bc

Callous Indifference

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
drama
tragedy
mystery
first love
rebirth/reborn
crime
school
vampire's pet
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Seeing Rackhie's parents got arrested and the life she grew up on slowly fade because of things they didn't even do, it slowly shattered her heart. She seeks for the help of the late Mr. Mendoza but she found out he already passed. But his son, the celebrity guy, West Spencer Mendoza found her. After she found out he's a vampire, he locked her in a room causing her to face more dangerous path outside his family's old house.

What can you do if everyday you woke up everyone you love is dying in front of you?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
It all started that night... "RACKHIE SUN MENDIOLA!" Napatingin ako sa tumawag sa akin, naaninag ko kaagad ang mukha ni Sunny malapit sa dancefloor. Sumasayaw at nagbubunganga siya sa akin, 'di alintana ang tinginan ng mga tao rito sa loob ng bar. 'Yung totoo? hindi pa ba tinatamaan ng alak itong babaeng 'to? Birthday niya ngayon kaya nag-aya siya rito sa isang bar dito sa Clemente Global City. At ito siya ngayon, sayaw nang sayaw. Samantalang ako, nakatingin lang sa mga chikas na yumuyugyog ang hinaharap. Ang ganda, s**t. Maglalakad na sana ako para lapitan 'yung isang babae nang lumapit sa akin si Sunny dala-dala ang inis na inis na ekspresyon niya. Binatukan niya ako. Napa-pikit ako dahil literal na sumubsob ako sa hangin! Sinamaan ko agad siya ng tingin nang nagtaas ako ulit ng tingin sa kanya. Napahawak pa ako sa batok ko dahil ang sakit talaga no'n! "Puta," mura ko habang hinihimas ang batok ko. Seryoso talaga, masakit 'yung pagkaka-batok niya sa akin! "Hoy bakla, kanina pa kita tinatawag. Hindi mo manlang ako pinapansin? Ha?" Iritadong sabi niya habang nakakunot pa ang nuo sa akin. Nagcross-arms ako. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na lalaki ako? B-o-y. Boy. Ayan, ini-spell ko na ha. Baka naman pati boy hindi mo alam." Nawala ang pagkaka-kunot ng nuo niya pero inirapan naman niya ako sabay lagok ng isang shot ng Jack Daniel's. Sinamaan pa niya ako ng tingin nang maibaba na niya 'yung shot glass. "Ilang beses ko rin bang dapat ipaalala sa 'yo na babae ka? May kiki ka o." Tinuro niya pa ang gitna ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ano? Totoo naman eh." Sabi niya pa. "Bahala ka riyan, pagkatapos mo akong sabihan na bakla? Tss." "Gaga, alam mo ba 'yung sarcasm?" Iritado pa ang mukha niya nang itanong niya sa akin 'yon. Nag-makeface pa siya na pang hindi pa siya makapaniwala na hindi ko alam 'yon. "Buti na lang ni-reject kita. Hindi mo pala alam ang meaning ng sarcasm." Hindi na kami nakapag-usap nang matino nang tumunog ulit ang music at muling nagkislapan ang mga ilaw galing sa kung saan. Lumagok ulit ako ng tatlong shot glass ng Black Label. Sunod-sunod 'yon. Pang-17th shot ko na 'ata 'to shuta. Hindi ko alam. Pagkatapos noon ay sumayaw-sayaw na ako sa dance floor. Madaming nakikisayaw sa akin, karamihan, lalaki. Pero hindi ko naman sila pinapansin at nilalayuan ko na lang dahil mas gusto ko talaga sa babae. "Rackhie! Kanina ka pa namin hinahanap. Please tigilan mo na 'yan! Lasing ka na! Uuwi na tayo. Hinahanap na tayo nila Renzo sa labas ikaw na lang 'yung hinahanap namin." Tiningnan ko si Celine na kanina pa tili nang tili. Namamaos na rin ang boses niya at halatang lasing na rin siya. Hinawakan ko ang magkabilang-balikat niya, "Kayo ang nagsabi sa akin, kaya 'wag na muna tayong umalis. Cheers!" tinaas ko pa ang boteng hawak ko at tumawa-tawa kahit wala namang nakakatawa. "Atsaka hindi pa ako lasing, sumasayaw pa nga kami eh." "Oo nga." Sabi naman nung babaeng kasama kong sumayaw tapos muling giniling 'yung bewang. Inusod-usod niya pa 'yon sa pwesto ni Celine para umalis siya roon sa dance floor. Natampal ni Celine ang nuo. "Rackhie, babalik na tayo." Ulit niya pa 'saka kinuha ang kamay ko para hilain ako. "Kailangan tayo ni Wendy ngayon, may nangyari sa bahay nila." Pero tinanggal ko 'yon. "Celine. Mauna na kayo, ayoko pang umalis. Sabihin mo kay Wendy na hindi na ako magpapauto sa kanya. 'Yung babaeng 'yon talaga. Ilang milyong beses niya na tayong inaya sa bahay nila pero lagi namang hindi natutuloy. Nag-iinarte lang 'yan---" "Ah talaga? Edi maiwan ka rito mag-isa mo," Boses iyon ni Wendy mula sa likod ko. Namumula pa ang mata niya, halatang galing sa iyak niya. Kinuha niya ang kamay ni Celine at iniwan muli nila ako roon. Napabuntong-hininga na lang ako. Wala pang ilang minuto ang nakalipas ay pinagsisisihan ko na kaagad na hindi ako sumama kila Celine. At ang mas malala, mag-aaway na naman kami ulit ni Wendy. Nakahawak pa ako sa ulo ko. Hindi ko na talaga 'to kaya, s**t. Sana pala naniwala na lang ako kay Celine na lasing na talaga ako. Tanga ko talaga, shuta. "Rackhie, ikaw ba 'yan?" Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko roon ang isang pamilyar na lalaki. Hindi ko siya kilala pero alam kong taga-school namin siya kaya namumukhaan ko. "Sino ka?" Tanong ko. "Mukhang nakakaraming shot ka na ah. You look wasted. Pero sa bagay, sa lagay mo na yan? Malayong hindi ka pa malasing eh sobrang dami mo ng nainom. Pero sa bagay, hindi ka naman goddess mula sa Olympus para maging ganoon kataas ang tol sa alcohol e---" Hindi ko na talaga kaya. Nasuka na ako sa kanya. "Hey! Why did you--- What the hell," Natataranta na ang boses niya habang nakatingin sa tshirt niyang sinukahan ko. "Tangina, kung hindi lang talaga ako inutusan ng kuya mo na sunduin ka. Ah s**t! Ang mahal pa naman nito!" Agad siyang umalis sa harapan ko. Bumaba na rin ako sa dance floor dahil nagkalat na ang suka ko sa sahig at nagsisialisan na 'yung ilang tao roon dahil sa amoy na galing nga sa suka ko. Habang naglalakad ako ay biglang may nakabangga sa akin. "f*****g hell! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Galit na sigaw sa akin ng lalaking pagewang-gewang din kagaya ko. May hawak pa siyang baso sa kanang kamay habang hawak naman niya sa kaliwang kamay niya ang isang itim na panyo. Kahit paikot-ikot ang aking paningin ay natanaw ko pa ang gwapo niyang mukha. As in! Para siyang artista. Nakaka-inlove naman! Teka, anong sinabi ko? Nakaka-inlove? Puta, erase... erase, erase. Bakit ko ba sinabi 'yon?! "Ano? Gusto mo ng away?" Tanong niya sa akin kahit ang tingin niya ay nasa sahig na at pinupunasan na ang labi niyang mamula-mula. "Pwes, mali ka ng kinalaban." "Bakit? Gusto mo ng away? Tara sapakan. Pasalamat ka ang gwapo-gwapo mo kaya hindi kita pinapatulan," Sabi ko at lalagpasan ko na sana siya nang bigla akong dumulas. May suka pala roon! Pahulog na sana ako nang biglang may nakasalo sa akin. 'Yung pogi! Sinalo niya ako! At hindi lang 'yon, napakalapit pa ng mukha niya sa akin! Amoy na amoy ko ang matapang niyang pabango pero halatang mamahalin. Bumaba ang tingin ko sa ilong niya. Papunta sa namumula niyang labi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinawakan ko na 'yon. "Ang gwapo mo naman," Pero hindi ko inaasahan ang susunod na nangyari. Bigla niya akong binitawan kaya dire-diretso akong napaupo sa sahig. Sobrang sakit! Pinagtitinginan na kami ng mga tao rito sa loob. 'Yung iba ay pinagbubulungan na ako--- o 'yong lalaking sumalo sa akin kanina na may tinatawagan na sa phone niya ngayon. Tumayo na lang ako kahit umiikot-ikot na ang paningin ko dahil sa kalasingan. Hindi ko na talaga kaya, inaantok na ako. Gusto ko nang matulog! Kailangan kong maghanap ng kwarto dahil baka mamaya dito na lang ako magising bukas ng umaga. At dahil wala akong mahanap, lumabas na lang ako sa bar tapos naghanap ako ng masasakyan sa gilid ng kalsada. Ang daming nagka-catcall sa akin kahit na halatang tomboy naman ako dahil sa suot ko. Walang dumadaan sa harap ko kundi mga kotse lang. Nagtry akong makisakay pero walang pumapayag na pumasok ako sa mga kotse nila kaya napa-upo na lang ako sa malaking bato na nasa tabi ng kalsada. Gusto ko na lang umiyak, tangina. "Miss, mag-isa ka lang ba?" Tumaas ang tingin ko sa isang lalaki. Gwapo rin siya at nakatingin sa akin habang nakangiti. "Hindi. May kasama ako. Hinihintay ko lang sila rito kasi sabi nila parating na sila." Sabi ko atsaka muling inilagay ang tingin sa harapan ko. Baka kung sino 'tong lalaking 'to at ano ang gawin niya sa akin. "Hindi kita sasaktan, promise. Marami kasing gago rito eh. Baka kung saan ka dalhin." Sabi nito. "Atsaka, I'm studying Law. Hinding-hindi ako lalabag sa batas dahil lang maganda ka." Dagdag niya pa at tumawa. "Weh?" Umupo siya para makapantay ako. "Oo naman." "Saan mo naman ako dadalhin? Hindi ako sasama sa 'yo," Umupo siya para maging magkapantay kami. Nginitian niya ulit ako, mas malapad na ang ngiti niya. "Sa loob ulit. Nandoon pa kasi mga kaibigan ko, ihahatid ko kayo sabay-sabay sa kotse ko." Nagkamot siya ng gilid ng tenga. "Pwede mo ba akong tulungan? Mukha kasing malakas ka eh." Tanong niya pa at muling tumawa. "S-Siguraduhin mo lang na hindi mo ako dadalhin kung saan. Iitakin ka ng tatay ko." Banta ko at tumayo na. Tumayo na rin siya. "Sunod ka sa'kin," sabi niya at nagsimula na ulit maglakad. Bumalik nga kami sa loob. Tama nga siya, may mga kaibigan nga siya kaso puro lalaki nga lang--- hindi pala. May babae, dalawang babae sila. 'Yung isa girlfriend 'ata nitong lalaki tapos 'yung isa kaibigan niya naman tapos girlfriend nung kaibigan niyang hawak niya ngayon. Sinamaan pa ako ng tingin nung girlfriend niya habang hawak-hawak ang boyfriend niya. "Babe, chill. I'm just helping her. She's alone." Sabi sa kanya nung boyfriend niya at hinalikan siya sa pisngi. Nakainom na rin 'ata sila pero nakakatayo at nakakapaglakad pa nang maayos pero 'yung mga kaibigan nila. Hindi na. "Nasa'n si Ameer?" Tanong nung isang lalaki na hawak din ng girlfriend niya, inaalalayan. "Hindi ko alam. Tumawag siya sa akin kanina sabi magpapalamig lang daw. Pero lasing na yun, I'm sure. Halata sa boses eh." Sabi naman nung girlfriend niya. "Bakit ikaw 'yung tinawagan?" Tanong ulit nung lalaki sa kanya. Nagkibit-balikat lang 'yung babae. Kinalabit ko 'yung lalaking tutulong kuno sa akin. "Hindi pa ba tayo aalis?" Binigyan niya ako ng ngiti na parang nagso-sorry siya, "Wait lang, ah. Hahanapin lang namin 'yung kaibigan namin, nawawala kasi eh." Sabi niya pa at tumingin doon sa girlfriend niya. "Babe, hanapin natin si Ameer. Baka may makakita roon na paparazzi magka-issue na naman." Tiningnan niya muna ako bago siya tumango. "Sige." Tapos tumakbo na siya at hinanap 'yung Ameer daw 'ata 'yun. Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot 'yon. Mas lalong nanlalabo ang paningin ko. "Hindi pa ba siya nahahanap?" Tanong ko ulit. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin pabalik. "Oo." Sagot ko. "Ano ba itsura nung kaibigan mo? Baka nakita ko na." Umiling siya. "Maputi, light brown 'yung kulay ng mata, matangos din ilong niya tapos parang foreigner. Ganito siya katangkad," Itinaas niya ang kamay niya para ipakita kung gaano katangkad 'yung lalaki. Mas matangkad sa kanya. "Tapos may hawak lagi na itim na panyo." Dagdag pa niya. "Parang nakita ko..." Sabi ko habang nakahawak pa rin sa ulo kong hilong-hilo na. "Saan?" Tanong niya sa akin. Umaasang makikita na niya ang kaibigan niya. Ang tinutukoy niya 'ata ay 'yung nakabangga sa akin kanina tapos 'yung sinabihan kong pogi. Lagi raw may hawak na itim na panyo eh. "Hindi ko maalala eh..." Sagot ko. Bumuntong-hininga siya. "Okay lang 'yan." Sabi niya at tumingin sa paligid. "Dito ka lang ah. Tutulong lang ako sa girlfriend kong maghanap sa kaibigan namin. Para makaalis na tayo agad." Sabi niya at nginitian ako. Magsasalita pa sana ako nang makaalis na siya sa harapan ko. Muli akong napabuntong- hininga at napatingin sa mga kaibigan nilang nakaubo na roon sa baba ng upuan. Tatlo sila. 'Yung dalawang magshota tapos isa pang lalaki. At dahil inip na inip na ako, napagdesisyunan kong tumulong na rin sa paghahanap kahit na alam kong anumang oras ay matutumba na ako. Kailangan ko nang umuwi. Tumingin-tingin ako sa bawat gilid pero wala akong nakita kahit kamukha manlang nung lalaki. Hindi pa naman ako gaanong nakakalayo nang biglang may nagtakip sa ilong kong itim na panyo. Hindi na ako nakapalag dahil tuluyan nang bumigat ang talukap ng mata ko. Tuluyan nang nawala ang malay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.6K
bc

The Lone Alpha

read
125.9K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
623.0K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
11.3K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
831.5K
bc

Bad Boy Biker

read
8.9K
bc

The CEO'S Plaything

read
20.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook