Chapter XXXXIX Jessica Marie Padilla's POV "Finally, you're back!" bati sa akin ni Joe pagkakitang-pagkakita biya sa akin. Ngumisi ako. "Siyempre, baka na-miss ako ng mga regular customers ko, e." Nagkibit-balikat siya. "Although, mas maraming babaeng masaya sa accompany ng kapatid mo, na-miss ka pa rin namin," natatawa niyang sinabi. Napasimangot ako. "Kaya ko talaga binawi ang posisyon dahil baka makabuntis nang maaga ang kuya ko." Nagtawanan na lang kami. Kagaya ng salubong sa akin ni Joe ay masaya rin ang mga regular customers ko na na naging kaibigan ko na, iyon nga lang ay may naghahanap pa rin kay Kuya, lalo na 'yong mga bagong customers lang na mukhang naging regular mula nang si Kuya ang nag-manage. I'm so happy to be back. "Our very own, Ms. Owner!" Natawa ako sa tinawag

