Chapter XXXXXXVIII Kendall Jane Lopez's POV Pagod na sumandal ako sa baxkrest ng upuan pagkapasok na pagkapasok ko sa backseat ng kotse ko. Hindi ko na tinapos ang Star ball. Kahit kasi gaano ako kagaling pagdating sa socializing ay hindi pa rin effective iyon para sa akin. Paanong hindi e hindi dumalo si Jessica at si Tyler. Itong si Amber naman ay abala kay Jameson. Ayoko namang agawan sila ng moment, dahil kahit buryong-buryo na ako sa party kanina ay masaya pa rin naman akong nakikitang, wow! May date si Amber, at hindi na niya pinansin kahit na ayaw ni Tita. Very good! Kaya ako na lang ang mag a-adjust. "Sa condo ninyo na po tayo, Ma'am?" tanong aking driver. "Opo, Kuya," sagot ko na lang. Isang linggo na kaming hindi nagkakausap ni Jessica, hindi rin ako dumadalaw sa Jesstle ba

