"Someone desperate for attention," dagdag ni Joana habang sumisimsim ng natirang wine sa kanyang wine glass. "Iyong madaling mauto, pero hindi mag-iingay." Nakikisilip din si Paula, habang naka-squat sa tabi ni Ynah. "Omg, i-message mo iyan! Iyan si Magnus, ‘di ba? Nag-DM na sa iyo iyan dati. Mukha namang easy target." Ngumiti si Ynah, binasa ang pangalan at profile. Magnus Corello, isang varsity player, kilala sa pagiging party boy, at ang pinaka-importante sa lahat, may malaking crush sa kaniya noon pa. "Bingo," bulong ni Ynah, tuso ang ngiti niya. Kaya naman nag-umpisa na siyang mag-type ng chat message niya. Me: Hey you. Are you free tonight? Need some company. Feeling so lonely and vulnerable here. Nilagyan pa niya ng sad emoji at heart sad ulo ng chat niya. Mabilis naman ang n

