PAGDATING N'YA sa bahay n'ya ay naabutan n'ya pa si Tanda sa kusina, naka 12 na bote na ng beer, pero hindi pa nalalasing. "Nagtira ako para sa 'yo ng tatlong hiwa dahil alam ko broken hearted ka pagbalik mo," sambit nito at itinuro ang natitirang tatlong steak sa gamit ang hawak nitong tinidor. "Hindi ako broken hearted, saan mo naman napulot ang kalokohang 'yan?" angal n'ya sa sinabi nito at pinulot ang isang hiwa ng steak at isinubo. Broken hearted? 'Yan ba ang tawag sa p*******t at paninikip ng dibdib n'ya no'ng nakita n'yang nasasaktan ang binata sa mga sinabi at pag-alis n'ya? Wala s'yang planong aminin sa sarili na nagmamahal s'ya kahit pa may pakiramdam s'yang gano'n. Dahil alam n'ya sa sarili na kahit magbago s'ya ay wala nang silbi, kinamumuhian na s'ya ng mundo at hindi

