Chapter 48 Jessica Marie Padilla's POV Malayo pa lang ako ay tanaw ko na si Sam na tahimik na nakaupo sa wooden bench sa kanilang hardin. Tahimik siyang nakaupo roon, tulala at nag-iisa. Bumuntong-hininga ako bago lumapit sa kaniya. Walang session ngayon si Sam sa doctor niya, pero kailangan ko ng mapagbabalingan ng atensyon ko, kaya naman naisipan ko siyang puntahan. "Hi, Sam." Napatingin siya sa akin. Nagpilit ako ng ngiti kahit tanging pagguhit lang ng labi ang naibigay niya sa akin. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan siya. Noon pa man ay hindi na perpektong boyfriend sa akin si Sam, to the point na ayaw na sa kaniya ng mga kaibigan ko. But I fought for him, kasi sabi ko 'hindi ang kakulangan niya ang magdidikta ng pagmamahal ko sa kaniya. Naniniwala ako na ano mang mga mali niya,

