"Hello, kuya Earl?"
Napatingin si Jaq sa katabing si Casper nang marinig kung sino ang tumatawag dito.
Malapit nalang sila sa bahay n'ya kaya mas binilisan n'ya pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.
"Po? Sige kuya, malapit na po kami," sabi nito sa kausap saka binaba ang cellphone.
"Anong mayroon, Casper?" si Demi ang nagtanong pero parehas sila ni Lyka na naghihintay din ng sagot.
"Jaq, diretso tayo sa bahay, nando'n si Kuya Earl may kailangan daw s'yang itanong sa 'tin," dinig n'yang sabi ni Casper sa kanya.
Hindi s'ya pwedeng dumiretso doon, ayaw n'yang malaman ng mga ito na kilala n'ya ang tinatawag nilang Kuya Earl.
"Ahm, hindi na ako sasama sa inyo, ayan na 'yong kanto pauwi sa bahay ko. Next time nalang ha? Pasensya na gusto ko na rin kasi'ng magpahinga," mahabang sagot n'ya.
Tiningnan n'ya isa-isa ang mga kasama matapos ihinto ang sasakyan at bago bumaba.
"Sigurado ka? Maglalakad ka mag-isa papunta sa bahay mo, hindi ba delikado? Hatid ka nalang muna namin," agad namang sabi ni Lyka kaya pinigilan n'ya ang mga ito.
"Hindi na, sanay na ako sa lugar at kaibigan ko naman ang mga tambay d'yan. Kayo ang mag-ingat. Message n'yo nalang ako kapag nakauwi na kayo, ha? Casper?" pagkukuha n'ya sa atensyon ng binata.
Alam naman n'yang 'di pabababayaan ni Casper ang mga kaibigan nito.
"Are you sure?" paninigurado sa kanya ni Demi.
Tinanggal n'ya ang seatbelt at matamis na ngumiti sa tatlo bago lumabas ng sasakyan. Nanatili s'yang nakatayo sa kinaroroonan hanggang sa maka-alis at mawala sa paningin n'ya ang mga ito.
Inilabas n'ya ang cellphone para gawing flashlight dahil sa bandang roon ay tatlong araw ng sira ang poste ng ilaw at hanggang ngayon ay hindi parin ito naaayos.
Sinilip n'ya ang message box at napabuntong hininga nang wala s'yang natanggap na kahit isang text mula sa binata.
'He must really be super busy' aniya sa isip.
Tama lang din na 'wag sila masyadong ma attach sa isa't-isa. Sa napapanood n'ya sa pelikula ay nakakasakal daw 'yon. At mas madaling umalis at lumimot kapag malaya lang.
"Oy astig! Kamusta ka na astig?" napangiti s'ya nang makitang nakangiti sa kanya ang mga kaibigan n'yang tricycle driver na nakapila dito.
"Minsan ka nalang namin nakikitang naglalakad astig ah" dagdag pa ng isa.
"Oy! May mga bagong mukha," nakangisi n'yang sabi nang may napansin s'yang di pamilyar na mga mukha. "Teka, bakit wala na naman si Mon?" luminga-linga s'ya at hindi n'ya nakita ang kaibigan.
"Parang may pinupormahan na ang binata namin astig eh," nagtawanan ang ilang mga kaibigan nila ni Mon kaya maging s'ya ay na surpresa at natawa din.
"Talaga? Iba talaga si Mon, nag bibinata na," natatawa n'yang sabi.
Nawala ang ngisi sa labi n'ya nang biglang may lumapit sa kanya mula sa likuran at inaakbay nito ang kanang braso sa balikat. Pero bago pa lumapat sa balat n'ya ang balat ng hayop na 'to ay siniko n'ya na kaagad ang t'yan nito.
"Aaaggrrh!" pamimilipit nito sa sakit nang hawakan nya ang isang kamay ito at iniikot.
"Matuto kang magtanong boy!" aniya at humakbang palayo sa lugar bago pa s'ya makalayo ay narinig pa n'ya ang usapan mula do'n. Hindi na n'ya nagawang magpaalam sa mga kaibigan.
"Ang yabang mo kasi, hindi porket sexy 'yon hindi ka na kayang patayin no'n!"
"Kanina pa kita pinipigilan eh."
"Kami nga na kilala ni astig 'di namin s'ya mahawakan, 'di ka man lang nagtaka bakit astig tawag namin sa kanya."
Napa smirk nalang s'ya sa mga narinig at umiling saka tumulin sa paglalakad paakyat sa kung nasaan ang bahay n'ya.
Pumasok s'ya sa cr at dinamdam ang paglapat ng tubig sa balat n'ya. Napaungol si Jaq sa lamig ng tubig na parang pumapawi ng pagod sa katawan n'ya.
Tant'ya n'ya ay umabot s'ya ng isang oras sa loob ng banyo bago natapos maligo. At akmang hihiga na s'ya sa kama nang makarinig ng tunog ng door bell. Kumunot ang noo n'ya dahil wala naman s'yang inaasahang darating.
Kinuha n'ya ang cellphone at tiningnan kung may text mula kay Earl pero wala. At isa pa, may duplicate key ang binata kaya hindi no'n kailangang mag door bell.
Pumangalawang pindot, pangatlo hanggang pang-apat saka lang s'ya lumapit sa pinto at sumilip sa isang maliit na butas na may salamin.
Wala s'yang nakita, walang tao.
Dahan-dahan n'yang binuksan ang pinto at wala s'yang nakitang kahit sino sa labas pero may nakita s'yang kung ano.
Isang itim na kahon.
Magaan lang ito na parang walang laman. Lumabas s'ya sa balcony at doon tiningnan ang kung anong laman ng kahon.
Naningkit ang mga mata n'ya nang isang itim na rosas ang laman nito at isang note. 'Take care' 'yon lang ang nakasulat dito.
Tumungo s'ya sa ibaba pero wala s'yang nakita hanggang sa biglang may umilaw at umandar sa di kalayuan at nakita n'ya ang isang bigbike na lumalayo sa lugar.
Iisang pangalan lang ang nag-iiwan ng black rose, JADE. Pero bakit s'ya nito binibigyan? Alam na kaya ng JADE na 'yon na malapit s'ya kay Earl? Possible kayang gano'n? Oh ibang bagay pa.
Minsan na rin s'yang tumakbo dahil sa mga galit sa binata na nakakitang kasama s'ya nito.
At minsan na ring hinanap sa kanya ng mga armadong kalalakihan ang tinatawag na si JADE.
Kumuha s'ya ng lighter at sinunog ang papel habang ang bulaklak naman ay pinunit n'ya ang mga petals nito saka inilagay sa basurahang nasa baba.
Isang hakbang palang paakyat ang nagawa n'ya nang maaninag n'ya ang pamilyar na sasakyan kaya hindi s'ya tumuloy sa pag-akyat. Hinintay n'yang lumabas ang taong nasa loob nito at hindi na s'ya lumapit.
Agad lumapad ang ngiti n'ya nang bumukas ang pinto ng driver's seat at iniluwa noon ang binatang ilang araw na n'yang hindi nakikita. Pero agad ding nabura ang ngiti sa labi n'ya nang makalapit ito sa kanya at kitang-kita sa mukha at mga mata nito ang pagod at puyat.
"Are you okay?" agad na tanong n'ya dito. Hindi ito nagsalita lumapit lang ito napapikit s'ya nang maramdaman n'ya ang labi nito sa noo n'ya.
"Let's go upstairs," dinig n'yang sabi ng binata kaya tumango s'ya at naunang umakyat.
Pagkapasok ay agad n'yang tinanggal ang suot na jacket ng binata at sinampay sa sandalan ng isang maliit na sofa.
"Pagod na pagod ka, gusto mong kumain? Magluluto ako," sabi n'ya.
Narinig n'ya ang mahinang pagtawa nito sa sinabi n'ya at halos mapatili s'ya sa gulat nang hilahin s'ya nito at inupo sa kandungan.
"I've missed you so much," napangiti s'ya sa sinabi nito habang naka lock ang braso nito sa t'yan n'ya.
Dahan-dahan n'ya itong tinanggal at humarap sa binata. "Na miss din kita ng sobra, pero kailangan mong kumain," nakangiting sabi n'ya.
"I grabbed a burger nearby, hindi ako nagugutom,"
"Are you----"
Hindi n'ya natapos ang sasabihin nang lumapat ang labi ng binata sa labi n'ya.
Agad pumikit ang mga mata n'ya at automatic na pumulupot ang mga braso sa leeg ng lalake. Hindi naputol ang halik nila hanggang sa maramdaman n'ya ang dila nito sa loob ng bibig n'ya.
Sinasalubong n'ya ang dila ng binata at sumasabay ang katawan n'ya. Mabilis nitong pinisil ang dibdib saka binuhat s'ya habang di napuputol ang halik.
Ramdam n'ya sa binti n'ya ang lamig ng salamin sa mesa n'ya nang doon s'ya nito pinaupo.
"I miss you so much," napangiti s'ya sa sinabi ng binata sa kalagitnaan ng paghahalik nito sa leeg nya at masuyong minamasahe ang dibdib n'ya.
Mabilis n'yang tinanggal ang suot pang-itaas ng lalake pero kaagad din bumalik ang kamay nito sa dibdib n'ya habang nilalaro ng dila nito ang kabila.
S'ya na mismo ang nagtanggal ng suot n'yang pantulog na blouse at walang hiyang bumalandra sa harap nang binata ang dibdib n'ya. Kitang-kita n'ya sa mga mata nito ang sensasyon.
Dahan-dahan s'yang inihiga ng binata sa mesa at ramdam n'ya ang lamig ng salamin sa likod n'yang wala ng kahit na anong saplot. Umangat ang balakang n'ya nang hilahin ng lalake ang natitirang tela sa katawan n'ya hanggang sa natanggal nito lahat.
"Ohhh...." kumakapa s'ya ng pwedeng mahawakan sa magkabilaang gilid pero wala s'yang nakapa kaya napahawak s'ya sa buhok nang binata na ang ulo ay nasa gitna ng mag hita n'ya.
Ramdam na ramdam n'ya ang kiliting dumadaloy sa katawan n'ya habang nilalaro ng matigas na dila ng lalake ang hiyas n'ya.
Kusang bumuka ang hita n'ya at idiin ang ulo ng binata dito. Ang katawan n'yang naglulumiyad sa nararamdamang init ay hindi na mahanap ang lamig na kanina'y naramdaman sa paglapat ng likod sa kinahihigaan n'ya ngayon.
Parang papel na pinulot ng binata ang katawan n'ya sa taas ng mesa at binuhat sabay pinaupo sa lababo. Mababa lang ang lababo n'ya hanggang bewang at dahil mas matanggad ang binata ay abot-abot s'ya nito.
Ngayon napagtanto n'yang wala ng saplot ang binata at sumasaludo sa kanya ang nagagalit nitong pagkalalake. Hindi n'ya maisip kung paano nagkasya ang kaibigan nito sa kanya gayo'ng kung titignan ay impossible dahil sa laki nito.
Kaagad tumaas ang balakang n'ya nang isampay ng binata ang dalawang binti n'ya sa balikat nito habang nakatayo sa harapan n'ya. Walang pasabing dumaloy ang init sa katawan n'ya nang lumapat sa b****a ng p********e n'ya ang dulo ng sandata nito at napaungol.
"Aahhh..." sabay nilang sambit nang dahan-dahang ipinasok nang lalake ang sandata nito sa kanya.
Katulad ng mga nakaraan, ramdam n'ya kung gaano kapuno ang loob n'ya.
"Aahh... s**t! Aaaah..." hindi n'ya napipigilan ang ungol na nanggagaling sa bibig n'ya.
"Aahh Jaq.." mas lalong umiinit ang katawan n'ya sa t'wing naririnig ang ungol ng binata. Sinasalubong n'ya ang bawat galaw nito kaya umaabot sa pinakadulo ng loob n'ya ang sandata nito at ramdam n'ya ang sarap no'n.
"Faster.... Faster!" madiin n'yang sabi habang kagat-kagat ang ibabang labi.
Kaagad mas bumilis ang galaw ng lalake at ramdam n'yang sasabog na s'ya.
"Wait for me babe.... aaah!"
Earl's thrust became fast and hard, harder.
"Aaaah... Jaq... Earl..." sabay nilang sigaw sa pangalan ng isa't-isa.
Agad nawalan ng lakas ang buong katawan n'ya at muntik na s'yang natumba habang nakaupo sa taas ng lababo. Mabilis s'yang nasalo ng binata at pinangko hanggang sa kwarto n'ya.
Pareho silang dalawang walang saplot na pumailalim sa kumot hanggang sa kunin na silang dalawa nang antok.
Nagising si Jaq na may suot na underwear at walang Earl sa tabi n'ya. Impossible namang panaginip lang 'yon. Agad s'yang bumangon at kumuha ng loose shirt sa lalagyanan ng damit at 'yon lang ang isinuot.
Paglabas ng kwarto ay agad sumalubong sa kanya ang amoy ng fried rice, bacon at dilis. Dumiretso s'ya sa kusina at imbes ang mga pagkaing nakapatong sa mesa ang makita ay ibang senaryo ang nakikita n'ya sa taas ng mesa.
Hindi s'ya makapaniwalang nagawa n'ya 'yon sa taas ng mesa. Literal na ginamit nila para kumain. Nakakahiya.
At dahil nakapaa lang s'ya ay walang tunog ang mga yapak n'ya. Maingat s'yang tumayo sa gilid ng binata na busy sa pag piprito ng itlog.
Bago pa n'ya magawa ang balak na panggugulat dito ay lumingon na ito sa kanya kaya napahinto s'ya at humaba ang nguso n'ya.
"You're planning something cocky?" naka smirk na tanong nito sa kanya. Agad s'yang umiling para tumanggi.
"Hindi ah, titingnan ko lang sana kung anong niluluto mo," pagdadahilan n'ya saka sumilip sa niluluto nitong itlog.
"Good morning by the way," kaagad s'yang napaatras ng bigla s'ya nitong halikan sa labi. Napatakip s'ya sa bibig at tumaas ang kilay ng binata, "why?"
"Hindi pa 'ko nag to-toothbrush!" inis n'yang sabi at pumulot ng ilang pirasong dilis saka sinubo.
"So?"
Inirapan n'ya ang binata at naupo sa pwesto n'ya habang unti-unting pinapapak ang dilis. Nang makita s'ya nito ay agad nitong hinila ang platitong pinaglalagyan ng dilis at inilayo sa kanya.
"Hey! Ibalik mo 'yan!" singhal n'ya dito.
"Babe, ulam yan hindi yan chicheria," pagalit na sabi nito sa kanya kaya padabog s'yang bumalik sa pag-upo.
Pinagkuha s'ya nito ng kanin at pareho silang nagsimulang kumain. Sinasamaan n'ya ng tingin ang binata dahil ito ang naglalagay ng dilis sa suka n'ya at kulang nalang ay bilangin nito ang bawat nilalagay. Hindi umaabot sa lalamunan n'ya!
"Babe, I missed to ask you, bakit nasa baba ka pagdating ko kagabi?" biglang tanong nito.
Napatitig s'ya dito at agad nakapag-isip.
"Nagtapon ng basura sa baba," sagot n'ya, mukha namang kumbinsido ito nang bumalik na ulit ito sa pagkain. "Kamusta na sa trabaho mo?" pagtatanong n'ya.
"No progress, just additional killings," ramdam n'ya ang galit ng binata nang hindi nakataas sa paningin n'ya ang pag-igting ng panga nito.
"Will you kill her this time?" seryosong tanong n'ya.
"Taumbayan ang papatay sa kanya."