Tumahimik ako sandali. Napatingin ako sa labas ng malaking bintana… tanaw ko iyong kalsada, ang trapik, iyong mga billboard. Ang daming tao. “And the disguise?” tanong ko kay Labhran. Ngumiti siya nang konti, iniabot yung cap at mask. “Same as before. Hoodie, plain shirt, no attention. You’ll enter sa side entrance tomorrow, may tao ako na mag-aasikaso. We need to be early.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. “Pero… paano kung malaman ni Axton? What if he calls?” Napatingin siya nang diretso sa akin, seryoso. “Stick to your alibi. You’re doing schoolwork. Don’t overcomplicate it. Vielle, kung gusto mo talaga ito, you must stand firm.” Parang ang bigat-bigat ng mga salita niya. Ang guilt ay nasa dibdib ko pa rin, bumabalot nang mahigpit sa puso ko. Pero sa ilalim ng lahat ng takot a

