Pumihit si Delvin pabalik sa mesa at binuksan muli ang tablet. Nakatingin siya sa mukha ni Ginger sa screen. Ang mga mata nito ay puno ng emosyon habang kumakanta sa entablado. A faint smile curved on his lips. “You’d be perfect,” bulong niya, bakas ang masamang balak sa malademonyo niyang ngiti. “Fresh, raw, untouched… and defiant.” Ngunit sa likod ng mga salitang iyon, hindi maitatago ang masakim na interes… hindi lang pang-negosyo, kundi personal. Muli siyang umupo at kinuha ang ballpen, saka sinulat ang pangalan ni Ginger sa isang makapal na leather-bound notebook na may markang ‘Candidates.’ Sa tabi ng pangalan, naglagay siya ng maliit na tuldok na ang ibig sabihin ay priority target. Pagkatapos ay tinawagan niyang muli si Mr. Calvaro. “Calvaro, one more thing,” aniya sa mababa p

