Habang naglalakad ako papunta sa changing room, dala ko ‘yong garment bag na may laman ng damit at ibang gamit ko, napansin kong may lalaking naka-black suit na nakatayo sa hallway. Hindi ko siya kilala, pero halata agad sa tindig at sa mahal na relo niya na hindi siya basta-basta. Nakatingin siya nang diretso sa akin, tapos ngumiti nang magtagpo ang aming mga mata. “Miss Ginger?” magalang pero confident niyang sabi habang lumalapit. “Good vening. I hope I’m not interrupting anything important.” Napahinto ako. “Ah, hindi naman po,” sagot ko, medyo nagulat. “Pero paano niyo po ako–?” “Of course, everyone here’s talking about you,” sabi niya sabay abot ng kamay. “I’m Mr. Calvero, talent manager from StarVista Network. I’ve been watching your performances since the auditions. You’ve got

