sinabi niya. Mabilis ang mga pangyayari. Basta natagpuan ko na lang ang sarili na papasok sa isang napakagandang abuhing bahay na puro salamin. Medyo may kataasan ito mula sa lupa. Ilang hakbang sa maluwang na hagdanan bago marating ang pintuan. Pumasok kami roon at pinaupo muna niya ako sa malalaking sofa. Sofa raw kasi ang tawag sa mga upuang nasa sala. Alam ko na rin kung ano ang kusina, tulugan, banyo, enterteymen room at iyong dyim. “Ito ang kuwarto ko. Dito ka muna at magpahinga. May aasikasuhin lang ako saglit. Huwag kang mag-alala, Miraliza, wala nang puwedeng manakit sa iyo rito. Bukas na bukas din ay naririto na si Nay Sol,” paniniguro niya sa akin. Tumango naman ako. Paglabas niya ay nahiga ako sa maluwang na kama. Abuhin din ang kulay ng mga unan at kumot. Pero iyong pintura ng dingding ay puti at sa ibaba ay parang madilim na asul. Napakaganda ng silid na ito at napakaraming gamit. Hindi ko namalayang sa kahihintay ko sa pagbabalik ni Lexor ay nakakatulog na pala ako. Paggising ko ay umaga na. Gumalaw ako nang kaunti at nakita ko ang isang braso na nakapulupot sa baywang ko. Umikot ako at napangiti nang sumalubong sa akin ang guwapong mukha ni Lexor. Tulog na tulog ito pero nakakunot ang noo at bahagyang nakabuka ang bibig. Naramdaman yata niyang nakatitig ako sa kaniya kaya dahan-dahan siyang nagising. “Good morning,” paos niyang bati sa akin. Ngumiti pa siya at hinalikan ako. “Good morning. Pasensiya na kung hindi na kita nahintay at nakatulog na ako,” sambit ko. Ngumiti naman siya at magaang hinahaplos ang pisngi ko. “Mas mabuti na rin iyon at nakapagpahinga ka. Pinalayas ko na si Leonard sa bahay namin. Pinapili ko siya kung lalayas ba siya o gusto niyang makulong? Kaya hinding-hindi na siya makakalapit pa sa atin,” pagbibigay-alam niya sa akin. “Paano kung magalit ang mommy mo?” may pag-aalalang tanong ko. “Wala akong pakialam kung magalit siya. Demonyo ang asawa niya. Kung hindi ko lang iniisip ang kinabukasan ko, mapapatay ko ang taong iyon sa ginawa niya sa iyo,” galit niyang pahayag. Nabagbag naman ang loob ko. “Naku, huwag kang papatay ng tao. Kung masama siya, magiging masama ka na rin kapag pinatay mo siya. Basta ang gusto ko lang ay huwag ko na siyang makita kahit kailan,” sambit ko naman. “Huwag kang mag-alala. Hinding-hindi na siya makakalapit ulit sa iyo. Kaya sa susunod, mag-iingat ka na, ha? Bibilhan kita ng cellphone at tuturuan kitang gumamit para kapag may nanakit sa iyo ay madali mo lang akong matatawagan. Kaya nga sa susunod, huwag na huwag ka nang lalapit sa ibang lalaki, nagkakaintindihan ba tayo?” mahabang bilin niya. Tango naman ako nang tango. Mula ngayon talaga ay hindi na ako lalapit sa kahit sinumang lalaki. Kung nakinig lang ako kay Lexor at hindi nagpaloko sa matandang iyon, sana ay hindi nangyari iyon sa akin. Maraming linggo pa ang lumipas nang dumating ang isang masamang balita. Patay na raw si lola at si Migu. Natabunan daw sila ng rumagasang putik noon mula sa bundok kaya nahirapang matagpuan agad. Isang bag din ang natagpuan at ibinigay sa akin ni Lexor. Mga gamit namin ni lola sa bundok. Ilang araw akong hindi nakakain at halos hindi makatulog sa kaiiyak. Nabigyan naman sila ng maayos na libing ngunit iyong sakit ay hindi mapawi-pawi sa puso ko. “Gusto mo bang mamasyal tayo ngayon? Punta tayo sa tabing dagat o kaya sa mall. Masiyado na akong naging busy at nakalimutan ko na ang pangako kong ipapasiyal kita sa magagandang lugar,” masuyong tanong ni Lexor sa akin. Bumuntong-hininga lang ako. “Ano ang mall?” natanong ko. Madalas kong marinig kay Lexi na doon daw binibili iyong mga gamit na binibigay nila sa akin pero kahit minsan ay hindi pa ako nakapunta roon. “Gusto mo bang makita? Magbihis ka at pupunta tayo sa mall,” masayang udyok niya sa akin. Saglit lang akong nag-isip bago tumango. Kailangan ko nga siguro ng mapaglilibangan para kahit papaano ay mawaglit sa isipan ko ang nangyari kina lola at Migu. Napanganga ako nang makarating kami sa sinasabing mall. Puro salamin ang dingding pati pintuan. Umiikot iyong pinto kaya imbes na pumasok ay pinanood ko iyong mga taong dumaraan doon. “Halika na sa loob,” narinig kong tawag sa akin ni Lexor. “Ang galing!” palatak ko kahit umiikot iyong pintuan ay nakakapasok pa rin iyong mga tao. Natawa naman siya sa hitsura ko at hinapit na ang baywang ko. Ilang beses na namilog ang bibig ko sa pagkamangha sa lahat ng mga nakikita ko. Ang dami-daming tao at medyo maingay dahil kung ano-anong tunog ang naririnig. Ang lamig-lamig din dito sa loob. “Kain muna tayo. Tapos pupunta tayo doon sa entertainment arena,” bulong niya sa akin. Hindi ko siya tinitingnan nang tumango ako. Napatili ako at nagtinginan pa ang mga tao nang matapat kami doon sa gumagalaw na hagdanan. “Lexor, paano ako sasakay diyan? Gumagalaw naman siya!” malakas ang boses kong tanong. Ang ibang naroroon ay napatingin sa akin at ang iba ay tumawa pa. Bakit kaya sila natatawa? “Oh, sorry! Nakalimutan kong ngayon ka lang pala sasakay ng escalator,” naaaliw namang sabi ni Lexor. Hinapit niya ang baywang ko para alalayang umapak doon pero nanginig ako sa takot at sunod-sunod na umiling. “Ayaw ko! Ayaw ko riyan!” nahihintakutang sigaw ko. “Madali lang, halika na aalayan kita,” pilit pa niya pero umiling lang ako. Umatras ako palayo mula sa gumagalaw na hagdan. May mga ilang tao pa ring pinapanood ako at hindi ko pa rin malaman kung bakit. “Fine. Sana pala nag-elevator na lang tayo,” biglang sambit ni Lexor at walang babalang binuhat ako. Muli akong nagtitili at yumakap sa leeg niya nang sumakay siya roon na buhat-buhat ako. Takot na takot ako dahil baka mahulog kami. “Miraliza, tingnan mo. Ang saya nga, oh. Kusa na tayong umaakyat kaya hindi na kailangang humakbang pa,” masiglang tawag-pansin niya sa akin. Unti-unti naman akong nag-angat ng mukha at tumingin sa hagdan. Pinanood ko iyon hanggang makarating na kami sa taas. Pagdating sa palapag na iyon ay dahan-dahan akong ibinaba ni Lexor. Hindi pa rin humihinto sa paggalaw iyong hagdan at iyong katabi naman niya ay pababa. “Puwede ka bang maglagay nito sa bahay mo? Para masanay ako at sa susunod hindi na ako matatakot,” tanong ko. Muli ay natawa siya kaya napakunot naman ang noo ko. “Halika na nga! Ang cute-cute mo talaga!” sabi lang niya at hinila na ako doon sa lugar na maraming lamesa at marami ring kumakain. ****** Guys, Super thankful ako na na-appreciate ni'yo ang story ni Miraliza, pero short story lang talaga ito. Saka Free lang hanggang dulo gaya ng story nina Lance at Farah kasi hindi ko ia-apply sa contr*ct. Magdagdag na lang ako ng ilang chapters pa. Yung THE DOMINANT WIFE kasi talaga ang regular story na ia-update ko pagkatapos nito. MARAMING SALAMAT PO TALAGA SA SUPPORT NI'YO. Pa-follow naman po. Search ni'yo lang Miss Thinz. HAPPY READING!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD