Chapter 16

2003 Words
"28 patay dahil sa pagsabog ng planta ng pamilya Rodriguez, ayon sa..." Napahilot sa sentido sa Jaq sa narinig na balita. Sa narinig n'yang 'yon ay alam na n'yang mas lalo pang maging busy si Earl. Naiintindihan n'ya naman wala nman s'yang reklamo, trabaho 'yon eh.  Kinuha n'ya ang cellphone at sinubukang hanapin ang pangalan ni Kara sa lahat ng social media pero wala pa rin ito. Hindi n'ya na rin nakakausap ang kaibigan. Napagbuntong hininga s'ya ng makatanggap ng text pero hindi galing sa mga taong inaasahan n'ya. Dahil galing lang ito kay Demi. 'Nandito na kami sa may 7/11, waiting' Nagmadali s'yang kumilos ng mabasa ang mensaheng galing kay Demi. Isinasama s'ya ng mga ito na pupunta umano sa burol ng tinatawag nilang tito Carlos Aguinaldo. Umayaw man s'ya no'ng una ay nag pumilit ang mga ito at para na rin daw samahan ang kaibigan nilang si Casper. Hindi n'ya alam na itinuturing na pala s'yang kaibigan ng mga ito kaya wala na s'yang nagawa at umuo, sa kondisyon na susunduin s'ya at ihahatid. Alas kwatro palang ng hapon at sabado, walang silang pasok kaya kampante ang mga itong lumabas. Pagkarating n'ya sa kanto ay nakita n'ya kaagad ang sasakyan ni Lyka at ang lumabas na ulo ni Demi sa bintana habang lumingon-lingon sa paligid. Nanlaki pa ang mga mata nito nang makita s'ya, "oh, hey Jaq," saka kumaway habang may malaking ngiti sa labi.  Nang makalapit s'ya ay itinulak nito ang pinto mula sa loob para bumukas. Nakangiti naman s'yang pumasok. "Hello, Ms. Beautiful," nakangising sabi ni Lyka habang nakaupo sa shotgun seat at si Casper naman ang nasa driver's seat. "Akala ko nauna ka na Casper," aniya "Wala akong makausap doon," nakangiting sagot naman nito, ngiting pinipilit. Napag-alaman n'yang hindi malapit si Casper sa ibang kapamilya maliban sa pamilya ng tito Carlos n'ya at sa nag-iisang anak nitong babae na possibleng busy ngayon. "Ando'n ba ang ate mo?" tanong ni Lyka dito. "Possible, kilala n'yo naman 'yon," labas sa ilong nitong sagot. Sa bagay na ito wala na s'yang naintindihan kaya lumingon s'ya kay Demi. "Ang ate kasi ni Casper ang pinaka rebelde sa kanila. I mean, rebelde kasi pariwara, ang landi pa," narinig n'ya ang tawa ng dalawang nasa unahan pero pinakamalakas ang tawa ni Lyka. Nagsalubong ang mga mata nila ni Casper sa salamin na nasa gitna at ngumisi ito, "wag kang mag-alala, hindi kami parehas ng nanay," sabi nito sa kanya. "Kabit ng tatay n'ya ang nanay ng ate n'ya," si Demi ang sumagot. "Mana-mana lang 'yan," natatawang saad naman ni Lyka. Natahimik s'ya sa narinig at ngumiti nalang. Hindi s'ya interesado sa mga buhay-buhay ng mga ito kaya walang dahilan para magtanong s'ya. "Ikaw Jaq, nasaan ang parents mo? Hindi ka pa pala namin na interrogate," nakangising sabi ni Lyka na halos ikutin ang katawang nasa loob ng seatbelt para makaharap sa kanila. "Alam mo lumipat ka nalang dito, ako 'yong nahihirapan sa ginagawa mo," mataray na sabi Demi na agad din kinontra ni Casper. Hindi raw s'ya taxi driver kaya walang nagawa ang dalawa lalo na Lyka kundi ang ikotin nalang ang sarili. "Father, dead. Mother, I don't know," walang buhay n'yang diretsong sagot na kanina pa hinihintay ng mga kasama. Napatingin sya sa labas bintana ng seryoso. Ito ang unang beses pagkalipas ng maraming taon na wala ng nagtanong sa kanya. Si Kara ang huling nagtanong at no'ng sinagot n'ya ay hindi na ito nagtanong pa ulit. Si Earl, wala pang tinatanong tungkol sa personal n'yang buhay at gano'n din s'ya kaya hindi pa nila kilala ang isa't-isa. Ni hindi n'ya alam kung buhay pa ba ang mga magulang ng binata. Ayaw n'yang magtanong, hihintayin n'yang ito mismo ang magsasabi sa kanya.  "Aahw, I'm so sorry to hear that," pilit na ngiti ang sumilay sa mukha ni Lyka. Nginitian n'ya ito pabalik at sabay silang napalingon kay Dem nang magsalita ito. "Only child ka, Jaq?" tanong nito. Hindi. "Oo," pagsisinungaling n'ya. Kung sinabi n'yang hindi, magtatanong ang mga ito kung nasaan ang kapatid n'ya kung bakit s'ya mag-isa. At kahit kailan, hindi n'ya gugustohing pag-usapan ang bagay na 'yon. "How about relatives?" follow up na tanong ni Demi. Humihigpit ang hawak n'ya sa bag n'yang nakapatong sa kandungan habang pinapakalma ang sarili. Kapag ganitong bagay ang usapan ay hindi n'ya napipigilang magkaroon ng reaction ang katawan n'ya. "Hindi ko sila kilala," simpleng sagot n'ya. Maya-maya ay natahimik silang apat ng biglang huminto ang sasakyan. Naramdaman din ata ng mga kasama n'ya na hindi s'ya komportableng pag-usapan ang gano'ng bagay.  "Nandito na tayo," paalala ni Casper. "Jaq, sorry kung natanong ko ang mga bagay na 'yon. Naging insensitive ako," malumanay na sabi ni Dem. "Ayos lang, ano ba kayo," tumawa s'ya ng mahina at nag-pout ang dalawa. "Sure ka?" si Lyka naman ngayon.  "Oo naman," nakangiting sagot n'ya.  "Ang drama n'yo, halina nga kayo," pambabasag ni Casper sa moment nila, nagkatinginan silang tatlo at sabay na natawa. Pagkalabas nila ng sasakyan ay lumapit si Casper sa isang naka all black na lalake, guard possible. Napapalibotan ang lugar ng mga gano'ng kalalakehan na may mga baril sa tagiliran. This person must really be important. Humawak sa braso n'ya si Lyka nang senyasan sila ni Casper na lumapit. Sumunod silang tatlo pero ramdam n'ya ang paghigpit ng hawak ni Lyka sa kanya. Tiningnan n'ya ito pero ngumiti lang ito sa kanya at umiikot ang mga mata na tila ba natatakot. "Okay ka lang ba?" bulong n'ya dito. Imbis na sagutin s'ya ay ngumiwi lang ang huli. Ngayon ay naka angkla na ito ng tuloyan sa braso n'ya. Hinila n'ya ang nauuna sa kanilang si Demi kaya muntik na itong napatihaya. Napatayo ito ng mabilis at masama s'ya nitong tiningnan na nginitian n'ya lang naman. "Anong nangyayari dito?" turo n'ya kay Lyka. Nanlaki ang mga mata ni Demi at mabilis na umakbay kay Lyka. "Takot sa kabaong," natatawang sabi ni Dem. Napa face palm nalang s'ya ng humaba ang nguso ni Lyka. "Maiwan ka nalang kaya sa sasakyan," sabi ni Demi dito. "Mas lalo naman na  ayaw kong maiwang mag-isa no," sagot naman nito at humigpit pa ang pagka-angkla nito sa braso n'ya. Naiiling na naghihintay sa kanila sa Casper sa bungad ng tent. Nakatingin ito kay Lyka kaya nakatanggap ng pag-ismid ang binata mula sa kaibigan. Nang makaupo sila ay pasimple n'yang inilibot ang paningin at kitang-kita ang mga nagkikislapang mga alahas na nakakabit sa katawan ng mga babaeng matatanda oh mga bata pa na nandirito. Flex n'yo lang? Sa burol? Agaw pansin ang mga naglalakihang perlas at gold na mga alahas dahil sa suot ng mga itong black and white. "Yan si Ate Lizie, 'yang magandang kasama ni Casper," bulong sa kanya ni Demi na nakaupo sa kanan n'ya habang si Lyka nasa kaliwang bahagi. Sinundan n'ya ng tingin at itinuro ni Lyka at nakita n'ya nga si Casper kasama ang isang magandang babae. Halata dito ang pagiging demure. Anak mayaman at halatang may pinag-aralan. Pilit ang ngiting sumisilay sa labi nito habang binabati ang ilang lumalapit sa kanya. Nawawala naman ang ngiting peke nito kapag bumabalik ang tingin sa kaharap na si Casper. Ang mga nitong namumugto at namumula ay kabaligtaran sa pinapakita nitong ngiti.  Hindi n'ya inalis ang tingin n'ya nang maglakad ito kasama si Casper papalapit sa kanila. Agad sumilay ang ngiti nito nang magtama ang mga mata nila. "Ate Lizie, my condolences," malungkot na pagkasabi ni Lyka at bumeso sa dalaga. Sumunod si Demi sa ginawa ni Lyka. Tipid s'yang ngumiti dito dahil s'ya lang ang hindi nito nakikilala. "Ate, si Jaq, kaibigan namin," pagpapakilala ni Casper sa kanya. "Hi, I'm Lizie Aguinaldo, Casper's cousin," malumanay na sabi nito at nakalahad ang kamay. Tinanggap n'ya 'yon ang sinuklian ang ngiti, "Jaq, I'm so sorry for what happened to your dad," aniya. Biglang kumislap ang mga mata nito dahil sa luhang nagbabadyang mahulog pero ngumiti ito ng tipid. "Justice will be served, soon. I trust the process, I trust kuya Earl," Kumunot ang noo n'ya sa narinig na pamilyar na pangalan. "Earl?" hindi n'ya napigilang itanong. "A police major and a family friend," simpleng sagot nito at tinanguan n'ya. Nagpaalam ito at lumapit sa isang kumpol na mga naka puti. Tumingin s'ya kay Casper na nakatingin sa pinsan. So that means, kilala ni Casper si Earl. Possible. Alam n'yang tama ang hinala n'yang ang Earl na kilala n'ya at ang Earl na sinasabi ni Lizie ay iisa. She trust Earl, ang Earl na tumutugis kay JADE, sa taong pumatay sa pinaglalamayan nila ngayon. Maya-maya pa ay may tatlong kababaihang dumating. Nakilala n'ya agad ang isa. Kumunot ang noo n'ya kung bakit narito ang babaeng 'yan. Nakangiwing nakatingin dito ang mga katabi n'ya. "Wala talagang pinipiling lugar ang kalandian n'ya," inis na bulong ni Demi. "Hindi ba uso sa kanya ang salitang conservative?" sunod namang bulong ni Lyka. "Sino ba tunutukoy n'yo?" pagkukunwaring hindi n'ya alam. "Iyong babaeng malapit na mag hello ang singit at mag hi ang dibdib," turo ni Dem dito gamit ang nguso. "Sawayin mo nga 'yang kapatid mo, Casper," pang-uutos ni Lyka sa katabing si Casper. Nakatanggap ito ng nakamamatay na tingin mula sa binata. Mabuti nalang ay hindi s'ya nakita ni Annie. So ibig sabihin itong mga taong nakapaligid sa kanya ay konektado sa isa't-isa. "Guys, 7 na. Let's go?" pag-aaya ni Casper at sabay silang tumango na tatlo. Saktong pagtayo nila ay narinig n'ya ang malanding boses ni Annie na tinawag ang kapatid. Hindi s'ya lumingon katulad ng dalawang babae n'yang kasama at laking pasasalamat n'ya nang hilahin na s'ya ng dalawa palayo sa lugar. Naiwan sa loob ng tent si Casper kausap ang kapatid nito at ang dalawa nitong kasama. "Kapag silang tatlo talaga magkasama parang napakamakasalanan ng mundo," biglang sabi ni Lyka. "Malandi si Akie, malandi si Sunnie pero si Annie talaga ay pinaghalong Akie at Sunnie. Pinanindigan n'ya talaga ang combination ng pangalan n'ya." komento naman ni Lyka. Agree s'ya. Nakaharap n'ya na ng isang beses ang babae at may pinapakita talaga itong ugali sa lalake. Mabilis s'yang tumalikod nang lumingon sa kanila si Casper dahil baka sundan ni Annie ang tingin ng kapatid. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit na sa kanila si Casper. Ngunit i-ilang hakbang nalang bago makarating sa sasakyan nila nang biglang may sumabog sa tawid ng daan na nakatapat sa gate. Mabilis ang dalawang kamay n'yang nailapat sa ulo ng dalawang babae na katabi at iniyuko. Habang si Casper ay humarap sa kanilang tatlo at pinagkasya sila sa bisig nito. Mabilis na naisara ng mga gwardiya ang gate kaya hindi na sila nakapasok. Dinig na dinig ang sigawan na nagmula sa loob. Ngakakagulo doon. "Let's go back inside," natatarantang sabi ni Lyka. "Let's go," pagsang-ayon ni Casper pero pinigilan n'ya ang mga ito at hinatak papalapit sa kotse "Mas delikado kung hindi tayo makakaalis sa lugar na 'to, Casper akin na ang susi," aniya at mabilis namang pinatong ni Casper ang susi sa palad n'yang nakalahad dito at pilit pinapapasok ang mga kasama sa loob ng sasakyan. Saktong pag-upo n'ya sa driver's seat ay nagsimula nang magkaroon ng putukan. Tiningnan n'ya ang side mirror at nakita n'ya ang isang babaeng nakasakay sa motor at balot ng telang itim ang buong katawan. Isa-isa nitong binaril ang mga gwardiya. Mabilis n'yang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot.  Nahuli n'ya pa ang pagtingin nito sa sasakyan nilang umalis sa lugar. "Oh my God! What just happened? Bakit may mga putok ng baril?" naiiyak na sabi ni Dem. Tiningnan n'ya ang tahimik na si Casper. Diretso itong nakatingin sa daan pagkatapos itago ang cellphone sa loob ng bulsa. Ang dalawang babae ang nasa back seat. "Ahm, we can exchange seat now, sorry," aniya kaya napatingin ito sa kanya. "I'm not calm yet, please drive. Thank you," hilaw na ngiting sabi nito. "The guards fell down," sambit ni Lyka kaya napatingin s'ya dito mula sa center mirror. "I saw it, nakita ko," dagdag pa nito.  "You're right, Jaq. It could be more dangerous for us if we stayed there," Casper said, sighing.  "Paano mo naisip 'yon, Jaq?" tanong sa kanya ni Lyka. "Wala sa atin ang possibleng kaaway ng kung sino man ang nagpasabog do'n. Ibig sabihin nasa loob ang target no'n," paliwanag n'ya dito at mukha namang naintindihan ng mga kasama n'ya dahil isa-isa itong nag si-tanguan. Nakita sila, nakita silang umalis pero hinayaan silang makaalis.  "Nakita ko kung sino ang bumaril sa mga guards. Nakita ko and that was JADE, right?" tanong ni Lyka. "JADE?" gulat na tanong ni Demi. Bago pa makasagot si Lyka ay nauna na nilang marinig ang matigas na boses ni Casper. "Yes, JADE, the killer."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD