The next day after the night we shared, things were... different.
But in the most confusing way.
Axton barely said anything about it. He was his usual, distant self… cold, composed, and a little bit closed off. Pero pakiramdam ko naman ay okay kaming dalawa. Wala nga lang label.
Masyado na kaming nagiging intimate sa isa’t isa, ibig sabihin ba noon ay boyfriend ko na siya? O kaya naman ay girlfriend na ba niya ako? Alin ba talaga sa dalawa ang mauuna? Sabay ba? Parang nabo-boba yata ako sa isyung ito. Exclusively dating, gano’n? Kaya lang hindi pa naman kami nagde-date.
And then… he invited me out.
"Let's go out today," kaswal na anyaya niya sa akin nang sumunod na araw. "I owe you something for taking care of me last night."
Medyo umangat ang isang kilay ko. He was still acting like it was just a casual favor. Pero ang totoo, hindi ko naman talaga siya tatanggihan. Hello… si Axton na kaya itong nagyayaya, mag-iinarte pa ba ako?
"Okay," I replied with a smile. "Where are we going?"
Ngumiti lang siya pero hindi naman direktang sumagot. He just gave me that look, the one that always made my heart beat faster. Iba ring magpakilig ang lalaking ito, ah!
Ilang sandali pa ang lumipas, natagpuan ko na lang ang sarili kong nakapiring sa loob ng sasakyan niya.
“Axton, bakit kailangang naka-blindfold? Kinakabahan naman ako sa ‘yo, eh…” reklamo ko. Pero ang totoo, sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kilig.
“Because it’s a surprise,”simpleng tugon lang niya.
Patungo kami ngayon sa isang destinasyong hindi ko pa mahulaan. Bumibilis pang lalo ang t***k ng puso ko sa pananabik. Wala kaming gaanong pinag-uusapan, pero ramdam ko ang pagbabago ng vibes sa pagitan namin.
Nang sa wakas ay huminto ang sasakyan niya. Tinulungan niya ako na bumaba ng sasakyan. Ito pala iyong klase ng pakiramdam na nababasa ko sa libro.
Iyong tipong para bang safe na safe ang pakiramdam kapag kasama mo iyong taong gusto mo. Kahit mas madalas na tahimik si Axton, ramdam ko naman ang kapanatagan kapag kasama ko siya.
"Ready?" he asked. He sounded calm but with a hint of something deeper… something I couldn’t quite place.
"Ready for what?" I laughed nervously.
Hindi siya sumagot at tinanggal lang ang blindfold ko.
I gasped.
An Airplane Adventure!
Nakatayo kami ngayon sa dulo ng isang airstrip. The small private plane in front of us looked like something out of a dream. The kind of plane you see in romantic movies – sleek, elegant, and with just enough space for two.
Napangiti si Axton. Kahit nasanay na ako sa ganitong mga bagay, iba lang pala kapag siya ang mangsu-surprise.
"Is this your idea of 'thanks'?" nanunuksong tanong ko, pero ang totoo, parang sasabog na ang puso ko sa saya.
Parang ganito iyong nasa Fifty Shades of Grey na novel. Magfi-feeling Anastasia Steele muna ako for today’s video!
Tumango naman si Axton sa tanong ko. "Thought you might like it. Don’t worry, it’s just a quick flight."
But the excitement in his eyes told me this wasn’t just about a simple "thanks." There was something more.
Maingat niyang inalalayan ang braso ko papunta sa maliit na plane. Naroroon na ang pilot na naghihintay.
Axton made sure I was comfortably seated before climbing in beside me. Thank God! Extension po ba ito ng birthday gift ko from you? Kinikilig na bulong ng isip ko.
Sa totoo lang, noong hinipan ko na iyong kandila noong 18th birthday ko, isa lang ang wish ko. Si Axton. Siya ang hiniling ko sa Diyos na ibigay niya sa akin. Wish granted na kaya ito?
Lalong lumapad ang ngiti ko sa isiping iyon. Mukhang magiging maghipag na yata kami ni Ayanna in the future!
As the plane took off, I couldn’t help but grip the armrests, my nerves soaring along with us. Pero habang papataas na kami, unti-unti akong mapanatag. Kasama ko si Axton kaya wala akong dapat ikabahala.
Pinagmamasdan ko ang lungsod sa ibaba na paliit nang paliit. Napakaganda ng tanawin. Papalubog na ang araw ay sa malayo. Naging tila ginto tuloy ang kulay ng kalawakan.
It was like being in a different world. I am just so happy that I don’t want this moment to end.
Axton finally turned toward me. His eyes were softer than usual, more genuine. He reached over, brushing a strand of hair behind my ear.
"I've never done this before," mahinang sambit niya. "Taking someone up here... It's kinda special."
Ako naman ay parang namatanda sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nito ay special din ako sa kaniya? Lord, hinay-hinay lang… baka atakehin na ako sa sobrang kilig.
Pigil na pigil ko naman ang ngumiti ng malapad nang salubungin ang tingin niya. "Then why’d you bring me?"
Natigilan naman si Axton. Tumitig lang siya sa akin na tila ba pinag-isipang mabuti ang isasagot.
His lips parted as if he was about to say something, but he just smiled instead.
"Because I trust you," sa wakas ay tugon niya. "And because you deserve it."
My heart skipped a beat. The words were simple, but they meant everything. Basta galing kay Axton, lahat maganda sa pandinig ko.
Noong mas mataas na talaga kami, medyo napasinghap ako nang kunin niya ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin. Iyong init ng kamay niya ay parang humaplos sa puso ko.
And for the first time since that night, I could feel the walls he’d built around himself beginning to collapse.
The calm and steady hum of the engine was the only sound between us. No words were needed.
The plane started to glide smoothly through the clouds, and for a moment, everything felt perfect.
Ngayon ay magkahinang lang ang mga mata namin. Ilang pulgada na lang ang distansya ng mukha niya sa mukha ko.
His lips parted slightly, almost like he wanted to kiss me. I could feel his breath on my skin.
"Vielle," malambing na bulong niya. "I..."
Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay umangat na ang isang kamay ko at dumako agad sa batok niya.
I closed the gap between us. I kissed him… soft, tender, a kiss that spoke of everything we both wanted but had been too afraid to admit. I hope so.
The kiss felt like an eternity, slow and deep. It was in the air, in the moment, in the clouds surrounding us. We were light.
Sa unang pagkakataon sa buhay ko, pakiramdam ko ang tapang-tapang ko. Ako mismo ang humalik sa lalaking gusto ko.
This is exactly where I was meant to be… right beside him.
Pagkatapos ng plane ride namin, akala ko tapos na ang mga pa-sorpresa ni Axton. Pero nagkamali ako.
Dinala niya ako sa rooftop restaurant ng The Peninsula Manila, at pagpasok pa lang namin, ramdam ko na agad ang kakaibang atmosphere.
Ang buong terrace ay pinailawan ng napakaraming kandila, at ang mahaba at eleganteng mesa sa gitna ay may white and gold theme, na may centerpiece na isang malaking bouquet ng red roses.
Sa background, isang live pianist ang tumutugtog ng soft classical music, at ang malamig na simoy ng gabi ay dumagdag pa sa kakaibang kilig sa puso ko.
“Axton… this is…” Hindi ko alam kung paano tatapusin ang sentence ko dahil sa sobrang gulat at saya.
Hindi siya sumagot. Sa halip, hinila niya ang isang upuan at marahang tinapik ito. “You sit here.”
Napatingin ako sa kaniya, may halong kilig at pagkalito. Pero sumunod pa rin ako at naupo.
Maya-maya lang ay lumapit ang waiter at nilagyan ang mga baso namin ng Château Margaux 2000, isang napakamahal na French red wine.
Ang pagkain ay isang fine dining feast… perfectly cooked wagyu steak, lobster thermidor, truffle mashed potatoes, at isang platter ng fresh seafood.
Napangiti ako habang tinitingnan ang paligid. "I didn’t know you could be this romantic."
Tumaas ang isang kilay ni Axton. “I told you, this is just a ‘thank you.’”
Napairap ako. “’Thank you’ lang, pero parang engagement dinner na.”
Hindi niya ako sinagot. Pero ramdam ko na hindi ito simpleng pa-thank you lang. Ano bang problema at hindi niya masabi kung may gusto rin siya sa akin?
Naku, magtapat lang itong si Axton, ako na talaga mismo ang magpo-propose!
Parang biglang gusto kong batukan ang sarili sa naisip ko. Gano’n na ba ako kapatay na patay dito kay Axton?
Habang kumakain na kami ay nag-iba ang usapan namin.
“Kumusta na pala ang studies mo?” tanong ko habang hinihiwa ang steak ko.
Umangat ang isang sulok ng labi niya. “I am enjoying my third year.”
“Really? Ano na nga ulit ang pangalan ng school mo?” tanong ko.
“Philippine Airlines Aviation Academy,” kaswal na sagot niya.
Napangiti ako. Alam ko na kasi noon pa na gusto niyang maging piloto. Pero gusto kong marinig sa kaniya kung bakit.
“So, bakit nga ba iyon ang pinili mo?” tanong ko habang sumisimsim ng red wine ko.
“Simple lang,” sagot niya. “Gusto kong lumipad.”
Napatigil ako saglit. May kung anong lalim sa tono niya na hindi ko maintindihan.
“Gusto kong may option akong takasan ang mundo anytime,” dagdag niya habang iniikot-ikot ang baso ng wine niya .
Napakunot ang noo ko. “Takas? Ano naman ang gugustuhin mong takasan kung sakali?”
Napangiti siya nang bahagya, pero may lungkot sa mata niya. “Minsan kasi, mas madaling lumipad palayo kaysa harapin ang mga bagay na hindi mo kayang kontrolin.”
Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Pero bago pa ako makapagtanong muli, siya naman ang nagtanong.
“Ikaw? Anong plano mo after senior high?”
Dumiretso ako ng upo at ngumiti. Ito na ‘yong moment na alam kong magugulat siya. Pero sana ay i-support niya ako.
“Pursue my singing career while studying in college,” sagot ko.
Halatang hindi niya in-expect ‘yon. “Wait… anong sabi mo?”
Napakagat-labi ako. “Kukuha ako ng Music sa Enderun Colleges.”
Nalaglag ang tinidor niya sa plato. “What?”
Napataas ang kilay ko. "Axton, ang OA mo ha."
“H-Hindi ako OA!” mabilis niyang depensa. “Vielle, gusto ng parents mo na maging doktor ka, o kaya ay maging lawyer, katulad ni Llander. Bakit–?”
Huminga ako nang malalim. “Alam ko. Pero hindi ko naman gusto iyon, Axton. Hindi ‘yon ang pangarap ko.”
Nagtagpo ang mga mata namin. Kitang-kita ko ang shock at concern sa mukha niya. Para bang napakalaking kasalanan na itong desisyon ko.
“Vielle…” Napalalim ang boses niya, halatang may gustong iparating.
“Wala ka nang magagawa, Axton. Ito ang gusto ko. Gusto kong kumanta.” Ngumiti ako. “At gusto kong abutin ang pangarap ko.”
“Do your Mom and Dad know about this?” tanong niya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Dahan-dahan akong umiling. “Hindi pa ako nakakabuwelo para ipagtapat ito sa kanila.”
“See? It’s because you knew they wouldn't allow it!” saad niya.
Sumimangot naman ako. “Axton… I really, really want to sing. They are happy whenever I am singing. Siguro naman maiintindihan nila ang gusto ko.”
Tahimik siyang tumingin sa akin. Para bang may gustong sabihin pero hindi niya magawa.
Sa halip, inabot niya ang isang baso ng wine at marahang ininom iyon. Ilang segundo lang ang lumipas, pero ramdam ko ang biglang pagbigat ng hangin sa paligid namin.
Pagkauwi namin sa condo ko, matapos akong ihatid ni Axton, hindi namin inaasahang naroroon ang Daddy ko at ang kapatid kong si Vince.
Mag-a-alas onse na ng gabi, kaya lalo akong kinabahan. Ramdam ko ang malamig na hangin sa paligid, pero mas nanunuot sa akin ang matinding takot.
Kitang-kita ko ang nag-aalab na galit sa mukha ni Daddy. Ang mga kamao niya ay mahigpit na nakakuyom, at ang tingin niya kay Axton ay parang matalim na kutsilyo na handang bumaon sa lalamunan nito.
"A-Anong ginagawa mo rito, Daddy?" halos pabulong kong tanong, pero hindi niya ako pinansin. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
"Ano 'tong kahalayan na ginagawa mo, Vielle?" Malamig at matalim ang boses ni Daddy, puno ng panunumbat at galit. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag.
Bago pa man makapagsalita si Axton, isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha niya.
Nagimbal ako. Napasigaw.
"Axton!" mabilis akong lumapit sa kaniya habang napaatras naman siya, hawak ang pisngi niyang namula sa lakas ng suntok ni Daddy.
"Damn you, Axton! Ano'ng ginagawa mo sa anak ko sa ganitong oras?!" sigaw ni Daddy, umalingawngaw pa ang lakas ng boses niya sa buong unit.
"Uncle, hindi po–" sinubukan ni Axton na magpaliwanag, pero bago pa niya matapos ang sasabihin, sinunggaban na naman siya ni Daddy.
"Ano? Hindi ka pa nadala, ha?!" Bumigwas ulit si Daddy ng isa pang suntok, pero mabilis na naiwasan iyon ni Axton.
"Daddy, tama na, please!" umiiyak kong sigaw habang pilit kong hinihila si Daddy palayo kay Axton. Si Vince naman ay tahimik lang na nanonood at malamig ang tingin.
"Vielle, umalis ka riyan!" galit na galit niyang utos sa akin dahil iniharang ko ang sarili ko sa harapan ni Axton.
"Axton, umalis ka na. Please," pabulong kong udyok sa kaniya. Natatakot ako na baka mas lumala pa ang sitwasyon.
Pero imbes na sumunod, hinawakan niya ako sa kamay at hinarap si Daddy.
"Hindi ko sasaktan si Vielle, Uncle. Hindi ko rin siya pinaglalaruan. I like her!" matapang niyang sabi, titig na titig kay Daddy.
Napasinghap ako.
Natigilan din si Daddy. Ngunit iyong gulat niya ay agad ding napalitan ng panunuya at galit.
“Oh, come on, Axton! Don’t give me that bullshit!” bulyaw ni Daddy sa kaniya.
“We both know you have a girlfriend!” halos hingalin sa pagkapoot si Daddy.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapatingin kay Axton. Ni hindi man lang ito nagsalita para itanggi ang sinasabi ni Daddy.
“What? Nagulat ka ba na alam ko? Of course, I know!” sarkastikong pahayag ni Daddy. “Come here, Vielle! You don’t want to be that man’s plaything, right? And I won't allow it!
Kahit kaibigan ko pa ang Mommy at Daddy mo, Axton, hindi ako mangingiming patayin ka kapag ginawan mo ng masama ang anak ko!”
Kita kong napalunok si Axton. Sa isang iglap ay parang biniyak ang puso ko, at gumuho ang mundong binuo ko sa isip ko.
Ano’ng ibig sabihing may girlfriend na si Axton? Kailan pa siya nagkaroon ng girlfriend? Did I miss something? Imposible namang hindi ko alam kung mayroon nga!