"Jaq, sigurado kang carry mo na mag-isa 'to?" paninigurado ni Demi sa kanya.
Mahina s'yang natawa, "Oo naman, magpapasa lang naman ako nitong research natin, 'di naman ako mag di-defense nito," sagot n'ya kaya nag pout ang kaharap.
"Teka, nasaan si Lyka? Likes, where are you?" sigaw nito kaya nakatanggap nang batok mula kay Casper. "Aray ha! Anong problema mo?" singhal naman nito pabalik sa binata.
"Nasa taas sa kwarto n'yo, sigaw nang sigaw pa tingnan natin kung maririnig ka do'n," asar pa lalo ni Casper sa dalaga kaya ngayon ay naghahampasan na nga ito ng libro.
Mabilis n'yang inilayo ang ka-ka-combined lang na research nila dahil baka magsimula na naman sila sa zero.
Hinayaan n'ya lang silang mag-away do'n. Hindi parin ang mga ito bumabalik sa school kaya s'ya lang ang magpapasa ng project nila. Hindi n'ya alam kung ano ang rason ang sinabi nila sa school at hindi sila hinahanap ng mga professors.
Well, mayayaman sila eh, lahat naman nagagawa ng pera.
"Hoy! Anong ginagawa n'yong dalawa?!" gulat na sabi ni Lyka nang maabutan n'yang kalat-kalat at pira-piraso na ang ibang libro dahil sa away nilang dalawa.
Pinagmamasdan n'ya lang ang mga 'to. Kung nandito si Kara ay panigurado sumali na 'yon sa ganyan. Kalat din 'yon eh. Napabuntong hininga nalang s'ya, dahil hanggang ngayon wala pa rin s'yang natatanggap na text oh kahit tawag mula sa kaibigan.
Kung hindi n'ya lang alam na kasama nito ang mga magulang nito ay baka mas nag-aalala pa s'ya.
"Ikaw! Napaka pilosopo mo!" sigaw ni Demi sa binata at pumulot pa ng papel saka inihampas dito.
"Anong pilosopo? Sinagot ko lang naman ang tanong mo!"
"Alam mo, punong-puno na ako sa 'yo!"
"Akala mo ba ikaw lang? Kababae mong tao ang laki ng boses mo!" paglalaban ni Casper.
Tumingin sa kanya si Lyka na parang nanghihingi ng tulong. Natawa lang s'ya dito at nag kibit-balikat. Itinabi n'ya sa sofa ang research nila at hindi s'ya napansin ng dalawa na kinuha n'ya 'yon.
Napapakamot sa ulo si Lyka dahil sa frustration at malapit na itong maiyak. Isa-isa nitong pinupulot ang mga naglipanang pahina ng research nila na ngayon ay hindi na nito alam alin ang page 1, durog na durog ang libro nila.
Habang pigil na pigil sa pagtawa s'ya sa ginagawa ng tatlo. Napatayo s'ya nang hawakan ni Lyka ang ulo ng dalawang kaibigan at pinukpok sa isa't-isa. Natigil ang dalawa at 'di makapaniwalang napatingin sa kaibigan na ngayon ay naka pamewang na nakatingin sa kanila.
Tumama sa kanya ang tingin nina Demi at Casper at nagkibit-balikat lang ulit s'ya.
"Sa tingin n'yo, may maipapasa pa ba tayo?" galit na sabi ni Lyka at pinapakita ang kalas-kalas nilang libro ng research.
Agad nanlaki ang mga mata ng dalawa at kinuha ni Demi ang hawak ni Lyka, "oh my God! Anong nangyari dito? Hala! I'm so sorry...." naiiyak nitong sabi.
"Sorry guys, ikaw kasi Demi ang likot mo!" paninisi ni Casper sa dalaga kaya sinamaan ito ni Demi ng tingin.
"Ngayon, anong ipapasa natin mamaya n'yan?" inis na sabi ni Lyka habang pinupulot ang ilan pang nakakalat na mga pahina at inilagay lahat 'yon sa basurahan.
Hindi s'ya nagsalita, pinagmamasdan n'ya lang ang mga ito. "I--- I'll print a new one," volunteer ni Casper at agad tumungo sa study room nito.
Agad s'yang sumunod sa binata at hindi s'ya napansin ng naiwang dalawang babae. Nakita n'ya kung paano gulohin ni Casper ang buhok nito dahil sa frustration.
"Casper," tawag n'ya dito bago pa ito makapasok sa study room. Inilabas n'ya ang research book at nanlaki ang mga mata ng binata nang makita ang hawak n'ya.
"Paanong----"
"Itinabi ko baka madali," nakangising sabi n'ya.
Halos manigas s'ya sa kinatatayuan nang kunin nito bigla ang libro at dambahan s'ya ng yakap. Walang pasabi itong tumakbo pabalik sa mga kaibigan kaya sinundan n'ya ito.
Naabutan n'yang umiiyak ang dalawang babae habang nakasalampak sa sahig. Agad itong nilapitan ni Casper at ipinukpok and hawak na libro sa mga ulo nito. Napahagikhik s'ya nang hulihin ni Lyka ang librong tumama sa ulo n'ya at nanlaki ang mga mata nang makita 'yon.
"Nagawa mo na agad? Ang bilis mo ah!" gulat na sabi nito at sumilay ang ngiti sa labi. Real quick! Umatras ang luha.
"Pinagtripan tayo ni Jaq," nakasimangot na sabi ni Casper kaya napatingin s'ya dito.
"Ha? What do you mean?" kunot noong tanong ni Demi habang tumatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.
"Itinago n'ya 'yan no'ng nag-aaway tayo Demi at inilabas n'ya no'ng umiyak na kayo, 'di naman talaga nasira research natin eh!" himutok na sagot ni Casper.
Masamang tingin ang ipinukol ng dalawang babae sa kanya habang si Casper pinagulong ang sarili sa sofa.
"Jaq naman eh!" maktol ni Demi at napapadyak pa.
"What? Isa lang ang ibig sabihin n'yan, hindi kayo attentive, kapag na focus ang atensyon n'yo sa isang bagay hindi n'yo na nararamdaman ang paligid n'yo. Mapapahamak talaga kayo n'yan," mahina n'yang sabi na nagpatigil sa mga ito.
Seryoso s'yang humarap sa mga 'to. At kitang-kita n'ya ang dumaloy na disappointment sa mukha ng tatlo. "Sorry Jaq," dinig n'yang sabi ni Casper.
"Wag kayo mag sorry sa 'kin, gusto ko lang ma-realize n'yo na dapat hindi kayo maging kampante sa paligid n'yo, tayo. Look, hindi natin alam kung sino ang nasa likod nang maskarang 'yon, hindi natin alam kung saan n'ya tayo aatakihin," mahabang litanya n'ya.
Wala naman sa plano n'ya ang sabihin ang mga salitang 'yon eh. Pero bigla 'yong lumabas sa isip n'ya so bakit hindi.
Walang sino man ang nakakaalam kung sino ang nasa likod nang itim na maskarang 'yon kaya kailangan sa lahat ng oras, sa lahat ng bagay, hindi dapat maging kampante. Dahil kahit saan, kahit sa sarili mong bahay, hindi mo masasabing ligtas ka.
Ngayon ay mas humigpit na ang seguridad nang school nila, dalawang linggo silang walang pasok dahil sa nangyaring insidenting 'yon. At so far, naging tahimik naman na ulit ang school na parang walang nangyari.
Pero syempre may mga pagbabago.
Isang beses sa isang linggo nalang silang nagkikita ni Earl, minsan ay hindi pa nga. Simula sa sunod-sunod na balitang pagpatay ay naging busy pa lalo ang binata. Ngayon sa tawag nalang sila nag-uusap. Actually, pwede naman talaga itong umuwi eh, pero mas pinipili nitong pag-tuonan nang pansin ang trabaho.
At naiintindihan n'ya 'yon. Mas gusto n'ya 'yon.
"Oh, Enzo, mag-isa ka lang?" tanong n'ya sa binata nang makita ito sa tapat nang gate na parang may hinihintay.
"I'm waiting for Adam. Ang tagal nga eh," natatawang sabi nito at tinangoan n'ya. "By the way, kamusta na sina Lyka? Are they safe?" pabulong na sabi nito saka nagmasid sa paligid, making sure na walang makakarinig sa kanya.
"Oo, nanggaling ako doon kanina, hindi sila iniiwan ng mga private bodyguards at ng mga Police, 'wag kang mag-alala may nakabantay sa kanila 24/7," aniya at nang maaninag na ang bulto ni Adam ay agad s'yang tumalikod. Narinig n'ya pa ang sinabi ni Enzo bago s'ya makalayo, "Ikaw talaga," at habang natatawa.
Mabilis pa sa alas kwatro s'yang nakalayo doon at sumakay sa sasakyan n'ya at pinaharurot 'yon palayo sa lugar. Natatawa s'ya sa sarili at ginagawa. Para s'yang tumatakbo palayo sa isang inutangan.
Habang nasa gitnan ng traffic ay umilaw ang cellphone n'ya at lumabas ang pangalan ni Demi sa caller ID.
"Demi," no hello no hi, for Jaq.
"Hi to you too, Jaq.... " asar nito, "ano kamusta? Naipasa mo na ba? Wala nang problema?" sunod-sunod na tanong nito.
"Naipasa ko na at wala pa namang checking kaya hindi ko pa alam kung may problema oh wala," sagot n'ya habang nakatutok ang mga mata sa daan.
"Alright, thank you so much, wonderwoman, papunta ka na ba dito?" dinig n'yang sabi ni Lyka sa background kaya natawa s'ya ng mahina.
"Pauwi ako, hindi muna ako pupunta d'yan, busy si Earl kaya mahirap kung basta-basta nalang ako pupunta d'yan," sagot n'ya.
"Gano'n? Sige, mag-iingat ka Jaq," dinig n'yang sabi ni Demi sa kabilang linya bago nito patayin ang tawag.
Pero sa halip na papunta sa bahay n'ya ang daang babaybayin n'ya, natagpuan n'ya ang sariling binabaybay ang daan papunta sa park na may ilang linggo na n'ya ring hindi nabalikan.
Paglabas nang sasakyan ay agad sumalubong sa kanya ang malamig na hangin. Agad inagaw nang bukana ng gubat ang atensyon n'ya kaya walang pagdadalawang isip s'yang suongin ang ilalim ng malalaking puno.
Napangiti s'ya nang makita ang batis, noong nakaraan ay hindi s'ya nakalapit dito. Habang pinagmamasdan n'ya ang tuloy-tuloy na daloy ng tubig ay napabuntong hininga s'ya.
Parang ganito ang buhay, kung hindi ka sasabay sa daloy, wala kang mararating kung hindi mo lalabanan ang unos at hihinto ka sa paglaban babanggain ka ng agos hanggang sa matumba ka nang walang kalaban laban.
Naging maliksi ang katawan n'yang umilag nang maramdaman ang mabigat at matulis na hangin na paparating sa kanang pisngi n'ya. Nang tingnan kung saan ito nagmula ay sumeryoso ang mukha n'ya.
Ang lugar na ito ay akala n'ya pagpapahingahan n'ya katulad no'ng una, pero nitong mga nakaraan sa tingin n'ya ang lugar na ito ay battle field n'ya na ata.
At kung noon ay ang umatake sa kanya dito ay hinahanap ang tinatawag nilang si JADE ngayon ay ito na mismo ang kaharap n'ya.
Hindi man lang s'ya nabuhayan nang kahit kaunting takot. Inihanda n'ya ang sarili nang maglabas ito ng kutsilyo at walang pasabing sumugod sa kanya.
Walang kahirap-hirap n'yang iniiwasan ang bawat pag-atake nito sa kanya.
"Hindi mo 'ko mapapatay d'yan," aniya habang nilalabanan ito. Aminado s'yang malakas nga ito, alam nito ang ginagawa kaya naman pala nakakatakas ito sa mga kamay ng mga police.
"Aaaahh!" daing nito nang masipa n'ya ito sa t'yan at mapaatras. May kaunting sugat s'ya sa may braso pero kaunti lang kaya hindi masyadong dumudugo.
Voice changer, may gamit parin ito ngayon.
"Hindi ka naman kasali sa listahan eh, pero ngayon, mukhang kailangan kitang unahin para mawala ka sa landas," pagalit nitong sabi. Dahil sa suot nitong voice changer ay lumaki ang boses nito at hindi n'ya 'yon nakikilala.
"Sa tingin mo ba hindi ko kayang hubarin sa 'yo 'yang nakabalot sa mukha mo?" pagkasabi n'ya no'n ay agad lumipad ang sipa nito sa mukha n'ya pero mabilis n'yang naiharang ang braso.
Napaatras s'ya nang mahina.
"JAQ!" nanlaki ang mga mata n'yang napalingon sa pinagmulan ng boses. Hindi pa man n'ya makita ang mukha ng tumatawag sa kanya ay alam na agad n'ya kung kaninong boses 'yon.
Mabilis na tumalon sa puno ang kalaban at agad itong nawala sa paningin n'ya. Gamit ang kamay kumuha s'ya ng tubig at hinugasan ang maliit na sugat at ang bakas ng dugo nito.
Maya-maya pa ay narinig n'ya ulit ang pagtawag nito sa kanya. "Nandito ako," aniya.
Biglang lumabas sa lilim ng malalaking puno ang bulto at naka uniform na si Major Earl San Diego. Inihakbang nito ang pagitan nilang dalawa at agad s'ya nitong kinulong sa mga bisig.
"Bakit ka nandito? I was so f*cking worried," nag-aalalang sabi nito.
Inilapat n'ya ang palad sa likuran nito at masuyong hinagod 'yon.
"Paano mo nalamang nandito ako?"
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at seryosong tiningnan s'ya sa mga mata.
"I was calling you nonstop but you're not picking your phone up, and good thing nandito kami sa area at nakita ko ang kotse mo,"
Kinapa n'ya ang bulsa at wala nga ro'n ang cellphone n'ya. Binigyan n'ya nang awkward na ngiti ang binata. "Naiwan ko ata sa kotse ang cellphone ko, kausap ko kasi kanina si Dem no'ng papunta ako dito, nakalimutan ko nang bitbitin," paliwanag n'ya
"Bakit ka ba nandito? Alam mong delikado," sermon nito sa kanya.
"Gusto ko lang magpahangin, dito kasi tahimik kaya gusto ko dito," sagot n'ya at iginala ang mga mata sa paligid. "Tara, alis na tayo nagugutom ako, parang gusto kong mag jollibee," nakangising dagdag n'ya. Kumunot ang noo ng binata pero nagpatianod ito nang hatakin n'ya.
Hanggang sa makalabas sila sa gubat ay hila-hila n'ya ang binata na nagpapahila din naman. Nakita n'ya ang motor nitong nasa tabi ng sasakyan n'ya.
"Convoy?" nakangiting tanong n'ya dito.
Agad tumango ang binata saka pinagbuksan s'ya ng pinto ng sasakyan ng ma unlock n'ya ito.
"Sa likod mo 'ko, careful," anito at hinalikan s'ya sa ulo.
Naihanda na n'ya ang sasakyan at hinihintay ang binatang masuot nito ang helmet bago n'ya ito patakbuhin. Ang sabi nito ay sa likod n'ya pero nasa gilid n'ya ito sinasabayan ang takbo ng sasakyan n'ya.
'How can you be so good to be true?' tanong n'ya sa isip habang nakatingin sa binata.
Agad silang nakarating sa jollibee dahil wala namang traffic. Pagpasok palang nila ay ramdam na kaagad n'ya ang mga matang nakatingin sa kanila, or I must say, sa kasama n'ya.
"Anong order mo?" tanong n'ya dito.
"Kung ano sa 'yo," sagot nito habang nakatingin sa menu.
"Walang kung ano sa 'yo dyan, nakatingin ka na nga hindi pa maayos sagot mo," pagtataray n'ya dito habang pabulong.
"You choose babe at 'yon nalang din akin," he chuckled kaya sinamaan n'ya ito ng tingin.
Sakto namang tumama ang mga mata n'ya sa isang bucket ng chicken kaya lumapad ang ngisi n'ya. Napatingin s'ya sa isang libong inaabot sa kanya ng binata kaya tumingin s'ya sa mga mata nito. "Ano 'yan?" turo n'ya sa isang libong hawak nito.
"Bayad," simpleng sagot nito.
"Libre mo pala 'to?" nakangising sabi n'ya.
Sinamaan s'ya nito ng tingin pero imbis na matakot ay napangisi pa s'ya. Kahit kailan naman kasi sa mga labas nila, pagkain sa labas, hindi s'ya nito hinahayaang gumastos.
Kinuha n'ya ang pera. "Ako na mag-order mag hanap ka nalang ng maupoan na tin," utos n'ya dito.
"Isang bucket ng spicy chicken, miss," order n'ya. Naningkit ang mga mata n'yang nakatingin sa cashier nang mahinang humahagikhik ito pati ang katabi at pasimpleng sumusulyap sa kung saan.
Nang sundan n'ya ang sinusulyapan n'ya ay si Earl ang nakita n'ya do'n. Walanghiya, instant celebrity.
"Serve nalang po ma'am," sabi nito at binigyan s'ya ng tissue at number.
Bitbit ang mga binigay ng cashier ay naupo s'ya sa tapat ng upuan ng binata at sumulyap sa cashier. Nagtama ang mga mata nila at mabilis itong tumingin sa malayo nang taasan n'ya ng kilay.
"What did you order?" tanong ng binata.
Ngumisi s'ya dito dahil excited s'yang makita ang reaction nito kapag nakita ang order n'ya. "Chicken," aniya.
"Mine too?"
"Yap!"
Di nagtagal ay nakikita na n'ya ang isang taga dito na may bitbit na tray at dala-dala nito ang isang bucket na chicken drinks at rice nila. Tadaaaa.
"Uhm, I think this is not------"
Napangisi s'ya sa sinabi ng kasama, agad n'yang inalalayan ang tray at inayos sa lamesa nila. "Thank you," nakangising sabi niya dito.
Di makapaniwalang nakatingin sa kanya ang binata na para bang tinubuan s'ya nang dalawang ulo. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sangkatutak na manok na nasa lamesa nila.
"Are you freaking kidding me?" sambit nito.
"Naguguton ako eh," sagot lang naman n'ya.
Napailing nalang ang binata saka nagsimulang kumain at gano'n din s'ya. Wala silang imikan at makailang beses n'yang nahuli ang pagtingin-tingin nito sa kanya habang hawak-hawak n'ya ang chicken legs.
Hindi n'ya ito binigyan ng pansin hanggang sa busog na s'ya at may natitira pang dalawang chicken legs. Sayang naman kung iiwan nila, libre pa naman. Kaya pinabalot n'ya ang mga ito at ngayon ay dala-dala n'ya pauwi.
Si Earl na hindi pa tapos ang trabaho ay bumalik na sa presinto habang s'ya ay diretso na ring tinatahak ang daan pauwi. Tiningnan n'ya ang braso at hindi nga naman pala talaga halata ang sugat.
Hindi 'yon ang possibleng huli nilang pagkikita. Aabangan n'ya ang marami pang beses nilang pagtatagpo.
Pagdating n'ya sa bahay n'ya ay napahinto s'ya nang makita ulit ang kahon na katulad nang nakita n'ya noon. May araw pa at pasalamat s'ya dahil nasa dulo ang bahay n'ya kung hindi ay possibleng mapapansin ito ng mga kapit bahay n'ya.
Inilapag n'ya sa mesang naroon ang dalang paper bag mula sa jollibee at binuksan ang kahon. Katulad no'ng una, isang itim na rose ang laman nito at isang papel na may nakasulat 'stay away'.
Mula sa take care, ngayon stay away.
Kinuha n'ya ang lighter at sinunog ulit ang papel habang ang bulaklak ay pinunit nya ang bawat petals nito sa pino at nilagay sa paper bag ng jollibee pagkatapos ilabas ang laman nito saka inilagay sa basurahan.
"Copy cat!"