Rocky
Kapag nagsama-sama ang Bullet Boys sa loob ng bahay ay talagang para akong nasa palengke sa sobrang ingay nila. Para pa rin silang mga bata habang nag-aasaran at nagkukulitan.
Pahinga namin ngayong araw dahil sa susunod na mga araw o Linggo ay mawawalan na naman kami ng oras para makapagpahinga. Masinsinang rehearsals na naman ang aatupagin namin para sa darating na concert namin sa Japan next month.
Mayroon din kaming mga naka-line up na guestings at interviews sa malalaking istasyon. Halos hindi na alam ng producer namin kung paano isisingit ang kaliwa’t kanang endorsement na nakalaan para sa amin.
Gustuhin ko mang magpahinga at matulog ngayon ay hindi ko magawa dahil pinanganak na magugulo ang mga ka-grupo ko na syang tinuring kong kapatid simula pa lang pagkabata.
Kapag gising sila ay kailangan ko na ring gumising dahil kawawa lang ako at sasakit lang ang ulo ko kapag pinilit ko pa ang sarili ko na magpahinga.
Habang nakahiga ako sa sofa ay natamaan ng throw pillow ang mukha ko dahil sa paghaharutan nila. Pinipigilan ko ang galit ko. Gusto ko pang habaan ang pasensya ko para sa kanila.
“Hala lagot!” dinig kong sambit ni Jet
Biglang nabalot ng katahimikan ang buong sala dahil nakatitig lang ako kay Hunter na syang naghagis ng unan kaya naman natamaan ako sa mukha.
Napakamot lang sa kanyang ulo si Hunter at nagbigay ng peace sign sa akin.
“Oi! Hindi magagalit si kapatid na Rocky, alam ko! In love yan eh!” pang-aasar pa ni Hunter
Nagsimula na namang umingay sa buong sala. Lahat sila ay lumapit sa tabi ko at tila kyuryoso sa mga sinabi ni Hunter.
“Kwentuhan mo naman kami Rocky? Kanino ka ba in love? Dun ba sa may sakit?” tanong ni Grayson
Kaagad syang binatukan nina Hunter at Axel.
“Hey! Ang slow mo naman talaga kahit kelan oh! Bakit naman sya maiinlove sa may sakit? In love sya sa kaibigan ni Ms. Luna, yung Keisha.” Kinikilig na wika ni Hunter
“Masarap ba ang one night stand?” pagbibiro pa ni Axel
Naghiyawan ang mga nakababatang miyembro ng Bullet Boys, lalo na si Jethro.
Nagulat sila sa mga sinabi ni Axel
Lalong nag-init ang ulo ko sa mga sinasabi ng dalawang unggoy na ito. Imbes na walang alam ang iba ay ibinulgar pa talaga nila?
“Totoo ba iyon Rocky? Hindi ako naniniwala.” Sambit ni Jethro
Napapailing na lang ako. Mukhang nasira na nila ang imahe ko sa bunso naming si Jethro. Ako kasi ang iniidolo nya. Para sa kanya ay perpekto ang lahat ng ginagawa ko. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko ngayon? Aaminin ko na lang kaysa naman magsinungaling ako.
“Alam kong mali ang makipag-one night stand. And yes I admit na ginawa ko yon. But I am not in love with her okay? Ni hindi ko na nga matandaan ang mukha nya. Ang alam ko lang ay maganda sya.” Sabi ko
“Ayos!” sigaw ng mga kolokoy
Nagsimula na naman ang ingay sa buong paligid. Nangingibabaw ang lakas ng boses at tawanan nina Axel, Hunter at Jet.
Samantalang sina Eryx, Jethro at Grayson ay nakatulala lang sa kanilang kinauupuan at hindi makapaniwala sa mga nalaman nila.
“I doubt! Alam kong in love ka. Magsabi ka na kasi ng totoo eh. Kakausapin ko na ba si Luna para makuha ang totoong pangalan, contact number at address nung kaibigan nya?” Sambit ni Jet
“Oo nga Rocky, baka pagsisihan mo pa yan sa huli.” Wika naman ni Axel
Napailing na lang ako sa kanilang harapan.
“Paano nyo bang nasabi na in love ako? Sa dami ng iniisip ko dadagdagan ko pa ba ng babae? Kuntento na ako sa pagmamahal ng mga Soldiers, sila lang ang love ko okay?” Paliwanang ko sa kanila.
“Wehh??” sabay sabay na sabi ng tatlong bugok at sabay sabay ding nagtawanan
Bigla namang sumingit si Eryx sa usapan. Himala yata at may gusto syang sabihin ngayon.
“Hindi type ni Rocky ang mga ganung klaseng babae. Ang gusto nya ay mahinhin, tahimik at maka-diyos. Sa itsura nung kaibigan ni Ms. Luna, mukhang kabaligtaran nya ang tipong babae ni Rocky.” Sambit ni Eryx.
Nagulat ako sa mga sinabi ni Eryx. Akala ko ay hindi kami nag-eexist sa mundo nya dahil madalas naman syang walang kibo. Pero natuwa ako dahil alam nya pala ang tipo ko sa isang babae. Napangiti nya ako dun ah. Kinilig ako bilang kuya nya.
“Eh di dun ka na sa babaeng may sakit. Habang buhay kang magtiis sa kanya!” pangungutya ni Hunter
“Uy, sobra yan ah!” pag-awat ni Grayson
Hindi pa rin sila tumitigil sa tawanan at kantiyawan. Naalala ko tuloy ang mukha ng babaeng may stage 3 cancer na syang hinalikan ko sa concert. Napakaamo ng mukha nya. Naantig ako sa itsura nya dahil sa kabila ng kanyang karamdaman ay nakuha pa talaga nyang magtungo sa concert namin para lang makita ako at humingi ng yakap mula sa akin.
Hindi ko alam kung gaano kalala ang kanyang sakit pero maputla na ang itsura nya ng makita ko syang nakaapak sa concert fence. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Sana naman ay malagpasan nya ang karamdaman nya. Isa syang totoong Soldier, at lahat sila ay kasama sa mga aming mga panalangin.
“Huwag nyo ngang pagkatuwaan ang karamdaman ng isang tao. Ipagdasal natin ang Soldier na iyon na gumaling sana sya sa sakit nya.” Pangangaral ko sa kanila.
Namula sa kahihiyan sina Axel, Hunter at Jet na syang laging pasimuno ng ingay.
“Sorry na po.” Banggit ni Axel
Maya maya lang…
“Hey, ano bang ingay ang naririnig ko? You guys should take a rest all day dahil next week ay hectic na naman ang schedule nyo.”
Nagulat kaming lahat ng biglang pumasok si Ms. Luna. Si Ms. Luna ay anak ni Mr. Clark Addison ang taong nakadiskubre sa amin habang palaboy laboy kami sa lansangan pitong taon na ang lumipas.
“Hi Ms. Luna, very beautiful naman talaga as always.” Sambit ni Hunter
Kaagad syang siniko ni Axel. “Ang kay Juan ay kay Juan lang, ah este ang kay Jet ay kay Jet lang okay?’ biro naman ni Axel
Dahil sa presensya ni Ms. Luna ay biglang nanahimik si Jet. Alam naming lahat ang paghanga ni Jet kay Ms. Luna, ngunit dahil sya ang anak ng CEO ng Hybe Labels Corporation ay malabong makuha nya ang pag-ibig ng dalaga.
Malaki ang respeto namin kay Mr. Addison kung kaya’t alam ni Jet ang lugar nya—hindi nya maaaring mahalin si Ms. Luna.
“Guys, quiet please. Mukhang may importanteng sasabihin si Ms. Luna.” Banggit ko
Ngumiti sa akin si Ms. Luna na kanina lang ay halos hindi maipinta ang mukha dahil sa mga biro nina Axel at Hunter.
“You are the best leader talaga ng grupong ito Rocky. Hindi ko talaga alam ang mangyayari sa Bullet Boys kung isa kina Hunter at Axel ang leader nyo. Mga pasaway.” Natatawang sambit ni Ms. Luna
Napakamot na naman sa kanilang mga ulo ang dalawang pinakapasaway sa grupo.
Nangiti lang din ako sa mga sinabi nya. Umaakto lang ako sa edad ko. Ako ang pinakamatanda sa kanila kaya’t dapat lang na pagsabihan ko sila kung nakikita kong sumusobra na ang ipinapakita nilang ugali.
“So, Ms. Luna, what brings you here?” tanong ko
“Well sorry to disturb you guys. I should have texted Rocky na lang sana regarding my concern. Pero since napadaan na ako dito ay personal ko na lang na sasabihin sayo Rocky.” Wika ni Ms. Luna
Kumunot ang noo ko sa mga sinabi nya. Mukhang napaka-importante naman talaga ng sasabihin ni Ms. Luna.
“Gusto kang makausap ng owner ng RM Cola Group of companies.” Banggit nya
Mas lalo akong naguluhan. Ni hindi ko nga kilala ang may-ari ng sikat na RM Cola. Bakit nya ako kailangang kausapin?
“Kukunin nya bang endorser si Rocky? Naku! Hindi kami papayag! Dapat kasama pa rin kami.” Pagmamaktol ni Axel na parang bata.
Bigla namang natawa si Ms. Luna. “I don’t think so. Mukhang may ibang pakay si Mr. Henry Morgan kay Rocky. So, Rocky, we have a dinner with Mr. Morgan tomorrow night after ng rehearsals nyo okay? 8 p.m sharp.” Banggit ni Ms. Luna
Wala naman akong ibang nasabi pa kay Ms. Luna. Sumang ayon na lamang ako dahil sila naman ang madalas na nasusunod kung sino sinong mga tao ang dapat naming kausapin.
“Bakit kaya si Rocky lang? Ayaw ba ni Mr. Morgan nang mas gwapo na kagaya ko?” wika ni Hunter
Umiling iling si Luna. “Ang gusto ni Mr. Morgan ay iyong may wisdom kausap Hunter.” Biro ni Ms. Luna
“Aray naman Ms. Luna, grabe ka naman sa akin.” Pagmamaktol ni Hunter
Nagtawanan na ang lahat dahil sa biro ni Ms. Luna.
Pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano ang pakay sa akin ni Mr. Henry Morgan. Bakit ako lang ang kailangan nyang kausapin gayong pito naman kami sa grupo?
Napapaisip tuloy ako sa mga posibleng dahilan ng private meeting namin with Mr. Morgan bukas.