Chapter XXXXV Jessica Marie Padilla's POV "Are you crazy? After what they did?" hindi makapaniwalang sabi ni Mommy matapos kong ipaalam sa kanila ang napagpasyahan kong pagtulong o suporta kay Sam para sa therapy niya. Hindi pa naman ngayon iyon dahil nasa hospital pa siya at kailangan pa niyang magpalakas. "'My, hindi naman si Sam iyong nagkalat ng video-" "Bakit, iyon lang ba ang kasalanan niya? Hindi ba't nambabae rin siya, niloko ka niya!" Tiningnan ko si Kuya Luke, nagbabaka sakali na tulungan niya ako. Tumigil siya sa pagnguya at tiningnan lang ako, tila pinag-iisipan din kung kakampihan niya ako this time. Alas cinco na at sinadya ko talagang ngayon ito sabihin para gising na rin si Kuya Luke, ngayon ay kasalukuyan siyang kumakain ng pan na may palamang cheese pimiento na hinan

