Minulat n'ya ang mga mata ang naningkit ito nang makitang nasa hindi pamilyar na silid s'ya. Kinapa n'ya ang sarili at napansing suot n'ya pa ang gown n'yang naging kapa at maging ang maskara n'ya, pero wala na ang salamin na nagtatakip sa mga mata n'ya.
Ibig sabihin, kung sino man ang nagdala sa kanya dito ay nakita na nito ang mga mata n'ya or possible rin na nakita nito ang mukha n'ya. Kinapa n'ya ang bandang tama n'ya ng bala nang bahagya itong kumirot ngunit kaya namang tiisin. Nakapa n'ya itong may bandage na at tumigil na rin ang pag durugo.
Inangat n'ya ang sarili at sumandal sa headboard ng kama. Napangiwi s'ya nang kumirot na naman ng bahagya ang sugat n'ya. Kaya n'yang umalis sa lugar na 'to nang walang kahirap-hirap.
At nang tatayo na s'ya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang mukhang kilala n'ya. May dala-dala itong tray na may pagkain at prutas. Seryoso s'yang tumingin dito at gano'n din ang tensyon sa mga mata nito at sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.
"Gising ka na pala, dalawang araw kang tulog," seryosong saad nito.
Pinagmamasdan n'ya lang ang galaw nito at wala s'yang kahit na anong sinabi. Hindi n'ya alam kung bakit s'ya nito dinala sa lugar na 'to at hindi s'ya isinuko sa mga police.
Sigurado din s'ya na alam ng lalake na kaya n'yang tumakas mula sa mga kamay nito. Tumayo s'ya para sana umalis pero iniharang nito ang katawan sa kanya.
Mas matangkad ito ng kaunti sa kanya pero hindi s'ya tumingala para makita ang mukha nito. "Hindi kita tatanungin kung ano ang totoo mong pangalan, I already have in mind," saad nito.
Wala s'yang sinagot dito at sinubukang maglakad palabas pero sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan ulit s'ya ng lalake. "Bakit ako nandito?" saad n'ya sa seryosong boses.
"I don't know, I could've bring you to Major San Diego, that's a multi million for me," dinig n'yang sabi nito.
Walang pasabi n'yang hinuli ang leeg nito at mabilis n'yang naisandal sa dingding ang lalake. Hindi nito inasahan ang galaw n'ya kaya ramdam n'ya ang paninigas ng katawan nito sa ginawa n'ya.
"Mr. Adam Castillo, sa tingin mo ba ay kaya mo 'kong takutin? Kaya kitang tanggalan ng hingina sa kinatatayuan mo ng di ako nahahawakan," pagbabanta n'ya dito.
"Iniligtas ko ang buhay mo," nahihirapang sabi nito dahil sa higpit ng pagkakahawak n'ya sa leeg.
"Sure, you saved me, I owe you. By now, alam mo na siguro kung ano ang kaya kong gawin. Just meddle with my business, play a game or I'll show you how it's played," seryosong sabi n'ya sa matigas na boses at matutulis na mga tingin.
"I won't spill a tea, just stay away from the people I know," sabi nito habang naghahabol nang hininga matapos n'ya ito padabog na binitawan.
"Is that a threat?"
Ngumisi ang lalake at tumingin sa mga mata n'ya ng diretso. "Negotiate with me," paghahamon nito sa kanya.
Tumawa s'ya ng pagak na para bang isang biro ang sinabi nito, naningkit ang mga mata ng binata sa inakto n'ya. Hindi n'ya pag-aaksayan ng oras ang pakikipag negosasyon sa lalakeng ito.
Nang walang pasabi, mabilis lumipad sa ere ang isang binti at pinatama 'yon sa batok ng lalake. Napangisi s'ya nang mawalan kaagad ito ng malay. "At ikaw ang magbabanta sa 'kin?"
Pinunit n'ya ang kumot na nasa kamang hinigaan n'ya kanina ay itinali ang mga kamay ng lalake sa likuran nito. Nilagyan ng tela ang bibig nito at maging ang mga paa saka n'ya itinali ang buong katawan nito sa paa ng kama.
Iginala n'ya ang sarili sa buong kabahayan at nang matapat s'ya sa isa pang kwarto ay binuksan n'ya ito at bumungad sa kanya ang pambabaeng design nito. Nakita n'ya ang sarili sa malaking salamin nito kaya hinalughog n'ya ang buong silid. Hindi naman s'ya nabigo at sa closet nito ay may mga damit pambabae.
Hindi n'ya alam kung kanino ang mga damit na ito pero kailangan n'yang magpalit bago lumabas sa bahay na ito. Napangiti s'ya nang sumakto sa katawan n'ya ang puting damit at pantalon na nahila n'ya mula sa lagayan.
Sinunog n'ya ang itim na kapang suot, inayos ang buhok at hinayaang maglugay lang.
Tinapalan n'ya ng nakuhang tape ang plate number ng sasakyan ni Adam saka ito ginamit para makaalis sa lugar. Tiningnan n'ya ang suot na smart watch, itinuturo nito ang location n'ya at kung saan ang daan ng pupuntahan n'ya.
'Isang pasasalamat sa pagpalaya sa akin Adam kaya quits na tayo, pero hindi ako naglalaro' aniya sa isip.
Mahigit isang oras ang naging byahe n'ya at saka s'ya dumating sa bahay n'yang nasa ika-apat na palapag. Agad n'yang inilabas ang cellphone at binuksan ito. Marami s'yang natanggap na mensahe mula kay Earl at sa iba pa.
Major:
Where are you?
Major:
Please, tell me you're safe.
Major:
Jaq, please, hindi kita nakita, nasaan ka?
Major:
Babe please, atleast text me and tell me you're okay.
Major:
I went to your house pero wala ka. Nasaan ka babe? Nag-aalala ako! Come on!
Tita Marife:
Honey, are you safe? Please get out of the hotel!
Tita Marife:
Jaq, where are you?
Demi:
Jaq! Nasaan ka? Hindi ka namin mahanap.
Lyka:
Jaq, hindi na namin makita, stay where you are and please be safe.
HANGGANG NGAYON ay hindi mapakali si Earl dahil wala pa rin s'yang natatanggap na mensahe mula sa dalaga.
Nagkagulo sa event at hindi n'ya na nakita ang dalaga. Ayaw n'yang isipin na baka napahamak ito oh ano man. Sigurado s'yang ligtas ito.
Nagbabakasali s'ya sa mga kaibigan na sina Demi kung nag text na ito sa kanila pero parehong wala ang mga sagot. Malapit na s'yang mapikon.
Binalitang dead on the spot si Mr. Ayala at ngayon ay nagluluksa ang buong pamilya at mga kaibigan nito. Kinuha n'ya ang cellphone at sinubukang tawagan ulit ang numero ng dalaga pero wala can not be reached pa rin ito.
Ang dapat sanang sekretong pagtitipon ay nabunyag ito sa buong mundo dahil sa sinapit ng haligi ng pamilya Ayala. Hindi kita sa cctv kung paano nakarating si JADE sa pinagtataguan nito. Ang mga daan papunta doon kung nanggaling s'ya loob ay makukunan ng cctv kaya ang hula nila ay possible itong dumaan sa fire exit door na s'ya ring ginamit nito para makatakas.
Naglalaban ang isip n'ya ngayon. Pinaninindigan at pinaniniwalaan n'yang dalawa ang JADE at kung sino sa kanila ang nando'n sa event ay hindi n'ya alam.
Ang tinagurian n'yang original at totoong JADE ay hindi kailanman umatake sa maraming tao. Ang JADE na lumalabas sa ilalim ng araw ay oo, ngunit nang habulin n'ya ang JADE na naroon ng gabing iyon ay hindi ito nanlaban na s'yang kabaligtaran ng JADE na walang takot magpakita sa madla.
Dalawang araw s'yang nanatili sa presinto dahil sa nangyari, hindi s'ya nakatulog kahit ilang minuto. Lahat nang pwede n'yang makitang anggulo sa nangyari ay na busisi n'ya na.
Sa tingin n'ya ay planado na ang lahat, hindi ito nagkataon na nando'n si Mr. Ayala kaya nagpunta si JADE. Alam na nito ang pasikot-sikot sa buong hotel bago pa ang pagtitipon.
Dahil sa nangyari ay pakiramdam n'ya lahat ng bagay mas bumigat ng sampung beses. Pakiramdam n'ya namatay bigla ang katawan n'ya, nawalan s'ya ng lakas. Lalo pa ngayon na hindi n'ya alam kung nasaan ang dalaga, hindi ito nag te-text at hindi n'ya ma contact, hinahanap ito ng nanay n'ya sa kanya para kamustahin at siguradohin na ligtas ang dalaga pero hindi n'ya alam kung nasaan ito.
Pababa s'ya ng hagdan nang tumunog ang door bell n'ya at sa pag-aakalang ang hinihintay n'yang si Jaq ang dumating ay agad n'yang tinakbo ang pagitan n'ya sa pinto. Gano'n nalang ang pagkawala ng ngiti at pag-asa n'ya nang isang nakangiting mukha ni Annie ang bumungad sa kanya at may hawak na alak.
"What are you doing here?" seryosong tanong n'ya dito.
Nitong nakaraang dalawang araw ay madalas itong magpunta sa presinto para alamin kung may balita tungkol sa pumatay sa ama nito. Hindi lang isang beses sa isang araw. At ngayon heto na naman ang babae sa harapan n'ya.
Pero paano ito nakapasok sa building kung ang alam n'ya ay pina banned na ito ng ina n'ya.
"Wine? I need someone to talk, Earl," pagtaas ng hawak nitong wine ay kasabay no'n ang pagtulo ng mga luha nito.
Ibang-iba sa dating Annie ang ekspresyon ng mukha nito ngayon, halatang-halata dito ang sakit na dinadala nito. Pero gayunpaman ay nagdadalawang-isip s'yang papasukin ito. Pagtataksil ang gagawin n'ya kahit ang paapakin lang ito ng isang hakbang mula sa labas papasok sa pinto n'ya.
Pero kawalan din naman ng respeto ang gagawin n'ya kung ipagtatabuyan n'ya ito. Ngumiti ito ng pilit at pinunasan ang mga luha. Wala sa sarili n'yang binuka ang pinto at papasukin ito.
"Alone? Where's Jaq?" tanong nito habang iginagala ang paningin sa paligid.
"She's not here," simpleng sagot n'ya dahil katulad nito tinatanong n'ya rin kung nasaan ang dalaga. "Dinner?" offer n'ya dito dahil dapat ay kakain na s'ya nang tumunog ang doorbell kanina.
Ngumiti ito at tumango.
"Bakit?" pagbabasag ni Annie sa katahimikan nila habang kumakain.
Napahinto s'ya nang marinig n'ya ang dalaga, nag-angat s'ya ng tingin at nakita n'ya itong nakayukong kumakain habang tumutulo ang mga luha.
"What?"
"Bakit si daddy?" humihikbing saad nito.
Gusto n'ya itong daluhan pero may pumipigil sa kanya. Simula nang dumating si Jaq sa buhay n'ya ay hindi na s'ya nagiging komportable sa ibang babae, maging kay Annie.
Si Jaq lang ang babaeng nakapunta dito sa bahay n'ya bukod sa nanay n'yang walang pasabi kung dumalaw pero ngayon ito nagpapasok s'ya ng ibang babae. Kilala n'ya si Annie, alam n'ya ang ginagawa nito at 'yon ang hindi n'ya nagugustuhan sa babae. Itinatakwil ng buong angkan pero alang-alang sa pangalan na iniingatan ni Senator Ayala ay nanatili ito sa buhay bilang prinsesa.
"I'm sorry," wala s'yang ibang mahanap na salita na pwedeng sabihin para mapagaan ang loob ng dalaga. Ilang beses na n'yang pinangako sa bawat pamilya ng mga biktima na ilalagay n'ya sa likod ng mga rehas ang tinutugis na si JADE ay hindi n'ya naman alam kung kailan.
Ang nangyari sa Congressman at sa Senator ay naging dagok sa pamilya Ayala. Lingid sa kaalaman nilang lahat na naglalabas na ng mga pribadong sundalo ang pamilya. Kung yaman lang din ang pag-uusapan ay isang pitik lang naman ng daliri ng pamilyang 'to ang ilang milyon.
Ngunit iba ngayon, hindi nila makukuha sa isang pitik lang si JADE.
"Wala ng natitira sa akin ngayon, wala na si daddy. Hindi naman talaga ako kabilang sa pamilya nila eh, kung hindi lang siguro nalaman ng ibang tao na may anak si Senator Ayala sa labas ay baka hahayaan lang naman nila akong magutom," mahabang sabi ng dalaga sa gitna ng paghikbi.
Hindi na nito naituloy ang pagkain, binuksan nito ang dalawang inumin at nagsalin sa parehong baso nilang dalawa.
"I don't know what to say, wala ako sa kalagayan mo. The only thing I can do for you and to the other victim is tonput JADE in jail. I assure you, but I won't tell when, just soon. As soon as possible," determinadong saad n'ya
"You don't have to say anything, hayaan mo lang akong magsalita, just listen. Gusto ko lang may makikinig, for once. Kasi buong buhay na akong sumisigaw pero walang nakakarinig sa akin," saad nito.
Napalunok s'ya dahil wala s'yang makapang magandang salita na pwedeng sabihin dito kaya gaya nang sinabi nito, nakikinig lang s'ya, habang sinasabayan ito sa pag-inum.
NAKATITIG SI JAQ sa original na desenyo ng gown na dapat ay isusuot n'ya ng gabing 'yon. Gumawa s'ya ng kapareho nito at nilagyan n'ya ng ibang desenyo, ang agaw pansin na desenyo ng zipper sa bawat party ng isinuot n'ya.
Ang design na 'yon ang nagbago sa buong gown n'ya, nang gabing 'yon, ay naging balabal iyon na may hoody. Binalot ang buong katawan n'ya ng balabal na 'yon.
Hindi n'ya pwedeng hayaan na lumipas ang mga oras at masayang lang. Alam na ni Adam kung sino ang nasa likod ng maskara ng nagngangalang si JADE. Kaya pala kahit minsan hindi n'ya nakagaanan ng loob ang lalake, napangisi s'ya.
"Kamalasan mo Adam, nakuha ka rin ba ng ganda ko?" natatawang sabi n'ya habang nakatingin sa sarili sa salamin.
Pinulot n'ya ang kaninang binasag na cellphone n'ya at kinuha ang susi ng kotse n'ya. Wala s'yang exact location na pupuntahan pero nakita n'ya ang sariling tinatakbo ang daan papunta sa penthouse ng binata.
Hindi s'ya sigurado kung sa oras ba na ito ay wala pa rin itong alam tungkol sa totoo n'yang pagkatao. Possibleng nakilala s'ya nito noong gabing 'yon pero possible ding hindi.
Ang pagkawala n'ya ng dalawang araw ay possibleng magbibigay ng kahulugan 'yon sa binata pero sigurado rin naman s'ya na malaki ang tiwala nito sa kanya. Hindi ito gano'n kadaling maghihinala sa kanya. Hindi sa kanya.
Napasulyap s'ya sa oras at nakitang 30 minutes nalang ay alas 3 na ng madaling araw. Hindi s'ya inantok, hindi s'ya nakakaramdam ng antok. Nakakalimutan n'yang may sugat s'ya kung hindi ito kumikirot pero panandalian lang 'yon.
Daplis lang 'to at hindi naman naiwan ang bala sa tagiliran n'ya. Ang sugat na ito ay walang-wala sa sugat na mayroon s'ya sa libro ng buhay n'ya.
Nang maayos na maipark ang sasakyan n'ya ay huminga s'ya ng malalim at inihanda ang sarili. Possibleng alam nito na s'ya si JADE possible rin na hindi.
Pagdating n'ya sa tapat ng pinto ay hindi na s'ya nag-abalang mag doorbell, at may access naman s'ya dito.
Pag pasok n'ya palang sa sala ay agad bumungad sa kanya ang ilang bote ng alak. Seryoso n'yang tiningnan ang paligid. Hindi ito gawa ng isang tao lang, may kasama ang binata.
Napatigil s'ya nang makita ang isang pamilyar na bag. Katabi nito ay isang cellphone, wala s'yang pakialam pero sinubukan n'yang buksan ang cellphone para malaman kung kanino ito. May password pero sa lock screen palang, alam n'ya na kaagad kung kanino ang mga gamit na nandito.
Hindi n'ya alam kung paano pero biglang nabuhay ang kaba sa dibdib n'ya. Naririnig n'ya ang kalabog dito. Napapalunok s'ya at dahan-dahang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ng binata.
Halos bilangin n'ya ang hakbang sa sobrang bagal ng lakad n'ya. Maingat n'yang inilapat ang kamay sa doorknob at pinihit 'yon ng mas maingat na wag mag sanhi ng ingay.
Parang hinugot ang natitira n'yang hininga sa nasaksihan. Tuloyan s'yang pumasok sa silid at nasa harapan n'ya ang lalake, malalim ang tulog habang nasa ilalim ng kumot kasama si Annie na hubad.
Nanlalabo ang paningin n'ya habang walang imik na nakatingin sa dalawa. Tumulo ang nagbabadya n'yang mga luha pero mabilis n'ya 'yong pinahid. Walang bakas oh ano mang ingay ang bawat lakad n'ya.
Hindi n'ya naman boyfriend ang binata kaya wala s'yang karapatang magalit. Pero tang*na, alam n'yang hindi sugat n'ya ang nararamdaman n'yang masakit ngayon.
Tumawa s'ya ng mapakla at pumunta sa kusina. Binuksan n'ya ang ref para magluto ng lugaw para sa mga 'to at hipon para sa kanya. Ipagluluto n'ya ang dalawa, ramdam n'yang pagod ang mga ito.
Seryoso s'yang nagluluto at napapalunok ng maraming beses habang pinipigilan ang sarili. Ramdam n'ya na may masakit, sobrang sakit at hindi 'yon ang sugat sa tagiliran n'ya. Gusto n'yang maiyak sa sakit pero ayaw n'ya. Ano lang ba ang sakit na 'to kung ikumpara sa sakit na baon baon n'ya buong buhay n'ya.
Nang matapos ang niluluto ay dinala n'ya ang inadobong hipon sa sala at ininum ang mga natirang alak doon.
Isang lagok palang ng alak ay nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha n'ya kaya dire-diretso n'yang inimon ang laman ng isang bote hanggang sa malasahan n'ya ang pait nito.
Pumunta s'ya dito para makita ang binata kaya hihintayin n'ya itong gumising at bumaba.
Ang bilis ng oras mag aalas singko na kaagad, kakarating n'ya lang dito. Pakiramdam n'ya ay isang segundo palang ang lumipas nang pumasok s'ya sa lugar na 'to.
Kinapa n'ya sa sarili ang kumikirot at sumasakit na party ng katawan n'ya. Ayaw n'yang kompirmahin kung ano 'yon, ayaw n'yang tanggapin. Dahil hindi totoo ang bagay na 'yon. Walang ganoon.
"How the hell did we get here?! Why the hell are you here?!"
Napatigil s'ya sa pag-iisip nang makarinig nang sigaw mula sa silid sa taas na pinanggalingan n'ya kanila.
"I don't know," sigaw ng babae.
"Leave!"
"Earl----"
"I said, leave! Just leave Annie, f*ck! Leave!" dumadungdong ang boses ni Earl sa taas. Umaabot ang lakas nito sa kinaroroonan n'ya.
Itinuon n'ya ang mga mata sa hagdan at di nagtagal ay sumulpot doon ang bulto ni Annie. Nakaharap s'ya sa hagdan kaya nanlaki ang mga mata nito nang tumama sa kanya ang paningin nito.
Ang gulat na expression nito ay napalitan ng ngisi, ngising pang-asar. Walang buhay n'yang tiningnan ang babae. Alam n'ya kung ano ang hitsura n'ya ngayon, wala s'yang tulog at nakainom s'ya.
"Hi, Jaq," nakangising bati nito sa kanya.
"My condolences," sagot n'ya para sa sarcastic na ngiti nito na agad nabura. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Parehong silang napalingon nang biglang lumabas ang lalake mula sa kwarto at sumulpot sa bukana ng hagdan. Nanlaki ang mga mata nito nang makita s'ya at nagmadaling bumaba.
"Earl," tawag ni Annie dito pero hindi 'yon pinansin ng binata.
"Babe," iwinaksi n'ya ang braso at umatras.
"Gising na pala kayo, ipinagluto ko kayo, alam kong pagod kayong dalawa," nakangising sabi n'ya dito. Kitang-kita n'ya ang takot sa mga mata ng binata.
"Babe, let me explain," pakikiusap nito at pilit lumalapit sa kanya at s'ya na panay ang atras.
"No need major, hindi mo kailangang magpaliwanag, hindi naman kita boyfriend and who knows, ito na ang huli nating pagkikita, bilang ikaw at ako."