PROLOGUE

219 Words
Malapad ang ngiti ni Iza habang naglalakad papunta sa pinakatagong bahagi ng gubat. May bitbit siyang isang puting basket na naglalaman ng mga pagkaing inihanda ng lola niya kanina. Nakasunod sa kaniya si Migo, ang alaga niyang aso na may malaking katawan at malagong balahibo. Isang taon na niya itong inaalagaan dahil natagpuan niya ito sa gitna ng kagubatan habang nangunguha siya ng mga panggatong. “Migo, naririto na tayo!” masayang sabi niya sa alagang aso. Kumahol-kahol ito na animo’y nauunawaan ang sinabi ng dalaga. Ibinaba niya ang dalang basket at agad na nagtampisaw sa malamig na tubig ng batis. Tila isang diyosa ang naglalaro sa malinaw na tubig na nagpapakita ng maganda niyang repleksyon dito. Sinahod ng kamay niya ang tubig saka pataas na isinaboy sa sarili. Nasundan iyon nang malamyos na mga hagikgik at bahagyang nabasa ang itim na itim, makintab at medyo alon-alon niyang buhok. Tila siya isang batang tuwang-tuwang naglalaro sa tubig at patuloy lang din sa pagtahol si Migo. *** Hi guys, One shot story lang po ito. Mga 3-5 chapters lang tapos na. I-published ko po lahat ng chapters kapag na-edit ko na. Medyo busy pa po kasi. Kung gusto ni'yo pong magbasa ng iba pang stories ko, search niyo lang po ang Pen Name ko, Miss Thinz. Salamat po sa Support!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD