01
Nakatay,,o kami at magkaharap habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Matalim ang tingin na kaniyang ipinupukol.
May takot na namumuo sa dibdib ko ngunit iwinaksi ko ito dahil nandito na ako sa pangarap ko.
"Ipinapangako ko sa loob ng simbahan na ito, sa harap ng mga tao na kahit kailan hindi ka magiging masaya. Ipinapangako ko na magdurusa ka sa piling ko. You will only know about pain and not happiness and love," sabi niya at bawat katagang ibinibigkas niya ay nanunuot sa bawat buto ng katawan ko.
Mabuti na lang at wala kaming gamit na microphone at hindi ko rin alam kung naririnig ng pari ang mga katagang binitawan niya as his vow.
"Ipinapangako na mamahalin kita ngayon at magpakailanman." I sincerely said.
Tumingin ako sa altar at may luhang tumakas mula sa aking mga mata habang nakatingin sa krus.
Mahal ko siya. Ipagkaloob ninyo ang puso niya sa akin at aalagaan at mamahalin ko nang buong puso.
Ibinalik ko ang aking mga mata sa lalaking mahal ko. Kitang-kita ko kung paano mag-alab ang apoy sa kaniyang mga mata.
Ngumiti ako sa kaniya sa kabila ng nararamdaman kong pagkadurog ng puso ko. The priest declared our union, and we sealed it with a kiss, which was dangerous to my heart. Humarap kami sa madla. Nandito ang ilan sa mga kilalang pamilya dito sa bansa, ang mga taong nasasakupan ni Governor Dela Cerda.
Masigabong palakpakan ang maririnig sa loob ng simbahan, ngunit ang t***k ng puso ko ang pinakamalakas sa lahat; parang gusto na nitong lumabas mula sa akin.
"Keep smiling, Gwyneth. I don't like a scandal attached to my name," Jordan said. "Makakaasa ka," paninigurado ko sa kaniya at tumango na lamang ito.
Mrs. Gwyneth Maddison Torres-Dela Cerda
That's my name now.
Tumingin ako sa mga taong nandito ngayon upang masaksihan ang pag-iisang dibdib namin ng aming gobernador. Matalim ang tingin na ipinupukol ng mga ilang kababaihan sa akin, I smirked at them.
These women used to bully me when I was in college, their university is not far from ours kaya inaabangan nila ako tuwing uwian ng hapon. They are the same circle of Jordan kaya malakas ang loob nila na maliitin at apihin ang mga kagaya ko.
Hinapit ni Jordan ang kamay sa bewang ko. "Hindi na tayo dederetso sa reception ng kasal natin," bulong niya sa akin kaya napakunot-noo ako at mabilis na lumingon sa kaniya. "Bakit?" tanong ko rito.
"For what? Our marriage is nothing but trash. No need for those matters. Let's head to my private residence, I want to take a rest," sabi niya sa akin kaya napakagat ako ng labi saka bumuntong-hininga.
"Hindi makukumpleto ang kasal kung wala tayo sa reception. Ano na lang ang sasabihin ng mga pamilya natin?" I asked him.
He keeps on smiling at everyone but deep inside he is raging in madness.
"I repeat our marriage is a trash. Tama na itong sumulpot ako sa kasal natin, masyado nang nasayang ang bawat segundo ko dito," madiin na sabi niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi tumahimik pero hindi ko pinahalata sa lahat na nasaktan ako.
Masyado ka namang kasing ambisyosa, Maddi. He is doing too much more than you asked.
Kastigo ko ang aking sarili para paupahin ang emosyon na namumuo sa aking dibdib. Hindi ito ang tamang lugar at oras para sa sakit na nararamdaman mo.
Naglakad kami sa aisle na magkahawak-kamay palabas ng simbahan. Muli ay naglapat ang aming mga labi sa labas ng simbahan at sa mas maraming tao. May mga camera na nagkikislapan upang kunan kami ng litrato.
"Papa, hindi na kami tutuloy sa reception," paalam ni Jordan sa ama niya kaya naningkit ang mga mata niya. "Come on, Papa. Gusto ko nang ma-solo ang asawa ko," sabi niya pa kaya napangisi ang ama nito sa amin.
"Bilisan ninyo at para mabigyan niyo na ako ng apo," bilin niya kaya agad akong pinamulahan ng pisngi. "Sure, Papa," sabi ni Jordan.
Nagpaalam na rin kami sa aking Nanay na nakangiti sa amin. "Aba'y galingan ninyo," makahulugang na sabi ni Mama kaya napapikit ako sa kahihiyan.
"Adi, huwag kang pa-virgin diyan. Oh hala, humayo na kayo at magparami!" sabi ni Hershey na best friend ko na since birth. Sinamaan ko siya ng tingin. "Mag-sasharon na lang ako sa reception," paalam niya sa amin na tinawanan ko na lamang.
Inalalayan ako ni Jordan papasok sa sasakyan niya. Hindi na namin ginamit ang wedding car dahil didiretso iyon sa may reception.
"Let's go home," he said to me at pinaharurot na niya ang sasakyan paalis ng simbahan. Todo-kapit ako sa may seatbelt ko dahil ang bilis ng pagpapatakbo ni Jordan. Mabuti na lang wala kaming nakakasalubong sa mga sasakyan.
"May balak ka bang magpakamatay ha?" tanong ko sa kaniya habang naka-focus lang siya sa daan. "This is a sports car, what do you expect? It runs like a bike he asked and I rolled my eyes on him.
"As far as I know, hindi ganito ang daan papunta sa bahay ninyo?" I said to him dahil bulubundukin na ang nakapaligid sa sementong daan. "Hindi kita ibabahay kung nasaan ang magulang at kapatid ko, Gwyneth," sagot niya sa akin at tumango na lamang ako.
A phone call came for Jordan kaya tumahimik naman ako.
"Bro, hindi na raw kayo tutuloy sa reception? Tigang na tigang ka na ba?" tanong ng isang lalaki at sinabayan pa ng halakhak.
"f**k off," Jordan said and ended the call.
Napalunok naman ako sa sinabi ng kaibigan niya at hindi ko mapigilan na hindi mapamura sa isip-isip ko. Ilang beses na may nangyari sa amin ni Jordan at nitong huli ay nalaman ng magulang niya ang ginagawa namin.
Pagkatapos ng kasal, sunod naman ay honeymoon. Kaya ba dadalhin niya ako sa sariling bahay niya at tingin ko malayo sa kabihasnan ang lugar na ito dahil wala pa akong nakikitang kabahayan.
Napahilamos ako sa aking mukha. "Teka, may balak ka bang i-salvage ako? Kaya dinala mo ako dito at ni isang bahay wala man lang akong nakita," I said to him.
He's driving but I saw him smirk. "You guess," he said and smiled.
His smile is another kind of danger that made my heart beat abnormally.