Chapter 4 Her Pain

2813 Words
Pakiramdam ko, bumagsak ang buong mundo ko. Maghapong para akong nasa ulap dahil sa sorpresa ni Axton, pero sa isang iglap lang, bumagsak akong parang isang basag na salamin. “Ikaw, Vielle,” matigas at malamig na boses ni Daddy ang pumunit sa katahimikan. “How can you be so foolish and let this man get near you? You will just be one of his parades of girls! Manang-mana siya sa tatay niya!” Nanatili akong nakatayo, hindi makapaniwala. May girlfriend na si Axton? “Dad, huwag niyo na pong idamay dito ang Daddy niya… wala po siyang kasalanan,” mahina ngunit magalang na pakiusap ko naman. Kung magiging matigas ang ulo mo, Vielle, mag-homeschooling ka na lang!” matigas na pahayag ni Daddy kaya nanlaki ang mga mata ko. “Dad!” protesta ko. heartbroken na nga ako sa nalaman ko tapos ganito pa. Ang sakit lang sa part na hindi man lang nag-deny si Axton. Ni hindi man lang niya ako tiningnan bago umalis? Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit. Para akong ginisa sa sarili kong damdamin… para bang buong araw niya akong binigyan ng dahilan para umasa, tapos biglang tinanggal lahat ng iyon sa isang segundo. Dahil lang sa isang simpleng rebelasyon ni Daddy. “Now tell me,” dagdag ni Daddy, ang tono niya ay puno ng disappointment. “Ano pa ang dahilan mo para ipilit ang pagiging musician mo? Kung akala mo ay magagamit mo ‘yan para makuha ang atensyon ng lalaking ‘yan, mali ka, Vielle.” Napangiwi ako. “Daddy, hindi gano’n–” “Then, ano?” tumayo siya mula sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa akin. “Hindi ko maintindihan. May girlfriend na siya, Vielle. At ikaw? Isa ka lang spoiled brat na naghahabol sa lalaking hindi ka gusto.” Parang malakas na sampal ang bawat salitang binitiwan niya. “H-hindi ko siya hinahabol, Daddy…” mahina kong depensa, Pero kahit ako, hindi ko alam kung totoo pa ang sinasabi ko. “Then prove it,” matalim na sagot niya. “Tigilan mo na ang kahibangang ito. Forget singing, forget whatever nonsense you have in your head. You’re taking Medicine. That’s final.” Napaatras ako. “No!” Nagtama ang mga mata namin, at sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, ipinaglaban ko ang sarili ko sa harap ni Daddy. “Hindi ikaw ang magdedesisyon sa bagay na iyan, Vielle. I love you so much, but I will never let you ruin your life!” pinal na saad ni Daddy. Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil padarag na siyang umalis ng condo ko. Halos pasalampak akong muling naupo sa sofa. Hindi ako pwedeng sumuko. Hindi dahil lang kay Axton. Kung ‘di dahil sa sarili kong pangarap. Pero kahit anong tapang ang ipakita ko, hindi ko mapigilang umiyak nang mag-isa na lang ako sa kwarto ko. Bakit hindi niya dinepensahan ang sarili niya? Bakit hindi siya lumingon man lang? Nag-echo sa isip ko ang tinig ni Daddy. "May girlfriend na siya, Vielle." Pero paano kung hindi totoo? Paano kung may dahilan siya kung bakit hindi niya ako magawang harapin kanina? Napahawak ako sa kwintas na suot ko… ang white gold necklace na may maliit na diamond heart pendant na regalo niya sa akin nung birthday ko. Parang wala nang halaga ang lahat. Ilang oras akong nakatulala lang sa kawalan. Nang sa wakas, tumayo ako at binuksan ang bintana. Hinayaan kong dampian ako ng malamig na simoy ng hangin. Kung gusto niya akong iwan, fine. Pero hindi ko hahayaan na wasakin ng kahit sino ang mga pangarap ko… kahit na ng taong gusto kong makasama habang buhay. Biglang naging napakahirap ng lahat para sa akin. Wala akong mapagsabihan. Biglang nawala si Ayanna… si Lily naman ay grounded at hindi pinapayagang lumabas ngayon. I am literally alone, fending my broken heart. Kinaumagahan, halos wala akong maintindihan sa itinuturo ng mga teachers namin. Kahit noong breaktime, nate-tempt akong tawagan si Axton. Kaya lang hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bandang hapon, habang papunta na ako sa parking lot kung saan naghihintay ang driver ay nagulat ako. Sa dulo ng pasilyo ay may isang pamilyar na bulto ang nakatayo. Binilisan ko ang paglakad, kasabay ang agad na pagbilis na kabog ng dibdib ko. At hind inga ako nagkamali… si Axton ang naroroon. Nagsanib ang pagsiklab ng galit at pait sa dibdib ko. Mabilis ko siyang nilapitan at sinampal nang malakas. Kasabay din niyon ay hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko gustong umiyak, pero kusa palang lalabas iyon kapag sobra na ang galit ko. “How dare you!” sumbat ko agad sa kaniya.’ Ngunit tumitig lang siya sa akin. Kahit namumula na ang pisngi niyang dinapuan ng malakas kong sampla ay parang wala lang sa kaniya. Ni hindi nga man lang siya tuminag sa kinatatayuan. “I understand why you’re angry, Vielle… and I’m sorry,” sabi lang niya. Pero imbes na matuwa akong humihingi siya ng tawad ay umigting lang lalo ang galit ko at muli siyang sinampal sa kabilang pisngi niya. Tinanggap niya ang dalawang sampal ko na parang wala lang. Walang man lang reklamo o anumang violent reaction. Iyong paghingi niya ng sorry ay lalo lang sumugat sa puso ko. “Ano’ng ginawa mo sa akin? tinikman lang tapos–” “I’m sorry! Hindi ka naman nagtanong. Hindi ba?” putol niya sa akin kaya napanganga ako. “So, kasalanan ko pa ngayon? Dapat kung may girlfriend ka, hindi ka na nakikipaghalikan o higit pa sa ibang babae!” galit na galit na bulyaw ko sa kaniya. Nag-echo pa sa buong hallway ang boses ko. Masamang-masama talaga ang loob ko. Kung puwede lang ay gustong-gusto ko siyang bugbugin. “We are both adults. Hindi kita pinilit sa kahit alinmang ginawa natin. Kaya ano’ng ikinagagalit mo ngayon? I didn't promise you anything,” sabi pa niya. Napalunok ako at napaatras sa pagkagimbal dahil sa sinabi niya. Dinaig ko pa ang sinampal sa sinabi niya. “How… how could you be so cruel to me?” tuluyan na akong pumiyok at mas bumalong pa ang masaganang luha ko. “That’s why I am saying sorry now… and don’t worry, hindi na ako magpapakita pa sa iyong muli at–” “So, gano’n lang iyon? Pagkatapos mo akong pasayahin bigla mo na lang akong iiwan sa ere?” Hindi na ako makahinga sa tindi ng sama ng loob ko. Kahit anong pilit ko na huwag maiyak, kusang lumalandas lang ang mga luha ko. “You said you like me!” dagdag ko pa. Ngunit hindi siya sumagot agad at tumitig lang sa akin. Mariin ang titig niya hanggang sa maging malamig at wala akong mabasang anumang ekspresyon o reaksyon. “I only like your beauty… and not you, Vielle,” he coldy replied, crushing the last hope I had in my heart. “I’m sorry if you look at it the wrong way…” “Damn you, Axton! Damn you!” muli ay sigaw ko sa kaniya habang umiiyak. Sa sobrang bigat ng dibdib ko, pakiramdam ko ay sasabog na ito any moment. “I only came here to say that I won’t bother you anymore. I am so, sorry if I hurt you… I will never meant to hurt you,” mabigat ang tonong saad niya. Pinanlisikan ko siya ng mga mata bago dinuro. “Sinungaling! Sinungaling ka, Axton! Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin! I hate you! I really hate you!” Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at tumakbo na ako paalis. Malabong-malabo ang paningin ko dahil sa dami ng mga luhang lumalaban mula sa mga mata ko. Pero hindi ko inalintana iyon. Ang tanging nais ko ay makalayo sa lugar na iyon. Kailangan kong umalis! Kailangang lumayo ako sa lalaking pinaasa lang ako sa wala. He made me really happy… he made me hopeful that maybe… just maybe we had a chance. But I was wrong. I was wrong to think and assume that way. Because the man I wanted for myself belongs to someone else. He belonged to another woman. And it f*****g hurts me so deeply! Tumatakbo ako nang hindi lumilingon. Mabilis. Palayo. Mabilis ang bawat hakbang ko habang ang luha ko ay walang tigil na bumabagsak. Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Basta gusto ko lang ay mawala. Ang sakit. Ang bigat. Ang hapdi. Axton has a girlfriend. Parang dinudurog ang puso ko sa simpleng katotohanang iyon. Wala man lang siyang sinabing kahit ano. Ni hindi niya ako pinigilan o kahit ipaliwanag man lang ang sarili niya. Ganoon ba ako kadaling talikuran? Ganoon ba ako kadaling itapon? Shit naman, bakit ang sakit? Nangangalumata ang paningin ko habang patuloy sa pagtakbo. Hindi ko na namalayang nasa labas na pala ako ng school campus. Pero hindi ko napansin ang isang mabilis na paparating na sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko at nanigas ako sa kinatatayuan. Damn! Isang malakas na busina ang umalingawngaw sa buong paligid. Napalingon ako, isang itim na sports car ang humahagibis sa direksyon ko, halos ilang metro na lang ang layo sa akin. Parang tumigil ang mundo ko. Nawalan ng kakayahang gumalaw ang buong katawan ko. Namanhid. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko, para akong natuod sa takot. "Vielle!!" Mabilis ang lahat… isang malakas na puwersa ang biglang humila sa akin, mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko. Hindi ko na namalayan pa ang sumunod na nangyari, isang saglit lang, at umangat ang katawan ko mula sa daan. “Ah!” narinig ko ang sigaw ko, pero parang hidni ko namalayan iyon. Bumagsak kami. Ang likod ko ay dumagan sa matigas na dibdib ng taong sumagip sa akin. Mabigat ang katawan niya, pero mas matindi ang pagbilis ng pintig ng puso ko. "D-Diyos ko..." hingal na hingal akong tumingin pababa. Doon ko siya nakita. Ang lalaking nagligtas sa akin. Duguan ang siko niya. May sugat din sa gilid ng kaniyang labi. Pero mas lumakas ang kaba ko nang makita kong may gasgas ang kanang bahagi ng noo niya, isang manipis na guhit ng dugo ang dumaloy mula roon. Hindi ko siya kilala. Pero hindi maipagkakaila ang kakisigan niya. Matangkad. Matipuno. Napaka-gwapo. Mahaba ang pilik-mata niya, matangos ang ilong, at may kakaibang lalim ang kanyang mga mata kahit na nakapikit siya sa sakit. “s**t…” ungol niya habang mas hinihigpitan ang kapit sa braso ko. Para bang siya pa ang nag-aalala kahit na siya ang mas nasaktan. Ako naman ay hindi makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Shock? Trauma? Hindi ko alam. Hanggang sa… "Vielle!" Isang malamig, galit, at punong-puno ng pag-aalalang boses ang tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako… si Axton. Nanlilisik ang mga mata niya habang mabilis siyang lumalapit sa puwesto namin, pero hindi ko na naintindihan pa ang sumunod na pangyayari. At bumagsak na ang talukap ng mga mata ko. At tuluyan nang nagdilim ang lahat. Madilim. Walang tunog. Tahimik. Parang lumulutang ako sa kawalan. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, hindi rin ako makapagsalita. Pero naririnig ko sila… malalabo, magkakasalungat ang mga tinig, isa’y galit, isa’y mahina pero matigas. Hanggang sa... "Hindi mo ba nakikita kung anong nangyari sa kaniya?!" Tuluyan akong nagising sa isang malakas na sigaw. Pagdilat ko, agad na nasilaw sa ilaw ang paningin ko. Saglit akong napaigtad nang maramdaman ang hapdi sa siko at tuhod ko. Nasaan ako? Anong nangyari? Saka ko lang naalala – Axton. Ang sasakyan. Ang lalaking nagligtas sa akin. Sa isang iglap, bumalik lahat sa isip ko ang pangyayari. Napatingin ako sa paligid. Nasa school clinic ako, mabango ang amoy ng alcohol sa paligid, may iilang kama, at puting kurtina ang nakasabit sa gilid ng kama ko. Sa tabi ko, may lalaking nakaupo sa isang stool, nakayuko at may puting gasa sa noo. Siya iyong nagligtas sa akin. At sa may pintuan ng clinic, dalawang lalaki ang nag-aaway. Si Axton... at isa pang lalaki. "Dahil ba ‘di mo siya nakita kanina kaya muntik na siyang mamatay?!" galit na sigaw ng lalaking nagligtas sa akin, bumangon siya mula sa pagkakaupo, mas tumingkad ang dugong bahagyang tumagas mula sa sugat niya sa noo. Si Axton naman ay umiigting ang panga, ang malamig na titig niya ay parang patalim na nakatutok sa lalaking kaharap niya. "Wala kang pakialam sa amin," malamig na tugon ni Axton, pero bakas sa mukha niya ang hindi maitagong tensyon. Ang lalaking ito... sino siya para ganito nalang kung umasta sa akin? Pero ang mas nakakabigla, ang lalaki mismo ang sumagot. "Siya ang may pakialam sa akin, pero ikaw, meron ba?" mariing bulong niya, pero sapat para marinig ni Axton. Parang suntok sa mukha ang sagot niyang ‘yon. Nagpalitan sila ng titig… matalim, puno ng tensyon, parang dalawang mababangis na mga hayop na nagmamasid sa isa’t isa. Hanggang sa nagsalita ako. "Tama na, please." Sabay silang napatingin sa akin. Doon ko lang napansin kung gaano kakunot ang noo ni Axton. Galit siya. Pero hindi ko alam kung dahil sa nangyari sa akin o dahil sa lalaking nagligtas sa akin. Humakbang siya palapit, agad niyang hinawakan ang braso ko, mahigpit pero hindi masakit. Parang sinusuri kung may bali o matinding sugat ako. Para bang may labis siyang ikinagagalit na hindi ko alam. Pero bago pa siya makapagsalita, naunahan ko na siya. "Sino ka?" tanong ko sa lalaking nagligtas sa akin. Nanatili siyang nakatingin kay Axton bago ako nilingon. May bahagyang pagngiwi ang labi niya, tila mas nasaktan siya sa pagbagsak namin kaysa sa iniinda niya. At sa malamlam niyang boses, may sinabi siya. "Stanis. Stanis Dela Ranta." Saglit akong natigilan. Parang may kung anong sumagi sa utak ko sa narinig kong pangalan. Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar siya, o kung bakit mas lalong nainis si Axton sa tabi ko nang marinig ang pangalan niya. Pero ang sigurado ako... narinig ko na ang pangalan nitong si Stanis. Hindi ko lang matandaan kung saan at kailan. “Ma’am, sorry talaga…” lumapit na sa akin iyong lalaking kaaway ni Axton kanina sa may pintuan. “Ang sabi ko lumayas ka na rito, ‘di ba?” agad na singhal ni Axton sa lalaki. “Axton, tama na!” sawata ko sa kaniya. “Ano po ang pangalan ni’yo, Kuya?” baling ko sa lalaki. “Einstein Corpuz po, Ma’am…” magalang na tugon nito. Si Kuya Einstein ay halatang kinakabahan, pero pilit na pinapanindigan ang pagpapakumbaba. "Pasensya na talaga, Ma’am. Hindi ko talaga sinasadya. Bigla na lang kasi kayong sumulpot sa harapan. Huli na po noong maapakan ko ang preno." Ngunit nagulat ako nang akmang susuntukin ni Axton ang lalaki. Kaya kahit nahihilo pa ako ay napilitan na akong bumangon para pigilan siya. “Gago ka ba? Kung namatay siya, anong ‘hindi sinasadya’ ang sinasabi mo?” bumigat lalo ang boses ni Axton. Hindi siya sumisigaw, pero sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang may dalang banta. Mas lalo akong kinabahan nang lumapit siya kay Kuya Einstein. Ang laki ng katawan ni Axton kaya siguradong walang laban itong si Einstein. “Pasensya na ho talaga… Babayaran ko na lang po iyong gam–” Hindi na natapos ni Kuya Einstein ang sasabihin dahil isang malakas na suntok na ang tuluyang dumapo sa mukha niya. “Axton!” Napabangon akong muli sa kama. “Hey, careful,” mabilis na pag-alalay naman sa akin ni Stanis na halatang nagulat din sa nangyari. Napahawak si Kuya Einstein sa pumutok niyang labi, kitang-kita ang dugo sa sulok ng bibig niya. Pero ang mas nakakagulat ay hindi pa tapos si Axton. “Kaya mong bayaran ang buhay niya?” bulyaw niya at talagang namumula siya sa matinding galit. “Sabihin mo sa akin, Einstein. Kung natuluyan siya, ano, babayaran mo rin?” Walang naisagot si Kuya Einstein. Nanginginig ang katawan niya habang nakayuko. Doon na ako bumaba ng kama at lumapit kay Axton, hinawakan ko ang kanyang braso. “Axton, please. Tama na.” Saglit siyang hindi gumalaw. Parang hindi ako narinig. Pero matapos ang ilang segundo, bumuntong-hininga siya at dahan-dahang iniiwas ang tingin kay Kuya Einstein. “Get out of here before I kill you!” Parang kidlat ang bilis ni Kuya Einstein sa paglabas ng clinic. Takot na takot na baka totohanin nga ni Axton ang banta niya. Bigla akong naawa sa lalaki kasi ako naman talaga ang may kasalanan. Ako iyong biglang na lang humarang sa daan. Naiwan kaming tatlo… ako, si Axton, at si Stanis Dela Ranta, ang lalaking nagligtas sa akin. Tahimik lang si Stanis, pero ramdam ko ang matalas niyang obserbasyon sa amin. At hindi ko maiwasang mapansin ang matigas na anyo ng kaniyang mukha habang nakatingin kay Axton. *** Hello guys, pasensya na kung medyo natagalan ang update dito. Dineretso ko na kasi ang update sa MY WILD DAREDEVIL BOSS, kasi need niya i-update pa para sa ranking. Salamat po sa pag-aabang... God bless po!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD