Third Person POV "Come on, Vielle... please," Axton muttered under his breath habang paulit-ulit niyang tinatawagan ang number ni Vielle. Nakahiga siya sa passenger seat ng kotse niya habang mabilis na nagmamaneho ang driver pauwi sa penthouse niya. Groggy pa rin ang pakiramdam niya, masakit ang ulo, pero mas matindi ang kirot sa dibdib niya. Walang ibang laman ang isip niya kung ‘di si Vielle, kung paano siya biglang umalis sa isla dahil sa tawag ng Daddy niya. Ngayon ay matinding problema ang kinakaharap niya dahil sa nangyari sa kanila ni Ynah. Gustong-gusto niyang bugbugin ang sarili dahil sa katangahan niya. She must be mad... She must be confused... Tumawag siya ulit. Pero… The number you have dialed is not attended. Please try your call later. Napamura siya nang mahina, pi

