HINDI ALAM ni Adam ang sasabihin habang nasa hapag ng mga Ayala kasama ang buong pamilya at pinag-uusapan ang hustisya na sinisigaw nila. Hindi n'ya alam kung ano ang unang kakainin sa lahat ng nakahain dahil sa gulo ng isip n'ya. Nakikinig ang tenga n'ya pero pinipilit n'yang 'wag 'yon tanggapin ng isip n'ya. Kitang-kita n'ya ang lungkot at galit sa mga mata ng mga kasama n'ya. Kahit naman sira-ulo s'ya may konsensya naman s'ya, pero kapag naiisip n'yang sabihin kay Casper, oh kahit kay Enzo ang lahat ng alam n'ya, pumapasok sa isip n'ya ang hitsura ng mga magulang n'ya, ang daddy n'ya at lalong-lalo na ang mommy n'ya na walang ibang ginawa kundi ang ayusin lahat ng gulo n'ya. Ang ginawa ni Jaq noong graduation kung paano nito patunayan na kontrolado nito ang buhay n'ya ay kinakatakot

