Parang nag-blur ang lahat nang dalhin na si Axton sa loob ng ER. Ang daming tao dito, humahalo sa tunog ng beeping machines, mabilis na yabag ng mga nurse, mga salitang halos hindi ko naman naiintindihan. Ang alam ko lang, si Axton na nasa stretcher, pawis na pawis, at parang hindi na siya humihinga nang maayos. “Please, take care of him!” luhaang pakiusap ko habang inaasikaso na siya ng mga doktor. “He’s been burning for hours and coughing non-stop!” “Miss, please wait outside,” sabi ng nurse sa akin, pero hindi ko magawang lumayo. Kahit ilang beses nila akong halos itulak palayo, ayaw kong ialis ang paningin ko sa kaniya. Para bang kapag tumalikod ako, baka mawala siya. Narinig ko ang doktor na nagsalita na seryoso ang tono. “BP is dropping – 90 over 60.” “Fever’s at 41.2.” “Tach

