WALANG IMIK at walang emosyon na pinagmamasdan ni Earl ang mga kapulisan habang sinasakay sa ambulance ang patay na katawan ng babaeng natagpuan sa ilog. Walang pagkakilanlan ang babae at wala na rin ang bulaklak na possibleng natanggal dahil sa agos ng tubig. Kung hindi pa n'ya nakabisado ang pinagkaiba ng dalawang JADE ay hindi n'ya masabi kung sino sa dalawang JADE ang may gawa nito. Pero kung pagbabasehan n'ya ang mga nakaraang insidenteng ganito, ang JADE na lumalabas sa liwanag ang ituturo n'ya. Pero ang tanong, isa nga kaya sa kanila ang may gawa nito? Ngayon na nagkaroon na ng dalawang katauhan ang tinatawag na si JADE ay possible pang magkaroon ito ng panibago. Pero hindi ng mga ito mako-kopya ang talagang galaw at kung gaano kalinis ang kilos ng totoong si JADE. Isa sa mg

