Chapter 23

2343 Words
"What a coincidence," sarcastic na sabi Annie nang magkasalubong sila sa grocery store na nasa baba ng unit ni Earl. Napag-usapan nila ng binata na dito s'ya matutulog dahil uuwi ito at dahil wala na ngang laman ang ref nito ay naisipan n'yang bumaba para mamili. Pero mukhang stress pa yata ang mauuwi n'ya hindi goods. "Dito ka na ba nakatira?" dagdag pa nito habang nakataas ang kilay at pinasadahan s'ya mula ulo hanggang paa. This b***h is really getting into her nerves. "Yes," tipid na sagot n'ya na nagpawala sa mala demonyo nitong ngiti na kanina pa nakaplaster sa mga labi. Tatalikuran n'ya na sana ito nang magsalita na naman kaya hinarap n'ya ulit. Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging eskandalosa ng babaeng 'to. Eskandalosa na nga manamit, eskandalosa pa ang ugali. Sure naman s'yang 'di ito pinanganak sa palengke pero napaka palengkera. Kapatid ba talaga ni Casper ang isang 'to? Kahihiyan sa buong angkan ang klase ng malandeng 'to eh. Sabagay, sabi nga ng mga mas nakakakilala dito eh may pinagmanahan naman talaga. "Earl won't choose a cheap girl like you," mataray at maarteng sabi nito and for the nth time, pinasadahan na naman nito ang kabuuan n'ya habang naka locked ang mga braso nito sa dibdib na lumuluwa na. "Subukan mo ngang magtanong sa mga tao dito kung sinong cheap sa ating dalawa nang matauhan ka, masyado ka nang nagiging delusional," aniya saka tuloyan na itong tinalikuran. Napapailing s'yang isipin kung paano ito natatagalan ng mga kaibigan. Well, kung titingnan din naman kasi ang mga kaibigan nito wala namang pinag-kaiba. Tsk, may kasabihan nga palang, 'bitches that like each other are like summers, no class'. Nailagay na n'ya lahat sa cart ang mga gusto n'yang bilhin pero talaga nga yatang kakambal ng araw na 'to ang salitang kamalasan. Nasa likuran n'ya lang naman ang maharot na kapatid ni Casper. "Ano bang special sa 'yo at pinansin ka ni Earl? Hindi isang kagaya mo ang tipo n'ya, you know what, just a piece of advise, you better stay away from him na- habang maaga pa, you know, he would actually end up with me," confident na sabi nito. Hindi marunong manalamin, hindi nakikita ang sarili.  Hindi n'ya ito pinansin nang s'ya na nga ang sasalang sa counter at nang matapos ay dire-diresto s'yang lumabas dito. Binigay n'ya ang unit number sa delivery area na maghahatid ng mga pinamili n'ya sa taas. Wala pang limang minuto s'yang nakarating sa taas ay agad may nag doorbell and to her surprise hindi ito ang mga pinamili n'ya. Magsasalita palang sana s'ya para tanungin kung ano ang ginagawa nito dito ay walang pasabi s'ya nitong itinulak at pumasok ng walang paalam. At syempre hindi n'ya ito hinayaang makapasok ng tuloyan. Mabilis n'yang nahawakan ang mahaba nitong buhok at hinila palabas. "A-aray! You b***h! Let go of my hair!" galit nitong sabi habang nakatingala. "Sino ba ang nagsabi sa 'yong pwede kang pumasok?" asik n'ya dito at sinara ang pinto, ngayon, nasa hallway sila. Inirapan s'ya nito saka iwinaksi pa tabi at sinubukang itulak ang pinto para mabuksan at nanlaki ang mga mata nitong bumaling sa kanya nang ma realize nitong naka locked na nga hindi nito nabuksan. "You know what, b***h? You're so epal! Pwede ba! Open this door!" eksaheradang nitong utos sa kanya. "Hindi mo 'to bahay so stop acting like a boss here!" dagdag pa nito. "Hindi ko nga 'yan bahay kaya hindi kita papapasukin, kung gusto mo, hintayin natin ang may-ari ng bahay na 'yan na dumating tapos mag paalam ka kung papapasukin ka," pang-asar na sabi n'ya. "Hindi pa rin ba malinaw sa 'yo ang sinabi ko? Pinaglalaruan ka lang ni Earl, you're just a past time toy," maarteng sabi nito na ikinatawa n'ya ng mahina. "Hindi, hindi kasi ako ikaw," asar n'ya pa ulit dito.  Mabilis na lumipad sa ere ang kamay nito para sampalin s'ya pero mas mabilis pa sa alas kwatro n'yang nahuli ang braso nito. Seryoso at diretso sa mata n'ya itong tiningnan. Walang buhay s'yang nakatingin dito at kitang-kita n'ya ang paglunok nito. "Get of me..." pagpupumilit nitong mabawi ang braso sa mahigpit na pagkakahawak n'ya. "Sa tingin mo talaga kaya mo 'ko?" seryosong sabi n'ya saka pabagsak na binitawan ang braso nito. "What's happening here?" biglang sulpot ng kilala n'yang boses. Hindi n'ya ito nilingon at nakatitig lang sa nag-iinarteng si Annie. Mabilis nitong tiningnan ang bagong dating at agad umiyak saka tumakbo papunta dito. Agad umikot ang mga mata n'ya sa hangin. Seryoso s'yang tumingin sa mga 'to habang si Earl ay nakatingin sa kanya na pilit sinasangga ang mga paghawak ni Annie dito. "My gosh Earl! Bakit ka nagpapapunta ng eskandalosang babae dito sa penthouse mo, look at my arm," maarteng sabi nito at pinakita ang namumula nitong braso. Madiin ang pagkahawak n'ya dito at alam n'yang makikita 'yon, at nakita nga 'yon ng binata pero wala naman s'yang pakialam. Hindi s'ya katulad ng mga bida sa pelikula na magugulat sa gagawing pag acting ng kontrabida at magpapaliwanag sa lalake. Nung ka! "Can you just leave, Annie?" dinig s'yang sabi ni Earl nang buksan n'ya ang pinto at pumasok sa loob sumunod sa kanya ang binata at parang tuko namang kumapit si Annie kay Earl. "What? Bakit hindi s'ya ang paalisin mo? Earl, dad and tito George wants us together, you know that! Can't you see? We're made for each other," malanding sabi ni Annie. Sarkastiko s'yang natawa kaya napatingin sa kanya ang dalawa. Kitang-kita n'ya sa mga ng binata kung paano nito kinukontra ang sinasabi ng babae. "Annie, sige na, umalis ka na habang hindi pa ako nagagalit, please. I didn't invite you here, you're not supposed to be here." Kalmado ngunit madiing sabi ng binata. Tinalikuran n'ya ang dalawa nang dumating ang mga pinamili n'ya. "Bakit ang tagal?" medyo mataray na sabi n'ya agad n'yang nabasa ang takot ng delivery man. "Sorry po ma'am, may mga dinaan pa po kasi ako sa ibabang unit," paghingi nito ng paumanhin. "You can go now, ako na ang bahala sa mga 'yan," singit ni Earl kaya tumango ang delivery man. Binuhat n'ya ang dalawang eco bag na kaya n'ya namang buhatin habang ang binata ay binuhat ang malaking cartoon. Hindi s'ya nakapasok nang biglang tumayo sa harapan n'ya si Annie para harangin s'ya. "Bakit hindi ka pa aalis? Jaq, we need privacy," nakataas kilay na sabi nito sa kanya. "Tanungin mo si Earl kung sino sa ating dalawa ang gusto n'yang umalis," hamon n'ya dito kaya bumaba ang kilay nito at naningkit ang mga mata. "Alam mo matapang ka, matapang ka pa rin kaya kung sasabihin ko sayong------" "Annie can you just shut the f*ck up?! Kung ano-ano sinasabi mo wala namang katotohanan. Umalis ka na dito habang tao pa kitang kinakausap!" pagalit na sabi ni Earl kaya nakuha n'ya ang pagkakataong makapasok sa loob. Bago s'ya dumiretso sa kusina ay sinulyapan n'ya pa muna ang babae na halos maiyak na at parang naging maamong malandeng tupa. Hindi na s'ya lumabas pa mula sa kusina dahil wala naman s'yang kukunin do'n. Inihanda n'ya nalang ang mga sangkap ng lulutuin n'yang sinigang. Habang naghihiwa ay agad may matigas na brasong pumulupot sa bewang n'ya mula sa likuran. "I'm sorry," dinig n'yang sabi nito. Ngumiti s'ya kahit hindi naman nito makikita. "Hindi ko alam na pupunta s'ya, at-- at 'yong mga sinabi n'ya walang totoo sa lahat ng 'yon, babe please, believe me," Umikot s'ya para humarap dito nang marinig ang pagsusumamo ng boses nito. Hinawakan n'ya ang mukha nito at tiningnan ito sa mga mata. "Sino ba ang nagsabi sa 'yong naniniwala ako sa kanya?" natatawang sabi n'ya agad nagliwanag ang mukha nito kaya bumalik na s'ya sa paghihiwa. "Talaga? Hindi ka naniniwala sa kanya?" pangugulit pa nito. Cute. "Oo nga, kung hindi ka nga dumating kanina balak ko na s'yang ihulog sa terrace eh, alam mo na, may allergy ako sa mga malalande, opps, sorry for the word," kumindat s'ya sa lalake na s'yang nagpangisi dito nang mas malapad. Walang pasabi s'ya nitong kinulong ng yakap at hinalikan sa noo. "Thank you so much. Don't worry, hindi s'ya gusto ni Dad for me," natatawang sabi nito. S'ya naman ay napangiti ng hilaw. Binalik n'ya ang atensyon sa niluluto. "Ano bang gusto ng daddy mo para sa 'yo?" tanong n'ya dito habang nakatalikod. Ramdam n'ya ang paghalik nito sa balikat n'ya pero hindi s'ya lumingon. "It's always feels like home everytime I see you in the kitchen, cooking for us," sabi nito habang nakapatong ang baba sa balikat n'ya at nakapulupot na naman ang mga braso sa bewang n'ya. "Do you consider meeting my family?" agad na tanong nito kaya halos mabitawan n'ya ang hawak na sandok. Kinalas n'ya ang yakap nito saka lumayo ng kaunti sa kumukulong sinigang. "Anong sabi mo?" pagkaklaro n'ya dito. Oo at naiisip n'ya ang tungkol sa pamilya ng binata pero hindi n'ya kailanman naisip na makilala ang mga ito. "Meet my family, I want you to meet my family," nakangiting sabi nito and she seems like, she lost words. "Don't you want to meet them?" nakakunot noong tanong nito. Ngumiti s'ya dito saka tumingin sa baba. "I think, meeting the family is like something serious," aniya. "We're serious, are we not?" "Of course! I mean, are you sure? Hindi naman ako naniwala sa sinabi ni Annie, alam ko namang hindi totoo ang lumabas sa bibig no'n," depensa n'ya. Seryosong nakatingin sa kanya ang binata at hindi n'ya alam pero na awkward s'ya bigla. Kinuha nito ang dalawang kamay n'ya saka masuyong pinisil. "Babe, chill. Hindi pa naman ngayon, hindi rin tomorrow. We can prepare for the day, okay? Don't pressure yourself, alright? Please breath," sabi nito at hinalikan s'ya sa noo. "Oh, teka 'yong niluluto," patarantang sabi n'ya saka kumalas sa mga bisig ng binata. "Ang bango," nakangiting sabi nito at kinakampay ang usok na nangaling sa lumalabas dito at sinisinghot. "Luto na yata 'to, kain na tayo," masigla n'yang sabi. Agad naman kumilos ang binata at inihanda ang ilang pinggan sa mesa. "Minsan nalang ako nakakakain ng masarap," natatawang sabi nito kaya napatingin s'ya dito. "Kamusta na pala ang kaso? May balita na ba?" kapakuwa'y tanong n'ya. Kitang-kita n'ya ang unti-unting pagkawala ng mga ngiti nito sa labi at ang pag seryoso ng mukha. "Wala pa, still working on it," seryosong sabi nito saka nag buntong-hininga. "I just want to breath, 'wag na natin pag-usapan 'yon. My team can put that JADE behind bars soon," dagdag pa nito at binigyan s'ya ng matamis na ngiti kaya napangiti na din s'ya. "Madalas ba si Annie mag punta dito?" "No! Of course not!" agap na sagot nito kaya tumaas ang kilay n'ya habang sumisimsim ng sabaw sa kutsara n'ya. "I mean, no, hindi s'ya nagpupunta dito, I never envited here to come here, wala pang nakapunta dito maliban sa 'yo and my parents of course," dagdag paliwanang nito. "Bakit alam n'ya ang exact unit number and floor mo?" pag-iimbistiga n'ya, wala naman talaga s'yang pakialam gusto n'ya lang malaman. "I don't know," kibit balikat na sagot ng binata. "Maybe, she's some kind of a – a stalker, I guess," nakangiwing sabi nito. "Kapatid pala s'ya ni Casper," wala sa sariling sabi n'ya. "Babe, why are we talking about her? Let's not talk about someone or something that doesn't have any business with us," saway nito sa kanya habang ngumunguya. "How was it?" tukoy n'ya sa kinakain nilang sinigang. "It's good, I mean, great! Kaibigan ka talaga ng kusina," pambobola nito. Tumawa nalang s'ya dahil maging s'ya ay nasarapan din naman sa luto n'ya. Pagkatapos nila kumain ay ang volunteer ang binatang s'ya na ang mag hugas pero dahil naka uniform ito hindi n'ya na pinayagan. Kapansin-pansin naman ang palaging pagsulyap nito sa suot na relong pambisig. Nanood lang sila pagkatapos pero habang nasa kalagitnaan ng pinapanood ay tumunog ang cellphone nito. Kaya tiningala n'ya ang binata na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa kanya. "It's fine, that's work, you can go," pangungumbinsi n'ya. "But----" "Go, pupunta nalang din muna ako sa bahay ko baka maisipan kong puntahan sila Demi," aniya para talagang ma convince. Nagtagal pa muna itong nakatitig sa kanya bago kumilos. "I'm sorry, I thought, I can stay here -----" "Don't worry, it's fine. Come on, hindi ka naman tatawagan kung hindi sobrang importante, baka kailangang-kailangan ka talaga doon. Sige na, break a leg, Major San Diego," pampalakas loob na sabi n'ya dito. Wala na itong nagawa at umalis na. S'ya naman ay inihanda ang sarili sa pag-uwi. Talagang nakatutok sila sa kaso ni JADE na halos hindi na makapag pahinga. Well, malaking halaga ang nasa ulo nito. Hindi biro ang 120 million para lang baliwalain nila. Pero sa kaso ni Earl, alam n'yang hindi ang milyones na patong nito sa ulo ang dahilan kung bakit n'ya ito tinututukan. Nang makababa s'ya sa parking lot ay agad s'yang sumakay sa sasakyan n'ya at minaubra ito. SERYOSO S'YANG nakatingin sa laptop n'ya na nasa account n'ya kung saan pumapasok ang mga request ng kliyente. 24 persons in line. Ito ang unang pagkakataon na i-o-off n'ya ang account. Tatapusin n'ya muna ang bente kwatrong 'yon at pagkatapos ay pag-iisipan n'ya kung magdadagdag. Magdadagdag s'ya possible 'yon pero tapusin n'ya muna ang mga mukhang narito na. Mas mataas ito sa halagang nasa ulo n'ya. Ang mga taong galit sa isa't-isa sa di n'ya malamang dahilan. Nakatingin s'ya sa salamin habang suot sa katawan ang itim na balabal na nagtatakip ng ulo n'ya hanggang paa. Isinuot n'ya ang maskara pagkatapos ay sinunod ang salamin. There, hello JADE. Pinitik n'ya ang daliri sa harap ng salamin saka tumalikod at pinuntahan ang motor n'yang nakahanda na. Mula sa paglabas n'ya sa bahay n'yang nasa ilalim ng lupa ay walang ilaw na umaaninag dito maliban sa binibigay ng motor n'ya. Pagdating sa highway ay wala ring ilaw. Tiningnan n'ya ang suot na smart watch na nagsisilbi n'ya ring compass. Naka lagay dito ang salitang south. "There you go, south!" sigaw n'ya at saka natawang mag-isa. Let's just end up two heads at a time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD