Paglabas ko ng studio, malamig na iyong simoy ng hangin sa labas pero mainit pa rin ang pakiramdam ko sa loob. Dama ko pa rin iyong bigat ng tawag ni Axton … bawat salitang “I miss you” parang malaking pako na bumabaon sa dibdib ko. Habang naglalakad ako papunta sa parking area, biglang bumukas ang pintuan ng isang pamilyar na SUV. Bumungad si Labhran, nakasuot pa rin ng itim na coat at halatang nagtataka, pero iyong mga mata niya… may halong pag-aalala. “Finally,” sabi niya agad nang lapitan ako. “Vielle, where the hell have you been? You said you’ll be out in ten minutes. It’s been almost an hour.” Hindi ko siya matingnan agad nang diretso. Huminga ako nang malalim at pinunasan iyong pisngi kong basa pa ng luha. “Sorry, Labhran. I just… needed a moment.” Napansin niya iyon. “You crie

