Pagdating namin sa condo, tahimik lang si Labhran habang sinusundan ako sa loob. Suot pa niya ang leather jacket niya at halatang pagod din siya. Pero sa totoo lang, I didn’t care about anything else right now. Ang bigat ng dibdib ko. Para akong sasabog.
“Gutom na talaga ako,” reklamo ni Labhran habang tinatanggal ang sapatos at naupo sa kitchen bar. “Anong meron?”
Napairap ako habang tinatanggal ang heels ko. “Hindi ako nagluto. Magpa-deliver ka nalang. Gusto ko lang uminom.”
Napalingon siya sa akin, kunot-noo. “Inom? Ngayong ikaw lang mag-isa rito? I told you, you shouldn’t drink!”
“Hindi na ako mag-isa,” I smirked weakly. “Nandito ka, ‘di ba?”
He raised an eyebrow but didn’t argue. Habang tumatawag siya ng food delivery, dumiretso ako sa minibar at inilabas ang isang bottle ng wine na regalo pa ng Daddy ko noong debut ko, Château Margaux, 2003. This is a very expensive and rare one. But tonight? I didn’t care.
Binuksan ko iyon at nagsalin sa isang malaking wine glass. “Cheers to being replaced,” bulong ko saka nilagok nang buo ang laman.
“Vielle…”
“Don’t,” I said quickly. “Please. Huwag mo akong sermonan, Labhran. I’m so tired of pretending na okay ako. Nakangiti ako palagi pero ang sakit-sakit na talaga.”
Tumayo siya at dahan-dahang nilapitan ako. “I’m not here to lecture you. I’m here because I care. And because I promised you, I’ll help you, whatever it takes.”
Napaupo ako sa couch, hawak ang wine glass. “Do you think... totoong mahal niya iyon kaysa sa akin? Do you think she’s prettier? Sexier? Masaya siyang kasama, tapos ako boring?”
“Stop.” Labhran knelt in front of me. “Don’t do that to yourself, my dear cousin. You’re enough. You’ve always been more than enough.”
Napatawa ako nang mapait. “Then bakit siya ang pinili niya?”
He didn’t answer. And that silence… it spoke louder than anything else.
I drank again, this time slower, savoring the burn. “Alam mo ba... I saw her. I followed her. She’s training to be a flight attendant. Pareho sila ni Axton ng edad. Pareho silang... I mean, bagay sila ng Ynah na iyon.”
“Stop comparing yourself to her,” Labhran said firmly. “You’re Avielle Venize Contreras. You’re not meant to be anyone’s second option. You are the prize.”
I closed my eyes and let the tears fall. Hindi ko na kayang pigilan. Yes. Everyone says I am pretty, with a great family background, but still Axton liked someone else.
Maya-maya ay marahan niyang hinawakan ang kamay ko. “If you want to drink, fine. Pero don’t drink alone. I’m staying.”
And he did. We drank. We laughed a little. But deep inside, kahit na dama ko ang comfort and care niya, one name still haunted me.
Axton. Bakit hindi ako ang pinili mo?
Paggising ko kinabukasan, parang may nagmartsa sa loob ng ulo ko, sobrang sakit nito, parang ito yata ang parusa ko sa pag-inom kagabi.
Pagbaba ko sa sala, nakita ko si Labhran na nakahandusay sa couch, yakap ang isang throw pillow, tulog pa rin at bukas ang TV.
Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Pero pagbalik ko, napatingin ako sa screen, sakto namang nagpa-flash ang teaser ng bagong nationwide singing competition sa PBNTV.
The Next Divine Voice: Pilipinas
“Open for 18-25 years old! We’re looking for the next biggest voice of the country!” sigaw ng announcer habang tumutugtog ang matinding orchestral music. May mga flash ng stage lights, cheering crowd, at mic drops. “Audition now and let your voice be heard!”
Nanlamig ang kamay ko habang hawak ang baso. Parang ako iyong tinatawag nila. Ito na ba iyon? Sign na ba ito? Ito na ba ang matagal kong pinangarap?
Pero biglang bumalik sa utak ko ang huling usapan namin ni Daddy.
“You may study in London if you want. The Royal Academy of Music is a prestigious institution. Pero contests? TV? That’s unnecessary exposure. That’s not for a Contreras like you.”
Oo, napapayag ko na silang mag-aral ako ng Bachelor of Music in Performance, major in Voice sa Royal Academy of Music sa London. Pero hindi kasama sa kasunduan ang pagpasok sa entertainment world. Especially not joining a televised contest.
“Gising ka na pala,” medyo paos ang boses na saad ni Labhran sabay hikab sa likod ko. “Anong pinapanood mo?”
“Lab…” lumingon ako, litong-lito. “May malaking singing contest sa PBNTV. National level.”
Napatingin siya sa screen at tumango. “So? Sasali ka?”
“Gusto ko sana,” mahina kong sagot. “Gusto kong sumali. Pero alam mo na, siguradong ayaw ni Daddy ng ganito.”
“Alam ko,” nakangiting tugon niya. “Pero kung gusto mo talaga, tutulungan kita. Kahit itago pa natin sa lahat.”
Napangiti ako, kahit may kaba. Maybe this time… kahit kailan talaga, da best itong pinsan ko na ito. Kung hindi ko lang siya naging pinsan baka na-in love na ako sa kaniya, eh.
“So, ano ang gagawin natin? Kasi imposibleng makasali ako diyan na hindi malalaman ng lahat,” nag-aalala namang tanong ko.
“Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala roon. Magluto ka na lang ng almusal at gutom na ako!” utos niya. Iyong klase pa ng pagkakasabi niya, eh, iyong parang kuya na nag-uutos sa kapatid niya.
Pero dahil tutulungan niya akong sumali sa contest, pagbibigyan ko siya. Mahirap na at baka magbago pa ang isip niya.
“Okay, boss! Galingan mo, ha?” sagot ko pa sa kaniya na may halong biro. Mahina naman itong natawa.
“Are you that desperate to join?” natatawang tanong niya. Lumabi naman ako saka tumango.
“Well, alam mo iyon, gusto kong makilala ako bilang ako, at hindi lang dahil anak ako ng isang Ramvince Contreras. I want to do something out of my own skills and potentials,” seryosong saad ko.
Hindi naman siya agad umimik at sumeryoso rin ang mukha. Pagkatapos ay dahan-dahang tumango. Palagay ko naman ay naiintidihan niya ang ibig kong sabihin.
“Fine. Make us breakfast, then I will do what I can,” taboy niya sa akin. I giggled with the excitement and went straight to the kitchen.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpiprito ng bacon nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa gitna ng mesa. Sinilip ko kung sino ang tumatawag at kumabog ang dibdib ko nang makitang si Axton iyon.
“Ano na naman kaya ang kailangan niya?” nakaismid na tanong ko sa sarili. Huminga ako nang malalim at hindi na lang pinansin ang tawag. Ilang beses pa iyong nag-ring nang nag-ring pero hindi ko pinansin hanggang makatapos ako sa ginagawa.
Lumabas na ako para tawagin si Labhran. Maaliwalas na agad ang mukha nito at nakaligo na rin. Sa haba ng ngiti niya ay mukhang may good news siyang dala. Dala pa nga niya ang cellphone niya.
“Breakfast is ready!” deklara ko. “Maupo ka na.” inilapag ko ang kape na umuusok pa sa harapan niya.
“Okay, I did some digging,” ani Labhran saka ipinatong ang cellphone sa gilid ng pinggan niya. Nagta-type siya nang mabilis habang ako’y nanginginig sa excitement. “May insider akong kaibigan sa PBN. Tinawagan ko agad.”
Napaupo ako sa tabi niya, humigpit ang kapit ko sa mug ng kape ko na muntik ko pang makalimutang hawak ko pala. “So?! Anong sabi?”
“Good news.” Tumigil siya sa pag-type at tumingin sa akin na may makahulugang ngiti. “May option pala sa contest na 'anonymous identity.' Ang tawag nila, ‘The Masked Auditionees.’”
Napa-kunot ang noo ko. “Huh? Bakit may gano’n?”
“Gimik nila iyon. Para mas ma-focus ang judges at audience sa boses ng contestant, hindi sa background, hitsura, o pangalan,” paliwanag niya. “Pwede kang gumamit ng screen name, mask, veil, kahit anong disguise. Hindi required i-reveal agad ang tunay na identity, unless umabot ka sa Grand Finals.”
Napanganga ako. “So pwede akong sumali… nang hindi malalaman ni Daddy at ni Mommy?”
He nodded. “Exactly. And since ikaw na ang nagta-top sa vocal department ng pre-college program mo, I’m 100% sure na makakapasok ka.”
Napangiti ako. Iyon na yata ang pinakamagandang balitang narinig ko sa buong linggo. After ng drama kay Axton, kay Ynah, tapos iyong near-death experience, finally, something for me. Just for me.
“Anong screen name kaya ang gagamitin ko?” bulong ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ni Labhran na may audition mechanics.
“Bahala ka riyan,” sabi ni Labhran. “Pero make it iconic.”
Napatingin ako sa reflection ko sa glass wall ng condo. Hindi ko alam kung ito ba ang mukha ng isang strong, fearless woman. Pero habang pinagmamasdan ko ang sarili ko, unti-unti ay mas nararamdaman ko ang drive na patunayan sa lahat ang sarili ko.
I want this. I’m born for this.
“Labhran?” tinapik ko siya sa balikat. “Tulungan mo ako. Let’s make this happen. Secret mission natin ito.”
He grinned. “Mission accepted.”
At that very moment, I felt like the whole world opened to me again. And maybe… just maybe… this secret would be my loudest voice yet.
Itinuloy namin ang pag-aalmusal habang nagbabatuhan kami ng mga plano na puwede naming gawin. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong maisip na puwede kong gamiting screen name na babagay sa akin.
Pagkatapos niyon ay nagpaalam na si Labhran. Marami pa raw kasi siyang aasikasuhin. At sa kasalukuyan ay third year college pa lang siya sa kurso niyang Political Science.
Pagkaalis na pagkaalis ni Labhran ay halos kasunod lang ang pagbukas ng pintuan ng condo ko. Muntik ko pa ngang mabitawan ang hawak kong juice dahil sa gulat, at sa bigat ng presensya ng taong dumating.
“Axton?” gulat kong tawag sa kaniya.
Pumasok siya nang hindi man lang humingi ng permiso, madilim ang mukha at parang galit. Iyong tipong parang may gustong sapakin o ano.
Naka-black hoodie siya at gray joggers, pero kahit gaano pa kasimple ang suot niya, ramdam ko pa rin ang tindi ng dating niya. Tapos sobrang guwapo pa, kainis lang!
“Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?!” galit niyang tanong, habang direktang nakatitig sa mga mata ko. “Mula pa kahapon ako tumatawag, Vielle!”
Napairap ako at pilit na pinapakalma ang sarili. Oh, wow! At siya pa talaga ang galit?
“Seriously, Axton? Ikaw pa talaga ang may ganang magalit?” lumakad ako papunta sa sofa at humalukipkip. “May girlfriend ka na, right? Si Ynah? So why the hell would I owe you an explanation?”
Natahimik siya sa sinabi ko. Kita ko kung paanong bahagyang lumaki ang mga mata niya, waring naguguluhan, pero mabilis din niyang binalik iyong blangkong expresyon sa mukha niya.
“Paano mo nalaman ang ibang detalye?”
“Hindi importante kung paano ko nalaman,” sagot ko, pinatagilid ang ulo ko. “Ang mas mahalaga, wala kang karapatang mag-demand kung hindi mo rin kayang magsabi ng totoo. I was there when you didn’t deny anything sa Daddy ko. Wala kang sinabing ‘hindi totoo’ o kahit na ano. So don’t act like you’re still entitled to know where I am or who I’m with.”
He clenched his jaw. Nakita ko kung paano siya nilamon ng frustration, pero pinipigil niya. “I didn’t mean to hurt you.”
“Then, why didn’t you stop me from getting hurt?”
Tahimik siya ulit. Parang gusto niyang magsalita pero wala siyang masabi. At ako? I was already tired of waiting for words that never came.
“Kung wala ka rin lang balak sabihin ang totoo,” mahinahon pero matalim kong sabi, “then please, Axton… ‘wag mo na akong guluhin pa.”
At kahit na tumibok pa rin ang puso ko para sa kaniya, lalo na ngayong nasa harap ko siya, mas pinili kong huwag masyadong magpakatanga.
Narinig ko siyang huminga nang malalim at tahimik lang na pinagmamasdan ang mukha ko.
Akmang tatalikuran ko na siya pero pinigilan niya ako. “Vielle… please, wait.”
Tumigil ako, pero hindi ko siya tiningnan. Kahit pa naramdam kong lumapit siya sa likuran ko. Hindi na galit ang boses niya ngayon, kung ‘di may halong pakiusap at… sakit.
“Alam kong ang labo ko,” mahina niyang sabi. “Pero… may mga bagay akong hindi pa puwedeng sabihin sa’yo ngayon. Hindi dahil wala kang karapatang malaman… pero dahil… delikado.”
Napakuyom ako nang mahigpit. I closed my eyes, trying to calm the storm raging inside me.
“Then bakit ka pa nandito, Axton?” bumaling ako sa kaniya, at sa wakas ay hinarap siya. “Bakit ka pa nag-e-effort magpaliwanag kung hindi mo rin naman kayang sabihin ang totoo?”
“Dahil mahalaga ka sa ‘kin,” mabilis niyang sagot. “At hindi ko kayang mawala ka.”
That hit hard, but it didn’t heal anything.
Napangiti ako nang mapait. “Gano’n ba? Pero kung mahalaga talaga ako sa iyo, bakit mo ipinaparamdam na hindi ako enough? Bakit mo ako pinapaniwala sa mga paglalambing mo pero sinasaktan mo rin ako sa katotohanan na may ibang nagmamay-ari sa iyo?”
Tahimik siyang tumingin sa akin. Wala na ang galit, wala na ang tapang. Pero para sa akin, huli na.
“Hindi ako laruan, Axton,” pagpapatuloy ko, nilalabanan ang nanginginig kong tinig. “Hindi ako second option. At lalong hindi ako babae na puwedeng mahalin lang kapag convenient para sa iyo.”
“Hindi kita pinaglalaruan, Vielle…” halos pabulong niyang sagot.
“Pero gano’n ang nararamdaman ko.” Masakit, pero iyon ang totoo. “Hindi mo ako kayang sagutin nang direkta. Hindi mo masabi kung anong meron sa inyo ni Ynah. Hindi mo rin kayang iklaro kung anong meron sa atin.”
Humakbang ako palayo, tuluyang umiwas sa presensya niyang matagal ko nang gustong maramdaman nang buo, pero hindi naman pala kailanman naging akin.
“Kung hindi mo ako kayang pahalagahan nang buong-buo, Axton… ‘wag mo akong paasahin sa wala dahil hindi ko deserve iyon!”
Wala na siyang nasabi. At ako naman ay tuluyan nang umakyat sa silid ko, habang kinikimkim ang piraso ng puso kong muling nabasag, hindi sa salita niya, kung ‘di sa katahimikang pinili niyang ipalit sa lahat ng tanong ko.