Chapter 20

2804 Words
"Dito nalang ako para hindi ka na ma hassle," turo ni Jaq sa may kanto kung saan s'ya nito hinahatid lang noong hindi pa n'ya pinapapunta sa bahay n'ya ang binata. Matao naman sa may 7/11 kaya alam n'yang safe s'ya sa lugar. Wala s'yang narinig na sagot mula sa binata at direstong ipinasok ang motor nito sa daang di-diretso sa bahay n'ya. Nadaanan pa n'ya ang mga kaibigang tricycle driver at napatingin ito sa kanya. Suot n'ya ang itim na helmet ni Casper dahil walang walang extra helmet ni Earl. Kaya panigurado'y hindi s'ya nakikilala ng mga ito. Pagdating nila sa tapat ng gate ng tinitirhan n'ya ay agad s'yang bumaba. Wala pa rin s'yang narinig na kung anong salita mula sa binata "Let's go upstairs," biglang sabi nito kaya tumango s'ya at binitbit ang helmet dahil hindi n'ya naman ito pwedeng ipadala kay Earl. Pagdating nila sa taas ay agad binuksan ng binata ang pinto at walang sabi-sabi itong nag check ng mga locks n'ya, mula sa main door, sa pinto ng cr, sa kwarto n'ya at maging mga bintana. "Anong ginagawa mo?" tanong n'ya dito kahit alam naman na kung anong ibig sabihin ng mga ginagawa nito. "Babe," tawag n'ya dito kaya nakuha na n'ya ang atensyon nito. Huminga ito nang malalim saka nagbuntong hininga. "I'll just keep on thinking about your safety," malambing na sabi nito pero nandoon ang tunog pag-aalala nito. "Wala ka bang tiwala sa 'kin?" tanong n'ya dito. "Sa 'yo mayroon pero sa JADE na 'yon, wala," napangisi s'ya sa sagot nito. Naintindihan n'ya ang binata alam n'ya kung saan nanggagaling ang takot nito para sa kanya pero hindi s'ya pwedeng manatali sa bahay ni Casper. Sa aming apat, ako ang mas may malaking possibility na lalapitan nang tinatawag nilang si JADE. "Kailangan ka na sa precinct, don't worry, I know how to protect myself. I have your gun with me and I know how to pull the trigger, trust me, walang mangyayaring masama sa akin," seryoso n'yang sabi hoping na makakampante ito at umalis na. Alam n'yang labas sa loob nito ang pag-abot ng baril sa kanya pero natutuwa s'ya sa ginawa nito. Tinanggap n'ya 'yon hindi para gamitin. Napangiti s'ya sa isip nang makitang tumango ang binata at sa huling pagkakataon ay sinilip pa muna nito ang lahat ng pwede madaanan sa bahay n'ya. "Call me if something bad happen," paalala nito sa kanya. Tumango s'ya at ngumiti, "I will," sagot n'ya. At dahil hindi na s'ya nito hinayaang bumaba pa para ihatid ang binata ay sa terrace nalang n'ya ito tinitingnan sa ibaba. Tumingala ito sa kanya kaya binigyan n'ya ito ng isang matamis na ngiti at kumaway s'ya dito. Nang mawala na sa paningin ang binata ay s'yang pagkawala ng ngiti n'ya sa labi. Seryoso ang mukha n'yang pumasok sa loob at pumunta sa kwarto n'ya para kuhanin ang laptop sa ilalim ng kama n'ya. Pagbukas n'ya dito ay bumungad sa kanya ang dalawampung mukha na hindi n'ya kilala. Familiar ang ilan at narinig na ang pangalan ng ilan. Sige lang. Tiningnan n'ya ang oras at alas singko palang ng hapon. Ubos na ang inumin n'ya sa ref kaya naisipan n'yang bumaba para pumunta sa 7/11 na nasa kanto ng daan nila palabas sa highway. Hindi pa man s'ya nakakalayo sa gate ng tinitirhan n'ya ay nakarinig s'ya ng pag busina mula sa likoran. Hindi n'ya ito nilingon pero sinabayan nito ang lakad n'ya. Tiningnan n'ya kung sino dahil sigurado s'yang hindi ito ang kaibigang si Mon. Ang kaibigan, malayo palang ay tinatawag na s'ya samantalang ang isang 'to tinabihan ang lakad n'ya at manyak na tiningnan s'ya mula ulo hanggang paa. "Ikaw 'yong tinatawag nilang astig di ba? Bakit astig tawag nila sayo?" nakangising tanong sa kanya. Hindi n'ya ito pinansin pero talagang papansin ang kumag na 'to. Napapikit s'ya ng mariin ng bigla nitong iharang ang dalang tricycle sa nilalakaran n'ya kaya napahinto s'ya. No'ng bagong salta palang s'ya sa lugar ay napag tripan s'ya ng isa sa mga kaibigan na n'ya ngayon dahilan para bansagan s'ya ng mga ito nang astig at hindi na 'yon naulit. Pero ito, gusto talaga s'yang subokan. Gusto n'yang masuka sa klase ng ngiti nito nang bumaba ito sa motor ng tricycle n'ya at umupo do'n paharap sa kanya. Dinilaan pa nito ang ibabang labi. "Anong kailangan mo?" seryosong tanong n'ya at walang buhay na tiningnan ang kumag. "Sakay ka na, ihahatid na kita, saan ba punta mo? Libre na kita dito," pag-yayaya nito sa kanya. "Hindi ka taga rito?" tanong n'ya. "Sa kabila ako," sagot naman ng huli. Matulis n'ya itong tiningnan at naglakad papunta sa gilid kung saan pwede s'yang dumaan para iwan ang manyak na ito dito. Isang hakbang palang ay ramdam na n'ya ang mabigat na hangin na dala nito at ang pagsubok nitong hawakan s'ya, pero bago pa man lumapat ang magaspang nitong balat sa kanya ay walang sabi n'yang pinalipad sa ere ang kamao at palandingin sa mukha nito. Hindi inasahan ng lalake ang ginawa n'ya kaya napatahiya ito sa likod ng tricycle na dala nito. Dinig pa ni Jaq ang tunog ng ulo nitong tumama sa bakal. Pero matibay itong tumayo at humarap sa kanya kahit nagdudugo na ang ilong nitong tinamaan ng suntok n'ya. Galit s'ya nitong tiningnan pero ngumiting parang adik. "Ganyan ang gusto ko sa mga babae, palaban," nakangising sabi nito at may kinuhang tubo sa tricycle nito. Wala talagang araw na hindi nakakapagod. Umamba itong hahampasin s'ya pero naka-ilag s'ya. "Kapag nahawakan ko ang tubong 'yan, ihahampas ko sa ulo mo 'yan," aniya na lalo pang nagpagalit dito. Sa pangalawang pagkakataon ay umamba ulit itong hampasin s'ya, halos kasing tangkad n'ya ito at nahuli n'ya ang tubo bago pa ito lumapat sa ulo n'ya. Walang pagdadalawang isip nyang sinipa ang adik sa t'yan kaya nabitawan nito ang hawak na tubo at naiwan sa mga kamay n'ya habang ito naman ay tumalsik papunta sa tricycle nito. "Hayop kang babae ka.... Papatayin kitaaa!" Isang hindi gaanong malakas na pagpalo sa likod gamit ang tubo ang binigay n'ya sa lalake. Kaya nahihirapan itong makatayo. Lumapit s'ya dito at seryosong tumingin sa mukha at diretsong tiningnan ang mga mata nito. "Kaya kitang patayin ng hindi mo ako nahahawakan, kaya sa susunod mamili ka ng babastosin mo, maliwanag?" padabog n'yang binitawan ang tubong hawak at tumama 'yon sa paa ng lalake. Paniguradong may nakakita ng ginawa n'ya, hihintayin na lang n'yang magreklamo ang lalakeng 'yon. Nakabalik na sana s'ya ngayon. Tuloy imbis dalawang san mig light lang ang balak n'ya mukhang gusto na n'ya ng anim. Pagdating n'ya sa pilahan ng tricycle ay agad s'yang binati ng mga kaibigan. "Astig, sabi ko na nga ba'ng ikaw 'yong sakay no'ng mamahaling big bike kanina eh, boyfriend mo ba 'yon astig?" Akala n'ya hindi s'ya mamumukhaan ng mga 'to dahil sa suot n'yang helmet. Napakamot s'ya sa batok nang marealize na hindi pa nga pala s'ya nagpapalit ng damit. Malamang makikilala s'ya. Pero sa halip na sagutin ang tanong na 'yon ay ibinalita nalang n'ya sa mga ito ang naghihingalo nitong kasamahan. "Yong kaibigan n'yong nakatikim sa 'kin dito, inabangan ako sa looban gusto pa yata akong ihatid libre daw, sinubokan akong hawakan kaya nakatikim ulit sa 'kin, mas grabe, tingnan n'yo mga kaibigan baka nalagutan na nang hininga ang isang 'yon do'n," pagbabalita n'ya sa mga 'to. Agad naman nagtakbohan ang iilang bagong mukha habang naiiling ang mga matatagal na n'yang kilala. "Hindi na nadala ang isang 'yon, lagi nalang narereklamo dito 'yon, gusto ko sanang maawa kaya lang pati mga matitino dito akala tuloy ng ibang pasahero mga manyak din, tsk," komento ng isang matagal nang mukha. "Sige astig, kami nang bahala sa isang 'yon, marami nang reklamo do'n kaya abswelto ka do'n. Ingat ka astig, salamat," napangiti s'ya sa sinabi ng isa kaya nag thumbs up s'ya sa mga 'to bago tumuloy sa pakay n'ya Laking pasasalamat n'ya at hindi na gaanong matao sa loob ng 7/11 kaya walang pila sa counter at nakaalis kaagad s'ya. Nang padaan ulit s'ya sa pilahan ng tricycle ay narinig n'yang pinag-uusapan nito ang lalakeng nabugbog n'ya. "Baka matatauhan na ang isang 'yon ngayon, si astig pa kinante eh, di nakinig ng babala," Napatawa s'ya ng mahina at diretsong lumakad at mabuti nalang ay di s'ya ng mga ito napansin. Nang makarating s'ya sa lugar kung saan naganap ang away nila ng adik na 'yon ay wala na do'n ang lalake pero nando'n pa ang tricycle nito na pinalilibutan ng ilang mga taga ro'n. "Jaq, kamusta ka? Nasaktan ka ba ng lalakeng 'yon?" agad na tanong sa kanya ng landlady n'yang nakita usyoso din do'n. "Hindi naman po, tingin ko po 'yong lalake ang nasaktan ko," natatawang sagot n'ya dito. Umakto pa itong ayos lang sa pagkaway ng kamay nito. "Ano ka ba, ayos lang 'yon. Kailangan nang maturuan ng leksyon ang lalakeng 'yon. Maraming reklamo tungkol sa isang 'yon dito at doon sa kabila, anak lang ng kapitan kaya walang nagawa ang iba, dahil wala daw ebidensya," galit na sabi nito. "Ganoon po ba? Naku po, baka sugurin pala ako ni kapitan dito," natatawang sabi n'ya. "Huwag mo na isipin 'yon, ako na bahalang humarap sakaling pumunta dito," matamis na ngiting sabi nito kaya napangiti na din s'ya. "Salamat po, sige po, akyat na po ako," paalam n'ya dito. SAKTONG ALAS 12 nang madaling araw ay walang bakas na inakyat ng babaeng balot ng itim na tela ang buong katawan ang isang balcony. Sa dulo nang mahabang terrace na ito ay naroon ang isang lalake habang humihithit ng sigarilyo. Hindi ba nito alam na masama sa kalusugan ang bagay na 'yan. Walang tunog ang bawat paglapat nang mga paa n'ya sa malamig nitong tiles habang papalapit sa lalakeng nakatingin sa kawalan. Sa maliit na mesang naroon ay nakita n'ya ang dalawang baso at isang bote ng inumin na halatang hindi pa nababawasan. Binuhat n'ya ang bote at nagsalin sa baso at doon n'ya nakuha ang atensyon ng lalake. Napaatras ito sa gulat at napasandal sa railing ng terrace. Hindi nito kita ang mukha n'ya pero sa tingin n'ya ay alam na nito kung sino ang kaharap nito. Walang salita n'yang inabot ang basong may lamang alak dito. Nang hindi ito kumilos ay s'ya na ang lumapit dito pero bago pa s'ya makalapit ay mabilis nitong binunot ang baril mula sa ilalim ng damit at itinutok sa kanya. Sumilay ang mga ngiti sa ilalim ng maskara n'ya. Dahan-dahan s'yang naglakad palapit sa bunganga ng baril nito. Kung papuputokin man ito ng lalake ay kaya n'ya itong ilagan. Nangingig ang kamay nito kaya dadaan lang sa tabi n'ya ang bala nito, sayang naman. Kaya bago pa masayang ang bala ng baril nito ay walang kahirap-hirap n'ya itong naagaw. Na dahilan nang mas panginginig pa nito. Natutuwa s'yang nakikita ang kaharap n'yang nanginginig sa takot sa kanya. "Anong ginagawa mo dito, JADE? Bakit ka nandito sa bahay ko?" pinipilit nitong maging firm ang boses pero nahahalata n'ya ang panginginig sa boses nito. Inilabas n'ya ang isang tangkay ng itim na rosas na may maliit na batong nakapatong sa petal nito. Nang makita 'yon ng lalake ang humakbang ito pa isa-isa at paatras pero wala na itong maatrasan nang tumama ang likod nito sa dingding. "Maawa ka----" "Thank you for the 5 million," aniya at walang pasabing itinurok ang tangkay ng itim na rosas na hawak n'ya sa lalamunan nito. Idiniin n'ya ito at mas idiniin pa hanggang sa mawalan ng hininga ang lalake. Napangiti s'ya ng makitang wala na itong buhay. Nang makarinig s'ya ng kaluskos mula sa loob ng bahay ay agad s'yang tumalon pababa. Nakatukod ang isang kamay sa lupa habang nakataas ang isang kamay at naka straight ang isang binti, gano'n ang posisyon n'yang naglanding sa lupa mula sa 3rd floor na kinaroroonan ng terrace na 'yon. Hindi s'ya kita sa dilim dahil sa itim na telang bumabalot sa katawan n'ya. Nakakakita s'ya dahil ang salaming suot n'ya ay gawa para makakita sa dilim. Mula sa lugar na ito ay agad n'yang pinatakbo ang dalang motor sa ibang lugar. Tinitingala n'ya ang malaking gate na bumungad sa kanya. Kitang-kita n'ya ang kumikislap na barbed wire sa pinaka-tuktok nito, pero hindi 'yon naging hadlang para mapasok ang bahay na ngayon ay tinutulogan na nang dalawang bantay. Simple n'yang pinitik ang mga batok ng mga ito at wala pang segundo ay nahulog na kaagad ang mga ulo nito. Perfect. Mula sa likurang pinto ng bahay ay doon s'ya dumaan nang walang kahit na anong tunog. Nakita n'ya ang isang ginang na nakita n'ya sa litrato at kumakain sa kusina habang dinig n'ya naman ang tunog nang TV mula sa sala ng bahay na ito. Huminto s'ya sa tapat nito at hinintay na maramdaman nito ang presensya n'ya at hindi naman s'ya nagkamali. Nag-angat ito ng tingin at nanlaki ang mga mata sa gulat. Itinapat n'ya ang isang daliri sa bibig n'yang natatakpan ng maskarang itim upang iparating dito na manahimik. Naibuga ng ginang ang kinakain at dahan-dahang tumayo sa upuan. Akmang tatakbo ito papunta sa sala pero umiling s'ya dito. Kaya wala itong nagawa kung hindi ay ang manatili sa kinatatayuan nito. Nakuha agad nito ang ibig sabihin ng iling n'ya. Matalino ka naman pala, bakit ako nandito ngayon? Isa ka rin bang makasalanan? Bakit ka may halagang ilang milyon? "Si-sino ka? A-an-anong ka-i-lang-ngan mo?" nauutal sa nginig nitong sabi. Hindi n'ya ito sinagot bagkus ay inilabas n'ya ang itim na rosas. Napapikit ang ginang at nagsimula nang maghabulan pababa sa pisngi nito ang masasaganang mga luha. Kinapa n'ya sa sarili ang salitang awa pero wala s'yang maramdamang ganoon. Umilang hakbang s'ya papalapit dito at walang awang itinurok ang hawak nitong tangkay ng rosas. Kitang-kita n'ya ang pag-ikot ng mga mata nito ng umiri bago ito tuloyang napapikit. "Mommy?" Agad n'yang binitawan ang pagkakahawa sa bulaklak at hinayaan iyon sa leeg ng ginang. Nilingon n'ya ang batang lalake na pumasok sa kusina at kitang-kita n'ya kung paano nanlaki ang mga mata nito sa gulat hanggang sa kainin na ng takot ang mga mga mata nito. Lalapitan n'ya sana ito nang bigla itong sumigaw at umiyak na lumapit sa walang buhay na ginang. "MOMMYYY!" sigaw nito kaya bago pa may makarinig dito ay umalis na s'ya sa lugar. "You evil!" huling mga salitang narinig n'ya sa bahay na 'yon bago s'ya mismong nakalabas nang pinto. Walang kahirap-hirap n'yang inakyat ang mataas nitong bakod at tumalon pababa. "Another millions," aniya saka malawak ang ngiting pinatakbo ng mabilis sa gitna ng gabi ang dala-dala n'yang motor. Tinatahak n'ya ang isang makipot na daan sa bukid hanggang sa di kalayuan ay nakita n'ya ang isang maliit na kubo. Kung titingnan mo ay para lang ito sa isang tao. Isang tanong, isang kahig isang tuka. Nang buksan n'ya ang pinto ng maliit na kubo na ito at ipinasok ang dala n'yang motor ay bumungad sa kanya ang isang pababang escalator. Isinakay n'ya doon ang motor hanggang sa makababa s'ya at buksan ang malaking pintong naghihintay sa kanya. At doon, napangiti s'yang nakatingin sa malawak na mansyon sa ilalim ng lupa. Sinong mag-aakala na dito matatagpuan ang limpak-limpak na pera n'ya. Natatawang hinihimas n'ya ang magkakapatong na ti-iisang libo ba umaabot na ngayon sa bewang n'ya habang nakasilid sa isang malawak at transparent na glass box. Nang makarating sa sala ay agad n'yang binagsak ang sarili sa mahaba at malapad n'yang sofa at dinamdam ang lamig ng aircon. Nawalan ng buhay ang mga mata n'ya nang maalala kung paano tawagin ng bata ang nanay nito kanina. Isang pangyayaring ayaw na n'yang maalala ang bigla nalang naglaro sa utak n'ya. Nakikita n'ya ang lahat nang ayaw n'yang makita kaya iniling n'ya ang sarili. "Di bali, 'yon ang dahilan kung bakit mayroon ako nang lahat ng ito ngayon," aniya sa sarili saka naglakad palapit sa ref at kumuha ng isang mamahaling inumin. Pumasok s'ya sa malaking kwarto na may malaking kama. Sa taas ng kama ay nando'n nakasabit ang malaking litratk ng isang batang s'ya at ang s'ya ngayon. Hindi s'ya nagpatinag sa panahon, kung hindi ay mas naging matatag s'ya at lumaban, ngayon, kaya n'yang ipagtanggol ang sarili at mamuhay nang normal at matiwasay. Lumabas s'ya sa balcony ng kwarto at dito naman ay sumalubong sa kanya ang 30 na hakbang ng hagdan pataas. Binaybay n'ya ito hanggang sa dalhin s'ya nito sa bukana ng dagat. Napapangiti s'ya kung gaano kagandang pagmasdan ang dagat. Mahinahon ang mga alon, pero sa likod nito, mabangis at mapanganib ito. Hindi nagtagal ay bumaba na s'ya dahil sa lamig na nanonoot sa balat n'ya Lumabas s'ya ng silid na 'yon at lumipat sa mas maliit na silid. Bitbit-bitbit ang bote habang nakatingin sa libo-libong maliliit na bato, kung saan nag mula ang pangalan nya, ang JADE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD