NANG MAKALABAS ang mga kasama n'ya ay agad n'yang binaling ang tingin sa babaeng nakatayo malapit sa may fire exit door. May suot itong cap na kulay itim at naka gown na kapares ng toga at surgical mask bilang takip sa mukha. Sinundan n'ya ang tingin nito at nakatingin ito sa babaeng nakahandusay sa sahig. Nakita n'ya si Eark sa kumpol na 'yon at ilang mga taong tumutulong dito, dumating naman ang ilang kapulisan na nahirapan pang makapasok dahil sa sikip at dami ng tao sa daanan. Walang pasabi n'yang inagaw ang suot na cap ng lalaking dumaan sa tabi n'ya at ipinalit n'ya 'yon sa suot n'yang graduation cap. Nakita n'ya naman ang shawl at sapatos na walang takong na bitbit ng isang ginang, inagaw n'ya ang mga 'yon, mabilis n'yang pinunit ang balabal at itinakip sa mukha n'ya, maliban sa

