Chapter 24

2906 Words
Chapter 24 "Yaaaaaah! Congratulations to us! Ang galing-galing natin!" masiglang sigaw ni Lyka at nagtatatalon sa tuwa nang matapos ang defense nila at sabihin sa kanila ang salitang 'pass'. "I'm so proud to us guys, Jaq, ang galing mo, di naman halatang ikaw lang ang matalino dito di ba? Nakakasagot naman kami 'no?" dahil sa sinabi ni Demi na nagpatawa sa kanilang mga babae ay nakatanggap ito ng pagbatok mula kay Casper. "Alam ko namang bobo kayong dalawa ni Lyka pero 'wag n'yo na akong i-damay," pag rereklamo ng huli. Walang pasabi itong dinumog ng dalawang babae habang si Jaq ay busy naman sa aasikaso ng mga soft copies ng research nila na kailangang maipasa sa panelists nila within 30 minutes. Gaya ng dati, hindi s'ya sumali sa kalokohan ng mga kasama n'ya. Nandito lang sila sa bahay ni Casper at hanggang ngayon ay hindi pa rin naman umuuwi ang mga magulang ng binata kaya sa kanila ang buong mansyon. Si Annie ay hindi daw talaga 'yon pumupunta dito nang wala ang ama. Alam ng lahat na anak ito ni Senador Ayala kaya kahit sakit ito sa ulo at kahihiyan ng buong angkan ay hindi ito tinanggalan ng karapatan bilang isang Ayala, alang-alang sa pangalan. Si Casper, 21. Si Demi 20 at si Lyka din 21, so kanilang apat s'ya ang pinakamatanda since 23 na s'ya. Habang busy ang tatlo sa pag re-wrestling at habang nakaharap pa s'ya sa laptop ay naisipan n'yang mag log in sa f******k para tingnan kung activated na ulit ang account ng kaibigang si Kara ngunit bigo s'ya. Wala pa ring makikitang Kara Bautista at ang last conversation nila, wala na din. "Ano ba 'yan Jaq! Ang saya-saya namin oh, tapos ikaw mag bubuntong hininga ka d'yan? Ng ganyan kalalim?" irap na sabi sa kanya ni Lyka at umakbay pa nga ito. "Oy anong mayroon?" singit naman sa kanila ni Demi kaya ngayon nakatayo ang dalawa sa magkabilaang gilid n'ya at nakapatong ang parehong braso ng mga ito sa balikat n'ya. Sinulyapan n'ya si Casper at nakita n'ya itong nakahiga sa tiles at tahimik na nakatingin sa malaking chandelier na nakasabit. "Si Jaq, narinig kong nagbuntong hininga, di ka ba masaya? Pasado tayo 'no," sabi ni Lyka kaya tumawa s'ya ng mahina. "Ano ba kayo, masaya syempre, pinaghirapan natin to, tsaka road to graduation na nga eh, sino ang hindi magiging masaya n'yan?," natatawang sambit n'ya. Nakakunot noo ang dalawang 'to na nakaharap sa kanya na para bang 'di kapani-paniwala ang sinabi n'ya. "May naisip lang ako," paglilinaw n'ya. "Sige na nga 'di na kami magtatanong — hoy! Anong ginagawa mo d'yan Casper? Nababaliw ka na? Kinain na ng lamig ng tiles 'yang utak mo? Di ka na makagalaw?" natatawang sambit ni Demi sa kanina pang nakahandusay na si Casper. Agad tumama sa kanila ang matutulis na tingin ng binata kaya sabay silang humalakhak. "Nagugutom na 'ko, ano kayang food, Casper?" biglang sabi ni Lyka. "Ako ba taga luto?" pambabara naman ng lalake dito. "Aba----" "Kung gusto mong malaman ang grades mo, saan ka magtatanong? Sa police oh sa teacher mo? Di ba sa teacher mo? Kaya kung gusto mo malaman kung ano ang pagkain, 'wag ka sa gwapo magtanong do'n sa kusinero," walang modong sabi ng binata kaya mabilis silang pumulot ng tig-iisang sofa pillow at binato nila dito. "Napaka walang kwenta mo talaga kausap! Dapat di ka na namin sinali kanina! Di ka naman narinig magsalita, nag pa cute ka lang sa camera!" gigil na sabi ni Demi at pinagbabato pa ulit ng unan. "Oy! Teka! Teka, ayaw ko na! Sumasali na si Jaq! Ayaw ko na! Ma pwersa ang mga pag bato------ teka hoy!" pinulot nito ang isang unan at ginawang panangga. Pero dahil ma pwersa nga ang pag bato n'ya ay nabitawan nito ang hawak na unan. Nagtawanan silang mga babae nang bigla itong tumakbo sa hagdan paakyat at narinig nalang nila ang kalabog ng pagsara ng pinto. "Haaay, napagod ako," reklamo ni Demi at pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay. Pareho n'yang tiningnan ang dalawa na ngayon ay naupong magkatabi sa sofa at nag-uusap. Mga anak mayayaman, mga anak na binibigyan ng lahat, mga anak na nakukuha ang lahat, mga anak na di kailanman nag hirap. Napaka swerte ng mga 'to, may mga magulang na gumabay, gumagabay hanggang ngayon. Maraming pera habang hindi pa naman nag papagod sa pagkita ng pera. May mga kaibigan na nandyan palagi sa tabi nila, mga kaibigang walang reklamo at mga kaibigang handang madamay sa gulo ng buhay ng isa, matulongan lang nila. Naiinggit s'ya, aminado s'ya doon. Si Kara lang ang naging kaibigan n'ya pero iniwan din s'ya nito, nagpaalam pero naglaho nang walang pasabi. Ngayon, mag-isa nalang ulit s'ya, may Earl, pero alam n'ya kung hanggang saan lang ito. Dito sa mundo, hindi mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo. Minsan, 'yong mga taong akala mo hindi ka tatalikuran, 'yong mga taong akala mo hindi ka iiwan, 'yong mga taong akala mo poprotekta sa 'yo, hindi minsan, kasi madalas, madalas sila ang dahilan ng pagkamatay mo. Hindi mo kailangang maawa, ang kailangan mo ay lumaban, lalo kung mag-isa ka lang naman. Pero ang tatlong 'to, they got each other's back. Walang pagdadalawang isip na hayaan sina Demi at Lyka dito kasama si Casper knowing na may death threat si Casper from the very famous, JADE. Ang mga magulang nito mismo ang nagsabing manatili muna sila dito. Gano'n sila pinagkakatiwalaan ng mga magulang nila. "Kailan pa kaya tayo makakalabas? Nabobored na ako dito eh," naka pout na sabi ni Demi na sinang-ayunan ni Lyka. "Oo nga ako din, nakakabagot pala pag nasa loob ka lang ng bahay 24/7. Jaq, pakitanong naman si Kuya Earl baka naman pwede na kaming lumabas," pakikiusap nito sa kanya at magkatapat pa ang dalawa nitong palad na nakadikit sa nguso. "Kahit may bodyguards, no problem, basta makalabas lang, like shopping and everything," excited na sabi nito. "Kausapin n'yo muna ang parents n'yo. I'm sure si Earl, hindi s'ya mag de-decide n'yan ang parents n'yo pa rin. Si Casper, tanungin n'yo rin s'ya," sagot n'ya sa mga 'to. Parehong humaba ang mga nguso ng dalawa. "Bakit ba kasi ang dulas ng JADE na 'yan? Bakit ba 'yan nabuhay? Bakit ba 'yan hindi mahuli-huli! Bakit ba hindi 'yan magkasakit ng malubha tapos mamatay na agad," padabog na sabi ni Demi at literal na idinabog ang unang hawak nito. "Wag muna s'ya mamatay masyadong madali ang kamatayan para sa kanya. Kailangan n'yang pagdusahan ang lahat ng kasalanan n'ya. Kailangan n'yang pagbayaran sa batas ang ginawa n'ya. Kailangang mabigyan ng hustisya ang lahat ng biktima. Kung ako ang masusunod, death penalty pero kapag matanda na s'ya at sa harap ng publiko. Live!" seryosong sabi ni Lyka. Walang imik si Jaq na nakikinig sa dalawa tungkol sa mga sinasabi nito. Nakatuon ang atensyon n'ya sa mga 'to kaya lahat ng lumalabas sa bibig ng dalawa ay tumatatak sa isip n'ya. Bawat salita at bawat emosyon. Sabay silang napalingon sa taas dahil sa ingay ng tsinelas na bumababa ng hagdan at nakita nila ang kakaligo lang na si Casper. "Bakit ang tahimik n'yo? Para naman kayong binagsakan ng langit," komento nila sa kanilang tatlo na seryosong nakaupo lang sa sofa. Magkatabi sina Demi at Lyka habang s'ya ay nakaupo sa pang-isahan na madalas n'yang inuukopa kapag nandito s'ya. "Na bobore na kasi kami Cas, baka pwede na tayong lumabas," pakiki-usap ni Lyka sa binata. Agad naging seryoso ang mukha ni Casper at tumingin sa malayo saka nag buntong hininga. "Gusto na ring lumabas, pero natatakot ako para sa inyo. Alam n'yo na ako ang pakay ni JADE sa 'ting lahat. Sigurado din ako sa mga oras na 'to or baka matagal na, alam na ng kriminal na 'yon na malapit kayo sa 'kin, pwede n'ya kayong gamitin para palabasin ako," mahabang litanya nito. Tumango ang dalawa bilang naintindihan nila ang sinabi ng binata pero determinado ang mga ito. "We can have a bodyguards, kung ilan ang ibibigay nila, go! Basta makalabas lang tayo. Kahit may curfew, fine," pagpupumilit ni Demi. Talagang magkasundo ang dalawang 'to pareho ang galaw ng mga utak. "Teka guys, look at your phone reminder," biglang excited na sabi ni Lyka. Kumunot lang ang noo ni Jaq dahil wala s'yang naintindihan pero sina Demi at Casper ay parehong ginawa ang sinabi ng kaibigan at sabay nanlaki ang mga mata. Napasigaw ang dalawang babae at nagtatalon habang magkayakap dahil sa tuwa habang si Casper naman ay umigting ang panga pagkatapos tingnan ang cellphone. "Bakit naman ganyan ang mukha mo? Dapat masaya ka!" sabi ni Lyka lay Casper na sinamahan pa ng paghampas ng unan. "I'm one hundred percent sure na papayagan tayo ng parents natin Demiiii and of course, you, Casper, you have to be there, hindi ka pwedeng mawala sa gabing 'yan no, that's your family tradition," mahabang sabi nito at umakbay sa binatang seryoso ang mukha. Napatingin sa kanya si Demi at nahalata siguro nito na wala s'yang naiintindihan kaya tumawa ito. "Oh my God! I'm so sorry, Jaq. Ahm, in 2 weeks kasi magaganap na ang family thanksgiving party ng family ni Casper, every year 'yon, you can actually join, we'll surely have fun there," Demi giggled at sumali sa pag-akbay kay Casper. "Delikado 'yan Demi, maraming tao," angal kaagad ni Casper. "Ano ka ba! Hindi naman hahayaan ng Daddy mo 'yan. Well, di pa naman sure kung may party nga pero kung mayroon man, hindi hahayaan nang dad mo na maluwag ang security, of course," Demi argued. "Pero possible rin na wala ngang party this year. Pagkatapos ng nangyari sa tatay ni ate Lizie na si congressman, possibleng i-consider nila 'yon at hindi na mag pa-party. Malaking dagok sa pamilya nila 'yon tapos do'n pa sa hinahanap ni JADE si Casper," biglang napaisip sina Demi at Casper sa sinabi ni Lyka at nang makuha ang ibig nitong sabihin ay parehong tumango ang dalawa. "Naisip ko lang, paano kung hindi naman pala ikaw ang hinahanap Cas? Ang sabi kamo, anak ni senator Ayala? Hindi lang naman ikaw ang anak ni tito Solomon, pwede rin na si Annie ang tinutukoy," biglang sabi ni Demi kaya napatingin si Casper dito at umiling. "Dyos ko, sana nga 'no!" irap na sabi ni Lyka kaya nakatanggap nang pagbatok galing sa binata. "Basher ka talaga," anito, "pero sa school s'ya nagpunta, wala naman do'n si Annie, ako lang ang Ayala sa SCU, ako lang ang anak ni senator Ayala" paliwanag n'ya. "Hindi natin sure, baka hindi n'ya alam na hindi naman talaga nag-aaral ang rebelde mong kapatid? Baka akala n'ya studyante pa kasi wala namang balita na grumadweyt 'yon?" paninindigan ni Demi sa sinabi nito. "Alam mo Demi may point ka at gusto kong isipin na possibleng ganyan nga ang situation, pero may point din ang sinabi ni Casper at ayaw kong isipin kung sino sa inyong dalawa ang tama, ang isipin nalang natin ay possibleng si Casper nga ang tinutukoy na anak ni senator Ayala para hindi tayo makampante," pag-angala ni Lyka sa sinabi ni Demi na ikinatawa ni Casper. Sumama naman ang timpla ng mukha ni Demi at agad kinontra si Lyka. "Gusto ko lang naman pagaanin ang situation no, naghahanap lang naman ako ng pwedeng pagbalingan, nag agree ka pa na baka si Annie ang hinahanap tapos ngayon babarahin mo ang sinabi ko?" pagtataray ni Demi sa kaibigan. "Aalis nalang ako, hindi ako maka relate," natatawang sabi n'ya. Agad nanlaki ang mga mata ng mga babae at tumayo para lapitan s'ya habang si Casper ay napangiti lang. "Aahw Jaq, sorry naaaa. Basta pag natuloy ang thanksgiving party, sama ka ha? Laging uma-attend si Kuya Earl at palagi s'yang walang date, kaya pag nasa party na parang tukong kumakapit sa kanya ang malansang kapatid ni Casper, kaya this time, para naman good mood si kuya Earl dahil laging nakakatakot ang mukha n'ya every gano'ng event," pangungumbinse sa kanya ni Lyka at hinimas ang likod ng kamay n'ya. "I second the motion, kami na ang bahala sa gown mo, sa shoes, make up and everything, maging date ka lang ni kuya Earl, for sure matutuwa sa 'yo ang parents n'ya," dagdag pa ni Demi. "Pwede ba, tantanan n'yo nga si Jaq baka dahil sa kakulitan n'yong dalawa hindi pa s'ya sumama. Kain na nga lang tayo, di ba nagugutom ka na Lyka?" pananaway ni Casper pero hindi s'ya pinansin ng dalawang babae kaya ito na mismo ang kusang lumapit at hinila ang mga ito gamit ang buhok. "Son of a b*tch! Bitawan mo 'ko! Animal! Casper ano ba!" "Aray! Masakit! F*ck you Ayala! Get off my hair!" Napuno at umeecho ang mga pagmumura ng dalawa nang hilahin ni Casper ang dalawa nang nakatihaya sa sahig. "Malinis na ang sahig Casper, 'wag ka na muna mag pa mop," biro ni Jaq kaya agad na lumutang sa ere ang tig-dadalawang middle finger ng mga dalaga na ikinatawa n'ya. "Grabe! Ang bibigat n'yo! Mag papayat nga kayo, ang tataba n'yo na," naka pamewang na reklamo ni Casper nang bitawan ang dalawa pag dating sa may dining. Agad itong sinugod ng dalawang babae kaya napasandal sa dingding at napaupo sa sahig. "H-hoy teka....., kakaligo ko lang madudumihan ako!" sigaw ni Casper mula sa ilalim. Nang dumating ang pagkain nilang inihain ng mga kasambahay nila Casper ay busy pa silang tatlo kaya walang pasabing naupo si Jaq at nagsimulang kumain para inisin pa lalo ang mga ito. Sinadya n'yang ibangga ang kutsara sa babasaging pinggan para magbigay ng ingay and tadaaa...., nakuha na nga n'ya ang atensyon ng mga ito at agad iniwan ang lukot na parang sisiw na si Casper. "Kaya ka ba tahimik lang Jaq kasi mas gutom ka kaysa sa 'kin?" nakangising tanong sa kanya ni Lyka. "Hindi naman, hindi lang kasi mga ganyang laro ang hilig ko," aniya habang ngumunguya ng manok. "Ano bang hilig mo? Wala pa ata kaming alam tungkol sa mga hobbies mo, mag kwento ka kaya," sambit ni Demi. "Oo nga," pagsang-ayon naman ni Casper. Napatawa s'ya ng mahina ng belatan ni Demi ang binata. Si Lyka ay tuloy lang sa pagkain. "Wala naman masyado, taong bahay lang ako eh," simpleng sagot n'ya. "Bakit? Di ka ba nakikipag date?" lumingon s'ya kay Casper nang tanungin s'ya nito. Pero bago pa man may lumabas na salita sa bibig n'ya ay naunahan na s'yang magsalita ni Demi. "Bakit mo tinatanong? Type mo ba si Jaq? Sorry ka nalang, wala kang panama kay Kuya Earl no, dumi ka lang sa kuko no'n," pambabara ng dalaga. "Ikaw napaka daldal mo! Anong type? Oo nga at maganda si Jaq, totoo n'yan s'ya ang pinakamagandang babae na nakilala ko pero hindi ako na aattract sa mga mas matatanda sa 'kin," dependa naman ni Casper. "Mukha na ba akong matanda para sa 'yo, Casper?" pagbibirong tanong n'ya dito. "Ha? Syempre hindi, ibig kong sabihin----" "Oooh wag ka nang magpaliwanag, sinabi mo na eh, pero kung makasabi kang si Jaq ang pinakamaganda parang di mo kami kilala ah," maangas na sabi ni Demi kaya kumunot ang noo ni Casper dito. "Anong kinalaman n'yo sa salitang maganda? Di naman kayo magaganda," asar pa lalo ni Casper dito kaya ang tahimik lang na kumakaing si Lyka ay masama ang tingin sa binata. "Alam mo talo mo pa ang babae, ang ingay mo. Umamin ka nga Cas, bakla ka ba? Tanggap ka pa rin namin eh. Look, hindi ka pa nagkakaroon ng girlfriend ever. Kung may nirereto kami sa 'yo ayaw mo, pogi din ba gusto mo?" seryosong tanong ni Lyka na animo'y naghihintay din talaga ng matinong sagot. Napainom ng tubig si Casper dahil sa tanong ng kaibigan. Si Demi naman ay sumeryoso ang mukhang nakatitig kay dito. "Ano bang pinagsasabi mo? Di naman panis 'yang kinakain mo pero bakit parang nasira utak mo?" inis na balik ng binata. "Eh hindi ka pa kasi nag ka jowa eh!" pamimilit ni Lyka. "Wag mo na ngang pilitin, Likes. One day, aamin din 'yan na pogi ang gusto n'yan or baka di pa s'ya sure kung ano talaga ang gusto n'ya," gatong ni Demi sa sinasabi ni Lyka. Agad umasim ang mukha ng binata at masamang tingin ang ipinukol kay Demi. "May gusto akong babae," walang pasabing pag-amin ng binata kaya parehong naubo ang dalawa. S'ya naman ay tahimik lang na kumakain at pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga kasama. Si Casper na nakatitig kay Demi at si Demi na seryosong nakatingin sa kinakain matapos makabawi sa gulat sa sinabi ng binata habang si Lyka malawak ang ngiti at nakatingin kay Casper na parang bang nanalo. "Totoo? As in legit na babae? May boobs, may, you know, hindi plastic? Hindi binabae? Talagang babae? Sa SCU din ba nag-aaral? Classmate ba natin 'yan? Teka, I'm interested. Gusto kong mapatunayan na mali ang iniisip kong bakla ka," umayos ito ng upo na para bang nag iinterogate ng isang suspect. "Tapusin mo kinakain mo, ang dami mong tanong," sagot ng binata dito. Humaba ang nguso ni Lyka at bumalik ang mga mata sa pagkain nitong nasa pinggan. "Ikaw, Dems, may idea ka ba kung sino ang tinutukoy ni Casper?" tanong ni Lyka sa katabi. Napangiti si Jaq nang seryosong nakatingin si Casper kay Demi at si Demi naman ay ngumiti ng tipid sa tanong ni Lyka at umiling lang saka bumalik sa pagkain. "Ako parang alam ko," pag singit n'ya sa usapan. Inabot n'ya ang baso n'yang di pa nababawasan ang tubig sa nabulonang si Casper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD