HALOS IBALIBAG ni Earl ang pinto ng bahay n'ya dahil hindi n'ya alam ang gagawin. Sinubukan n'yang habulin si Jaq pero hindi na s'ya nito nilingon pa at pagbalik n'ya sa bahay naroon pa si Annie prenteng nakaupo sa sofa. "Earl please, let's talk," umatras s'ya nang sinubukan s'ya nitong hawakan. Matalim n'yang tiningnan ang babae at nanginginig and buo n'yang katawan habang pinipigilan ang sariling 'wag masaktan ang kaharap. Babae pa rin ito at hangga't maari ayaw n'yang manakit ng babaeng walang laban. Hindi s'ya naniniwalang nalasing s'ya, sa tatlong bote ng wine na iniinom nila, impossible s'yang malasing doon. Tiningnan n'ya ang sala n'ya at nakita n'yang lima na ang boteng naka bukas doon. Si Jaq ang nagbukas no'ng dalawa habang s'ya..... "What did you do?" madiing saad n'ya.

