"Jaq, bukod kay kuya Earl nag ka gusto ka na ba sa iba?" pagtatanong ni Demi habang hawak-hawak ang isang bote ng alak na pinantuturo sa kanya.
Napapangiti s'yang makita na halos pumikit na ang mga mata nito pero matibay pa rin. Hindi na ito gumagamit ng baso sa pag-inom. Kung kanina ay masusi nitong nilalagyan ng asin ang labi ng baso ngayon ay mismong labi na ng bote ang lumalapat sa labi nito.
Habang si Lyka medyo sober pa ng kaunti, nakikipag tawanan pa ito sa kanila ni Casper pero halatang tinamaan na ng nainom.
"Hindi pa," sagot n'ya sa tanong nito.
"Woooah, talaga? Ibig mong sabihin 1St boyfriend mo si Kuya Earl?" gulat na tanong nito. Pag naging lasing ba nagiging makakalimutin?
"Lasing ka na, akin na nga 'yang hawak mo," sinusubokang kunin ni Casper ang boteng hawak nito pero tinampal lang nito ang kamay ng binata.
"Kaya n'ya pa 'yan...." pag chi-cheer naman ni Lyka sa kaibigan at nakipag apir pa kay Demi. Napailing nalang si Casper at inilayo sa dalawa ang ilang bote na wala ng laman. "Parang di mo naman kilala 'tong kaibigan natin Ayala," parang sigang dagdag pa ni Lyka.
"Mataas ang alcohol tolerance mo 'no?" nakangiting tanong sa kanya ni Casper at 'di pinansin ang dalawang nawawala na sa tamang pag-iisip.
"Nasanay lang," simpleng sagot n'ya at itinaas ang baso for a toss agad namang nakuha 'yon ng binata at ibinangga dito ang sariling baso.
"Alam mo ba magkaibigan na kaming tatlo simula 5 years old kami ni Lyka at 4 naman no'n si Demi," pag kukwento ng binata. "Kami ni Lyka ang unang nagkakilala no'ng 5th birthday ko, that time, nasa ibang bansa pa si Demi tapos no'ng 5th ni Lyka doon na namin s'ya nakilala. Pumasok na kami ni Lyka sa school no'ng 5 na kami tapos si Demi ayaw mag paiwan kaya sumabay s'ya sa 'min. Wala na kaming ibang naging kaibigan sa school dahil ayaw na nila lalo kapag hindi naman kasing yaman nila....."
Habang pinapakinggan ang pag kukwento ni Casper ay tahimik lang si Jaq na sumisimsim ng alak sa baso n'ya at pa simpleng pinagmamasdan ang dalawang magkaibigan na nagbubukas na naman ng panibagong bote. 1 am na kaya panigurado ay dito s'ya makakatulog. Ito ang unang beses na dito s'ya matutulog, okay lang naman. Talagang ayaw n'ya lang, pero ngayon, bahala na pero hangga't maaari ay uuwi s'ya, sana makauwi.
"Sabay kaming grumaduate sa primary school tapos ako ang valedictorian, si Lyka ang salutatorian habang si Demi 5th honorable mention lang kaya nagalit s'ya sa amin. Ang sabi n'ya nag kukopyahan daw kami ni Lyka at 'di namin s'ya pina kopya. Tapos no'ng niyaya na namin s'ya para mag pa enroll for secondary since 1St year high school na kami, ayaw n'ya sumama, nagtaka kami. Akala namin di s'ya papasok 'yon pala iniwan kami, nakapag enroll na daw s'ya no'ng galit pa s'ya sa 'min pero sumama pa rin naman s'ya," natatawang pag kwento nito. Hindi ito nakatingin sa kanya at katulad n'ya nakatingin din ito sa dalawa. Either kay Lyka or kay Demi.
More like, kay Demi.
"Tapos no'ng 4th year high school na kami 16 na ako no'n, kaming dalawa ni Lyka tapos 15 naman si Demi, inamin ko sa sarili ko na gusto ko si Demi, pero no'ng graduation namin, sinabi ng parents ko na naka fixed marriage kaming dalawa ni Lyka. Nagulat ako, syempre. Akala ko hindi na uso ang gano'n kaya ang plano kong sabihin kay Demi na crush ko s'ya ay di natuloy. Tinanong ko si Lyka kung may sinabi ba ang parents n'ya sa kanya ang sabi n'ya wala naman. Hindi n'ya alam na may gano'ng plano ang mga magulang namin. Kaya ang ginawa ko kinausap ko ang mga magulang n'ya at sinabi ko sa kanila na hindi kami aabot ni Lyka sa puntong 'yon. Naintindihan naman nila...." ngumiti ito ng pilit at tinungga ang laman ng baso nito at nagsalin ng panibago.
"Hindi ko sinabi sa kanilang dalawa 'yon kasi ayaw kong maging awkward kaming tatlo lalo pa at 'di naman na daw itutuloy nang mga magulang namin ang naunang plano na ipinagpasalamat ko. At hanggang ngayon, gusto ko pa si Demi, pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya dahil baka mag-iba ang trato n'ya sa 'kin, nakailang boyfriend s'ya at nakatingin lang ako sa kanya," sarcastic itong natawa sa sarili.
"Paano kung gusto ka rin pala ni Demi?" pagtatanong n'ya dito.
"Paano si Lyka? No, I mean, kapag ganyan na gusto ako ni Demi at maging kami, sinong kasama ni Lyka? Hindi namin s'ya iiwan, oo, pero mararamdaman n'ya ang pag-iisa at ayaw kong mangyari 'yon, kapag nagmahal na s'ya at nasisiguro kong mahal s'ya saka na siguro ako. Sana pagdating nang panahon na 'yon, mahal na rin ako ni Demi," madamdaming sabi nito.
Hindi kadugo ng dalawang 'to si Casper pero kung tratohin sila nito higit pa sa kadugo, higit pa sa kapatid. Anong ka swertehan sa buhay ang mayroon itong dalawang 'to at pinagpala sa mga taong nakapaligid.
"Paano kung pagdating ng panahon na 'yan, nagkagusto na si Demi sa iba?"
Agad bumaling sa kanya ang mga mata ni binata. Nag kibit balikat s'ya dito na tila ba naghihintay s'ya ng sagot sa tanong n'ya.
"Masasaktan ako, pero hindi ako magagalit. Demi and Lyka are both precious, mas uunahin ko ang magpapasaya sa kanila bago sa 'kin. Kaya kung makakahanap oh magkakagusto man si Demi sa mga panahon na 'yan, ayos lang, kagaya ng dating nakasanayan," he painfully chuckled.
"Sabihin mo sa kanya kapag sigurado ka na, sigurado ka na sa lahat. Kapag sigurado kang hindi mo s'ya iiwan, kapag sigurado kang kaya mo s'yang ipaglaban. Dahil kung sasabihin mo lang sa kanya for the sake of 'dahil lang gusto mo s'ya' magkakasakitan lang kayong dalawa," seryosong sabi n'ya at tinitingnan ang sarili sa bawat salitang binitawan n'ya.
"Hindi ka ba sigurado ngayon?" balik tanong nito sa kanya.
"Masyado pang maaga para sagutin ang tanong na 'yan, dalhin mo na ang dalawa sa kwarto nila, pass out na, teka, kaya mo pa ba?" turo n'ya sa dalawa na.
Si Demi nakaupo sa sahig at ang ulo nasa sofa habang si Lyka nakahiga sa sofa ang kalahating katawan.
"Nakita mo na sila kung paano uminom," natatawang sabi nito at unang nilapitan ni Lyka para dalhin sa taas.
Hindi n'ya itatanggi na nakaramdam s'ya ng inggit sa dalawang babae, nakuha na nito lahat ng gusto, hindi man lang naranasan ng mga 'to ang maghirap.
Noon, kay Kara n'ya lang naramdaman ang inggit. Kaibigan n'yang matalik si Kara pero ang kaibahan ng kabataan nila ang kinaiinggitan n'ya at bukod doon, ang pagkakaroon ng mga ito ng kompletong pamilya.
Na kahit kailan, hindi s'ya nagkaroon at hindi s'ya magkakaroon.
Sinubokan n'yang itayo si Demi para iupo ng maayos sa sofa nang magsalita ito.
"I love you......, I love you Cas------" mabuti nalang ay mabilis ang reflexes n'ya dahil kung hindi ay baka nasalo n'ya na ang suka nito. Hinahagod n'ya ang likod nito habang patuloy pa rin sa pagsusuka at 'yon ang nadatnan ni Casper.
"Ang kalat ng mga babaeng 'to," reklamo ng binata at napakamot sa ulo. "Ahm, Jaq, okay lang ba pakipalitan sila ng damit?" pakikiusap nito sa kanya agad naman s'yang tumango at sumunod dito paakyat habang buhat-buhat nito si Demi sa balikat.
"Ako na ang bahala sa kanila, magpalit ka na naliligo ka na ng suka," aniya. Tiningnan ng binata ang sarili at napangiwi ito.
"Eeww, ang baho!" reklamo pa ulit nito. "By the way, Jaq, sa tapat ng room that's the guest room, pina-ayos ko na para makapag pahinga ka na rin mag aalas tres na ng umaga,"
"Paano 'yong kalat sa baba?" tanong n'ya dito.
"Wag mo nang galawin 'yon, lilinisan din nila bukas kaagad 'yon, magpahinga ka na din. Thank you Jaq ah," dinig n'yang sabi nito kaya tinangoan n'ya ito saka ito nagpaalam na.
Mabuti nalang ay may pangalan ng dalawang to ang closet na pinaglalagyan ng damit nila.
Pinunasan n'ya muna ng maligamgam na tubig ang dalawa saka n'ya binihisan. Hindi naman n'ya akalain na mag-aalaga s'ya ng mga lasing. Si Kara kahit hindi naman gano'n kataas ang alcohol tolerance ay nakokontrol naman nito ang sarili kaya hindi pa n'ya ito naalagaan ng lasing.
Pagkapos n'yang mabihisan ang dalawa ay bumaba s'ya at pumunta sa sasakyan n'ya. Lagi s'yang may baon na damit dito kaya dito na s'ya nagbihis. Inaantok na s'ya at gusto na n'yang matulog, sa kama n'ya at hindi dito.
Kinuha n'ya ang cellphone at nag type ng message para mag text nalang sa mga 'to.
Pag katapos ma click ang sent ay agad n'yang pinaandar ang sasakyan at nag drive palabas. High tech ang gate nila Casper na may sensors, mayroon na ang sasakyan n'ya kaya automatic itong nagbubukas kapag na di-detect ang sasakyan n'ya sa malapit dito at kusa ding nagsasara kapag nakalabas na ng maayos.
Though, may mga guards namang nakabantay din, 24/7.
Medyo malayo na pa kung sa bahay n'ya s'ya didiretso at dahil inaantok na nga s'ya ay naisipan n'yang sa penthouse nalang s'ya ni Earl tutuloy, total ay doon din naman s'ya galing.
Hindi na s'ya nagpaalam dahil baka busy ang binata. Pagka-alis nito kahapon sa unit nito ay wala na s'yang natanggap na text oh tawag, gano'n s'ya ka focus ang trabaho. Gano'n s'ya ka determinadong mahuli si JADE.
Pag dating n'ya ay kaagad s'yang nagtimpla ng kape para lang magkalaman ng mainit ang tyan n'ya bago humilata sa kama.
Inilapag n'ya ang kape sa center table sa sala at inihiga ang sarili sa sofa hanggang sa di na n'ya napigilan ang pagpikit at nilamon na s'ya ng antok. Di man lang n'ya nainuman ang tinemplang kape.
Dahan-dahang binubuksan ni Jaq ang mga mata nang makaranig s'ya ng tunog ng doorbell, kumunot ang noo n'ya sa pagtataka kung bakit may nag do-doorbell. Kahapon na may ganyan ay mukha ni Annie ang bumungad sa kanya. Tiningnan n'ya ang oras sa cellphone n'yang nakapatong sa mesa ay alas otso na ng umaga.
Napangiwi s'ya nang makita ang kapeng walang bawas.
Nang tumunog ulit ang doorbell ay dahan-dahan s'yang lumapit ang tiningnan ang monitor. Mas lalong lumalim ang pagkunot ng noo n'ya nang isang magandang may kaedarang babae ang naroon.
Hindi naman siguro ito sugar mommy ni Earl di ba?
"Surprise----"
Tumigil sa ere ang mga braso nito na akmang yayakap sa kung sino mang bubukas ng pinto.
Pareho silang nagkagulatan pagkatapos nitong sumigaw at nang makita s'ya. Nagulat s'ya dahil sa tinis ng boses nito habang ito naman ay nagulat dahil s'ya ang bumungad dito.
"Hi," hindi n'ya kilala kung sino ito kaya awkward ang pagbati n'ya dito.
Sa unang inakto nito kanina hindi malabong kamag-anak ito ng binata or worst, baka nanay.
"Hi, who are you? Where's major San Diego?" tanong nito at major ang pag address kay Earl, hindi rin ito nagpumilit pumasok katulad ng mga traydor na nanay sa pelikulang Pilipino. Nakatayo parin ito sa labas ng pinto at hanggang sa pagtaas ng leeg lang sa kakasilip ang ginagawa nito.
"Sino po sila?" magalang na sabi n'ya sa kabila nang nararamdamang inis sa pagkaputol ng tulog n'ya. Limang oras palang ang tulog n'ya at mabigat ang ulo n'ya.
Oo nga at di s'ya nalasing pero may alak sa katawan n'ya.
"Ikaw hija sino ka?" malumanay na sabi nito at muling sumilip sa loob nang nahaharangan n'yang pintoan. "Nasaan ang anak ko?" agad nabuhay ang kaba sa dibdib n'ya nang marinig ang salitang anak.
"Sino po ang anak n'yo?" di n'ya napigilang itanong, gusto n'ya lang klaruhin ang tumatakbo ngayon sa utak n'ya.
Ngumiti ng malapad ang ginang at umatrag kaunti at tiningnan ang labas ng unit ni Earl.
"Hindi ako pwedeng magkamali, ito ang unit ni Major Earl San Diego, ang anak ko," agad nanlaki ang mga mata n'ya at kusang tumabi ang katawan n'ya sa pintoan para bigyan ng daang makapasok ang ginang.
Tumingin ito sa kanya na parang nagtataka. Kinumpas n'ya ang kamay para sabihin pumasok ito, tumango naman ito at halata sa mukha ang pagtataka sa ginawa n'ya.
Weird ba? Tama lang naman ang ginawa n'ya na hindi basta-basta magpapapasok dito ng kung sino. Unang-una, hindi n'ya bahay to. Pangalawa, hindi n'ya kilala kung sino ang dumating, pangatlo, hindi nagsabi ni Earl na darating ang nanay n'ya.
Dapat nga hindi pa rin s'ya nagtitiwala kahit nagpakilala itong nanay eh, pero sa kanilang dalawa mas malakas naman s'ya dito kung sakaling may gagawin itong masama dito sa loob.
"Pasensya na po, hindi po kasi nagsabi si Earl na may bisita s'ya," aniya saka mabilis na niligpit ang kape at cellphone n'yang nasa mesa at maging ang bag n'yang nasa sofa.
"Are you his girlfriend?" walang filter na tanong nito kaya napalingon s'ya dito.
Girlfriend? They f*ck each other, yes. They do like each other but they're not like girlfriend or boyfriend thing.
"Po? Hindi po, ano... ahmmm---"
"Gusto mo s'ya?"
Mahina s'yang natawa at napahawak sa batok. "Ano pong gusto n'yo? Gusto n'yo po ba ng breakfast? Coffee? Ano po?" mag da-diver n'ya sa ibang bagay nang mga sinisimulan nitong itanong sa kanya.
"Wala kang kasama dito? Where's my son?" tumayo ito at iginala ang mga mata sa buong lugar.
"Nasa trabaho po, umalis s'ya kahapon," nawawala na ang hiya sa katawan n'ya nang hindi nito sinasagot ang mga tanong n'ya. Ngayon ay seryoso ang mukha nitong nakatingin sa ginang.
Hindi naman ito nagpapakita ng di maganda sa kanya sadyang ayaw n'ya lang sa mga ganitong hindi s'ya sinasagot kapag nagtatanong. Kahit gawain n'ya naman.
"He must be really busy, knowing the fact na s'ya ang may hawak sa pinakamalaking kaso sa bansa ngayon, nakakatulog ba s'ya ng maayos? Nakakakain sa tamang oras? Dito ka ba nakatira?" baling nito sa kanya.
Mabilis s'yang umiling at sumagot, "hindi po."
Nag buntong hininga ang ginang. "I am Marife San Diego, Earl's mom. Balak ko sana s'yang surprisahin kaya hindi ako nagpasabi na darating ako," nakangiting sabi nito at naglahad ng kamay.
Tiningnan n'ya ang kamay nitong nasa harapan n'ya at binalik ang tingin sa mga mata ginang. Bahagyang umiling ang ulo nito at tumaas ang kilay. Napangiti s'yang tinanggap ang kamay nito.
Wala pa syang hugas ng kamay, walang hilamos, walang gargle, walang toothbrush. Wala naman s'yang morning breath pero baka amoy alak s'ya.
"Jaq po, Jaq Eldefonso. Hindi ko po inasahan na darating kayo ngayon kaya dumiretso po ako dito kagabi. Gusto n'yo po, ipagluto ko muna kayo para may pagkain kayo dito bago ako umalis?" tanong n'ya dito at naglakad palapit sa ref. "Ano pong gusto n'yo?" tanong n'ya dito habang iginagala ang mga mata sa laman ng ref.
Kaka grocery n'ya lang naman kahapon kaya marami pa itong laman.
"That's organized, ikaw ba ang gumawa n'yan?" tanong nito sa likuran n'ya. Hindi man n'ya ito lingunin alam n'yang ang laman ng ref ang tinutukoy nito.
Tumango s'ya dito bilang sagot. "Busy na po kasi si Earl, wala na po s'yang oras para mag grocery kaya ako nalang ang gumawa," aniya
"And you're not his girlfriend?" nakangising tanong nito.
"Hindi po."
"Hindi mo s'ya gusto?"
"Po?"
"Wala pa s'yang pinapakilalang babae sa 'kin. At alam ko rin ang status n'ya sa mga babae noon, pero kahit kailan hindi s'ya nagdala ng mga babae dito sa bahay n'ya. May mga nireto ako sa kanyang mga anak ng amiga ko pero ang sabi nila, hindi sila niyaya ng anak ko dito. Though, alam nila kung saan s'ya nakatira," mahabang sabi nito at agad pumasok sa isip n'ya ang kaluluwa ni Annie.
"Gaya po ni Annie?" di n'ya napigilang lumabas sa bibig n'ya. Nakita n'ya kung paano nanlaki ang mga mata nito at agad s'yang hinawakan sa kamay ay pina-upo sa upuang nasa dining.
"You met her?" agad na tanong nito. "Silly question, of course! You met her, sumusulpot 'yon kung nasaan ang anak ko. That b*tch!"
Gusto n'yang matawa sa sinabi nito pero mas pinili n'yang 'wag lumabas ang tawa. Para itong biglang napaso nang marinig ang pangalang Annie.
"Nagpunta po s'ya dito, dalawang beses na kaming nag pang-abot," pag kukwento n'ya dito ng totoo.
"What? Oh! I have to talk to the management of this building! Hindi pwedeng nakakabuntot pa rin s'ya sa anak ko. That rebel Ayala! Wala naman s'yang maipagmamalaki, kung hindi nga lang anak ni Senator Ayala ay baka sa eskwater pupulutin ang babaeng 'yon," mataray na sabi nito na tila ba na stress na stress.
Tumayo s'ya para ikuha ito ng malamig ng tubig na agad naman nitong tinanggap ng maiabot n'ya. Really? Gan'to ka cool ang nanay mo Major?
"Maganda naman po si Annie," maganda naman talaga malansa lang kaya di na worth it ang ganda. Judgemental na sige, pero totoo naman eh.
"Heh! Don't say bad words hija, 'wag kang pumayag na mas maganda s'ya sa 'yo. You're freak*ng beautiful and I like you na," malaking ngisi ang sumilay sa labi nito kaya napangiwi s'ya. "Ang sabi mo kanina ipagluluto mo 'ko?" tanong pa nito at kusang lumapit sa ref at inilabas ang mga sangkap ng pang kare-kare. "Cook, pero hindi ka aalis pagkatapos,"
Napa-smirked s'ya sa isip. Piece of cake, madam.
"Sasabihin ko po kay Earl-----"
"Don't, don't tell him that I'm here, da-dalhan natin s'ya ng pagkain, we'll surprise your boyfriend,"
Natulala s'ya sa sinabi nito at lalo na nang umakto itong kinikilig. Maganda ito, oo, sophisticated, at halatang may pinag-aralan at class pero ang sagwa pala talaga kapag may edad na ang umakto ng gano'n.
"Hindi ko po s'ya ----"
"Whatever, just cook!"