Chapter 5 Genuine Feelings

4837 Words
Pagkatapos naming kumain ay mamimili raw kami ng damit at iba pang mga gamit ko. Napakaganda pala ng mundo nila. Sa gubat noon tanging mga puno, halaman, bulaklak, ilog at iba’t ibang hayop at mga lumilipad sa himpapawid lang ang nakikita ko. Hindi ko akalaing may iba pa palang mundo. “Titingin ako ng magagandang alahas na babagay sa iyo. Pumili ka lang diyan ng mga damit na gusto mo. Kahit ano, basta gusto mo,” sabi niya sa akin. Tumango ako kahit hindi ko siya tinitingnan. Namamangha kasi ako sa dami ng mga damit. Marami at iba-iba rin ang kulay. “Huwag kang pupunta sa ibang lugar, ha? Dito ka lang para dito lang din kita babalikan,” mahigpit pa niyang bilin kaya napatingin na ako sa kaniya. “Dito lang ako,” tugon ko naman. Umalis na siya at lumapit doon sa mga kahon na de-salamin. Marami akong nakikitang kumikinang doon na hindi ko alam kung para saan. Nilapitan ko iyong isang babaeng napakaputi ang balat at napakaganda. Nakasuot siya ng magandang pulang bestida at parang gusto ko rin ng gano’n. “Hello po, puwede po bang akin na lang iyang suot ni’yo?” tanong ko sa kaniya. Pero hindi ako nilingon nito at nanatili lang na nakangiti habang nakatingin sa malayo. “Miss, bakit po hindi ni’yo ako pinapansin? Ayaw ni’yo po bang ibigay sa akin iyang suot ni’yo? Bigyan ni’yo na lang po ako ng kagaya niyan. Gusto ko po kasi iyang suot ni’yo kasi ang ganda-ganda,” mas nilambingan ko ang boses. Pero napakunot ang noo ko dahil hindi man lang siya gumalaw o tuminag. Nanatili siya sa puwesto niya. Nakangiti at nakatingin pa lang din sa malayo. Bakit kaya hindi siya gumagalaw man lang? Hindi ba siya nangangawit sa puwesto niya? Sinubukan kong hawakan ang kamay niya para kunin ang atensiyon niya pero nagimbal ako nang biglang matanggal ang braso niya. Nagsisigaw ako sa takot at tuluyan nang naiyak. Nabitiwan ko ang braso niyang natanggal at ngayon ay nanginginig na ako sa takot. Nakapanakit ako ng tao dahil lang sa magandang bestida. “Sorry po, sorry po! Hindi ko po sinasadya,” umiiyak kong paumanhin. Naglapitan ang ilang taong naroroon pero mas mabilis na nakalapit si Lexor sa akin. “Ano’ng nangyari?” nag-aalalang tanong niya. “Naputol ko iyong kamay ng magandang babae. Kinakausap ko kasi siya hindi man lang niya ako tinitingnan,” turo ko sa babaeng nakatayo. Naputol na lahat-lahat ang braso niya pero nakatayo pa rin ito at hindi man lang gumagalaw. Parang hindi rin siya nasaktan kasi nakangiti pa rin at nakatingin sa malayo. “Oh, God!” nausal ni Lexor. “Sir, may problema po ba?” palingon pa lang sana sa akin si Lexor pero biglang may babaeng nagtanong na nakasuot ng itim na palda at ang pang-itaas ay may mahaba ring manggas. “I’m sorry. My girlfriend here was just shocked because she accidentally removed the arm of the mannequin,” sagot ni Lexor sa kausap. Umawang naman ang labi ng babae kaya nalito ako. Ano kaya iyong sinabi ni Lexor? “Oh, it’s fine, Sir. Baka po gusto niya iyong dress?” sabi pa noong babae. Tumingin naman sa akin si Lexor. “Gusto mo ba iyong suot ng mannequin?” tanong niya sa kain. “Manekin?” tumango siya. “Hindi siya tao. Mukha lang siyang tao pero mannequin siya. Walang buhay kaya hindi siya gagalaw o makikipag-usap sa iyo,” mahinang paliwanag niya. Iyong pagsasalita niya ay ako lang ang nakaririnig. Nag-alisan na rin iyong mga taong nakikiusyoso kanina. “I think she likes the dress. We will get it. Please give us other dresses that you have. We need jeans, coats, blouses, shoes and other stuff for her,” parang utos pa ni Lexor sa kausap niyang babae. Inalalayan niya akong tumayo at ibinigay ang panyo niya para mapunasan ko ang mga luha ko. Nilapitan ko iyong sinasabi niyang manekin at hinaplos ang katawan. Matigas nga iyon at kahit anong gawin ko ay hindi gumagalaw. Gano’n pala ang manekin. Napatingin ako sa iba pang bahagi nitong bilihan at may ilan pa akong nakitang kamukha nitong manekin. Mayroon ding lalaki. Marami pa talaga akong dapat matutuhan. May mga tao si Lexor na nagbitbit ng mga pinamili namin at dinala na ang mga ito sa sasakyan. Sobrang dami naming binili dahil limang lalaki pa iyong nagbitbit ng mga iyon. Habang naglalakad kami ay napahinto ako nang makita ang pintuang nagbubukas-sara. May pumapasok roon ngunit kapag bumukas ulit ay iba ang lumalabas. “Lexor!” tawag ko sa kaniya. “Saan napupunta iyong mga taong pumapasok sa pintuang iyon? Bakit iba naman ang lumalabas at hindi iyong mga pumasok kanina,” manghang tanong ko. Narinig ko ang mahinang tawa niya at hinalikan pa ang gilid ng ulo ko. “Elevator ang tawag diyan. Gusto mo bang subukan?” nakangiting tanong niya pero mabilis akong umiling. “Ayaw ko, baka kung saan tayo dalhin niyan,” mabilis kong tanggi. Tumawa siyang muli. “Hindi iyan. Para makita mo lang, halika na. Diyan tayo sasakay papunta doon sa bilihan ng maraming cake at ice cream,” sabi niya. Dahil doon ay namilog ang mga mata ko at bigla akong nakaramdam ng tuwa. “Sige! Doon naman pala papunta iyan,” maluwang ang ngiting tugon ko. Noong una ay kinakabahan akong sumakay. Pero hinawakan ni Lexor ang kamay ko at sabay kaming pumasok doon. May ibang mga tao ring sumabay sa amin. Napatingala ako nang makita ang pula na tumataas-taas. “Ano iyon?” turo ko. Hindi lang si Lexor ang napalingon sa itinuro ko kung hindi pati iyong mga ibang nakasakay. Nagtawanan at nagbulungan pa iyong dalawang magkasamang babae. “Numbers ang tawag diyan. Makikita riyan kung saang palapag tayo pupunta,” paliwanag ni Lexor. Lalong natawa iyong dalawang babae at hinagod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ang ganda-ganda pero mukhang ignorante,” narinig kong bulong noong isang babae. Kaya kinalabit ko siya. Nagulat pa siyang nilingon ako. “Ano po iyong ignorante? Bakit ni’yo po ako tinawag na gano’n?” tila naging alanganin ang mukha niya sa tanong ko. si Lexor naman ay nagpipigil na tawa. “Sorry, Miss,” sagot naman no’ng babaeng kasama niya kaya nagtaka ako. Bakit kaya siya nagso-sorry? Pero hindi na ako nakapagtanong ulit dahil bumukas na iyong pintuan at lumabas na iyong babae at iyong kasama niya. Kami na lang ni Lexor ang naiwan. “Kaya pala, hindi na ulit nakikita yung sumasakay dito sa elebeytor kasi may iba na palang pupuntahan. Ang ganda-ganda talaga ng mundo ni’yo. Sana nga lang nakita rin ni lola ang lahat ng ito,” bigla ay nakaramdam na naman ako ng lungkot. “Huwag mo nang isipin iyon. Simula ngayon kami na ang pamilya mo, at hinding-hindi ka namin pababayaan,” masuyong pang-aalo naman niya sa akin. Tumango na lamang ako. Nang sumunod na araw ay isinama ako ni Lexor sa pinagtatrabahuhan niya. Nagpunta kami sa napalaki at napakalawak na akala ko ay parang bahay din pero building daw ang tawag. LV Tower daw ang pangalan nitong higanteng building. Ang taas-taas tapos puro salamin din. “Talaga? Ikaw ang may-ari nito?” namamanghang tanong ko. Ilang beses ding kumurap ang mga mata ko. “Ipinamana sa amin ito ng daddy namin. Iyong totoong daddy namin ni Lexi,” nakangiting sabi niya. Nakasakay kami ulit sa elebeytor kasi nasa pinakataas daw iyong opisina niya. “Ano iyong ipinamana?” nalilitong tanong ko. Mahina siyang tumawa at pinisil pa ang ilong ko. “Ang cute-cute mo talaga, Miraliza. Parang gusto na naman kitang halikan,” sambit niya at pumisil pa sa baywang ko. “Ano nga iyong ipinamana?” nayayamot kong tanong kasi hindi niya sinagot. “Iniwan. Ipinama, ang ibig sabihin iniwan. Ang daddy ko talaga ang may-ari nito dati pero kami na ni Lexi ngayon kasi nga sa amin iniwan,” dahan-dahan niyang paliwanag. “Ah, iyong mga gamit sa bag na galing kay lola, iyon naman ang pamana niya sa akin. Gano’n ba?” napapaisip kong tanong. “Oo, parang gano’n nga. Siya nga pala, ano bang laman ng bag na iyon?” usisa naman niya. Bumukas na ang pintuan at lumabas na kami. “Mga lumang gamit namin. May ilang damit din ako, tapos hindi ko pa tiningnan iyong iba. Tingnan na lang natin mamaya,” sabi ko naman. Tumango lang siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Bago kami pumasok sa pintuang salamin ay may dalawang babaeng pareho ang suot ang nag-good morning sa kaniya. Tumingin pa sila sa akin at bakas ang pagtataka. Nang batiin din sila ni Lexor ay pumasok na kami. Muli akong namangha dahil para kaming nasa ulap. Puro salamin iyong dingding kaya kitang-kita lahat ng mga nasa labas. Halos mapatalon ako sa tuwa. Sinilip ko ang mga nangyayari sa labas. Parang ang liit-liit ng mga naroroon sa baba. “Ang ganda-ganda! O, tapos ano’ng gagawin mo dito para magkapera ka? Turuan mo na ako bilis,” tuwang-tuwang baling ko sa kaniya. “Kailangan mo munang matutong magsulat at magbasa. Kaya mamayang hapon ay darating na rito iyong kinuha kong tutor mo para turuan ka ng mga dapat mong matutuhan,” pahayag naman niya. “Oo nga. Sabi nga ni Lexi tutor ang tawag doon sa magtuturo sa akin.” “Pero bago iyan, may ibang bagay muna akong ituturo sa iyo,” kakaiba ang ngiting saad niya. “Ha?” bigla akong naguluhan. “Halika,” yaya niya sa akin. Marahan niyang hila-hila ang kamay ko. Isang silid ang pinasok namin. May kama rin doon na parang sa bahay din niya. Halos kapareho lang din ng mga gamit niya ang mga naririto. “Ang galing! May kuwarto ka rin dito?” bulalas ko. Pagkatapos ay niyakap niya ako mula sa likuran. “Gusto mo bang burahin ko na nang tuluyan ang masamang alaala mo kay Leonard?” bulong niya. Tumango lang ako. “Pagkatapos ng gagawin natin, huwag mo nang iisipin ulit iyon. Ang gagawin ko sa iyo ang magiging tanging laman ng isip mo, okay?” sambit niya pero hindi na ako nakasagot kasi pagkatapos niyang magsalita ay humahalik at sumisipsip na siya sa leeg ko. Nakikiliti ako sa ginagawa niya pero gusto ko iyong kakaibang paggapang ng init sa katawan ko. Mula noong molestiyahin ako ng Leonard na iyon ay hindi na ulit ginawa sa akin ni Lexor ang ganito. Ngayon lang ulit. Sabi niya kasi ay baka magka-trauma daw ako. Ang trauma daw ay masamang kalagayan at nararamdaman ng isang tao kapag nakaranas ng masamang pangyayari. Ipinaharap niya ako sa kaniya at siniil ng halik sa mga labi. Nasasabik na rin ako sa ganitong uri ng paghalik niya sa akin. Palaging magaan at mabilisan lang kasi ang mga halik niya sa akin nitong mga nakaraan, at ngayon lang ulit niya ako hinalikan ng malalim. Kumapit ako sa leeg niya at ang dalawang kamay naman niya ay nakayakap sa baywang ko. Umabante siya kaya napaatras naman ako. Saka ko naramdaman sa likod ng mga binti ko ang kama. Dahan-dahan niya akong inihiga roon ng hindi pinuputol ang pagkakahugpong ng mga labi namin. “Lexor,” humihingal na tawag ko sa pangalan niya nang pakawalan ang mga labi ko. “Hmm?” tugon niya pero patuloy lang sa pagigil na paghalik sa leeg ko. Minamasahe rin ng dalawang kamay niya ang dibdib ko kaya napapanganga ako. “G-gagawin ba natin ulit iyong ginawa mo sa akin dati?” paungol kong tanong. Hindi ko maiwasang pumikit dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya. “Yes. At mas higit pa roon. Ngayon ipararanas ko sa iyo kung paano maging ganap na babae,” bulong niya at walang babalang pinunit ang damit ko. Napadilat ako dahil sa gulat. “Kabibili lang iyan bakit mo sinira?” inis kong angil sa kaniya. Pero tinawanan niya lang ako at inalis na ang iba ko pang suot. Wala siyang itinira kaya ngayon ay hubo’t hubad na ako sa harap niya. Punong-puno ng paghanga ang mga titig niya sa katawan ko habang isa-isang inaalis ang damit niya. Iyong panghuling tabing sa maselan niyang parte ang natira. “Ano iyang nakabukol sa harapan mo?” napapaawang ang mga labing tanong ko. “Gusto mong makita ang ari ng lalaki, ‘di ba? Ngayon ipapakita ko sa iyo,” mapang-akit niyang sambit. Napangiti naman ako dahil sa kakatwang saya na nararamdaman ko. Ngunit napasinghap ako nang tuluyan na niyang ibaba ang huling saplot niya. “Ahas!” bulalas ko. Medyo mataba iyon at mahaba. Nangingintab iyong bandang ulo niya. “Ahas ang ari ng lalaki?” gulat na gulat na tanong ko. Napabangon pa ako dahil sa pagkamangha habang nakatitig doon. “Hindi ito ahas,” natatawang banggit niya. “Ito ang papasok sa iyo,” muli ay nang-aakit na naman ang tono niya. Pero parang bigla akong kinabahan. Sabi niya, ang ari ng lalaki ay para sa ari ng babae. Kung papasok iyon sa p********e ko, siguradong masakit nga iyon dahil ang laki. “Parang masakit nga iyon,” nausal ko. Ngunit tuluyang na niyang inalis ang maliit niyang saplot na iyon. Pagkatapos ay bumalik siya at umibabaw sa akin. “Naalala mo ba ang sinabi ko sa iyo? Masasaktan ka kapag ginawa na natin ito,” sambit niya habang mabining hinahaplos ang pisngi ko. May kaba pa rin ako pero wala akong makapang pagtutol sa dibdib ko. “Sabi mo naman normal lang na masaktan sa una, hindi ba? May tiwala ako sa iyo, Lexor,” sagot ko naman. Napangiti siya at kinintalan ako ng halik sa labi. “Sigurado ka? Kapag ipinagpatuloy ko ito, wala nang atrasan. Hindi mo na ako mapapahinto dahil matagal na akong nagtitimpi at nagpipigil na gawin ito sa iyo,” namamaos ang boses pa niyang saad. Tumango ako at ngumiti. Umangat ang isang kamay ko at inihaplos sa namumula niyang pisngi. Hinalikan niya ang kamay ko kaya lumuwang ang ngiti ko. “Sa iyo lang ako sabi mo, ‘di ba? Kaya sa iyo ko lang din ibibigay ang sarili ko,” tugon ko at hinila siya palapit sa akin. Ako na mismo ang humalik sa kaniya. Noong una ay parang may pag-aalinlangan pa siya, ngunit nang lumalim ang halikan namin ay bumalik ang pagiging mabilis ng mga kilos niya. Muling umawang ang mga labi ko nang bumaba siya at isubo ang isang u***g ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tila namimilipit na naman ang mga daliri ko sa paa. Nariyan na naman iyong parang mainit na dumadaloy sa katawan ko pababa sa p********e ko. Dama kong unti-unti na naman akong namamasa roon. Salitan niyang nilalaro ng dila at sinisipsip ang magkabilang tuktok ng dibdib ko habang patuloy ang pagmasahe ng mga kamay niya sa bundok niyon. “Ahh…” naiiyak kong ungol dahil iyong matigas niyang p*********i ay idiniin niya sa namamasa kong hiwa. “s**t! You’re so soft ang hot down there,” parang nahihirapang ungol niya. “Ano’ng sabi mo?” tila padaing kong tanong. Pero hindi siya sumagot at patuloy lang sa pagpapala sa mga dibdib ko. Hindi ko na naiwasang masabunutan siya dahil sa kakaibang kiliti na lalong nagpapabasa sa p********e ko. Humalik-halik din siya sa tiyan ko habang ang isang kamay niya ay dumapo sa ibabaw ng kaselanan ko. Napadilat ako nang humagod ang daliri niya sa kuntil niyon na tila nanigas pa. “Ahh…” napangiwi ako ng subukan niyang ipasok ang isang daliri sa lagusan ko. May kakaibang hapdi akong naramdaman at halos mapapiksi pa ako kanina. “Shh… okay lang iyan. Ihahanda lang kita sa puwedeng maganap,” bulong niya at tuluyang nang tumapat ang mukha niya sa pagitan ng mga hita ko. Gaya nga noong una ay hinalikan niya ako roon kaya umarko ang katawan ko at kumawala ang malakas na ungol mula sa akin. Habang naglalaro ang dila at mga labi niya sa p********e ko ay unti-unti na ring gumagalaw ang daliri niya roon. Masakit pero nahahaluan ng kiliti dahil sa ginagawa niyang tila paghigop na sa p********e ko. “Lexor! Oh!” naiiyak kong ungol dahil naramdaman ko na naman iyong parang sumabog sa loob ko at naipit ko na ang ulo niya sa pagitan ng mga hita ko. Matinding sensasyon na naman iyon na talagang may kakaibang sarap na hatid sa akin. Ang sumunod ay muling nagpaungol sa akin. Iyong dulo ng p*********i niya ay ikinikiskis niya sa basang-basa kong lagusan. May lumalabas pa ring katas roon at kumikibot-kibot pa rin ang ubod ng p********e ko. Gayunpaman ay mas masarap na naman ang ginagawa niya ngayon. “Miraliza, hindi ko na kaya. Ipapasok ko na,” may pagmamakaawa niyang hiling. Punong-puno nang pagsuyo ang mga mata niya habang tila nagmamakaawa sa akin. Tinanguan ko siya at inihanda ang sarili sa sakit na darating. Maya-maya ay sinubukan na niyang ipasok ang malaki at mataba niyang ari sa butas ko. Unang subok pa lang ay napasigaw na ako. Inilabas niya ulit iyon at sinubukan ulit ipasok. Sa pagkatataong ito ay mas malalim na ang pagkakabaon niya pero parang kalahati pa lang yata iyon. Para rin siyang hirap na hirap dahil lukot ang mukha niya at pulang-pula na siya. “Ipapasok ko na lahat. I’m sorry, Miraliza,” bumaba siya at niyakap ako saka isang diretsong pagpasok ang ginawa. “Ahh! Ahh…m-masakit! Lexor!” umiiyak kong daing. Para akong biniyak doon na sumigid hanggang sa ulo ko ang sakit. Masaganang bumalong ang mga luha ko at lumabas na rin ang mga hikbi ko. “I’m sorry. Sobrang sikip mo,” bulong niya at hinahalik-halikan ako sa mukha habang banayad na hinahaplos ang gilid ng kaliwang hita ko. Tila ba iniibsan niya iyong sakit pero hindi iyon nababawasan. “Huwag kang gagalaw, pakiusap. Ang sakit talaga,” umiiyak kong daing. Tumango naman siya, pagkatapos ay sinakop ang mga labi ko. Marahan ang halik niya pero may halong gigil. Napasinghap pa ako nang pumintig ang p*********i niya sa loob ko. Muling sumigid ang kirot hanggang sa puson ko. Habang hinahalikan niya ako ay patuloy siya sa pagmasahe sa mga dibdib ko. Iniipit din ng daliri niya ang mga u***g ko, kaya tila unti-unti ay nag-iinit na naman ang katawan ko at nababawasan na ang kirot na nararamdaman ko. “Kaya mo na ba? Mababaliw na ako. Gusto ko nang gumalaw,” nakikiusap niyang bulong. “Pero natatakot pa rin ako,” tugon ko naman. “Dadahan-dahanin ko lang. Masasanay ka rin. Mamaya, sisiguraduhin ko sa iyo, puro sarap na lang ang mararamdaman mo,” pang-aalo niya sa akin. Ilang sandali pa kaming nagkatitigan bago ako tumango. Nang ipikit ko ang mga mata ko ay tila hudyat na iyon nang pagsisimula niyang paggalaw. Napapangiwi pa rin ako noong una. Pero habang tumatagal ay nawawala na ang kirot. Natatabuhan ng masarap na sensasyong hatid ng mga kamay niyang naglalaro pa rin sa mga u***g ng dibdib ko. Nang mag-umpisa nang bumilis ang paglabas-masok niya ay para na akong nawawala sa sarili. Parang may kung ano’ng nababanat sa loob ko at nagdudulot ng nakakakiliting kilabot sa puson ko. Sumasarap na ang bawat pagsagad niya kaya hindi na mapigil ang mga halinghing ko. Naririnig ko pang umiingay itong kama pero mas nagiging mabangis ang mga pagbayo ni Lexor. “s**t! Ang sikip, ang sarap!” malalakas niyang ungol. At muli akong sumigaw dahil sa pagsabog na naman ng tensyon sa puson ko. Mas masarap pala ang kaganapan kapag sa ganitong paraan. “f**k! You’re squeezing my c**k in a vice grip! Damn it! This is pure heaven!” paulit-ulit niyang sinasambit iyon at tinatawag ang pangalan ko. Bakas din talaga na nasasarapan siya habang mabilis at madiing bumabaon sa loob ko. Totoo nga ang sinabi niya. Masakit lang sa una pero ngayon ay nakakabaliw na sa sarap. “Malapit na ako,” halos pumiyok siya. Niyakap niya ako nang mahigpit at bumilis pa nang bumilis ang mga pagbayo niya. May kaunting kirot pa akong nararamdaman pero humahalo iyon sa sensasyon hanggang sabay kaming magtamo ng kasukdulan. Bumagal ang mga paggalaw niya sa ibabaw ko pero hindi niya binitiwan ang mga labi ko. May mga luha pa rin na umaagos mula sa mga mata ko dahil sa sari-saring damdaming lumulukob sa kabuuan ko. “I love you, Miraliza. I’ve never felt this intense feeling ever in my life,” humihingal niyang sambit. Hindi ko alam kung ano iyong sinabi niya pero lalo akong naluha. Para bang may kakaibang damdamin ang pinupukaw ng mga salitang iyon. “Ano’ng ibig sabihin nang sinabi mo?” tanong ko. Ngumiti siya at idiniin pa ang p*********i sa loob ko kaya muli akong umungol. “Sabi ko, mahal kita. Mahal na mahal kaya natatakot akong baka isang araw bigla kang mawala sa akin,” seryosong sambit niya. Pumipintig-pintig pa rin siya sa loob ko. Kaya nakikiliti pa rin ako at napapakagat sa pang-ibabang labi ko. Pawis na pawis kami pero hindi namin iyon alintana. “Ano ang mahal? Parang ang sarap pakinggan?” nakangiting usisa ko. Lumuwang din ang ngiti niya at saka unti-unting hinugot ang p*********i niya. “s**t! Gusto ko pa, pero alam kong kailangan mo munang magpahinga,” sabi niya imbes na sagutin ang tanong ko. Tumango ako dahil tama siya. Parang bigla akong inantok kaya hinayaan ko lang siyang linisan ako. Pagkatapos ay tinakpan na niya ng kumot ang hubad na katawan ko. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako. Nang muli akong magising ay mabigat ang katawan ko at parang ang init-init ng singaw ng mga mata ko. Nang kumurap ako ay may luhang dumaloy sa pisngi ko. Maging ang hininga ko ay mainit din. Nang subukan kong bumangon ay napangiwi ako dahil mahapdi iyong pagitan ng mga hita ko. Ano ba iyan! Masarap lang pala iyong ginawa namin pero masakit pala pagkatapos. Palagi kayang ganito sa tuwing gagawin namin iyon? Lalong nalukot ang mukha ko nang tumunog ang tiyan ko. Gutom na ako. Nasaan na ba si Lexor? Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin iyong bag ko. Naroroon ang cellphone ko. Marunong na rin akong gumamit no’n at masayang-masaya ako noong una kong tawagan sina Lexor at Lexi. Kahit nasa malayo sila ay naririnig nila ang mga sinasabi ko dahil doon sa cellphone. Tapos mas namangha ako noong nagkausap kami sa cellphone tapos nakikita ko siya sa screen. Halos mapatili ako sa tuwa noon. “Gising ka na pala! Kain na tayo,” naputol ang pag-iisip ko nang marinig si Lexor. Napasimangot ako kasi mabigat ang pakiramdam ko. “Masakit ang ulo ko pati iyong p********e ko. Parang namamaga na may sugat sa loob. Tapos gutom na nga rin ako,” daing ko sa kaniya. Ibinaba naman niya lahat ng hawak niya at agad lumapit sa akin. Nang kapain niya ang noo ko ay bumaha nag pag-aalala sa mukha niya. “May lagnat ka!” bulalas niya. “I’m sorry. Masiyado ba akong naging marahas sa iyo kanina?” umiling naman agad ako sa tanong niya. “Nagustuhan ko naman ang ginawa natin. Kaya lang masakit pala sa katawan pagkatapos,” nakangusong tugon ko. Lalong lumungkot ang mukha niya. “Halika, kumain na tayo at magpapabili ako ng gamot para sa iyo,” sabi niya pagkatapos ay maingat akong binuhat at dinala roon sa sofa. Iba na ang suot kong damit. Siguro ay dahil winasak niya iyong suot ko kanina. Sayang naman, ang ganda-ganda pa naman no’n. “Ano ang gagamutin mo, ito bang maselan kong parte?” hindi ko alam kung bakit bigla siyang natawa, eh, seryoso iyong tanong ko. Sinimangutan ko tuloy siya. “Sorry, sorry. Minsan nakakalimutan kong iba ka pala sa lahat. May iinumin kang pain reliever o iyong pampawala ng sakit na nararamdaman mo tapos pampababa ng lagnat mo,” paliwanag niya. Hindi na siya tumatawa kaya kahit papaano ay hindi na rin ako nainis sa kaniya. Pagkatapos nang nangyari sa amin sa opisina niya, ay ilang beses pa iyong naulit sa bahay niya. Sabi niya bahay na raw namin iyon. Araw-araw na rin akong pinupuntahan ng tutor ko. Makalipas lang ang dalawang buwan ay marunong na akong magsulat at magbasa ng tagalog. Ang susunod daw na ituturo sa akin ay magsulat at magbasa ng English. “Hi, Iza, kumusta ka na? Sorry kung ngayon lang ulit ako nakadalaw saiyo, ha? Tinatapos ko na kasi iyong thesis sa masteral ko,” tanong ni Lexi. Katatapos lang ng tutorial session namin ng teacher ko at umalis na ito. “Okay naman, Lexi. Marami na akong alam ngayon. Mabilis na ako magbasa sa tagalog. Tapos paisa-isa na rin akong nagbabasa ng English. Tapos nanonood ako ng mga palabas sa internet kaya lalong dumarami iyong alam ko,” excited kong pagbabalita sa kaniya. Kumislap naman sa tuwa ang mga mata niya. “Wow! Ang galing-galing naman! Kapag handa ka na, magte-test ka. Tapos doon malalaman kung sa anong level ka puwede sa high school,” masayang sambit niya. “Salamat talaga sa inyo, Lexi. Lalo na sa iyo. Kahit nawalan ako ng mabait at mapagmahal na lola, nakilala ko naman kayo ni Lexor na nagpapahalaga sa akin,” seryosong pasasalamat ko sa kaniya. “Naku, wala iyon. Masaya nga ako kasi isang mabuting babae ang minamahal ng kuya ko ngayon. Alam mo, halatang sobrang in love si kuya sa iyo. Ngayon ko lang siya nakitang gano’n kasaya! Kaya sana, kayo na talaga ang magkatuluyan!” nangniningning ang mga matang pahayag niya. Natawa naman ako. Alam ko na kasi ngayon ang ibig sabihin ng love. Ang love daw ang pinakamahalagang damdamin ng tao na maaari niyang maibigay sa iba. Kapag mahal ka raw ng isang tao, hindi ka niya sasaktan bagkus ay palagi kang aalagaan at pasasayahin. At gano’n nga si Lexor sa akin. “Palagay ko, mahal ko na rin naman ang kuya mo, eh. Wala akong alam sa pagmamahal pero ang alam ko, kaya kong gawin ang lahat para sa kaniya. At hindi ko makakayanan kapag nagkalayo kami o kaya mawala siya sa akin,” tugon ko naman. Kinuha niya ang mga kamay ko at mahigpit na hinawakan. “Masaya ako para sa inyo ni kuya,” sabi pa niya. “O? Paano? Hindi ako puwedeng magtagal kasi may lakad kami ng mga kaibigan ko ngayon. Magka-clubbing kami. Dapat pala maranasan mo rin iyon. Sabihin mo kay kuya, sigurado pagbibigyan ka no’n,” sulsol niya sa akin. “Club? Ano bang mayroon do’n?” natanong ko naman. Tumawa siya ng bahagya bago sumagot. “Puwedeng kumanta, sumayaw at maglasing. Magparty-party at mag-relax gano’n,” masayang saad niya. Para tuloy akong nae-engganyo kasi mukhang masaya roon. “Sige, sasabihin ko kay Lexor. Kaya lang ayaw niyang uminom ako ng alak kasi masama raw iyon sa katawan. Kapag nalalasing daw ang tao nawawala sa sarili. Ayaw ko no’n. Baka maulol ako na parang aso,” seryosong pahayag ko pero bigla na lang siyang humalakhak. Nagsalubong naman agad ang mga kilay ko. “Napaka-overprotective naman ni kuya!” natatawa pa ring komento niya. “Masarap malasing, no! Sa susunod na pagdalaw ko, lalasingin kita,” dagdag pa niya saka sinundan ng hagikgik. Pagkatapos ng masayang kuwentuhan namin ni Lexi ay umalis na siya. Nilingon ko ang orasan, at alas kuwatro pa lang ng hapon. Marunong na rin akong tumingin sa orasan at siyempre magbilang. Sa susunod ay pagluluto naman ang gusto kong matutuhan. “Ma’am,” napalingon ako nang tawagin ako ni Karen. Isa siya sa mga katulong dito sa bahay. Pamangkin siya ni Nay Sol. “Bakit po?” tanong ko. “May bisita po tayong dumating,” pagbibigay-alam niya. Kumunot naman ang noo ko kasi wala naman akong inaasahang bisita ngayon. “Sino daw po? Sabi ni Lexor, huwag magpapasok ng hindi natin kilala, ‘di ba?” banayad kong tanong. “Si Ma’am Chloe po ang dumating,” sagot naman niya. Halatang hindi niya gusto kung sino man ang Chloe na iyon. “Sino po iyon? Nagtatakang tanong ko. Ngayon ko lang kasi narinig ang pangalan na iyon. “Girlfriend po yata ni sir, ma’am,” alanganing tugon niya at tila nahihiya sa akin. “Girlfriend? Hindi ba sabi ni Lexor, ako ang girlfriend niya?” nalilitong tanong ko. Puwede bang dalawa ang girlfriend? “Of course not!” sabay kaming napalingon nang marinig ang mataas na boses ng isang babae. “Karen, iwan mo na kami!” utos pa niya sa katulong. Yumuko naman ito at agad na sumunod. “So, ikaw pala ang babaeng iniuwi ng boyfriend ko? Well, Maganda ka naman, kaya siguro ikaw ang paborito niyang ikama ngayon!” mataray niyang sabi. Parang nag-init ang mukha ko sa mga sinabi niya. Hindi ko iyon lubos na nauunawaan pero parang sa tono niya ay iniinsulto niya ako. *** Last 2 chapters na tayo rito guys!!! See you soon sa The Dominant Wife. Salamat po sa support!!! Baka gusto ni'yo po ng Mafia Stories na Completed. Add ni'yo lang po: IN BETWEEN HELLS (PTR/COMPLETED) TAMING BOSS STAN (PTR/COMPLETED) RIOT MEN SERIES #21 DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIR (FREE AND COMPLETED)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD