PINAGMAMASDAN NI JADE ang isang lalake na hindi pa tapos sa ipinipinta nitong babae. Isang litrato lang ang pinagkukuhanan nito ng detalye at malapit na itong matapos. 'Mukha na namang hindi marunong makipag-away, Mr., bakit ako narito?' aniya sa isip habang nakangisi sa ilalim ng suot n'yang itim na maskara. Katulad ng mga nauna n'yang kliyente, hindi n'ya alam ang background ng isang ito. Her concern is only the money, the millions she's getting from this. Inilapag ng lalake ang paint brush saka tumayo sa pagkaka-upo sa sahig at pinagpagan ang mga kamay. "Perfect," sambit n'ya kaya napalingon ito sa kanya. Kita ang mga mata n'ya kaya kita ng isang ito na nakangiti s'ya. Well, kung marunong ito bumasa ng emosyon sa mga mata. Napa-atras ang lalake at muntik ng matumba ang painting

