Hindi pa man natutuyo ang mga luha ko mula sa confrontation namin ni Axton, bigla na namang bumigat ang dibdib ko nang makatanggap ako ng tawag mula kay Daddy.
“Dad?” tanong ko habang pinipilit kalmahin ang boses kong nanginginig pa.
“Anak, we’re heading to Stan’s house. Lily is missing.”
What?!
Napaupo ako bigla sa gilid ng couch. “Ano pong ibig n’yong sabihin?! Kanina lang ay nagme-message pa kami!”
“That was her last contact. Ayaw namin munang mag-alala ka, pero nang hindi na rin siya sumasagot sa mga tawag ng mga magulang niya, pinuntahan na siya. Wala siya sa condo niya, wala rin sa headquarters ng youth org nila. Naka-lock ang phone niya.”
“Dad…” Napahawak ako sa dibdib ko. “Gusto kong sumama.”
“No, stay there. We’ll update you–”
“No, Dad!” mariin kong sagot. “Ako na lang po ang susunod sa inyo. Please.”
May sandaling katahimikan sa kabilang linya, bago siya bumuntong-hininga.
“Fine. Diretso ka na lang sa mansion nila sa Ayala Alabang. Doon kami pupunta. Don’t drive alone, I will send one of our drivers there.”
“Okay po…”
Pagkababa ko ng tawag, parang gusto ko nang mapasigaw sa labis na pag-aalala. Una si Ayanna, now Lily?
What the hell is happening?
Hindi ko na inintindi pa ang magulong buhok ko, o ang mga luha sa pisngi ko. Agad akong nagpalit ng damit, simpleng white crop top, cargo pants, at leather jacket.
Kinuha ko rin ang pepper spray at taser sa drawer. Pakiramdam ko, kailangan ko nang maging handa sa kahit ano.
Habang nasa elevator ako pababa, tinitingnan ko ang phone ko, umaasang biglang may mag-message mula kay Lily, pero wala.
Paglabas ko ng building, naghintay lang ako saglit at makalipas ang halos labinlimang minuto ay dumating na ang driver.
Agad akong sumakay sa kotse at pinaandar ito. Mabilis pero maingat ang pagmamaneho nito papuntang Ayala Alabang. Habang nasa kalye, naglalaro sa isip ko ang kung anu-anong scenario. Kidnapping? Nagtanan? O baka…
May kinalaman kaya ang pagkawala niya kay Ayanna? Bigla akong kinilabutan sa isipin na iyon.
And then naalala ko ang sinabi noong Delvin Yllandra sa ‘kin noong ini-stalk ko si Axton.
“If you really want to know what’s going on, Vielle, I can help you.”
Napakapit ako saka huminga nang malalim. Could he be involved?
Pagdating ko sa mansyon nina Uncle Stan, may mga sasakyan na sa harap. Nauna na nga sina Daddy.
Pagbaba ko ng kotse, nakita ko agad sina Daddy at Mommy, nakatayo sa tapat ng gate kasama sina Uncle Stan at Tita Raiza. Naroroon din sina Uncle Marcus at Uncle Drake.
“Dad!” tawag ko habang papalapit. “Anong nangyayari? May balita na ba kay Lily?”
“Wala pa, anak,” sagot ni Daddy, hinawakan ang balikat ko. “May CCTV ang village pero mukhang hindi gumana kagabi. Nag-request na kami ng investigation.”
Pagkapasok ko sa loob ng mansyon ni Uncle Stan, agad akong sinalubong ng masidhing tensyon. Ramdam na ramdam ang init ng galit sa bawat sulok ng silid.
Sa gitna ng sala, kitang-kita ko kung paanong namumula siya sa galit habang kausap si Tita Raiza.
“Kumusta? May balita na ba kung sino ang dumukot sa anak natin?” tanong ni Tita Raiza, hawak ang cellphone at halatang namumutla sa kaba.
Tumalim ang mga mata ni Uncle Stan at pareho niyang ikinuyom ang mga kamao. “Sigurado akong ang Charlie na iyon ang dumukot kay Lily. Wala nang ibang gagawa no’n kung hindi siya!” aniya, puno ng poot ang tinig.
Napapikit na lang si Tita Raiza, tila pigil ang inis. “It’s because you triggered him. Bakit ka nagsinungaling tungkol sa pagpapakasal ni Lily sa ibang lalaki. That might be the reason why–”
“Hindi ako nagsisinungaling, Little Fairy… I’d rather arrange a marriage for Lily than let Charlie get her,” putol ni Uncle Stan, malamig at matigas ang tono.
Nanlaki ang mga mata ni Tita Raiza. “Nababaliw ka na ba? At sa palagay mo ba ay papayag ako sa gusto mo? Lalo mo lang sasaktan ang damdamin ni Lily kapag pinakialaman mo ang buhay niya pagdating sa bagay na iyan. Ang mabuti pa ay humanap ka ng paraan para makausap si Charlie at maibalik nang maayos si Lily sa atin, kung siya nga talaga ang kumuha,” mariing sagot nito.
Mahinang nagmura si Uncle Stan at sabay na kinalampag ang mesa sa harap niya. “Whatever might be the reason, mali pa rin si Charlie sa pagdukot na ginawa niya kay Lily. Lalo lang niyang pinatunayan sa akin na hindi siya karapat-dapat sa anak ko. He is not a man at all!”
“Stan, you must calm down. Wala tayong–”
“I can’t calm down, Ram! Babae ang anak ko,” asik ni Uncle Stan kay Daddy. “Kung nangyari ito kay Vielle, anong mararamdaman mo? Kakalma ka kaya?”
Tumiim naman ang mga bagang ni Daddy. Kahit hindi siya magsalita, alam ko ang sagot niya sa tanong ni Uncle Stan.
Niyaya ako ni Tita Raiza na maghanda ng miryenda para sa lahat. Tumango na lamang ako at hinayaan na muna sila.
“Vielle, wala bang nababanggit sa iyo si Lily? Sa totoo lang, natatakot ako sa puwedeng gawin ng Uncle Stan mo,” may pag-aalalang tanong niya.
Bumigat ang dibdib ko, at malungkot akong umiling. “Tita, wala naman po kasi siyang nababanggit na may pupuntahan siya.”
“Tungkol kay Charlie… I know she is telling you about him,” dagdag pa niyang tanong.
Magaan kong kinagat ang dila ko para hindi makapagsalita agad. Nangako ako kay Lily na wala akong pagsasabihan ng kahit ano tungkol sa kanila ni Charlie.
“Sorry po, Tita, wala po siyang nababanggit sa akin. Ang sabi lang po niya ay nagpaparamdam na si Kuya Charlie sa kaniya na gusto siya nito,” pagsisinungaling ko. Pero inamin na sa akin ni Lily na noong araw ng birthday niya ay naging intimate na sila ni Charlie sa sasakyan nito.
“Hay, naku… hindi ako makapaniwalang may ganito kaming pagdaraanan.” Bigla nang naiyak si Tita Raiza. Nataranta naman ako kaya mabilis kong hinagod ang likod niya para aluin siya.
“Huwag po kayong mag-alala, Tita, pupunta po ako kina Uncle Charles at makikibalita kung sakali,” pangako ko. Although hindi ko alam kung paano gagawin iyon.
“Thank you, hija… ayaw kong masira ang pagkakaibigan ng mga pamilya namin dahil lang sa ganitong gusot,” humihikbing saad pa niya. Tumango-tango na lamang ako.
Sa pagkakataong iyon ay dumating na si Mommy sa kinaroroonan namin. Hinayaan ko na lamang silang mag-usap at itinuloy ko na ang paggawa ng sandwich.
Sa kabilang dako, nagpaalam ako kina Mommy at Daddy na may pupuntahan. Pero alam ni Tita Raiza na kina Uncle Charles ang punta ko.
Pagdating ko roon ay nakita ko namang abalang-abala si Uncle Charles sa pagbibigay ng instructions sa mga tauhan niya.
“Albert, tell our men and our contacts in Switzerland to look for every house and places that we can locate them,” utos niya sa kanyang detective.
“Sir, nakausap ko na rin maging ang mga kaibigan ni Sir Marcus… hindi pa raw lumalabas ng bansang ito si Lily. Pero si Charlie ay walang record ng pagpasok at lalo na nang paglabas niya ng Switzerland. Baka hindi naman po siya ang dumukot sa anak ni Sir Stan?” komento ng detective.
Marahas na nagbuga ng hangin si Uncle Charles. “Wala rin tayong siguradong sagot diyan dahil hindi rin namin makontak ang anak ko. Damn it! What the hell is that child of mine thinking?”
“Vielle!”
Napalingon ako nang marinig ang malamyos na boses ni Tita Kristine. Agad akong ngumiti sa kaniya.
“Good afternoon po, Tita!” bati ko agad sa kaniya saka yumakap at nakipag-beso.
“What are you doing here, hija? Come, doon tayo sa sala,” anyaya nito sa akin, saka ako inakay papasok.
Ngumiti at bumati rin ako kay Uncle Charles nang sa wakas ay mabaling ang atensyon nito sa akin.
“How did you know about this, hija?” tanong ni Uncle Charles.
“Tumawag po sa akin si Daddy, Uncle. Nandoon po sila ngayon sa bahay ni Uncle Stan. Nanggaling din po ako roon kanina,” paliwanag ko. Nagkatinginan ang mag-asawa saka bumuntong-hininga.
Ilang sandali pa ay humahangos na dumating si Kuya Christian. “Dad, may problema po,” pagbabalita niya agad na naghahabol pa ng hininga.
“What is it?” mabilis na tanong ni Uncle Charles.
“Pinag-iinitan ni Uncle Stan ang C-Tower ngayon. Mukhang iipitin niya ang mga business ni Charlie kapag hindi pa nailalabas si Lily,” agad na sumbong nito.
Napatayo si Uncle Charles, agad hinablot ang cellphone sa mesa. “f**k! Pinaghirapan ni Charlie ang mga negosyong naipatayo niya. Bakit pati iyon ay kailangang idamay ni Stan? This is absurd!”
Pagka-dial niya, ilang ring lang ay sinagot na ni Uncle Stan. “Hello? Stan, what the f**k are you doing? Why do you have to vent your anger in my son’s businesses?”
Dahil sa lakas ng boses ni Uncle Stan sa kabilang linya ay naririnig namin ang sagot niya.
“I will burn all your son’s assets to the ground if he won’t bring my Lily back!” sagot ni Uncle Stan, halatang nanginginig sa galit.
“Stan, you know how I value our friendship and how important you are to me. You are already a brother to me, but if you do that, I won’t just stand by and watch. I also have a family to protect. Isa pa, wala ka namang ebidensya na ang anak ko ang dumukot kay Lily!” may halong babala na ang tinig ni Uncle Charles.
“I don’t need any evidence to know. Nasisiraan na ng bait ang anak mo, Charles. Hindi niya matanggap na ayaw sa kaniya ng anak ko kaya dinadaan niya sa dahas. I am telling you now, Charles, even if I need to shed blood to have my daughter back, I will absolutely do it!”
“Then you’re leaving me no choice!” mariing sagot ni Uncle Charles, bago ibaba ang tawag.
Natahimik kaming lahat. Kahit ang mga tauhan at katulong sa mansyon ay parang natigilan.
Biglang nakaramdam ako ng takot, hindi lang para kay Lily, kung ‘di para sa buong pamilya nina Uncle Charles at Uncle Stan.
If this turns into a war between my uncles, someone might end up not just missing… but dead.
Pauwi na ako sa condo at sinabihan ko si Mang Lucas na kaya ko nang mag-drive pauwi kaya hinayaan na niya ako. Kaya lang nasa kalagitnaan ako nang mapahiyaw dahil biglang may kotseng humarang sa harapan ko.
Kung hindi ako nakapagpreno agad ay siguradong sumalpok ako roon. Ngayon ay ang tindi ng kabog ng dibdib ko dahil sa nerbyos. Pagkatapos ay nasabayan din iyon ng galit dahil sa kung sino mang driver ng kotseng humarang sa daraanan ko.
Nagpupuyos ako sa galit nang may bumaba sa sasakyan. Wala akong kasamang bodyguards o driver pero hindi ako papayag na hindi mapagsabihan iyang balasubas na driver na iyan na pabigla-biglang –
Ngunit natigilan ako sa pagsugod nang makita kung sino ang bumaba sa sasakyan. Nakasuot ng puting pantalon na nakayakap ng maigi sa mga legs niya. Tapos kulay blue na long-sleeved polo, naka-tuck in kaya kitang-kita iyong leather belt niya.
Nakabukas ang ilang botones ng pang-itaas niya kaya nakalitaw ang matipuno niyang dibdib. Tumaas ang tingin ko sa mukha niya at nakangiti itong nagtanggal ng dark shades niya.
“Axton?” gulat na bulalas ko. Ni hindi ko namalayang lumabas na iyon nang kusa sa bibig ko.
“Did I scare you? I’m sorry…” tila nang-aasar na saad pa niya. Kaya naman biglang nanumbalik sa akin ang init ng ulo ko dahil sa ginawa niya.
“Nasisiraan ka na ba ng bait, Axton?” asik ko sa kaniya at namaywang pa. Nawalan na rin ako ng pakialam kahit may ilan-ilang dumaraan na napapatingin pa sa gawi namin. “Papatayin mo ba ako sa nerbyos, ha?”
“I already said sorry… may nasira ba sa sasakyan mo? Babayaran ko na lang!” sabi pa niya. Hindi naaalis ang ngiti sa mga labi niya kaya napapakurap ako. Ano namang gimik ng lalaking ito?
“Hoy, Axton! Kung ano man ang trip mo sa buhay, huwag mo akong idinadamay, ah? Are you trying to kill me?” tugis ko pa sa kaniya.
Hindi siya sumagot at lumapit sa akin. Dahil matangkad siya ay kinailangan ko pa siyang tingalain.
“I just want to ask you for dinner…” sambit niya. Agad na kumunot ang noo ko kasi hindi ko ma-gets iyong tono niya.
Naningkit ang mga mata ko at bago pa ako makasagot ay biglang may lumapit na tanod sa amin.
“May problema ho ba rito?” tanong nito. Maya-maya lang ay mayroon na ring dumating na enforcer at napansin ko ring may ilan na ring kumukuha ng video. s**t!
“Oh, there’s no problem. Nag-uusap lang kami ng girlfiend ko kung saan kami magdi-dinner,” suwabeng sagot ni Axton at nakangiti pa rin.
“Hoy!” angil ko agad sa kaniya bago lumingon sa enforcer at sa tanod. “Hindi ko po siya boyfriend, mga Sir. Bigla po siyang humarang sa harapan ng kotse ko kaya muntik ko na po siyang mabangga!”
Awang ang mga labi ng dalawang lalaki na tumingin kay Axton. Kumibot naman ang kilay niya at hindi man lang biningyang-pansin iyong dalawa. Sa akin lang siya pirmeng nakatingin.
“Totoo ba iyon, hijo?” tanong ng enforcer sa kaniya.
“That’s not true, Sir. Alam ni’yo naman ang mga babae kapag hindi napagbibigyan, nagsusungit at kung ano-anong pinagsasasabi,” bulalas lang niya.
Napatingin pa ako sa grupo ng mga kolehiyala yata na humagikgik pa nang marinig ang sinabi ni Axton. Iyong iba ay talagang lumapit na at kitang-kita sa mga mata nila ang paghanga kay Axton. Lintek! Ako pa yata ang lalabas na kotrabida rito, ah!
“Ay, ang gwapo no’ng lalaki...” komento pa ng isang kinikilig na babae. Maging iyong mga kasama niya ay parang mamimilipit na yata sa kilig.
“Tingnan mo ‘yong tindig, parang artista!”
“Sayang, taken na pala, pero bagay sila!”
Umikot ang mga mata ko. Parang biglang sumakit ang ulo ko dahil sa kagagawan ng lalaking ito. One woman even winked at Axton while walking past.
“Hi, kuya...” bumungismgis pa iyong babae saka iwinagayway iyong buhok niya. Dumampi pa ang dulo niyon sa braso ni Axton.
Ang gagong Axton, kumaway pa sa mga kababaihan kaya naghiyawan ang mga ito. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin.
“Fans club ko iyon, o. Nagseselos ka ba? halos malukot na ang mukha mo, eh,” pambubuska pa niya sa akin.
“As if,” asik ko naman sa kaniya, saka humalukipkip. Pero iyong talim ng mukha ko sa mga babae ay hindi ko mapigilan.
Bahagyang yumuko si Axton at tinapatan ang mukha ko. Halos maduling tuloy ako sa pagtingin sa kaniya. “Dinner tayo. Hindi na ako papayag ng ‘no’. I blocked traffic for you.”
“I should’ve just run you over,” gigil na bulong ko sa kaniya. Batid kong namumula na rin ako kasi nahihiya ako dahil nag-uusap kami nang ganito sa kalye.
Ngumisi naman siya sa akin na parang tuwang-tuwa pa sa nangyayari. “Pero hindi mo ginawa. That is because you care, Vielle.”
“Buwisit ka talaga!” inis na asik ko sa kaniya.
“You know what? You look hot when blushing…” pagpapatuloy pa niya. Nagtagis ang mga ngipin ko at lalo lang akong naaburido sa kaniya.